At dahil masyadong matapang ang alak na ininom ni Rose mula kay Simon ay maaga siyang inigupo ng tulog. Actually ay hindi naman niya balak na inisin si at biruin si Simon sasabayan niya lang sana itong uminom. Kaya lang iba talaga ang nagagawa ng dila kapag ang kaharap mo ay ang taong gusto mong mapansin ka. Sayang-saya nga si Rose sa totoo lang dahil kita niyang humanga si Simon sa kanyang katawan nang titigan siya nito.
Kinabukasan. Tinatamad na bumangon si Rose pero naulinagan niyanh tila may kumakatok nang mahina sa pinto ng kanyang kwarto. Baka pinakiramdaman niya kung may kumakatok nga kaya tumitig siya may pinto. Napabangon tuloy si Rose nang wala sa oras at tinungo niya ang pinto upang buksan iyon. At malaman kung sino ba ang kumakatok na para bang wala siyang mga buto dahil sa hina.
"Shai?!" Bulalas ni Rose nang mabuksan niya ang pinto at makita niya ang bata na nakatayo doon.
"Did you knock?" tanong pa ni Rose.
Kiming tumango si Shai na tumingala kay Rose.
"Come in," yaya pa ni Rose sa bata.
"Sorry nagising ba kita? I just want to say Daddy want you to come in town with us." Sagot ng bata.
Napaawang naman ang labi ni Rose na hindi makapaniwala sa sinabi ni Shaimere sa kanya.
"Did he really said that to you?" Tanong pa ni Rose.
"Yes. Because we will going to a party," masayang tugon ng bata.
"A party?" Balik tanong ni Rose.
"Yes. Hurry! We will wait for you," aligagang wika ng bata at nagpaalam na ito kay Rose.
Rose stunned for a minute. Kapagkuwan ay muli niyang isinarado ang pinto at wala sa sariling nagligpit ng kanyang higaan. Naligo agad at nagbihis diretso ayos sa kanyang sarili. Pinakatitigan pa niya ang kanyang sariling repleksyon sa salamin bago siya tuluyang bumaba. Iyon na ang pinakamabilis niyang pag- aayos sa buong buhay niya at hindi pa tiyak if totoo ngang may lakad sila.
"Do you want eat breakfast first before leaving? We can wait," sa may sofa ay nakaupo doon si Simon na nakabihis.
Nahigit naman ni Rose ang kanyang hininga dahil napaka- attractive na pormahan ni Simon sa umagang iyon. Kaya sino ba naman ang hindi gaganahan at magiging maganda ang mood kung ganoon agad ang bubungad sa kanya. Kaya lang ay medyo hindi niya type ang ideyang may pupuntahan pala sila ng hindi niya agad nalalaman.
"May pupuntahan pala tayo bakit naman in a rush? Dapat ipinaalam mo sa akin kaagad pasalamat ka at you're so guwapo today." Sagot ni Rose sabay kindat kay Simon.
Simon cleared his throat habang natatawa naman si Aling Tasing na nasa may isang tabi.
"You can have your breakfast magpapaliwanag ako later." Bagkus ay sabi ni Simon na hindi tumitingin kay Rose.
"Okay Daddy Simon!" Masiglang turan ni Rose.
"Rose -"
"Yes?!" Agad na humarap ulit si Rose kay Simon.
"Please stop calling me Daddy. It's annoying," seryosong tugon ni Simon.
"Sige. I will call you Papa na lang!" Pilyang tugon ni Rose.
"Rose!" Diin pa ni Simon.
"Yes, Papa?" Malawak ang ngiting sabi ni Rose.
Napabuga nang hangin si Simon at tumayo na ito saka walang lingon-lingon na umalis sa sala. Pinigilan naman ni Rose ang matawa habang napapailing na lamang si Aling Tasing pero nakangiti naman. Kibit-balikat si Rose na nagpunta sa may dining table at kumain lang siya ng kaunti. Ganoon ang gawain niya kapag may pinupuntahan siya kaunti lang ang kanyang kinakain. Hindi bale ng kakain na lang siya doon sa kanyang pupuntahan ayaw niya kasing maging heavy ang kanyang tiyan while traveling.
"Anong pumasok sa isipan mo at isinama mo ako sa lakad niyo ngayon ni Shai?" tanong ni Rose lay Simon nang lulan na sila ng kotse.
Ang buong akala ni Rose ay sa owner jeep sila sasakay hanggang sa bayan.
"Naisip ko mas maganda kang pumili ng isusuot ni Shai sa party kumpara sa akin. I just want my daughter to be presentable to that party ayoko siyang ma-out of sight." Simpleng sagot ni Simon.
Napatango-tango naman si Rose gets na niya ang ipinupunto ni Simon. Kaya nilingon niya si Shai na yakap-yakap ang Teddy Bear nito habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang masaya ang bata sa kanilang paglabas dahil nakangiti ito at tila curious sa lajat ng nakikita nitong nadadaanan nila.
"Palagi mo ba siyang ipinapasyal sa bayan?" biglang tanong ni Rose kay Simon.
"Nope. Depende sa schedule ko kapag hindi masyadong busy oo palagi kaming namamasyal!" Tugon ni Simon na sa daan ang tingin nito ito kasi ang nagmamaneho.
Sa harapan din umupo si Rose habang sina Shai at Dodong sa may likuran. Nakasuot si Rose ng mint green bestida na may konting slit sa right leg niya. Nakalugay lang ang kanyang buhok at walang masyadong accessories sa kanyang katawan. Hindi na niya naalala pang magsuot ng kung ano-anong anik-anik sa kanyang katawan dahil sa kanyang pagmamadali kanina. Light lang din ang kanyang make up sa araw na iyon katwiran niya ay hindi sila pupunta sa party saka wala namang nakakakilala sa kanya doon kaya okay lang na medyo simplihan niya ang kanyang mga outfit.
"Maganda naman pala ang bayan na ito konting push pa at para na din siyang city." Puri ni Rose sa bayan ng Magbanwa nang makarating na sila doon.
"Maganda ang pamamalakad ng kanilang Alkalde kaya ito tumagal sa kanyang puwesto ng ilang taon. Nagsasalitan lang daw sila ng panganay nitong anak ayon sa kwento ng mga mamamayan dito." Saad naman ni Simon.
Napatango-tango naman si Rose na-impressed talaga siya sa ganda ng bayan na iyon. Hindi mo sukat aakalaing ganoon ang hitsura ng bayan sa isang probinsiya asensado. At panigurado ni Rose na iilan na lamang ang ignorante sa karangyaan ng bayan na iyon lahat na siguro ay nakasunod na sa progreso ng bayan nakakatuwa.
Mabilis silang nagpunta sa Sm Mall para mamili ng dress na susuotin ni Shaimere. Basic lang naman kay Rose ang mamili at siyempre kailangang pasok sa panlasa ng bata hindi lang sila ang pipili ng basta-basta.
Ang napili ni Rose na gown ni Shai isang fuschia pink na may mga beads at bulaklak. Simple pero alam niyang maganda ang mga beads lalo na sa gabi sakto sa maputing kutis ng bata. At masaya naman si Rose dahil approved naman sa panlasa ni Shai ang kanyang napili at siya na din ang mag- aayos dito bago pumunta ng party.
"You can buy yours, it's my treat!" Sabi ni Simon kay Rose nang makalabas na sila sa stall kung saan sila bumili ng damit ni Shai.
Gulat naman si Rose at medyo tabingi ang kanyang ngiting napatingin kay Simon.
"Are you sure? Why? Hindi naman ako pupunta sa party and mind you I even not invited." Aniya.
"Nasabi ko na kay Thalia na isasama kita kahit papaano ay may kasama si Shai doon." Paliwanag naman ni Simon sa dalaga.
Tumaas naman ang kilay ni Rose at ikiniling niya ang kanyang ulo.
"So, gagawin mo akong Yaya doon?" Tanong niya.
Simon chuckled. "That's not what I mean,"
"Well, iyon naman talaga ang first impression doon sa kahit kanino mo itanong." Giit ng dalaga.
"Sorry kung namis-interpret mo ang ibig kong sabihin," wika naman ni Simon.
"Wait...akala ko ba hindi kayo pupunta?" biglang naalala ni Rose ang sinabi ni Simon noong una na hindi sila pupunta ni Shai sa nasabing party.
"Well noong una yes. Pero since nakakahiya naman kay Kapitan at malaki ang utang na loob ko sa kanya naisip ko why not to attend? Kahit ilang oras lang then balik bahay na kami or tayo if you come." Saad ni Simon.
Napangisi naman si Rose at napahalukipkip.
"Ang presko mo sa part na sure akong pupunta with you doon. Well, since desidido ka naman na bitbitin ako doon sige tara mamili tayo ng susuotin ko!" Aniya at nauna ng naglakad si Rose.
Napabuga naman nang hangin si Simon sabay hawak kay Shai at sumunod na sila kay Rose.
"Lakas talaga ng topak ng mga babae 'no Senyorito?" Sabi naman ni Dodong kay Simon.
"Shut up," pandidilat naman ni Simon kay Dodong na agad din namang tumahimik.
Iisa lang silang umupo sa napiling stall na pagbibilhan ni Rose ng kanyang damit. Bale tatlo ang pagpipilian ni Rose at agad niyang isinuot sa fitting room ang isa saka lumabas para makita ni Simon.
"Mura ang isang ito around five thousand ang presyo bet mo?" tanong ni Rose kay Simon nang makalabas na ito mula sa fitting room.
Isa iyong kulay blue dress, V-shape ang harapan at likod at may slit sa magkabilang side ng gown. Agad namang napatili si Simon nang makita niya ang suot ni Rose para sa kanya masyado iyong daring.
"Too daring," wika ni Simon sabay iling.
Habang sina Dodong at Shai at tumango taliwas sa reaksyon ni Simon.
"Approved naman kina Dodong at Shai bakit ikaw hindi?" sagot ni Rose.
"Hindi sila ang bibili, next!" Turan ni Simon.
Umingos si Rose at bumalik ito sa fitting room. Sinuot niya ang kulay purple na fitted gown, off shoulder at open sa likod nito. Muling lumabas si Rose upang makita iyon ni Simon at umikot pa nga siya para makita ang kabuuan ng fitted gown.
"No. Masyadong fit at baka lamigin ka dahil walang tela ang likuran niya kasalanan ko pa kapag nagkasakit ka ulit." Mahabang litanya ni Simon kahit kita namang napanganga ito kaninang paglabas ni Rose.
"My God! Too choosy," reklamo ni Rose.
"Hindi ikaw ang may party kaya medyo simplihan natin," Sabi naman ni Simon.
Bumuga nang hangin si Rose at muli itong bumalik sa fitting room. Kulay puti ang last na damit lagpas tuhod, isang casual wear na off shoulder may konting slit sa right at tanging mga beads ang accessories ng damit.
"That's it a formal casual dress! I like that one, magkano yan?" mabilis na sabi ni Simon nang makita nito si Rose na suot iyon.
Napasimangot naman si Rose pero lihim naman siyang humanga kay Simon dahil may taste din ito sa damit kung sa formal attire lang.
"Mahigit four thousand," maikling sagot ni Rose at muli na siyang nagbihis para maibalik na ang kanyang dating damit.
Nilingon naman ni Simon ang saleslady at sinabi nitong iyon ang kukunin niyang damit. Agad namang tumalima ang saleslady at kinuha ang damit saka inilagay sa paper bag pati na ang presyo nito.
"Kailangan may magme-make up sa inyo ni Shai," sabi ni Simon nang makalabas na sila sa nasabing stall.
"No need kaya ko na 'yon,"mabilis na sagot ni Rose.
Napakurap-kurap naman si Simon nakalimutan niya palang laking siyudad si Rose kaya tiyak na alam talaga nitong mag- ayos ng kanyang sarili.
"Okay. We will going home," sabi naman na ni Simon at tinungo na nila ang parking lot.
Ngunit muling pumihit paharap si Simon nang tila may maalala ito.
"Why?" Nagtatakang tanong ni Rose.
"Meryenda muna tayo at mag- grocery na din para sa bahay kamuntikan ko ng makalimutan." Sagot ni Simon at nauna na naman itong naglakad.
Natatawa na lamang na napapailing si Rose dahil mukhang tense na tense si Simon na hindi naman niya alam kung ano ba ang dahilan. Marahil ay gutom na nga ito kaya medyo nawawala na ito sa kanyang sariling konsentrasyon.