Christine's POV Wala ako sa sariling tumingin sa kanya. "Because your Mom deserve it." "What the f*ck Christine! bakit ba kasi hindi nalang kayo magkasundo." "Sabihin mo yan sa Nanay mong matapobre, wala akong ginagawang masama sa kanya Leonardo, lahat ng masasakit niyang sinasabi tungkol sakin ay tiniis ko, pero wag na wag niyang idadamay ang anak ko dito dahil kakalimutan ko talaga na Nanay mo siya." Galit na sabi ko. Napasabunot naman si Leonardo sa buhok niya. "Christine mabait si Mommy, bakit hindi mo nalang siya intindihin? matanda na siya palaging mainitin ang ulo---" "Alam mo Leonardo tama na, hindi mo naman ako papaniwalaan diba? ni hindi mo nga tinanong yung side ko." Napaiyak na. "Leonardo hindi ko na alam yung gagawin ko, nahihirapan na ako sa sitwasyon natin." Tila kuma

