Christine's POV Masarap sa pakiramdam na makita mong masayang naglalaro ang Mag-ama mo sa tabing dagat. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko, minsan napapangiti nalang ako bigla. Pinatawad ko na si Leonardo nung isang araw at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, mahal ko siya eh, mula noon hanggang ngayon. Siguro tama nga yung sinabi nila na love is sweeter for the second time around, kasi mas naging sweet siya, mas naging maaalahanin at mas naging mapagmahal halos lahat ay may mas na. "Nay halika po, tawag ka ni Tatay." Nabalik ako sa kasalukuyan ng tawagin ako ni Leona. Lumapit ako sa kanila at sinalubong ako ni Leon ng halik sa noo. "Uyyy... Si Nanay at Tatay." Pangaasar ni Leona sa amin kaya napangiti naman kami ni Leon. Kinarga niya si Leona. "We should get ready, our flig

