Chapter 3

1537 Words
Christine's POV Dahan-dahan kong minulat ang aking mata. Parang nakabawi ako ng tulog ngayong araw. Wala rin akong narinig na panggigising ni Aling Leng kaya himala. Mukhang umalis ata ang mag-ina. Nagstretching pa ako. Ang lambot ng higaan ko, ang bango ng unan at kumot ko para akong nasa isang hotel. 'No! Para akong nasa isang 5 star hotel.' "Hotel? Nasa hotel ako. s**t!" Napabalikwas ako ng higa ng marealized ko ang mga nangyari kagabi. 'Bakit ako nasa hotel? May nagtangka bang gumalaw sakin? Yung lalaking gwapo! Siya ang may kasalanan ng lahat ng ito! Magbabayad siya! Kinuha niya ang pinakaiingatan ko!' Kinapa ko muna ang buo kong katawan. Wala naman pinagbago. Wala ring masakit sakin, tapos yung damit na suot ko kagabi yun parin ang suot ko. Bigla may nagbukas ng pinto kaya napatingin ako dito. "You're awake." "Huh? Yes I-i'm awake. A-anong ginagawa ko dito? Bakit mo ko dinala dito?" Nauutal na sabi ko. Para kasing umurong yung dila ko dahil sa kakatitig ko sa katawan niya. Nakasuot kasi siya ng white shirt at naka boxer short lang na fit. Titig na titig ako sa kanya mula ulo hanggang sa---- "Ay bakat." Bigla kong sabi. Bakat kasi ang junjun niya. "What?" "W-wala. Ang ganda ng hotel na to noh?" Pilit kung pinapakalma ang aking sarili. Yung bibig ko talaga hindi makapagpigil. Tinaasan niya ako ng kilay. "Wag mong baguhin yung usapan. I know what are you talking about. My 'bakat' down there." Ngumuso pa siya sa junjun niya. "H-hindi... a-ano---" Nauutal na sabi ko ulit. Bakit ba kasi ako nauutal? "You know what? You're not a good liar. Lahat ng sinasabi mo nakikita ko sa mata mo." Lumapit siya sakin at tinitigan ang mata ko. "You have a beautiful eyes." Hinaplos niya ang mukha ko. Mas dumoble ang t***k ng puso ko ng hinaplos niya ang mukha ko. Sinamahan pa ng ngiting nakakaloko. "Maganda ka sana, kaya lang mapupuno na ng muta ang mata mo." natatawang sabi niya kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. Agad akong yumuko at tinanggal ang sinasabi niyang muta sa mata ko. Ngayon ko lang narinig ang tawa niya at napakasarap sa tenga. Tiningnan ko siya para akong isang clown kung makatawa siya, napangiti narin ako dahil sa halakhak niya. Para kasi siyang baboy kung makatawa. Gwapong baboy. "Why are you smiling? You're such a weirdo." "Ha? Eh... ikaw kasi tumatawa eh kaya napangiti narin ako. Ang cute mo pala." Biglang sumeryoso ang mukha niya na tila may mali akong nasabi. Kaya binago ko nalang ang topic namin. "Uhm... a-ano bakat naman talaga kasi yang junjun mo eh. Ang fit kasi ng boxer mo, dapat nagsusuot ka ng mga maluwag. May kilala akong nagbebenta ng boxer sa palengke. Si Nangnang, 50 % sale sila ngayon dating 60, 30 nalang. Eh maitsura ka pa baka libre nalang sayo yun." Ngumiti na naman siya. Naku! Malalaglag panty ko nito. Kailangan ko rin bumili ng sobrang sikip na panty kay Nangnang. "Hindi ka ba natatakot sakin? I can kill you in just a snap of my finger." "Hindi! Tao ka rin naman. Kung mamamatay man ako, alam kong hindi mo kasalanan yun. Isipin nalang natin na dahil yun na talaga ang oras ko. Hindi ako natatakot sa mga tao, wala akong pakialam kung sino matapakan o maloko ko kasi wala naman na akong pamilya para ipagtanggol." Nakangiting sabi ko. Totoo naman kasi. Tao lang siya katulad ko, yun nga lang mayaman siya at ako naman ay isang mahirap lamang. Kahit nga anong trabaho o gawain papatusin ko magkapera lang. "You're a brave girl." "I know right. Sige na uuwi na ako, salamat sa pagpapatulog mo sakin dito sa hotel. Nagkaroon ako ng kaunting peace of mind." "This is not a hotel. This is my house." Napaawang yung bibig ko. Bahay niya pala ito?! Para kasing hotel. "Wow!! Ang yaman mo talaga. Alam mo ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar kaya akala ko talaga hotel. Pwede na pa lang maging bahay ang hotel sa panahon ngayon. Ang bahay ko kasi maliit lang tapos magkakatabi pa. Andami pang maingay kaya hindi ako makatulog tapos andami pang daga at ipis na pagapang-gapang sa pader. Ay sorry ang daldal ko talaga." Nahihiyang sabi ko. Wala na naman kasing preno yung bibig ko. Hindi ko nga alam kung naiintindihan niya pa ako sa sobrang bilis ko magsalita. "It's okay. Let's go. Breakfast is ready." Pag-aayaya niya. "Naku! Wag na, nakakahiya naman sayo, dito na nga ako natulog." "Okay." Ano ba yan! Hindi man lang ako pinigilan. Nagugutom na kaya ako. "Okay lang ang sagot mo? Hindi mo ba ako pipilitin?" Naiinis na sabi ko. Umiling lang siya at naglakad papuntang pintuan. "Wait! Ito naman hindi mabiro. Syempre sasabay ako sayo kumain ng breakfast. Kagabi pa kaya ako hindi kumakain." Dumiretso lang siya ng lakad kaya napasimangot ako pero sinundan ko parin siya. Kumapit pa nga ako sa kamay niya para kunwari close na kami. Titig na titig ako sa mga pagkain na nakahain. Para akong nalulula sa dami nito. 'OHMYG! Thanks God! Daming pagkain. Naglalaway na nga ako eh.' "Andaming pagkain." Amaze na amaze na wika ko. "Yeah I know. So let's eat." Mabilis akong tumango. Kumuha ako ng maraming ulam. May bacon, hotdog, itlog, ham, longganisa, may soup at marami pang iba. Wala akong pakialam kahit nakatingin siya habang ako'y kumakain. Siguro iniisip niya na mukha akong patay gutom pero I don't care! Minsan lang ito, lulubos-lubusin ko na. "Hanggang gabi na ba itong pagkain natin?" Tanong ko sa kanya. He's just drinking coffee. Hindi man lang kumain ng kanin. Sayang itong pinaghanda sa kanyang umagahan ng katulong niya. "No! As I said earlier, this is just breakfast. We have lunch and also dinner." "Talaga? Eh hindi naman na ako makakapaglunch dito. Pwede ko bang itakeout nalang ang mga pagkain na natira? Pwede ko na itong maging pagkain ng tatlo pang araw. Ilalagay ko nalang sa ref nila Aling Leng." Nakangiting sabi ko. Makapal talaga mukha ko. "No!" Napasimangot ako sa sinabi niya. "No! Because you're not going home. Dito ka lang sa bahay ko. You will be my maid para mabayaran ang kahihiyang idinulot mo sa akin noong nasa bar tayo." "Huh?" Nalilitong sabi ko. "Alam ko naman na naiintindihan mo ang sinasabi ko. Mamaya sasamahan kita na kuhain ang mga damit mo sa tinitirahan mo." "P-pero," "No buts! Kumain ka na." Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain. "Later, pag nakuha na natin ang lahat ng gamit mo sa tinitirahan mo, i'll talk to you." ---------- Natapos kami kumain ng almusal. Pumunta kami sa apartment ko para kunin ang ibang damit ko. "Aling Leng, iiwan ko po yung ibang damit ko dito. Pagkatapos po ng trabaho ko sa amo ko ay babalik ako dito." Sabi ko. Tila hindi niya naman ako pinapakinggan dahil tutok na tutok siya sa amo kong lalaki. "Alam mo kasi hijo, napamahal na yan si Tine sa amin." Kunwaring malungkot na sabi ni Aling Leng, if I know may gusto na naman ito sa amo ko. Patawa-tawa lang ito. Nakakainis! Bakit ba kasi ang gwapo ng lalaking to. He looks like a demigod. Sobrang hot niya pa. "Uhm... Aling Leng aalis na po kami." Hinatak ko siya dahil baka bigla nalang siyang gahasain ni Aling Leng. Napasimangot naman ang matanda. "Aalit ka a Tine?" Malungkot na tanong ni Bim. "Iang aaw a dun?" "Oo Bim. Aalis na ako. Hindi lang araw ako mawawala baka mga months pa." "Anun ba?" (Ganun ba?) Tumango ako sa kanya at ngumiti. Lumapit naman si... Ano ba kasi pangalan nito? "Sir, si Bim po anak po ni Aling Leng." Lumapit si Bim kay sir at tila sinusuri ang kanyang buong katawan. "Ino a ba?" "What?" Naguguluhang tanong niya. "Ang sinabi po ni Bim ay sino ka daw po ba? Medyo may pagkangongo lang po talaga siya. I mean may pagkabulol pala." Pagbabago ko ng salita dahil tumingin siya sakin ng masama. Tila naman tumango si Sir at lumapit kay Bim. "I'm Leonardo Montemayor. It's nice to meet you." Nilahadan niya si Bim ng kamay. Nahiya naman si Bim kaya nagpunas muna ito ng kamay bago makipagkamay sa lalaki. 'So, Leonardo Montemayor pala ang pangalan niya. Pati pala pangalan niya ang hot at kagwapo bigkasin.' "We have to go Bim." "Sanali, ayutin mo ang pagaalaga a Tine ko. Paakatalan ko pa yan agbalik niya." "What did he said? Paa?" Bulong na tanong niya ulit. "Hindi! Ang sinabi niya ayusin mo daw ang pagaalaga sakin dahil pakakasalan niya pa raw ako pagbalik ko." "Huh? Whatever let's just go." Hinawakan niya ang kamay ko. "Aalis na po kami Aling Leng at Bim." Hinatak niya na ako bago pa man ako lapitan at bigyan ng goodbye kiss ni Bim. "Wait lang hindi pa nga tayo tapos magpaalam sa kanila." "No need kanina ka pa nga nagpapaalam sa kanila lalo na sa Bim na yun." "Ehh... Nagseselos ka noh?" Pa-joke na sabi ko. "Tsk. Don't get me wrong. You're just my maid." "Aray! Aray naman yung puso ko." Naiinis na sabi ko. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD