At dahil nahuli ni Rose ang kiliti ni Shaimere ng gabing iyon ay nagsabay silang kumain. Sabay din silang nag-shower at doon napatunayan ni Rose na madaldal din naman pala ang bata. At sinuklian naman iyon ni Rose ng pagka-madaldal din. Hindi na sila nawalan ng kwentuhan kaya lang ay nakakatawa ang kay Rose dahil childhood story niya ang gustong marinig ni Shaimere mula sa kanya.
"Tayong dalawa ang maghihintay sa Daddy natin," pabirong sabi ni Rose sa bata nang bumalik na sila sa labas.
Pumuwesto sila sa may kubo naroon naman sina Mang Teban at Pangking na nagsisiga ng mga tuyong dahon pantaboy daw ng mga lamok.
"Ganito ba lagi na ginagabi si Simon kapag nagpupunta sa taniman lalo na kapag anihan na?" tanong ni Rose kay Pangking.
Habang si Mang Teban ay katabi nito si Shaimere na nanonood sa matandang nagsisiga ng mga dahon.
"Mas ginagabi po Senyorita kung anihan na kaso ngayon bumisita lang siya. Nasiraan po yata sila sa daan kaya ginabi na ibinilin nga si Shai kay Nina. Pero mukhang kayo na yata ang nag-asikaso sa kanya," sagot ni Pangking.
Ngumiti naman si Rose. "Maliit ma bagay saka matured na ang anak niya pansin ko lang."
Si Pangking naman ang napangiti. "Sinanay po kasi ni Senyorito para daw kahit wala siya ay kaya na niya ang kanyang sarili."
"Pero bata pa siya. Kung sabagay maganda naman kung habang bata pa matapang na at matured na mag-isip." Turan naman ni Rose.
Tumango -tango naman ang binata.
"Matanong kita Pangking, ano bang tunay mong pangalan aside sa itinawag ko sa'yo?" tanong bigla ni Rose.
Natawa naman si Pangking sabay kamot sa sarili nitong ulo.
"Franklin po Senyorita palayaw ko po kasi ang Pangking." Tila nahihiyang sagot ng binata.
Napangiti naman si Rose. "Maganda naman pala ang pangalan mo saan nila kinuha ang Pangking?"
"Eh... tagalog daw ng Franklin Senyorita. Hango din daw sa aking pangalan iyang Pangking," tabingi ang ngiti ng binata.
"Sorry ha? Natanong ko lang saka si Dodong anong totoo niyang pangalan?" tanong na naman ni Rose na inalipin na ng curiosity.
"Daniel po Senyorita," ani Pangking.
"Ha? Bakit Dodong kung puwede naman ang Niel ganyan?" Bulalas ng dalaga.
"Ewan ko po sa Nanay niya Senyorita," napapakamot ng tugon ni Pangking.
"Baka gusto mong malaman din ang tunay kong pangalan hija." Biglang sabad ni Mang Teban na nakangiti na din.
Napangiti din naman si Rose. "Ano po Mang Teban?"
"Steven ang pangalan kong totoo," proud namang sagot ni Mang Teban.
"Ang ganda ho ng mga pangalan ninyo. Bakit kaya ganito dito sa probinsiya ano? Pero infairness legendary mga palayaw niyo dito." Matapat na turan ni Rose.
"Some old people here called my Daddy Simon a name Imong." Biglang singit ni Shaimere.
Nagkatinginan sina Rose at Mang Teban maging si Mang Pangking. Maya-maya pa'y nagkatawanan na silang lahat maging si Shaimere. Ayaw namang sabihin ni Rose na minsan ang mga pangalan sa probinsiya ay pagka- bantot baka sabihin nilang masyado siyang maarte. Nag- kwentuhan pa sila saglit at mamaya lamang ay dumating na sina Simon at Dodong sakay ng owner jeep. Mabilis namang tumakbo si Shaimere papunta sa kanyang Daddy sabay mano dito. Maliwanag naman ang buong paligid ng bahay kaya hindi nakakatakot ang tumambay doon sa labas.
"I'm sorry baby nasiraan ang Daddy sa daan. Halika na at bibihisan at pakakainin na kita pagkatapos ay tambay muna tayo dito sa labas bago ka matulog." Agad na sabi ni Simon sa anak nito pagkatapos niyang hagkan sa noo.
"I'm done eating Daddy and bathing. I'm ready to sleep don't worry!" Masiglang sagot ni Shaimere sa Ama nito.
"Really? So, ginusto mo din si Nina na mag- asikaso sa'yo anak?" May ningning sa mga mata ni Simon na tumitig sa mukha ng kanyang anak.
Umiling si Shaimere, kaya napakunot-noo naman si Simon.
"Kung hindi si Nina, si Aling Betta ba o si Aling Tasing?" tanong ulit ni Simon.
Muling umiling si Shaimere kapagkuwan ay dahan-dahan itong lumingon kay Rose na nakangiti. Sinundan naman ni Simon ang mga mata ng anak nitong tumingin sa kasagutan ng kanyang tanong.
"Si... Rose?" Hindi makapaniwalang tanong ni Simon.
Mabilis na tumango si Shaimere sabay ngiti.
"We ate together and bath together. And then she told me a story about her childhood and we came down here to wait you." Paliwanag ng bata.
"She... really did?" hindi pa rin makapaniwala si Simon sabay muling sulyap kay Rose na kausap na nito sina Mang Teban.
Bumuntonghininga si Simon sabay haplos sa ulo ng kanyang anak.
"You behave huh? Okay, wait me here and Daddy will take a shower. I will be right back," sabi ni Simon sa anak nito saka tumayo.
"Okay Daddy!" Sagot ni Shaimere at tumakbo na ito pabalik sa kinaroroonan nina Rose.
Sinundan naman ni Simon ng kanyang tingin ang anak na masiglang bumalik sa kinaroroonan ni Rose. Napapaisip ito kung papaano napaamo ni Rose nang ganoon lamang ang kanyang mailap na anak. Samantalang ang mga matagal ng naroon ay hindi nila ito napaamo anong teknik ang ginawa ng babaeng ito sa kanyang Anak?
Tila naramdaman naman ni Rose na may mga matang nakamasid aa kanya. Paglingon niya ay matiim pala siyang tinitigan ni Simon. Hindi naman alam ni Rose kung ngingitian ba niya o aasarin na naman niya si Simon kagaya ng dati niyang ginagawa. Kalaunan ay mas pinili na lamang ni Rose na ngitian ng kahit pahapyaw lamang si Simon para wala naman siyang masabi.
"Bakit kayo nasiraan?" Narinig ni Rose na tanong ni Mang Teban kat Dodong kaya lumapit siya nang husto sa mga ito.
"Pumutok iyong isang gulong owner tapos sa kalagitnaan pa ng daan aa may pinyahan nangyari. Mas inuna naman niyang bisitahin ang mga pananim bago namin itinulak hanggang sa may highway. Pagkatapos pinahila na lang namin sa sasakyan ni Kapitan nakita kami," saad ng binata.
Tumango-tango naman si Mang Teban. "Kaya pala ginabi na kayo. Nagtataka nga ako kaya pinatawagan kita kay Pangking."
"Mabuti na lang at nadala ko ang selpon ko kay Senyorito kasi naiwan niya sa kanilang kwarto." Tugon ni Dodong.
"Ganoon ba? O, siya mag- shower ka na at nang makakain na din kayo ni Simon. Alam kong pagod na kayong dalawa tiyak maaga iyong matutulog." Kapagkuwan ay sabi ni Mang Teban.
"Sige po Mang Teban. Senyorita maiwan ko na kayo," pagpapaalam naman na ni Dodong sa kanilang lahat.
Tumango naman si Rose saka niya ngitian si Dodong na sa palagay niya ay mabait at masipag na binata. Ganoon din ang impression niya kay Pangking at sa lahat ng mga nasa rancho. Bukod kasi sa bungalow ay may isang bahay pa sa kabilang bakod at alam ni Rose na doon nakatira at natutulog ang iba pa. Ang bungalow house lang ang pinaka- main ng rancho kaya napapaisip si Rose na mamasyal sa kabilang bakod isang araw.
"Salamat sa pag- asikaso kay Shai kaninang wala ako. Mapili kasi siya sa taong gusto niyang aasikasuhin siya." Mula sa likuran ni Rose ay biglang nagsalita si Simon.
Kasalukuyang nasa may veranda si Rose hindi pa kasi siya dinadalaw ng antok. Tanaw at dinig niya ang mga nasa kabilang bakod sa palagay niya ay nag- iinuman ang mga ito.
"Maliit na bagay. Since nahuli ko naman ang kanyang kiliti kaya sinamantala ko na," sagot ni Rose pero hindi siya lumingon kay Simon.
"I really appreciated," sabi naman ni Simon sa seryosong boses.
Humarap naman si Rose kay Simon na nakapantulog na pero bakat pa din ang ka-matsohan nito.
"May bisita ka kanina," wika ni Rose na sa dibdib ni Simon nakatingin.
Napatikhim naman si Simon na tila naasiwa sa paraan kung papaano siya titigan ni Rose.
"I know Aling Tasing told me." Matatag namang tugon ni Simon sabay harap sa kinaroroonan ng mga nasa kabilang bakod at para mawala ang tingin ni Rose sa kanyang dibdib.
Humarap din naman ulit si Rose sa tinitingnan ni Simon pero pilyang nakangiti ang dalaga. Kita niya kung paano iwasan ni Simon ang kanyang mga pilyang titig sa dibdib nito.
"Marami ba sila diyan?" tanong ni Rose pagkatapos ng sandaling katahimikan.
"Oo. Puwede ka namang mamasyal-masyal diyan kung gusto mo basta wear a proper clothes." Sagot ni Simon sabay buntonghininga.
Natawa naman si Rose. "Ipasyal mo naman ako kahit paminsan-minsan lang."
"Darating tayo diyan huwag kang mag- alala," turan naman ni Simon sabay lingon kay Rose.
"May pogi ba at macho diyan?" pilyang tanong ng dalaga.
Simon smirked. " 'Yon ba ang hanap mo dito sa probinsiya?"
Ngumisi naman si Rose sabay sulyap kay Simon na nakatitig sa kanya.
"Hindi. Natanong ko lang naman para worth it ang pamamasyal ko diyan sa kabilang bakod. Huwag kang mag- alala ikaw pa rin ang pinaka- macho sa aking paningin!" Aniya sabay kindat.
Napakurap-kurap naman si Simon at muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa kabilang bakod.
"Bukas ipapasyal kita diyan para makita mo na ang hinahanap mo." Anito.
Tumawa naman si Rose. "Hindi mo sure na macho nga ang hinahanap ko."
"Mahilig ka sa macho wala ba sa Manila?" Bagkus ay tanong ni Simon.
"Marami pero hindi mo sila katulad na malakas ang dating sa akin." Malambing na tugon ni Rose.
"Huwag mo akong idamay pamilyado akong tao." Mariing sabi ni Simon.
Ngumisi naman si Rose.
"I'm willing to be your mistress if you want." Pinapungay pa ni Rose ang kanyang mga mata.
"Stop bluffing. My daughter is enough you're young Rose Velvet wild ka pa. Magbabago pa 'yan kapag mag- matured ka na," bagkus ay sabi ni Simon.
"Anong young ka diyan? I'm twenty three years old by the way," giit kg dalaga.
"And I'm thirty two years old Rose Velvet." Seryosong tugon ni Simon.
"Age doesn't matter Simon," sabi pa din ni Rose.
Napakurap-kurap naman si Simon sabay tingin sa ibang direksyon.
"It's getting late time to sleep. Thank you again for accompanying my precious daughter!" Wika nito at iniwan na nito si Rose Velvet.
Napasimangot naman si Rose Velvet pero napangiti din naman kinalaunan habang sinusundan niya nang tingin ang palalayong si Simon.
"Magiging akin ka din Daddy Simon," sabi niya sabay flying kiss.
Kinalaunan din naman ay umakyat na din si Rose sa kanyang kwarto upang mahiga na din. Medyo excited siya sa sinabi ni Simon na ipapasyal siya nito sa kabilang bakod bukas.