Christine's POV Tahimik akong nakatingin kay Leonardo at kay Leona, masayang masaya sila habang naguusap. Tawa lang ng tawa si Leona at ganun din ang Ama niya. Hindi muna ako pumasok sa Resort dahil gustong hiramin ni Leon si Leona, ayaw ko siya nung una payagan pero gusto rin ni Leona sumama sa Ama niya, kaya ito ako ngayon hindi pumasok at binantayan sa penthouse ni Leonardo si Leona. "Nay tingnan mo oh, ang ganda ng palabas, halika dito tumabi ka samin ni Tatay." Nagdadalawang isip ako kung tatabi ba ako sa kanina o sisinyasan nalang si Leona na wag na. "Nay halika na po." Pagpupumilit ni Leona sakin. "S---sige Nak." Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at tumabi may Leona. Tawa lang siya ng tawa habang nanunuod ng Tv, nakayakap siya sa Ama niya na tila ayaw niyang bumitaw. Nagses

