"Kaya pala okay lang sayo that dad is getting married again, kasi ikaw mismo may dinedate ng iba!" Sigaw ni Nadine after showing her phone to Jino. "You're misunderstanding things, Nadine. I'm not dating that person! May pinag-usapan lang kami." Paliwanag ko. "Anong hindi? Then why are you in his car? And why is he holding your hand like that? May pinag-usapan lang? Talaga lang ha?" Tutya nito at ayaw maniwala sa akin. "That's my—" Hindi ko pwedeng sabihin na ex-boss dahil hindi ko pa nasasabi that I got fired. At isa pa, kung aaminin ko na ex-boss ko ito, baka mas lalo lang itong hindi maniniwala dahil anong rason ang sasabihin ko kung bakit ako nakipagkita rito. "He's my boss, Nadine." Dugtong ko. "You're having a fling with your boss?" Salubong ang mga kilay niyang tanong sa akin.

