Leonardo's POV Ilang araw ko ng hindi nakikita si Leona. Palagi akong bumaba at pumupunta sa waiting area pero hindi ko siya makita. 'I dont know what i feel, i just really miss Leona, i want to hug her, I want to hear her voice again--- the way she called me Tatay.' Kararating ko lang sa kwarto ko, bumaba ako saglit upang maglakad-lakad, nagpa-room service ako kanina at mukhang tapos na rin ito dahil malinis na ang kwarto ko. Napaupo ako sa kama, hinilamos ko ang kamay ko sa aking mukha. Lagi ko siyang kasama this past few days at sobrang masayahin siyang bata, sa murang edad niya ay parang matanda na kong magsalita. Flashback "Sabi po ni Nanay, mahal na mahal daw po ako ni Tatay ko." Nilagay ko sa cart ang manikang kanina niya pa tinitingnan. "Naku po! bakit po kayo kumuha niyan

