Leonardo's POV Kasalukuyan kong sinusundan ang Mag-ina ko, gusto kong makita kung makakauwi sila ng maayos. Gusto kong yakapin si Christine, gusto kong mag-sorry sa kanya, gusto kong mahalin niya ulit ako pero paano? Takot siya sakin. Nang makita ko siya nung isang araw ay sobrang nagulat ako, i cant even talk, i cant even move my body, nanlalamig ako. Nasaktan din ako ng iniwan ko siya, alam ng Diyos kung gaano naging miserable ang buhay ko nang iwan ko siya, alam ng Diyos kung gaano ako nawalan ng buhay nang tinalikuran ko siya. Lagi akong umiinom, lagi akong wala sa sarili, araw-araw iniisip ko kung ano ba ang ginagawa niya, kung hinihintay niya pa ba ako, kung kumain na ba siya. Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, pero sana pakinggan niya rin ako, hindi lang siya ang nasa

