Chapter 1

1380 Words
Christine's POV "Hoy bakla gumising ka na diyan." Gulat akong napamulat ng batuhin ako ng unan sa mukha ng bestfriend kong bakla. Nakasimangot akong tumayo at pilit kong binubuka ang aking mata ngunit kusa itong sumasara dahil sa antok. "Gumising ka na nga diyan bakla! Kung makatulog ka para kang nasa bahay mo ah." Nagtatalak na sabi ni Issa. "Tumayo ka na nga diyan. Tanghali na kaya, talo pa kita, ako galing Japan may jetlag pa pero ang aga kong nagising. Ikaw galing lang sa tabi-tabi--" Nakapikit akong tumayo, sobra yung antok ko pangmalakasan talaga." Kung makasabi ka naman ng sa tabi tabi para kang hindi mayaman." Nagstretching ako ng konti. "Hoyyy! Hindi ako mayaman noh. Nabihisan lang ng maganda, nagkacondo lang mayaman agad? Hindi ba pwedeng nagsumikap lang ako para makamit ang inaasam-asam kong pangarap." Nakapameywang na sabi niya, para siyang si Aling Leng kung makapagsalita. Binato ko ito ng unan sa mukha. "Manahimik ka na nga! Nakakainis ka! Akala ko pa naman makakatulog ako ng matiwasay at walang gigising na bunganga sakin! Yun pala para ka rin si Aling Leng." Nakabusangot na sabi ko. Naiinis ako! Para kasi siyang si Aling Leng kung makapagsalita. Ang lakas lakas ng bunganga nagtititili pa. "Atsaka hindi ako bakla, ikaw ang bakla." Inirapan ko siya at pumasok sa cr. Kapal din ng mukha ko noh, ganun talaga kami mag-usap. Isaiah Demogracia ang pangalan niya. Isaiah sa umaga, Isa naman sa gabi. Galing siya sa Japan, maayos naman ang trabaho niya dun at hindi naman malaswa, sadyang masipag lang siya kaya pinagpala. "Hindi ka ba talaga bakla? Eh kung tutuusin mas mukha ka pang bakla sakin." Narinig ko pa siyang bumubulong-bulong. Kainis talaga! Kung hindi ko lang to kaibigan matagal ko na tong pinakasal kay Bim na anak ni Aling Leng. Naligo na ako at nanghiram nalang ng damit pambabae kay Isa. "Isa uuwi na ako." Sigaw ko sa kanya, lumabas naman siya sa kwarto. Gwapo sana tong si Isa at nasa kanya na ang lahat ng gugustuhin ng isang babae ngunit pusong babae din siya. "Sabay ka na sakin bibili ako ng pagkain sa drive thru." "Sige, pero lilibre mo rin ako ng pagkain ha." Kinindatan ko pa siya. "Yuck! Ikaw inaabuso mo na p********e ko." Naiinis na sabi ni Isa, kinuha niya ang susi ng sasakyan niya. May sasakyan din si Isa hindi nga lang mahal o latest. Sumakay na kami sa sasakyan niya at syempre kumain na rin kami at nag takeout pa siya para sakin. "Hoy bakla! Goodbye na! Kiss na!" Sabi ko at ngumuso pa. "Eww... Umalis ka na nga Christine." Tumawa ako ng malakas sa sinabi niya at bumaba narin. Sinigurado ko muna na umalis si Isa bago pumasok ng apartment. 'Bakit bukas yung bahay ko?' Tanong ng isip ko. Nakita ko si Aling Leng at ang anak niya na pinagtutulungan na ilabas ang aking mga gamit. Mukhang totoo na yung banta ni Aling Leng. 'Patay ako! Kailangan ko makagawa ng paraan.' "Aling Leng! Ano pong ginagawa niyo?!" "Nilalabas ang mga gamit mo. Sinabi mo na magbabayad ka na ngayon at matatapos na lang ang araw hindi ka pa nagpapakita sakin." "Ahh... Aling Leng kasi..." Nagkunwari akong umiiyak. Mukha naman naawa ang matanda at lumapit sa akin. "Anong nangyari Tine?" Pati narin si Bim na anak ni Aling Leng ay nagalala na sakin. "Na-naholdap po ako, wala po talaga silang awa muntik na po nila akong patayin." Niyakap ko kunwari si Bim para mas effective ang arte ko "Wag anang umiak Tine, Iaw ase ommy pinaiak mo si maal o." Ngungong sabi ni Bim. Kahit ako nahihirapan intindihin yung sinasabi niya. Kainis! Sila lang mag-ina ang nagkakaintindihan. Hinawakan niya ang likod ko at hinimas-himas ito. 'Oo Tine arte pa, konti nalang maaawa na sila sayo.' Sabi ng isip ko. Humarap ako kay Bim na may luha parin ang aking mata. "Bim sabihin mo naman sa mommy mo na wag muna akong paalisin sa bahay niyo. Wala akong matitirahan. Magiging palaboy ako sa kalye. Pano na ako ngayon? Wala akong pamilya Bim tulungan mo ko." "Ige na nga... Mom ag mo paalitin e Tine maal ko ta. Pag pinaalit mo ta lalayat ato." Bigla naman nagbago ang expression ni Aling Leng. "Wag ka lumayas anak. Sige bibigyan ko ulit si Tine ng palugit." Tahimik naman akong nakangiti. Maaasahan talaga kita Bim. "Sige na Tine pumasok ka na." Umalis na si Aling Leng sa harapan ko. Tinulungan naman ako ni Bim na ipasok ang mga gamit ko na nasa labas. "Thank you Bim." Nakangiting sabi. "Ala yun. Maal alaga ita Tine at ayaw o maayo ka akin." Ngumiti siya kaya nakita ko ang bibig niyang gilagid agad at walang ngipin. Ngumuso naman siya na tila hinihintay na halikan ko siya kaya mabilis akong pumasok at sinara ang pinto. "Salamat Bim, tulog na ako. Goodnight!" Sigaw ko para marinig niya. Nang nakapasok ako, inayos ko ang mga gamit ko na nakalagay sa sako at bag. Humiga narin ako upang makapagpahinga. Naalala ko yung pinaggagawa ko kagabi sobrang nakakahiya. Sinabi ko na buntis ako at nag-iskandalo ako sa maraming tao. Flashback Naglakad ako papuntang sakayan ng may humila sakin. "Where do you think you're going Miss?" 'OH NO! I know that voice!' "Ha? Hindi kita kilala." Nagmamaang-maangan kong sabi. "Are you sure? Hindi mo ako kilala?" Tanong niya sakin. Umiling ako at tiningnan ko siya sa mata para kunwari ay hindi ako affected. "You don't know me, but I know you. You're the girl in my company that I fired and you're the girl who ruined my relationship with my girlfriend." "A-ako? Mister, wala akong inaapakang ibang tao at hindi ko rin intensyon na manira ng relasyon na may relasyon." Nakipagtitigan ako sa kanya. Inisip ko nalang na ako ang bida sa no other women at kasing galing ko umarte si Anne Curtis. Konti na lang matutunaw na ako. Ang gwapo niya pala sa malapitan. "Are you crazy? Are you on drugs?" Halatang naiinis na siya. "Hindi ako baliw. Ikaw ang baliw. Atsaka sino ka ba? Hindi kita kilala." "Namumuro ka na sakin Miss, ipapakulong kita, you ruined my plan." Hinawakan niya ang kamay ko at pilit akong hinihila. "Enebe. Nesesekten eke." 'Ano bayan bakit ako nabubulol?! Bakit ang daming 'e' na word na nasasabi ko.' Para kasi akong kinukuryente sa pagkakahawak niya, baka bigla nalang akong mangisay dito sa kinakatayuan ko. Ang lambot ng kamay niya. 's**t! Landi ko.' "Ipapakulong kita." Ang perfect niya. I wonder, ilan kaya abs niya? "You will rot in jail Miss." Wait! Ano daw?! Jail?! Magsasama ba kami sa kulungan? Kung magsasama naman kami sa kulungan, buong puso kong tatanggapin ang pagkakulong ko. "Miss, mabubulok ka sa kulungan." "Ake leng ba pogi? O kaseme ke?" Kinindatan ko pa siya. May tama na rin kasi ako ng alak and I wanna have fun. "YES! Ikaw lang." "What? No? Bitawan mo nga ako. Bitaaaaw." Pilit kong inaalis ang kamay ko sa kamay niya. "Stay still, f**k! Ouch!" Bigla ko siyang sinipa sa bird niya pero hindi niya parin tinanggal ang pagkakahawak niya sakin. "BITAW NGA!" Sigaw ko. Ayaw ko makulong noh. May nakita akong limang binata na papalapit samin kaya sumigaw ako. "r**e! r**e! HELP ME!" "What are you f*****g saying?" "r**e! TULONG! HE'S TRYING TO r**e ME." Sabi ko ng lumapit ang mga lalaki samin. "Hoy bitawan mo siya, kalalaki mong tao at gwapo ka pa tapos mangrarape ka." Sabi ng isang lalaki. Binitawan naman niya ako. Tumakbo ako sa likod ng limang lalaki. "Kuya salamat aalis na ako." Tumakbo ako at humanap ng taxi para umuwi sa condo ni Isa. Tiningnan ko ang lalaking gwapo. Nanlilisik ang kanyang mga mata na tila gusto akong sakalin. 'Baka mapatay ako ng lalaking ito pag nagkita ulit kami. Dapat hindi na magtagpo ang landas naming dalawa.'' End of flashback Napabalikwas ako ng higa. 'Sana hindi na kami magkita ng lalaking yun. Lord, mahal ko pa ang buhay ko." Sabi ng isip ko. Ring ring ring Hindi ko pa tinitingnan ang caller nang sinagot ito. "Hello bakla." Bored kong sabi. "You're not gonna run away from me this time." Nanlaki ang mata ko at kinilabutan ako bigla. "OH MY GOD. Mamamatay na ba ako!" ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD