C-19: Mga Pasaring Sa Isa't-isa

1130 Words
Gabi na ng makabalik silang lahat sa rancho at ang iba ay nauna na dahil kakatayin pa nila ang nahuli nilang usa. Bukas pa nila ito lulutuin sa may kabilang bakod kung kaya't bukas pa talaga matitikman ni Rose ang usa na umudlot sa mainit na tagpo sa pagitan ng dalawa sa may sapa. Pagdating nila sa rancho ay tulog na si Shai nakapagpalit na din ito ng damit kanina kaya idineresto na ni Simon ito sa kanilang silid. Habang si Rose naman ay dumiretso sa kanyang silid upang makaligo at makapagbanlaw nang maiigi lalo pa't babad talaga siya sa may sapa. Ni hindi na nga sila nagkadikit pa ni Simon dahil tila nag-iiwasan na nga silang dalawa. Inis na inis nga si Rose kay Simon dahil feeling niya ay may gusto din ito sa kanya pero nagpipigil lamang ito. "Bakit hindi ka pa tulog Rose?" Tanong ni Mang Teban sa dalaga nang bumaba pa ito ulit at lumabas ng bahay. Katulad ng dati ay nagsisiga na naman si Mang Teban pantaboy daw ng mga lamok. Dinig na dinig din ni Rose ang mga boses sa kabilang bakod na para bang nagkakasiyahan sila doon. "Hindi pa po ako dalawin ng antok," matipid na sagot ni Rose at sa kabilang bakod ito nakalingon. "Hindi ka ba napagod?" tanong pa rin ni Mang Teban sa dalaga. Umiling si Rose saks ngumiti. "Mang Teban anong ginagawa nila sa kabilang bakod? Pansin ko gabi- gabi parang nagkakasiyahan sila nakakainggit!" Hindi na napigilan ni Rose na magtanong sa matanda. Natawa naman si Mang Teban sabay lagay pa ng mga tuyong dahon sa naglalagablab na apoy. "Ganyan talaga ang mga trabahador dito sa rancho pampatanggal pagod nila. Bukas puwede ka namang mamasyal diyan kung gusto mo mababait naman sila." Saad ni Mang Teban. Tumango-tango naman si Rose. "Kapag po ba narito si Tito Gael pinapasyalan niya ang mga nasa kabilang bakod?" Tanong pa rin ng dalaga. "Oo naman! Lahat ay may pasalubong mula sa Tito Gael mo. Sayang lang at wala silang naging anak ng Tita Dina mo." Sagot ni Mang Teban na nalungkot ang mukha nito. Napatikhim naman si Rose. "May...may anak po siya sa labas pero tanggap naman na po ng Tita Dina." Hindi maiwasang sabihin ni Rose ang katotohanan. At parang hindi naman na nabigla si Mang Teban sa sinabi ni Rose sa kanya. "Alam niyo po ang tungkol doon?" tanong ng dalaga. Marahang tumango si Mang Teban saka ngumiti at tumingin kay Rose. "Katunayan nga ay...taga dito ang mag-ina ng Tito mo. Kaya bawal na siyang pumunta dito at bawal siyang magtatagal dahil iyon ang kasunduan nila ng Tita Dina mo." Paliwanag ni Mang Teban. Napaawang naman ang labi ni Rose dahil sa pagkabigla. Pakiramdam niya ay mas marami pang nalalaman sina Mang Teban kaysa sa kanya about kina Tito Gael at Tita Dina niya. "Kung hindi niyo po mamasamain Mang Teban...alam niyo po ba kung saan ang bahay nila? Gusto ko lang naman silang makilala," sabi ni Rose. Bumuntonghininga naman si Mang Teban at napatingala sa kalangitan. Maraming mga nagkikislapang butuin, maliwanag ang buwan na para bang nagyayabangan sila sa pagniningning. "Nangako ako sa Tito Gael mo na kami- kami na lang ang nakakaalam. At iyon din ang kahilingan ng babaeng naanakan niya para daw may peace sila sa buhay." Paliwanag ni Mang Teban. "Mang Teban hindi ako manggugulo promise! Kahit makita ko lamang sila okay na," giit naman ni Rose. Biglang may tumikhim sa kanilang left side pagtingin ni Rose ay si Simon pala ang dumating. Agad na iniwasan ni Rose ang mga tingin ni Simon sa kanya. Tahimik namang lumapit si Simon kina Mang Teban at Rose at naupo din ito sa may bangko at tumingin sa nasisigang mga dahon. Mukha ding bagong paligo si Simon at nakasuot na din ito ng damit pantulog. "Nagiging tsismosa na yata ang Rose Velvet Lagdameo na galing sa Manila." Pasaring ni Simon. Napangisi naman si Rose. "Dati na akong tsismosa huwag ka ng magtaka!" Mataray na sagot nito. Natawa naman si Mang Teban na napapailing sa nagsisimula na namang bangayan ng dalawa. "Ano naman kaya ang dahilan mo at bigla-bigla kang napadpad dito sa probinsiya!" Sabi pa ni Simon. "Simple lang naman ang dahilan, naghahanap ako ng lalaking makakasama ko habang buhay." Taas noong sagot ni Rose. Napangiti naman si Simon at bahagyang tumawa. Rose rolled her eyes saka napahalukipkip na muling umupo sa bangkong malapit sa kanyang kinatatayuan. "Huwag kang tumawa seryoso ako! Naumay na ako sa ka-blind date ng Daddy sa akin eh wala namang pumasa sa standard ko. Wala akong magagawa kaya nagpunta ako dito kaysa naman ipakasal ako sa lalaking hindi ko gusto ano?!" Pagsisiwalat na ni Rose. Kagyat na namayani ang katahimikan kapagkuwan ay si Mang Teban ang unang tumikhim. "Ang lagay niyan Senyorita tinakasan mo ang lalaking ipinagkasundo sa'yo?" Tanong ng matanda. "Natumbok niyo Mang Teban mas nanaisin ko pang tumakas kaysa hayaan kong makasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Tinakot pa akong mawawalan daw ako ng mana kapag nagmatigas ako like I care naman! Kaya kong mabuhay ng wala akong mamanaing kayamanan nakapag-aral naman ako eh! So, nanindigan ako sa Daddy ko na hindi ko siya susundin anak mayaman ako, spoiled brat pero may dignidad ako pagdating sa pag-ibig." Mahabang litanya ni Rose. Napahanga naman si Mang Teban sa sinabi ni Rose na kanyang paninindigan pagdating sa ngalan ng pag-ibig. Dahil bibihira nga lang ang babaeng kagaya ng pinaninindigan ni Rose. Kadalasan kasi ay mas maraming mga babae ang mas pinipili ang kayamanan kaysa pag-ibig na tunay. "Hanga ako sa inyo Senyorita! Bibihira po ang babaeng kagaya ninyo biruin po ninyo kaya niyong iwanan ang lahat para lang sa lalaking mahal niyo." Matapat na wika ni Mang Teban. Ngumiti naman si Rose. "Marami po kasi akong dahilan Mang Teban basta mahal din po ako ng lalaki tanggap ko maging sino man siya. I prefer to loved and to be loved over wealthy and fame." Matatag na sagot ni Rose. Napatitig naman si Simon sa mukha ni Rose na nakatingin sa kanya. Kitang-kita niya ang katapatan at sinseridad sa mukha at mga mata ng dalaga ang mga sinasabi nito. Ramdam niyang totoo si Rose sa kanyang sarili at sa mga binibitawan nitong salita. "Kaya sa nagsasabing katawan ko lang ang hanap ko sa isang lalaki ang laki ng pagkakamali niya Mang Teban. Hindi pa niya ako lubusang kilala ay hinusgahan na niya ako kaagad. Pilya lang ako pero seryoso akong umibig." Pasaring ni Rose kay Simon. Napakurap-kurap naman si Simon at agad siyang nag-iwas ng kanyang tingin. Napabuntong-hininga si Simon at ito naman ang napatingala sa kalangitan. Maihahantulad niya ang lupa at langit sa kanila ni Rose sa mga sandaling iyon. Malayo ang agwat...maraming mga balakid at higit sa lahat mahirap abutin ang isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD