Christine's POV "Christine." s**t! I know that voice! Boses pa lang niya, tila nanlalambot na ang buo kong katawan. "Nanay siya po si Leon Gwapo. Siya po yung sinasabi ko sayong Tatay ko." Masayang sabi ni Leona. Walang umimik sa aming dalawa, nakatingin lang kami kay Leona. Huminga muna ako ng malalim, gusto kong umiyak ng sobra gusto ko siyang sampalin ng ubod ng lakas, hindi ko lang magawa dahil nasa harapan namin si Leona. 'Bakit pa siya nagpakita samin ng Anak ko?' Tanong ko sa aking sarili. "A---anak punta ka muna kila Jen, maguusap lang kami ng kaibigan mo." Nauutal na sabi ko. "Opo Nay." Ngumiti muna siya sa aming dalawa bago tumakbo papunta kila Jen. Masama akong tumingin kay Leon. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito. "Ikaw dapat ang tinatanong ko, sino si Leona? b

