C-14: Manliligaw Versus Inaakit

1630 Words
Kinabukasan ay bisita na nga ni Rose si Josh na ikinatirik ng mga mata ng dalaga. Super bongga ang unang dalaw ni Josh kay Rose ang dami nitong dala at mga pakulo. Pati nga ng mga nasa kabilang bakod ay napalipat pa sa bahay para tunghayan ang pagdalaw ng anak ng Mayor kay Rose. At noon din napagtanto ni Rose na madami pala silang kasama sa rancho. "Ganito ako kapag gusto ko ang isang babae. I can give her my everything, ano man ang gusto niya ibibigay ko. Lalo na kapag agad niyang ibigay ang kanyang matamis na oo!" Sabi ni Josh kay Rose nang magkausap na silang dalawa. Napataas kilay naman si Rose at nginitian niya ang binata. She sense a word of pagkamayabang sa binata but she choose to remain silent. Hindi naman siya gaanong bastos na pahiyain agad-agad ang kanyang manliligaw sa unang pagkakataon basta ba hindi siya maiirita masyado. "Mr. Josh Aguas, hindi ka ba nagkakamali na ligawan ako? Baka nagkamali ka lang at ayaw mong mapahiya kasi nakapangako ka na sa akin." Sagot ni Rose. Bongga namang ngumiti si Josh kay Rose na animo naka- jackpot na. "Hindi ako maaaring magkamali Rose seryoso ako." Anito. "Well, sinisigurado ko lang kasi iba akong babae madamot ako sa sinasabi mong matamis na oo. Matagal ko iyon maibibigay sa isang lalaki in short, mas prefer kong ligawan ako nang matagal. Kaya mo b 'yon?" Aniya. Medyo nawala ang ngiti sa labi ni Josh at natitigan niya ang nakangiting si Rose. "Marami akong manliligaw aaminin ko pero bilang sa aking mga daliri ang naging boyfriend ko. Iyong iba sumuko na lang basta kasi hindi makapaghintay sa sagot ko. So, are you willing to wait kahit pa magiging matagal? Kasi isa sa mga principles ko in life lalo na bago ako dito siyempre matatagalan akong sagutin ka. Gusto kong makilala kita nang lubusan mga ganoong tipo ba!" Saad pa ni Rose na medyo kumiling pa ang kanyang ulo. Napatikhim naman si Josh para kasing sigurado na siyang makukuha niya agad ang matamis na oo ni Rose. "Well, bakit mo patatagalin kung mahal mo naman iyong tao? Ikaw rin baka masikwat din siya ng iba!" Sagot kinalaunan ni Josh. "Hindi kasi sapat na batayan ang pagmamahal lang sa isang tao. You have to know each other's company through thick and thin, for richer and poorer and even in your darkest days. Saka mo lang masasabing kayo na nga kapag mangyayari iyon." Giit ni Rose. Napangisi naman si Josh. "Ano 'yon vow ng ikinasal?" Tumawa si Rose." Mukhang hindi mo nakuha ang ibig kong sabihin and... it's so sad." Napakurap-kurap naman si Josh na nakapagkit nang pagtataka at pagkatuliro sa mukha nito. "Ako 'yong tipo ng babaeng kapag hindi pasok sa standard ko ang isang lalaki...ekis siya sa akin agad-agad. Call me mayabang or heartless pero that's my rules in order to choose my man. Hindi ako kampante sa salitang mahal lang...oo maybe mahal niyo ang isa't-isa from the beginning. But what if kung kailan kayo nag- settle ay saka niyo mas makilala ang isa't-isa then hindi naman pala kayo compatible hindi ba? Sayang ang nagdaang moments, mga pangako niyo sa isa't-isa lalo na kapag ikinasal kayo. That's too sad, kung kailan kayo ikinasal saka pa pala maghihiwalay. Kaya mas naniniwala ako sa salitang... don't rush everything mostly in the name of love." Pahayag ni Rose. Muling napakurap-kurap si Josh saka unti- unti itong napangiti na natawa. "Alam mo...kakaiba kang babae and it's challenging to me to pursue you!" Wika ni Josh. "Well, let's see to that!" Kampanteng sagot ni Rose. "Wala pang babaeng tumanggi sa akin but now... here's you. Mukhang kailangan kong sumugal para masungkit ko ang matamis mong oo." Tumatangong tugon ni Josh. "Hmmm...tingnan natin," ani Rose. Maya-maya pa'y tumayo na si Josh at nagpaalam na kay Rose. Inihatid naman ni Rose si Josh hanggang sa labas ng bahay. Nagkawayan pa silang dalawa at nakailang busina pa si Josh bago ito tuluyang umalis. Natatawa naman si Rose akala yata ni Josh ay easy to get siyang babae well nagkakamali ito. At masaya siyang bigyan ng leksyon ang binata atat na siyang makita kunh hanggang kailan nga siya nito liligawan at hanggang kailan niya hihintayin ang matamis niya oo kagaya ng sinabi nito kanina. "Mukhang naka- jackpot ka na dito." Mula sa likuran ni Rose ay nagsalita si Simon. Natawa namang humarap si Rose kay Simon na tila galing ito sa likod ng bahay at sa kusina dumaan. Maaari ding narinig nito ang naging usapan nila ni Josh kanina lamang. "Nakinig ka ba sa usapan namin kanina?" tanong niya. "Nope. Why should I?" naka- kunot noong sagot ni Simon. "That boy...akala niya yata makukuha niya ako sa santong paspasan nakakatawa." Sabi ni Rose. "Bakit hindi mo sagutin? Binata siya...dalaga ka so walang problema!" Tugon ni Simon. Napapailing naman si Rose na tumitig kay Simon. "Gagawin ko iyon kung ito na ang nagsabi." Wika ni Rose sabay turo sa kanyang dibdib. "Pero hanggat wala siyang pahiwatig hindi ako kikilos." Hindi nakasagot agad si Simon napatitig siya sa mukha ni Rose. Unti- unti namang lumapit si Rose kay Simon sabay haplos sa pisngi ng huli. Rose make an eye to eye contact kay Simon na natulala pa rin. "Kung ikaw baka puwede pa... hindi ako magdadalawang isip kasi my heart beats fast whenever I see you." Anas ni Rose saka bumaba ang kanyang kamay sa dibdib ni Simon. "Specifically your....hot and yummy body...Daddy!" Noon lang tila natauhan si Simon at agad niyang hinawakan ang kamay ni Rose na humahaplos sa kanyang dibdib. "Your hands...off limits to my body. Hindi magandang tingnan," sagot ni Simon sa wakas. Napangisi naman si Rose. "Hanggang kailan ka bibigay sa akin? Ano bang hindi magandang tingnan? I'm single," "But I'm a married man," matatag na sagot ni Simon. "To whom?" Tanong ulit ni Rose na mas inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha ni Simon. Napakurap-kurap naman si Simon sabay hinga nang malalim. "I don't know if sinasadya mo akong tuksuhin or sinusubukan mo kung hanggang kailan ako makapagtitimpi sa panunukso mo sa akin." Turan ni Simon sabay galaw ng mga panga nito. "What if...I do both?" Sabi ni Rose in husky voice. "Huwag mo akong susubukan baka magsisi ka," pagbabanta naman ni Simon. "Then... subukan natin hindi naman ikaw ang lugi kung hindi ako if ever hindi tayo compatible." Panghahamon naman ni Rose kay Simon. Napalunok si Simon kapagkuwan ay iniwasan niya ang mga mata ni Rose. "Stop dreaming!" Wika nito at walang kaabog-abog na iniwan niya si Rose sa may sala. Naiwan naman si Rose na natawa at napangiti sabay iling-iling sa kapilyahanh pinaggagawa niya kay Simon. Pero totoo naman ang nasabi niyang bumibilis ang pintig ng kanyang puso kapag nakikita niya si Simon. Nag- iinit din siya nagiging kumpleto siyang babae kapag nasa tabi niya si Simon. Minsan napapailing na talaga siya kung si Simon na nga ba ang nakabihag sa pihikan niyang puso. Kapag nalaman siguro ng kanyang Daddy na katulad ni Simon siya nahuhumaling baka mahimatay iyon agad- agad ng dahil sa galit nito sa kanya. "Mailap masyado si Daddy Simon hindi ko alam kung nagpipigil ba siya o talagang hindi niya ako type." Bulong ni Rose sa kanyang sarili saka ito nag- isip-isip kung ano pa ang kanyang gagawin para malaman niya kung may pagtingin din sa kanya si Simon at nagpipigil lamang ito. "Mukhang nag- seryoso na iyong anak ni Mayor na playboy," sabi ni Dodong kay Pangking na siya namang paglapit ni Simon sa kanila at narinig niya ang usapan ng dalawa. "Sinabi mo pa! Ngayon lang umakyat ng ligaw iyon sa isang babae eh tapos ang dami pa niyang regalo kay Senyorita." Sagot naman ni Pangking. "At naniwala naman kayo na seryoso na siya kay Rose?" Singit naman ni Simon sa dalawa. Kapwa napalingon sina Dodong at Pangking kay Simon na magkasalubong ang mga kilay nito. "Eh...umakyat ng ligaw Senyorito ibig sabihin seryoso talaga siya. Ang dami niyang babae marami na din siyang nabuntis siguro si Senyorita na ang magpapatino sa kanya ngayon!" Paliwanag ni Dodong. "Tsss! Hindi ba puwedeng nagpakitang gilas lamang siya?" Napapalatak na tugon ni Simon. Napakamot naman sa ulo sina Dodong at Pangking at sa tingin nila ay kontrabida si Simon kina Rose at Josh. "Ayaw mo no'n Senyorito dito makkakapangasaws si Senyorita?" Sabi naman ni Pangking. "At sa tingin niyo ba papayag ang buong angkan niya?" Tanong naman ni Simon. "At bakit naman hindi kung ikakaligaya ni Senyorita?" Giit ni Dodong. "Sige ilaban mo pa Dodong! Palibhasa kasi wala kang alam masyado kay Rose," pandidilat naman ni Simon kay Dodong. Muling nakamot ni Dodong ang kanyang sariling ulo at naguguluhan siya kay Simon. Nagkatinginan silang dalawa ni Pangking sabay ngisi at iling. "Kung hindi lang ako nahihiya liligawan ko si Senyorita eh!" Sabi ni Pangking. "Ako din sana," mabilis na sagot ni Dodong. "Oh 'di subukan niyo para malaman niyo kung ano ang kapalaran niyo sa kanya!" Iritadong sabat ni Simon. "Bakit parang galit ka boss?" Maang na tanong ni Dodong kay Simon. "Hindi ako galit! Sakay na pupunta pa tayo ng tubuhan mga nangangarap ng gising!" Banas na sagot ni Simon sabay andar sa owner jeep. "Ikaw ang magda-drive Senyorito?" tanong naman ni Pangking. Marahas na tiningnan ni Simon si Pangking nang masama. "Hindi Pangking kaluluwa ko lang itong magmamaneho ng owner jeep!" Anito pagkatapos ay pinasibad na nito ang sasakyan. Agad namang kumapit nang mahigpit sina Dodong at Pangking sa kinakapitan nila. Sabay din sipang napa-sign of the cross dahil kapwa nila alam na lilipad ang sasakyan nila sa susunod na sandali. Kaya humanda na sila sa sakit ng pwet, katawan at ulo mamaya pagdating nila sa may tubuhan. Naisip nila ngayon lang mahirap espelingin ang dating tahimik nilang Senyorito Simon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD