C-10: Bardagulang Rose Vs. Thalia

1630 Words
Medyo late gumising si Rose ng araw na iyon medyo masama ang kanyang pakiramdam. Bigla na lang siyang nakadama ng tila lalagnatin ng mag-uumaga na. Kaya natulog siya ulit pero hindi muna siya uminom ng gamot. Ganoon naman siya ever since hanggat kaya pa ng kanyang katawan ay hindi siya iinom ng ano mang gamot. "Late kang gumising ngayon Rose at mukhang may dinaramdam ka." Wika ni Aling Tasing sa dalaga nang makababa na ito at nagpunta ng kusina. "Oo nga po eh!" Parang ngongong sagot ng dalaga sabay timpla ng kape nito. Napansin ni Rose na may sinangag, dilis tinolang native na manok at inihaw na talong saka okra. Na ang sawsawan ay bagoong na may pinigang kalamansi. "Hindi pa po kayo nag-aagahan?" napatanong si Rose kay Aling Tasing. "Tapos na kami hija. Kayo na lang nina Simon at Teban ang hindi pa. Kung gusto mo ng kumain umupo ka na diyan sasandukan kita." Sagot naman ni Aling Tasing. "Ganoon po ba? Huwag na po ako na lang kaya ko pa naman po iinom ako ng gamot pagkatapos kong kumain." Tanggi agad ng dalaga. "Siya sige maiwan na kita uminom ka ng gamot ang pula na ng mukha mo." Sabi naman ni Aling Tasing sabay tapik sa balikat ni Rose. Tumango naman si Rose at nagpasalamat ito kay Aling Tasing. Muli niyang dinama ang kanyang leeg mainit nga talaga siya pati hininga niya kakaiba ang init. Bihira lang siyang magkalagnat noon pa man kaya napaisip siya kung bakit may lagnat siya sa umagang iyon. Pagkatapos ay naisip niya sa Manila baka palagi na siyang iniisip at hinahanap o kaya baka palagi na nilang binibigkas ang kanyang pangalan that's why may fever siya. Although hindi naman malala sa kanyang pakiramdam subalit ramdam niyang mabigat ang kanyang katawan sa umagang iyon. Mabuti na lamang at isa siya sa mga nabiyayaan na kahit may sakit magana pa din siyang kumain. "Youre medicine," anang ng isang boses sabay lapag ng gamot sa harapan niya. Pagtingala ni Rose at si Simon pala iyon at mukhang sinabi ni Aling Tasing na may lagnat siya. "Salamat. Pero mas maganda sana kung yakapsol at kisspirin ang ibigay mo sa akin," nakangiting sagot ni Rose. Napabuga naman nang hangin si Simon na nakatingin pa rin kay Rose. "May sakit ka na at lahat pinapairal mo pa rin ang pagka- pilya mo." Anito hindi alam ni Rose kung nanenermon ba o nagagalit si Simon. Natawa naman si Rose sabay bukas sa naturang gamot at isinubo niya iyon saka uminom ng tubig. Pero ang mga mata nito ay kay Simon pa rin nakaugnay kaya ang huli na lamang ang umiwas. "Papaano ka mamasyal sa kabilang bakod niyan may sakit ka naman." Wika ni Simon na tumalikod at kumuha ng tubig. Base sa pagtitig ni Rose ay galing sa likod bahay si Simon dahil pawisan na naman ito. Napangisi si Rose dahil ito pa lamang ang nakita niyang lalaking pawisan pero ang sarap pa ring amuyin. Napatanong tuloy si Rose sa kanyang isipan kung ano bang naisip ng asawa ni Simon at nagkalabuan silang dalawa? Dahil kung siya ang asawa ni Simon hinding-hindi niya bibitawan ang lalaki kahit ano man ang mangyari. "Baka matunaw na ako niyan," untag ni Simon kay Rose na naglakbay na ang kaisipan nito. Napakurap-kurap naman si Rose sabay tawa at mas nilagkitan pa niya ang kanyang titig kay Simon. "Kapag ako ang tumitig sa'yo hindi ka matutunaw Daddy! Iinit ka lang naman hindi matutunaw," pilyang tugon nito. "Don't call me Daddy. Sorry pero hindi ako pumapatol sa bata," bruskong sagot ni Simon. "At kanino ka pumapatol sa matanda? Wow ha? Mga datingan pala nina Aling Tasing at Aling Berta ang type mo alam mo kakaiba ka!" Bungisngis ni Rose. "Don't laugh, I'm serious! Iba ang pagkakaintindi mo sa sinabi ko." Sita naman ni Simon. "Sino ba kasing nagsabi na nagbibiruan tayong dalawa? What if subukan natin? Malay mo mag- work...maging tayo din sa huli!" Giit naman ni Rose na mas tinitigan pa niya si Simon. Napakurap-kurap si Simon at iniwasan nito ang mga malalagkit na tingin sa kanya ni Rose. "Hintayin mo ang buko juice mo dito ihahatid ni Pangking mamaya. Mag- rest ka muna," bagkus ay sabi ni Simon at iniwan na niya si Rose. Napasimangot naman si Rose lagi na lang siyang bininitin na kausapin ni Simon. Lagi din itong umiiwas kahit na kita naman niya kung papaano mag- blush ang lokong lalaki. Pero pilya na namang ngumiti si Rose sisipagan pa niyang akitin at buskain si Simon papasaan ba't bibigay din ito sa kanya bandang huli. "Simon!" Magiliw na salubong ni Thalia kay Simon nang makita nitong lumabas ang lalaki mula sa loob. Kadarating lamang nito at talagang sinadya niya si Simon dahil may mahalaga itong sasabihin. "Thalia?" kunot noong bulalas ni Simon at nilapitan niya ang dalaga. Kay tamis naman nang ngiti ni Thalia sabay hawi ng kanyang buhok sa may bandang tainga niya. "Nagpunta ako dito kahapon dinalhan kita ng suman natikman mo ba?" Mahinhing wika ng dalaga. "Ah..yes! Thank you for your generosity, I appreciate it." Sagot naman ni Simon. Kilig to the bones naman si Thalia at may pa-wiggle wiggle pa siya sa kanyang katawan habang nakangiting nakatitig kay Simon. "Pasok ka," yaya ni Simon. "Hindi na. Sandali lang naman ako, iimbitahan sana kita sa birthday ng Daddy sa susunod na Sabado." Tanggi naman ni Thalia sabay abot sa invitation card kay Simon. Napatitig naman si Simon sa invitation card na iniaabot sa kanya ni Thalia. Anak si Thalia ng kapitan sa barangay na iyon at Apo ito ng Mayor sa bayang iyon. "Ahm...I can't promise na makakapunta ako. Alam mo na walang magbabantay kay Shai," bantulot na sabi ni Simon ngunit tinanggap pa din niya ang invitation card na galing kay Thalia. "You can bring her. Sabi ko kay Daddy kailangan may pang- kids din na event para hindi sila ma- out of place there!" Giit ni Thalia. Siya namang paglabas ni Rose natanaw niya kasi ang dalawa kanina sa may sala. Kaya umiral ang pagka- pilya ng dalaga at nilapitan niya ang dalawa. "Simon...sino siya?" Agad na nawala ang matamis na ngiti mula sa labi ni Thalia at pairap niyang tiningnan ang papalapit na si Rose. Nilingon naman ni Simon si Rose na papalapit sa kanilang dalawa ni Thalia. "Si Rose, pamangkin siya ng asawa ni Tito Gael." Sagot ni Simon at muli na nitong ibinalik ang kanyang tingin kay Thalia. "Hi! Bakit hindi kayo pumasok?" Sabi agad ni Rose nang makalapit siya kina Simon at Thalia. "Ahm.. Simon sige aalis na ako aasahan kita ah!" Bagkus ay sabi ni Thalia kay Simon na bahagya pang kumapit sa braso nito. Napataas naman nang kilay si Rose. "Daddy Simon, sino siya?" tanong pa ni Rose kay Simon kahit halatado namang inisnab siya ng babae. Awtomatikong napatingin si Thalia kay Rose sa hindi maipintang mukha nito. Tatawa sana si Rose dahil agad niyang nasungkit ang inis ni Thalia subalit pinigilan niya lang. Napatikhim naman Simon at pinandilatan niya si Rose subalit hindi natinag ang dalaga. "Daddy?" sabi pa ni Rose na hinihintay ang kasagutan ni Simon. "Si... Thalia! Anak ng kapitan dito sa barangay natin," napilitang pagpapakilala ni Simon. "At Apo ako ng Mayor dito sa bayan na ito," dagdag pa ni Thalia na nakataas noo. "Oh... Sorry! Akala ko ay isa ka sa mga naglalako ng kakanin dito," pang- aasar naman ni Rose saka nito tiningnan si Thalia mula ulo hanggang paa. Kita ni Rose ang ngitngit na gumuhit sa mukha ni Thalia dahil sa kanyang sinabi. "You're rude! Kung hindi dahil kay Simon papatulan sana kita but never mind!" Mataray na tugon ni Thalia. Mapaklang tumawa si Rose kunwari ay wala siyang alam sa ibig sa sabihin ni Thalia. "Paano ako naging rude? Humingi pa ako ng sorry nasaan ang rude doon?" Pagmaang-maangan naman ni Rose. Magsasalita pa sana si Thalia nang umawat na si Simon. "It's just a misunderstanding. Let it go... both of you!" Ani Simon. "Thalia, thank you for passing by here." Sabi pa nito na tumingin sa dalaga. Kapagkuwan ay kay Rose naman tumingin si Simon. "Rest now para okay ka na mamaya." "Okay Daddy thank you!" Malambing na sagot ni Rose at tumalikod na ito. "Rose-" "Yes Daddy?" Sabik na wika ni Rose sabay lingon kay Simon. Napakurap-kurap naman si Simon na mukhang nagpipigil na pagalitan nito si Rose. "Wala! Just go!" Sabi na lamang ni Simon sabay buga nang hangin. "Simon-" boses ni Thalia na mukhang nagtatampo. "Ha?!" Baling ni Simon kay Thalia na kay haba na ng nguso nito. "Bakit Daddy Simon ang tawag niya sa'yo?" hindi maipinta ang mukha ni Thalia. Napalunok naman si Simon wala itong maapuhap sagot sa katanungan ni Thalia. "Kayo na ba?" tanong pa ni Thalia. Napaubo naman si Simon. "No! I mean, don't mindi her she's just joking around." Sukat doon sa narinig ni Thalia mula kay Simon ay agad na bumalik ang matamis na ngiti nito. "Ganoon ba? Paano? Aasahan kong darating kayo ni Shai ha?" Masaya na ulit ang awra ni Thalia. "Ahm...can I bring Rose para may kasama si Shai?" Wala sa sariling sagot ni Simon. Muling napasimangot si Thalia. "Please?" Pakiusap pa ni Simon. Unti- unting tumango si Thalia. "Sige!" "Thank you. Ingat ka sa pag- uwi," turan naman ni Simon. "Oo naman! Para sa'yo mag- iingat ako!" Masiglang tugon ni Thalia sabay kaway pa kay Simon bago ito muling bumalik sa sasakyang naghihintay dito. Napilitan na lamang ngumiti si Simon at napangiwi pa nga ito na napapalatak nang wala na si Thalia. Saka niya nasulyapan ang bahay kung saan naroon si Rose na pasaway. Pakiramdam ni Simon ay nadagdagan na naman ang siyang magpapasakit sa kanyang ulo. Subalit alin nga ba kina Thalia at Rose ang mas bet niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD