LILITH'S POV "Room number 258 po ma'am." Saad ng nurse na pinagtanungan ko. Nilagay ni chef Symon ang pangalan ko sa visitors list kaya wala na masyadong tanong pa at sinabi na agad sa akin ang room number nito. ""Eccoti! (There you are!)" Hindi ko naintindihan ang sinabing yun ni chef Symon, pero dahil nakangiti siya ng makita ako, I'll assume hindi siya galit. "Chef, it's been a while po." Bati ko rito. ""Siediti! Siediti! (Sit! Sit!)" Itinuro niya ang upuan. "I brought you some fruits, chef." Inilapag ko muna ang dala kong fruit basket sa lamesa sa tabi niya bago umupo sa upuan. "What is this thing that I heard? You are no longer working at the restaurant? Spiega adesso! (Explain now!)" Tanong nito at kumukumpas kumpas nanaman ang kamay, at nagtataas ng boses. Namiss ko itong hi

