Chapter 2

1313 Words
Christine's POV Nanginginig ang kamay ko habang tinititigan ang hawak kong dyaryo. Nung una akala ko kamukha lang ng lalaking pinahiya ko sa bar, ngunit mali ako dahil ito mismo yung lalaking nagtanggal sakin sa trabaho at ipinahiya ko sa bar. Para akong tanga na nakatulala lang. Kagabi ng marinig ko ang boses niya biglang nanginig ang buong katawan ko na tila salita palang niya ay mamamatay na ako. Kaya agad ko itong ibinaba at tinanggal ko ang aking battery sa cellphone para hindi niya na ito macontact. "Hoy Tine! Anong ginagawa mo diyan at bakit ka nakatulala?" Narinig ko ang boses ni Aling Leng ngunit hindi ko ito pinansin. "TINE? CHRISTINE? HOY!" "Ay malaking bird! Aling Leng kayo po pala. Hehehe." s**t! Malaking bird pa talaga ang nasabi ko. Tiningnan ako ni Aling Leng mula ulo hanggang paa, tinaasan niya pa ako ng kilay. "Hoy Christina baka nagdadrugs ka na ha!" Biglang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "Po? Hindi po." "Siguraduhin mo lang Tine dahil pag nalaman ko na may kalokohan kang ginagawa, papalayasin na talaga kita dito sa apartment mo." Nanlilisik na naman ang mata ng matanda. Inggit talaga itong matandang to sa beauty ko. "Atsaka bakit ka ba nakatulala diyan sa dyaryo? Naghahanap ka ba ng trabaho?" "H-hindi po may napansin lang ako." Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis baka sakaling ngumiti rin. "Ganun ba? Sige na't maniningil pa ako. Oo nga pala tuwing gabi magsara ka ng pinto ng maayos. Kung gusto mo, doblehin mo ang lock mo, kasi may nakita akong magarang sasakyan na patingintingin diyan sa tapat ng bahay mo kagabi. Baka mamaya nakawan ka, eh wala namang mananakaw sayo kaya baka patayin ka nalang nila." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda, tila kinalabutan ang buong katawan ko. Hindi kaya, hindi kaya yung lalaking kausap ko kagabi yun din ang nakita ni Aling Leng? 'So gusto talaga akong patayin ng lalaking yun.' Oh no! Hindi pwede ito, marami pa akong pangarap sa buhay. "Uhm... sige po papasok na ako." Patakbo akong pumasok sa apartment ko at mabilis na sinara ang pinto. "Woooh... Kailangan ko magdoble ingat." Hindi ako umalis ng bahay sa araw na ito dahil sa takot ko. Lagi rin akong tumitingin sa bintana dahil naaalala ko yung sinabi ni Aling Leng. Nakahanda narin ang mga gamit kong kutsilyo, itak, baseball bat at martilyo kung may magtangka mang pasukin ang apartment ko. Sumilip ulit ako sa labas ng bintana bago pumuntang ref. Nagugutom na ako, gabi narin kasi. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref. Bumaksak ang balikat ko nang wala akong makitang ni isang naligaw na pagkain. Wala na rin akong mga de lata, pati bigas ubos na. Napabuntong hininga ako. I have no choice. Kailangan ko bumili ng makakain ngayong gabi kung hindi baka mamatay nalang ako dito sa gutom. Siguro naman hindi totoo ang sinasabi ni Aling Leng. Baka tinatakot lang ako nun para umalis na ako dito sa bahay niya pero sad to say hindi ako papadala sa kanya. Kinuha ko ang jacket ko pati narin ang wallet ko. 80 pesos nalang ang laman nito, kasya pa ito ng isang kilong bigas at dalawang delata. Mabilis akong lumabas at sinarado ko ang pinto. "Oh? Tine? Bakit ngayon lang kita nakitang bumili ulit?" Tanong ng matandang tindera. "N-nagkulong lang ako sa bahay. Alam mo na, pahinga. Rest day kumbaga. I'm busy sa work laging pagod kasi lagi akong inuutusan ng boss ko." Pagsisinungaling ko. Echosera kasi ang matandang ito, chismosa pa baka ipagkalat na naman niya na wala akong trabaho at hindi ako pautangin ng ibang tindahan. Tinaasan niya ako ng kilay dahil naiinggit na naman ito sa akin. "Ito na yung bigas at delata mo." "Thank you po and keep the change." Sigaw ko sa kanya at mabilis na tumakbo pabalik sa apartment ko. May dalawang pisong sukli pa kasi yun. Luminga-linga ako sa paligid na tila isa akong pulis na nagundercover. Nakita ko si Bim na nakangiting lumalapit sakin. "Bim laway mo tumutulo." Umakbay siya sakin kaya naamoy ko ang baho ng hininga niya. Buti nalang nakainom ito kaya natiis ko ang baho. "Aam mo Tine aya ao nag-asing kati maal na maal na ita, ulog a ulog a ako tayo taluin mo naan ao." "Uy Bim, anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan. Pumasok ka na nga sa bahay niyo. Gabi na at hinahanap ka na ng nanay mo." Naiinis na sabi ko. "Pais aman Tine, Ita ang." Ngumuso siya sa akin. "Sapak gusto?" Tinaas ko pa ang aking kamao tila natakot naman ito at patakbong umalis sa harapan ko. Binuksan ko ang lock ng pinto ngunit laking gulat ko na hindi na ito nakalock. Inisip ko nalang na baka nakalimutan ko ilock dahil sa pagmamadali kong makabili ng pagkain. Madilim ang paligid. Ayaw pang mabukas ng ilaw. "Ngayon pa talaga na pundido. Kung kailan wala akong pera pambili ng ilaw. Malas naman! Nakita ko na naman kasi si Bim eh, baka may balat sa puwet yun." Nagpapadyak ako sa inis. Nagkapa-kapa nalang ako upang hanapin ang kandila. Sinindihan ko ang kandila at laking gulat ko na may nakaupo sa silya ko. "Ay! Deputa!" Tinitigan ko ang lalaki at napagtanto ko na siya yung lalaki na nakita ko sa dyaryo. Ngumiti siya ng nakakaloko. I admit na ang gwapo niya talaga sobra at buti nalang masikip ang panty ko kung hindi baka nalaglag na ito. "Is this how you welcome the father of your child?" His voice makes my heartbeat fast. 'Katapusan ko na ba?' "Why are you not talking? You're afraid!" Nilapitan niya ako. I can't move and I don't know why. "I thought you're a brave women. You embarrass me in front of many people. Do you remember that?" Hinawakan niya ako sa balikat. "I wanna know why you did that?" "F*ck it! Tell me!" Nagulat ako kaya bigla akong tumakbo sa kusina. Ready na ang mga armas ko ngunit hindi ko ito mahanap. Hindi ako nakapagisip kaagad kanina dahil nadala ako sa kagwapuhan niya. "Nasan na ba yun?" Sabi ko, habang naghahalungkat ng gamit. "Ano ang hinahanap mo?" Isang britonong boses ang nagsalita sa likod ko. "W-wala." Nakita ko ang tinidor kaya yun nalang ang kinuha ko. ''Wag kang lalapit! Wag kang lalapit sasaksakin kita nito." Tumawa siya ng mahina. "You think na masasaktan ako ng mini tinidor mo?" "Anong mini tinidor? Hoy! For your information, hinahasa pa itong tinidor ko." Ngumiti na naman siya. Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko na may hawak na tinidor. "If you want, tinidurin na lang kita. Mas matulis ang tinidor ko." I bite my lower lips. Nanlalambot na ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ito papuntang sala. "Arey ane be! Dehen-dehen leng nemen." Pinalo ko ang kanyang dibdib. "Ay ang teges nemen, nahurt ang hands ko." Pabebeng sabi ko. Nakita ko na may dalawang lalaki na lumapit samin kaya bigla akong kinabahan. "Please! Wag! Please!" Tinaasan niya ako ng kilay. "What the hell?" Nalilitong sabi niya. "Anong gagawin mo sakin? Ipapa r**e mo ko sa mga lalaking to?" Tinuro ko pa ang mga lalaking lumapit samin. "Ipapagahasa mo ako? How could you? How could you?! I trusted you! I trusted you." Pinagpapalo ko ang dibdib niya but not totally pinagpapalo dahil hinihimas ko ito. "I don't know what are you f*cking saying." Kinagat ko ang pangibabang labi ko dahil baka overreacting na ang arte ko. "Just get the girl." Nauna siyang naglakad palabas ng apartment ko. "Wag niyo ko hahawakan sisigaw ako!" Pananakot ko sa kanila ngunit hindi ito tumalab. Lumapit sila at may pinaamoy sakin kaya bigla akong nanghina at nahilo. "Sorry Miss but this is the boss order." Yan ang huling kong narinig bago nawalan ng malay. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD