Christine's POV Days have passed ay wala parin kaming imikan ni Leonardo, nageeffort naman siya na kausapin ako pero pilit parin akong umiiwas. Ayaw ko lang na magaaway na naman kami, laging mainit ang ulo niya at ganun din ako kaya hindi muna kami pwede magusap dahil mauuwi na naman ang paguusap namin sa pagtatalo. Nakakapagod na kasi, sa mga araw na dumarating laging pumupunta dito ang Mommy ni Leonardo at gumagawa ng mga kwento kwento para layuan namin si Leonardo. Wala akong magawa kung hindi umiyak nalang ng umiyak, pinapasok ko sa tenga ko lahat ng mga masasamang sinasabi niya pero ilalabas ko rin sa kabila. Kasalukuyan akong naghihintay sa waiting area ng School ni Leona, simula nang sabihin niya sakin lahat ng sinasabi ng mga kapwa Classmate niya hindi ko na ulit siya iniwan,

