C-18: Tampo Yarn?

1560 Words
Makahulugan ang bawat tingin ni Rose kay Simon habang ang huli naman ay hindi niya matingnan ng diretso ang dalaga. Naging mas tahimik si Simon at mas naging mailap pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Rose sa sapa ng araw na iyon. Hinayaan na muna naman ni Rose si Simon subalit sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata ay kinikindatan ito ng dalaga sabay kagat labi. "Natingnan niyo na ba 'yong nilagay niyong panghuli ng baboy ramo?" tanong ni Mang Teban sa kanilang mga kasamahang nakahuli ng usa. Hangang-hanga naman si Rose pagkakita nito sa usa na nahuli nila. For the first time nakakita din siya ng usa for real at personal. Gusto din tuloy niyang makita ang baboy ramo na legendary sa baryo na iyon. Sa katulad niyang taga- Manila malaking adventure para sa kanya ang makakita ng usa at baboy ramo. Na sa sinaunang panahon lamang iyon nauuso kakaibang experience na matatawag para sa kanya. "Wala pa nga po Mang Teban. Babalikan na lang namin bukas," sagot ni Dodong. "Anong gagawin niyo sa usa?" singit na tanong ni Rose. "Doon na lang sa rancho kakatayin Senyorita at saka lulutuin para makain." Sagot naman ni Pangking. Tumango-tango naman si Rose parang natakam siya kung anong klaseng luto ang gagawin nila sa nahuling usa. "Siyanga pala Senyorito, may mga bunga ng kaimito sa may burol pababa sa may sapa. Kukuhanin na namin at mga hinog na kulay violet po ang kaimito!" Sabi naman ng isang binata kay Simon na tahimik lang sa may tabi at nagpuputol ng kahoy. Aliw na aliw nga si Rose na pinagmamasdan si Simon sa ginagawa nito. Paano ba naman kasi ay kada galaw ni Simon ay ganoon din ang mga abs nito at mga biceps idagdag pang nakapang-aakit ang pawis nitong tumutulo. Lalo tuloy nagpapantasya si Rose para na nga siyang isang manyakis kung makatitig kay Simon. Bagay na alam ni Simon subalit hindi niya iyon pinapansin kaya nga nagkukunwari siyang busy sa kanyang ginagawa at may kakaibang dulot sa kanya ang ginagawa ng dalaga. "Sasama ako!" Mabilis na sabi ni Rose kina Dodong nang tumayo na ang mga ito pabalik sa gubat. Napatigil naman si Simon sa ginagawa nito at napatingin kay Rose na nakabestida na. Naisip nitong malamok sa gubat at wala pa itong suot na bota kung hindi nakayapak lamang ito. "Maiwan ka dito," pagpigil ni Simon sa dalaga sabay tayo. "Gusto kong makita ang loob ng gubat," giit naman ni Rose na napasimangot na. "Malamok doon baka may mga ahas delikado kaya maiwan ka ako na lang ang sasama sa kanila." Saad naman ni Simon. Nanulis naman ang nguso ni Rose at hindi sinasadyang mapatitig si Simon sa nguso ng dalaga. Agad na nag-flash back ang ginawa nila sa may sapa at agad ding umakyat ang init sa katawan ni Simon. "Damn!" Mura nito at walang lingon likod na lumayo kay Rose. "Anong nangyari doon?" Nagtatakang tanong ni Rose. Natawa na lamang sina Dodong saka sila napapailing-iling sa weird na ikinikilos ni Simon. Ganoon pa man ay sumama pa din si Rose kina Dodong na sumuot sa gubat. Nasa may bandang huli si Rose dahil nililinis nina Dodong ang kanilang daanan para hindi magasgasan at masugatan si Rose. Habang ang dalaga naman ay panay ang hanga nito sa mga nakikita niya sa loob ng kagubatan. Ewan ba niya at ganoon talaga ang mga gustong-gusto niyang lakad. Katunayan nga sa pamamalagi niya sa Abroad ay puro hiking at gala sa may mabundok o magubat na lugar ang kanyang pinupuntahan. At ibayong saya ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon dahil for real na talagang gubat ang kinaroroonan niya. Gubat na may mga itinatagong kayamanan na tanging taga-roon ang may alam. Sa katulad niyang laking Manila, kay ganda para sa kanya ang kagubatan. Bukod sa nakakaganda sa kanyang paningin, presko at magaan sa kanyang dibdib ang pamamasyal niya doon. Kumbaga sa mga broken o kaya mga problemado sa buhay kagaya niya, nakakapaglimot ang kagubatang iyon ng problema. Nakarating sila sa medyo mataas na lugar papunta sa sinasabi nina Dodong na kinaroroonan ng kaimitong may bunga. Aalalayan na sana ni Dodong si Rose na nasa kanyang likuran nang may biglang tumabig sa kamay ng binatang aabot sana sa kamay ng dalaga. "Ako na," si Simon pala na nasa likuran lamang ni Rose. Ngiting aso naman si Dodong at agad na tumango saka na ito nagpatuloy sa kanyang paglalakad. Hindi naman mapigilan ni Rose ang mapangiti lalo na nang pumunta si Simon sa kanyang harapan para alalayan siya. "Come on," sabi ni Simon kay Rose sabay lahad ng kanyang isang kamay. "Buhatin mo ako, I'm tired." Pilyang sagot ni Rose. "Kaya mo 'yan mayabang kang sumama eh!" Pandidilat naman ni Simon sa dalaga. "Sige na please?" Sumamo naman ni Rose kay Simon. Napatitig na naman si Simon sa labi ni Rose kung kaya't agad siyang napakurap-kurap at mabilis niyang binuhat ang dalaga hanggang sa may mataas na tuntungan. "Thank you Daddy!" Masayang sabi ni Rose pagkatapos siyang ibaba ni Simon. "Stop teasing me or else you'll regret!" Asik namang sabi ni Simon. "Talaga? Sige nga! Huwag kang mag- alala hindi ako natatakot," panghahamon naman ni Rose. Mas napatitig naman si Simon sa mukha ni Rose na mukhang hindi naman nagbibiro. "Wala kang mapapala at mas lalong wala kang kinabukasan sa akin." Ani Simon. Bumuntonghininga naman si Rose. "Heto na naman tayo Simon sa wala. Hindi pa nga natin sinusubukan wala na? Bakit hindi mo ako pasukin este papasukin diyan sa puso mo hmmm?" Wika ng dalaga. Napakurap-kurap naman si Simon mabilis itong tumalikod at naglakad na. Humabol naman si Rose na naiinis na naman sa dating ginagawa ni Simon sa tuwing seryoso na ang kanilang usapan. "Ano? Lagi mo na lang ba akong tatalikuran sa tuwing nagseseryoso ako sa ating usapan? Harapin mo ako Simon huwag kang maging duwag!" Talak ni Rose habang pinipilit niyang pumantay ng lakad kay Simon. "Gusto mo ba ako o hindi?" Tahasang tanong ni Rose. Bigla namang tumigil si Simon sa kanyang paglalakad at humarap siya kay Rose na magkasalubong na ang mga kilay nito. Pinakatitigan niya ang mukha ni Rose saka ito kukurap-kurap. "Kung init lang ng katawan ang nararamdaman mo sa akin... I'm sorry! Hindi ako ang lalaking para sa'yo ayokong magkasala." Sagot ni Simon. Napangisi naman si Rose. "Ang layo ng sagot mo Simon sa tanong ko. I guess, rejected ako kasi ang nakikita mo ay init lang ng katawan ang nararamdaman ko. Nag- base ka siguro sa mga kilos ko at pananalita sa'yo!" Saad ni Rose at ito na ang naunang naglakad at iniwan na niya si Simon. Napabuga naman nang hangin si Simon at napatingala sa langit. Naihilamos niya ang sariling mga palad sa kanyang mukha. Bumuntonghininga ito at sinundan na niya si Rose na alam niyang nagdadabog habang ito ay naglalakad papunta sa kinaroroonan nina Dodong. "Madami na palang bunga ito at mabilis ding lumaki." Bulalas ni Mang Teban nang nasa ilalim na sila ng punong kaimito habang nakatingala silang lahat. Na-amaze na naman si Rose sa mga nakitang niyang bunga ng kaimito na kulay ube. Naalala niyang mahal iyon sa may Mall kukg hindi siya nagkakamali. Hindi kasi kaimito ang paborito niyang prutas kung hindi ay pinya. Ewan ba niya lahat ng klaseng luto o pagkain basta may pinya go lang siya ng go. "Gusto ko sanang i-try umakyat sa taas," biglang sabi ni Rose. Nagkatinginan ang lahat. "Don't try kung hindi ka marunong!" Si Simon ang sumagot. Napaingos naman si Rose at napahalukipkip sabay irap kay Simon. "Gusto kong matutong umakyat ng puno para naman kapag tao na ang inakyat ko basic na lang." Mataray na sagot ng dalaga. Mas lalong nagkatinginan ang kanilang mga kasama at may inubo pa nga habang si Simon naman ay napatikhim. "Ah... Senyorita hagdan na lamang po ang akyatin niyo mas maganda." Sabat naman ng nakangiting si Pangking. "Ayoko nga! Sawa na ako sa kaka-akyat ng hagdan gusto ko ibang maaakyat naman!" Tanggi ni Rose. Napangiting aso na lamang sina Pangking at Dodong habang napapailing na nakangiti si Mang Teban. Ang iba nilang mga kasama ay pigil din ang kanilang mga ngiti dahil sa pandidilat sa kanila ni Simon. Nagkunwari na lamang silang walang narinig at nakita sa pag- aalburuto ni Rose. "Sige na akyatin niyo na para makaalis na tayo dito malamok masyado. Baka ma-dengue pa tayo," utos naman na ni Simon kina Dodong para hindi na humaba pa ang usapan. Wala na ding nagawa pa si Rose kung hindi irapan na lamang niya si Simon nang bonggang-bongga lalo na kapag nagtatama ang kanilang mga mata. Habang si Simon naman ay napapa-buntonghinga na lamang sa inaasal sa kanya ni Rose. Saka na lang niya kakausapin nang masinsinan ang dalaga kapag magkaroon sila ng time na silang dalawa lamang. Para naman wala ng madadamay sa usapang mayroon silang dalawa.Baka mamaya ay magkaroon pa ng issue between them at maaaring kumalat ang false news tungkol sa kanilang dalawa. Mahirap na hindi pa maliwanag kung ano nga ba talaga ang estado ni Simon sa kanyang buhay may asawa. Ayaw niyang magkaroon ng problema ang ongoing annulment nila ng kanyang dating asawa. Gusto niya kapag kukuha na siya ng kanyang kabiyak muli ay maayos na ang lahat at tanggap na ni Shai ang desisyon nilang mag- asawa iyong maiintindihan na ng kanyang anak ang mga nangyayari sa kanilang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD