C-13: Instant Dad and Mom?

2498 Words
Ito ang gabing dadalo sina Rose ng party ng kapitan sa barangay na iyon. Hindi man masyadong bongga ang dress ni Rose ay sinigurado niyang bumawi siya sa kanyang make up. Tinernuhan niya ang kanyang casual dress ng isang high heeled glass close sandal. Hinayaan lamang niyang nakalugay ang kanyang magandang buhok at nagpabango siya ng seductive perfume. Iyong amoy niyang maiiwan sa pang-amoy ni Simon at kalaunan ay kanya ng hahanap-hanapin. "So, how do I look?" Tanong ni Rose kay Simon nang makababa na siya. Kita ni Rose ang ilang ulit na paglunok ni Simon habang hinahagod siya nang tingin. Napakurap-kurap pa si Simon at napatikhim pero kita naman sa mga mata nito ang paghanga niya kay Rose. "Wow, Senyorita ang ganda naman po ninyo grabe!" Sabay na bulalas nina Dodong at Pangking na napanganga pa sila pagkakita kay Rose. Ngumiti naman si Rose subalit nanatili ang kanyang tingin kay Simon. Hinihintay niya ang compliment na sasabihin nito sa kanyang awra at looks. "Simon..." Ani Rose. Napalunok muli si Simon. "Okay good," ani nito sabay karga kay Shai. Napasimangot naman si Rose. "Iyon lang?" "You're beautiful and sexy but Daddy can't adore you because it's forbidden." Si Shai ang sumagot. Napakunot-noo naman si Rose. "Forbidden?" Tanong niya. "Let's go," bagkus ay sabi ni Simon at naglakad na ito palabas ng bahay kasunod sina Dodong at Pangking. Wala ng nagawa pa si Rose kung hindi ang sumunod na lang sa kanyang mga kasama. Paglabas niya ay siya na lang ang hinihintay na makalulan sa kotse mabuti na lamang at inalalayan din siya ni Simon sa wakas. Nakaisip tuloy si Rose ng pilyang ideya kung kaya't nagkunwari siyang natapilok na dahilan upang mabilis siyang saluhin ni Simon. Agad namang napakapit si Rose sa leeg ni Simon at sinigurado niyang kapwa nila langhap ang kanilang mga hininga. "Thanks Daddy!" Anas ni Rose habang magkahinang ang kanilang mga mata. Napatikhim si Simon at itinayo nang tuwid si Rose sabay ayos sa kurbata nito. "Hindi mo yata alam masyado na ilakad ang high heels sana nag-flat shoes ka na lang." Sagot ni Simon. Imbes na mainis si Rose ay napangiti siya nang matamis. "Okay lang Daddy sinalo mo naman ako eh!" Malambing na turan ni Rose. "Hop in," malamig na tugon ni Simon habang seryosong nakatingin kay Rose. "Oo na! Ikaw ayaw mong nilalambing kita," pairap na wika ni Rose sabay pasok na sa loob ng sasakyan. Sina Dodong at Pangking kasi sa may harapan kaya tatlo sina Rose sa likuran. Nasa gitna nina Rose si Shai na sa tablet nito nakatingin kaya hindi nito nakita ang nangyari. "Don't tease me if my daughter is here, Rose she's sensitive." Mariing anas ni Simon sa dalaga. "Oh...okay!" Sagot ni Rose na bahagya pang nakataas ang isa niyang kilay. At iyon na ang huli nilang pag-iimikan dahil tahimik na ang buo nilang biyahe hanggang aa makarating sila sa venue ng nasabing party. Pagkababa ni Rose ay napansin niya agad na mayaman nga talaga ang Kapitan doon sa lugar na iyon. Kapansin-pansin ding bigating tao ang mga bisita nito pero para kay Rose ay normal lamang iyon. Sa kagaya niyang lumaki sa alta sociedad mas may bongga pang party para sa kanila na wala pa sa party na dadaluhan nila sa gabing iyon. "Simon! Hi, mabuti nakarating din kayo!" Boses ni Thalia sabay beso kay Simon at Shai. Nagtama naman ang mga mata nina Rose at Thalia nagkatitigan silang dalawa. Agad namang napatikhim si Simon kaya natinag ang mainit na titigan ng dalawang dalaga. Kapagkuwan ay si Thalia na ang lumapit kay Rose at nag-beso na ang dalawa. "Let's go inside," yaya naman na ni Thalia at magkakasunod na silang pumasok sa loob. Agad silang lumapit sa may birthday na Kapitan. Nang makita nito si Simon ay nag-kamayan sila sabay tapik sa balikat ng isa't-isa. "Mabuti naman at nakarating ka, Simon!" Masayang wika ng Kapitan. "Nakakahiya naman po kung hindi," sagot ni Simon na nakangiti. Lihim na napataas ang kilay ni Rose dahil noon lang niya napansing may isang biloy pala si Simon sa pisngi nito. Bagay na mas lalong nagpa-attractive dito kahit sino ay mapapa-star struct kay Simon aa angkin nitong alindog. Tunay ngang isa itong Adonis na makalaglag panty at nakakabasa ng kuweva. "At sino itong napakagandang binibini na kasama mo? Siya ba ang Mommy nitong si Shai?" magiliw na tanong ng Kapitan habang humahanga nitong pinagmamasdan ang kabuuan ni Rose. "Ahm...Dad bakasyunista siya sa Farm nina Simon pamangkin siya ng asawa ng Tito niya." Agaw pansin ni Thalia. Lihim namang napaismid si Rose napagtanto niyang dakilang stalker na papansin ang babaeng anak ng Kapitan. "I'm Rose Velvet Lagdameo, nice meeting you po." Maalumanay na sabi ni Rose sa Kapitan sabay lahad ng kanyang kamay. Mahigpit na hinawakan ng Kapitan ang kamay ni Rose amoy na amoy niya ang pagnanasa ng matanda sa kanyang ganda. Hindi pa man ay kinasusuklaman na niya ang Kapitan alam niya ang likaw ng bituka sa mga kagaya nito. "Huwag mo ka ng mag-po just call me, George." Matamis ang ngiti ng Kapitan na tumitig kay Rose. Sinuklian na lamang ni Rose ng isang ngiti ang Kapitan kapagkuwan ay may lumapit sa kanila. Isang poging lalaki pero amoy agad ni Rose ang awra ng mga katulad nitong may pagka-yabang at pagka-hambog. "Wow! Thalia sister, bakit hindi mo ipakilala sa akin itong napakagandang dilag na agad nakatawag sa aking pansin?" Sabi ng lalaki. "She's Rose Velvet, bakasyunista dito sa atin." Diretsang wika ni Thalia. Ngumisi naman ang lalaki sabay halik sa kamay ni Rose. "I'm Josh, the second son of the Mayor in this town." Pahayag ng lalaki. Agad na hinila ni Rose ang kanyang kamay na hawak ni Josh. Kumapit siya sa mga bisig ni Simon na ikinagulat naman ng Daddy ni Shai. "Nice meeting you. I'm with Simon and Shai, I hope we can get along better." Nakangiting sagot ni Rose. Kita agad ni Rose na sumama ang mukha ni Thalia pero ngumiti pa din ito kahit halata ng plastik iyon. "Shai honey, would you like to join the other kids!" Tanong ni Thalia kay Shai kinalaunan. Umiling si Shai at kumapit ito sa kamay ni Simon at kamay ni Rose. "Sige na. Tiyak, magi-enjoy ka doon!" Giit pa ni Thalia. "No. I'm staying with Daddy and Rose," matatag na sagot ng bata. "Huwag mo na siyang pilitin and besides hindi lang kami ang mga bisita niyo. You can greet them all, dito lang kami." Sabad naman ni Rose. Tinaasan ni Thalia nang kilay si Rose pero hindi nagpatalo ang dalaga tinitigan niya din ito ng buong tapang. "Okay lang kamk dito Thalia," sabi naman ni Simon. "No. Ako ang nagyaya sa'yo dito kaya ako ang mag-aasikaso sa'yo." Pagpupumilit naman ni Thalia. Napatikhim ang Kapitan habang sige pa din ang malagkit na titig ni Josh kay Rose. Sa totoo lang ay mangani-ngani ng suntukin ni Rose ang mga mata ng binata. Akala siguro ng Josh na ito ay makukuha siya sa mga ganoong gesture. The nerve! Sorry pero iba siyang babae mahirap siyang akitin not unless kung si Simon ang gagawa no'n baka bumigay pa siya. "Come on Thalia, balikan mo na lang sila dito mamaya." Sabi naman na ng Kapitan. Wala ng nagawa pa si Thalia at humaba na lamang ang nguso nitong sumama sa Ama nito para batiin pa ang ibang mga bisita. Bantulot ding lumayo si Josh kina Rose kung hindi pa ito tinawag ng kanyang mga barkada. "Nakaka-stress," wala sa sariling bulong ni Rose nang makaupo na sila sa kanilang table na nakalaan. "Sorry, Rose. We can go home afterwards promise!" Sabi naman ni Simon. "Thanks!" Wika ni Rose sabay inom ng kanyang wine. "Don't drink too much okay? Sandali lang tayo dito," paalala agad ni Simon kay Rose. Tumawa naman si Rose." Hindi ako malalasing nitong wine nila trust me." Bumuntonghininga naman si Simon at napatingin ito sa kanilang paligid. Kita niyang sa kanya pa rin nakatingin si Thalia kaya nginitian na lamang niya ang dalaga. Napakunot-noo pa si Simon nang mahagip ng kanyang mga mata ang grupo nina Josh. Nakatingin ang binata sa gawi ni Rose habang nagsasalita ito at kalabit sa mga barkada niya. Kapagkuwan ay magtatawanan sila sabay apir na para bang naka-jackpot ang mga ito. "Daddy it's so noisy here," yugyog naman ni Shai sa bisig ni Simon. "I'm sorry baby. Punta tayo sa kids section?" sagot naman ni Simon. Tumango agad si Shai." But with you and Rose please?" Ungot ng bata. Napatitig naman si Simon kay Rose na umiinom pa din ng wine. "Okay lang dito muna sina Dodong at Pangking." Turan naman ng dalaga sabay lapag sa hawak nitong kopita. Binalingan naman ni Simon sina Pangking at Dodong na kasama nila sa mesa. "Magmatyag lang kayo inform me agad kapag may nakakaduda kayong mapansin." Bulong ni Simon kay Dodong. Agad namang tumango ang dalawa kapagkuwan ay nilapitan na ni Simon sina Shai at Rose na naglalakad na papuntang kids section. Konti lang naman ang mga bata doon and mostly mga Yaya ang mga kasama ng mga ito. Habang ang mga magulang ay busy sa pakikisalamuha sa iba't-ibang panauhin sa gabing iyon. Tanging si Shai ang may dalang Daddy at Tita sa may kids section. "Hey, you are new here. Is that your Dad and Mom?" Tanong ng isang batang lumapit kay Shai na nagpa-slide agad sa palaruan. Nilingon naman ni Shai ang magkatabing nakatingin sa kanya na sina Simon at Rose. "Yes." Tipid na sagot ni Shai sa pag-aatubili nitong magsalita ng ilang segundo. At umabot iyon sa pandinig nina Simon at Rose na agad nagkatinginan. "See? I'm your Wife tonight honey!" Natatawang sabi ni Rose kay Simon. "Stop. Nakainom ka na kasi," mariing anas ni Simon kay Rose. Pero hindi natinag si Rose at kumapit sa matipunong braso ni Simon. "What are you doing?" anas pang tanong ni Simon. "Go sweetheart! Mommy and Daddy will watch you playing," cheering ni Rose kay Shai. Matamis namang ngumiti si Shai sabay kaway at nakipaglaro na ito sa mga ibang bata. "What are you doing?" Kastigo naman agad ni Simon kay Rose. "Ano? Ayaw mo no'n si Shai ang bida ngayong gabi sa mga kalaro niya? Look, ang saya ng anak mo gusto mong sirain at gusto mo siyang mapahiya?" Saad naman ni Rose sabay turo kay Shai na masayang nakikipagalaro. Tiningnan naman ni Simon si Shai na nakikipaglaro sa ibang mga bata. Kitang-kita nga niya ang kasiyahan at kasiglahan sa mukha ng kanyang anak. Parang nawala ang pagka-mailap nito sa ibang tao at dinig na dinig niya ang tawa at hagikhik nito. "Ang arte mo ha? Para lang makisakay ka sa pagkukunwari nagrereklamo ka pa. Pasalamat ka at nandito ako akbayan mo kaya ako!" Sabi pa ni Rose. Napakurap-kurap naman si Simon. "That's too much!" Angil nito. "Ayaw mo? Ako na lang ang yayakap sa beywang mo," wika ni Rose sabay yakap nga sa waist ni Simon. "What are you doing? Are you insane?" Matigas na sabi ni Simon habang nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin kay Rose. Ngumiti naman si Rose na nakatingala kay Simon. "Yes I'm insane Daddy!" Pilyang tugon ni Rose at tumulis pa ang nguso nito sabay smack kiss. Tila nangilabot naman si Simon at buong lakas niyang tinanggal nang marahan ang mga kamay ni Rose na nakapulupot sa kanyang waist. "Daddy I'm thirsty and tired," sabi ni Shai nang lumapit siya sa dalawang nagbabangayan nang tinginan. "Tama na ang laro anak. Halika na para makakain na tayo pagkatao we're heading home," mabilis na sagot ni Simon at binuhat na niya si Shai palayo sa kids section. Napahagikhik naman si Rose na sumunod sa mag-ama. Naka-score na naman siya kay Simon pero infairness she felt secured in Simon's body. Pagkaupo nila sa kanilang table ay agad na pinunasan ni Rose ang likod ni Shai ng bimpo saka ang mukha nito. Pagkatapos uminom ni Shai ng tubig na dala nila ay nagsimula na silang kumain. Nakita ni Rose na maraming kausap si Thalia pero pasulyap-sulyap ito sa kanilang kinaroroonan. Kita niyang nagtitimpi na ang dalaga at atat na nitong lapitan si Simon pero wala itong magawa dahil sa marami silang bisita na nagsisidatingan pa. Kaya nang saktong mapalingon ulit si Thalia sa kanilang kinaroroonan ay sinadya talaga ni Rose na punasan ng table napkin ang bibig ni Simon. Agad na gumuhit ang ngitngit sa mukha ni Thalia at inirapan niya nang bonggang-bongga si Rose. Subalit ngumiti lang si Rose sabay taas ng kanyang kopita saka niya iyon ininom. "I'm full Daddy and I think I'm sleepy now," wika ni Shai pagkatapos nitong kumain. "Okay. Just hang on sweetheart for a minute and we will go home." Sagot naman ni Simon at itinigil na nito ang kanyang pagkain. "Are you done?" Tanong ni Simon kay Rose nang balingan niya ito. "Konti lang naman ang kinain ko and tapos na din ako." Sagot ng dalaga. Nauna ng kumain sina Dodong at Pangking kaya silang tatlo na lamang ang nagkasalo. Mamaya pa daw ang program ng birthday ni Kapitan pero hindi na nila papatapusin ang event. Ang pagpunta lamang nila ang importante kay Simon para wala namang masabi si Kapitan. "Thalia we will be going home na inaantok na kasi si Shai." Pagpapaalam ni Simon sa dalaga nang lapitan nila ito. "Huh? Hindi na ninyo papatapusin ang party? Sorry Simon hindi ka masydong naasikaso babawi ako bukas sa'yo." Agad na sagot ni Thalia. "No, okay lang. Magiging busy din ako bukas baka hindi mo din ako maabutan," saad ni Simon. "Pero -" "Thank you for inviting us. Pakisabi na lang sa Daddy mo busy kasi siya nahihiya akong mag-interupt sa pakikipag-usap niya." Giit pa ni Simon. "S-Sige. Hatid ko na kayo sa labas," napipilitan namang tugon ni Thalia at nagpaalam muna ito sa kanyang mga kaibigan. Nasa labas na sila nang humabol naman si Josh kina Rose. "Wait, Rose!" Sabi ng binata. Tumigil naman si Rose at humarap siya binata. "Can I visit you tomorrow?" tanong ng binata. Tumingin naman si Rose kay Simon. "Sa kanya ka magpalaam nakikitira lang ako." Natawa naman si Josh. "Hindi naman siya ang liligawan ko eh ikaw!" "Kaya nga. Siya ang may-ari ng bahay na tinitirhan ko kaya magpaalam ka din sa kanya." Giit naman ni Rose. Bumuntonghininga naman si Josh at tumingin ito kay Simon. "Can I?" Tanong ng binata. "It's up to you," Sagot ni Simon at ipinasok na niya si Shai sa loob ng kotse. "Alright! Expect me to visit you pretty lady!" Masayang sabi ni Josh at bumalik na ito sa loob ng event. Natawa naman si Rose na napapalatak pero may kaunting inis na narararamdaman niya. Sa lahat kasi ng pinaka-ayaw niya sa lalaki ay ang pagiging presko, mayabang at masydong tiwala sa kanyang sarili. Napapailing na lamang si Rose na lumulan sa kotse habang inis na inis sa kanya si Thalia na nakatingin. Kinawayan pa ni Rose si Thalia na hindi maipinta ang mukha para mas lalo itong mainis sa kanya sa gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD