Masasabi ni Rose na mukhang magi-enjoy siya sa pananatili niya doon sa probinsiya. Ang sarap lang sa feeling niya na nabubuska niya ang isang katulad ni Thalia na feeling entitled. Natatawa siya na napapailing -ilinh akala yata ng babae mas mataray ito kaysa sa kanya. Hindi alam ng Thalia na 'yon na ipinanganak siyang maldita since day one niya dito sa mundong ibabaw. At dahil satisfied ang pakiramdam ni Rose ay nakatulog naman siya kahit papaano.
"Mukhang sineseryoso ka na yata ni Thalia, Simon." Sabi ni Aling Tasing ng makita nito ang invitation card na inilapag ni Simon sa mesa doon sa may sala.
Napabuntong-hininga naman si Simon at napasulyap ito sa nasabing invitation card.
"Ayoko nga ho sanang pumunta marami akong gagawin sa araw na iyan. Paniguradong pagod ako niyan," pag- amin ni Simon.
"Bakit hindi mo sinabi agad sa kanya para hindi naman siya aasa na darating ka." Tugon ni Aling Tasing.
"Bahala na ho, basta ang akin lang masimulan na ang anihan." Kibit-balikat na sabi ni Simon.
Napatitig naman si Aling Tasing kay Simon na nakadama ng awa dito.
"Nakailang tawag na si Maricar, Simon kagaya ng sinabi mo hindi namin sinasagot." Kapagkuwan ay wika ni Aling Tasing.
Nagtagis ang mga bagang ni Simon pagkarinig sa pangalan ng kanyanf asawa. Asawa niya pa rin ito dahil hindi pa naman approved ang kanilang annulment.
"Marami na din siyang sulat na nasa may mail box lang. Ni isa wala kang binuksan," dagdag pang sabi ni Aling Tasing.
Simon gritted his teeth naging mabangis ang kanyang mukha.
"May kakapalan din ang kanyang pagmumukha pagkatapos ng lahat." Nagngangalaiting wika ni Simon.
"Siya pa rin ang Ina ni Shai alalahanin mo sana. Kailangan din siya ng bata," sabi naman ni Aling Tasing.
Naningkit naman ang mga mata ni Simon dahil sa nararamdaman nitong galit.
"Hinding-hindi niya makukuha sa akin si Shai kahit saan kami makarating Aling Tasing." Anito.
Bumuntonghininga naman si Aling Tasing sabay tapik sa balikat ni Simon.
"Sana ay matapos na ito lahat," sabi ng Ginang at iniwan na muna niya si Simon.
Nagtungo naman si Simon sa wine cellar at napainom ito nang wala sa oras. Hindi niya maiwasang alalahanin ang lahat-lahat noong mag- asawa na sila ni Maricar. They are both happy and contented hanggang dumating si Shaimere sa kanilang buhay. Pero hindi nakisama sa kanila ang tadhana. Ipinanganak si Shaimere na sakitin buwan-buwan itong nasa hospital. Hanggang sa kailangan itong operehan sa murang edad at kapos sila sa pera. Nagsisimula pa lamang siya sa kanyang small business dahil mas pinili niya si Maricar over her family and mana. Ipinaglaban niya sa lahat si Maricar subalit ito din ang siyang nagwasak sa binuo niyang pamilya.
Nakailang lagok si Simon sa alak na nasa kanyang harapan. Nakakuyom ang isa niyang kamao habang unti- unting kinakain ng poot ang kanyang isipan. Lalong- lalo nang maalala nitong pumayag si Maricar na hiwalayan siya kapalit ang mataas nitong posisyon sa kumpanya ng Daddy nito. Sabi pa ni Maricar ay panandalian lamang at sasakay lang sila sa nais ng kanyang byenan. Siya naman itong tanga at pumayag naman siya sa mga plano ni Maricar at mapapa-operahan din nila si Shaimere sa lalong madaling panahon. Not until unti- unti siyang sinampal ng katotohanang silang mag- ama na ang nakikiamot sa oras at pagmamahal ni Maricar. Sila na original sa buhay nito, na legal bumiltad ang mundo. Kaya masakit man sa kanya ay gumawa na siya ng isang hakbang para hindi sila mas magiging kawawang mag- ama.
"Malalim yata ang iniisip mo, Daddy Simon." Boses ni Rose ang siyang nagbalik sa kasalukuyan ang isipang lutang ni Simon.
Napakurap-kurap si Simon nang makita niyang nakatayo sa kanyang harapan si Rose. Bagong ligo nakadamit ng manipis na bestidang pantulog. Napagmasdan ni Simon ang buong katawan ng dalaga na bumabakat sa suot nitong bestidang puti. Ang malulusog nitong mga dibdib at ang nakaka-engganyong mga matang nangungusap. Labi nitong parang parating nag- aanyayang halikan niya sa ano mang oras.
"Gusto ko ang mga titig mo sa akin Daddy Simon. Finally, pinagnanasaan mo na din ang maganda kong katawan!" Natatawang turan ni Rose sabay agaw sa kopitang hawak ni Simon at kanyang itinungga iyon.
Napaubo naman si Simon pero aaminin niya mala-anghel talaga ang ganda ni Rose Velvet. Too bad hindi siya ang lalaking karapat-dapat sa dalaga she deserves someone better kung totoo ngang may gusto ito sa kanya.
"Ang tapang naman ng alak mo," napangiwi si Rose nang malasahan niya nang todo ang alak na ininom niya.
Natawa naman si Simon at agad pinutol ang mga nasa kanyang isipan about Rose Velvet.
"Umiinom ka pero hindi mo nahulaan kung ano ang iniinom ko." Pambubuska naman ni Simon.
Ngumiti si Rose saka ito umupo sa harapan ni Simon at pinakatitigan niya ang huli sa mukha nito.
"Hindi kasi ako interesado sa alak na iniinom ko Daddy. Mas interesado ako sa'yo," pilyang sagot ni Rose.
Napangisi naman si Simon at sinalubong niya ang mga malalagkit na titig sa kanya ni Rose.
"Alam mo bata ka pa hindi ka bagay sa katulad kong malayo ang edad sa'yo. I have a wife and child don't ruin your future to me." Aniya.
Napahagikhik naman si Rose at muling uminom ng alak.
"Bakit hindi natin subukan? I don't care about your age at saka... where's your Wife? Bakit ka niya hinahayaang palaging mag- isa specially sa mga gabing malamig?" Sabi naman ni Rose.
Napalunok si Simon at uminom din ulit ng alak. Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ni Rose Velvet na mabilis pumikit. Siguro dahil sa pag- aakala nitong hahalikan na siya sa wakas ni Simon. Pumagkit pa ang matamis na ngiti sa labi nito at matutupad na ang kanyang inaasam-asam na si Simon.
"Aray!" Bulalas ni Rose Velvet nang maramdaman niyang pinitik ni Simon ang tungki ng kanyang ilong.
"Time to sleep Miss Lagdameo. Ar hindi magandang tingnan sa isang babae ang maging lasenggera!" Wika ni Simon sabay tayo at iniwan na niya ang dalaga.
Napadabog naman si Rose Velvet at napasimangot.
"Pakipot! Matutukso din kita Simon pangako ko 'yan!" Gigil na sabi ni Rose at inis na din siyang tumayo palabas ng wine cellar.
Mission failed na naman si Rose Velvet subalit hindi pa rin siya susuko dahil marami pang araw na darating para sa kanyang chance kay Simon.