Eli's POV
I opened my eyes and saw an unfamiliar place. Fresh na fresh tignan yung kwarto, girly na girly. I rolled my eyes and saw someone, I smiled.
"Emerald."-Mahina kong sabi.
"OMG!! You're awake na!"-Masaya at mabait nitong sabi.
"San to?"-Tanong ko.
"You're in my room, dito ka namin dinala,"-Sabi nito.
"Kaya pala mukha ding mabait."-Sabi ko, tumingin naman siya sa akin na nagtataka.
"Wala, sabi ko fresh ng room mo."-Sabi ko. "...Bakit nga pala ako nandito?"-tanong ko.
"Di mo naaalala?"
"Di e, siguro di na ako magtatanong kung naalala ko."-Sabiko.
"You collapsed. Nag-bleeding ka."-Sabi nito. Tumingin naman ako sa kanya, then all of a sudden bumalik yung mga nangyari, the sagutan portion namin ni Zircon, the walk out scene na may angas, then all of the sudden sumakit yung puson ko, then blood in my legs. Bigla akong napahawak sa tiyan ko.
"Yung baby?!?"-Bigla kong tanong kay Emerald. Ngumiti naman ito ng napaka-bait.
"You're both okay. Though nag bleeding ka, sabi ng Doctor, malakas pa din ang kapit ng fetus."-Sabi nito. Nakahinga naman ako ng maluwag at hinaplos haplos ang tiyan ko.
"Good thing Kuya Zircon followed us, sobrang worried siya kagabi because there is lot of bloods on the floor. OMG!! I can't imagine myself like that."-Natatakot na sabi nito in a mabait na version.
"S-Si Zircon?"-Tanong ko sa kanya.
"Yes, Kuya Zircon followed us, then when I shouted, he hurriedly came to us and he carried you to the room."-Sabi pa nito, na mabait.
"Kagabi pa ako dito?"-Tanong ko ulit.
"Yup, you're so tulog, nagalala nga kami kasi you're so tulog e, I thought you would be in COMA, but the doctor said that it's normal, at baka pagod ka lang din daw."-Sabi pa nito. Mabait. Umupo at ako at inayos ang damit kong suot. Napatingin kami sa biglang bumukas na pinto.
"You're awake."-Sabi ni Quartz na nakatingin sa akin. Tumango naman ako.
"The doctor said that you should rest for a while, there is something that trigger your bleeding, are you hit by something?"-Tanong nito. Inisip ko nama kung ano at naalala ko ang isang bagay.
"Siguro yung sa clinic, yung..."-Di ko na tinuloy. Ayoko nama na masisi si Zircon.
"I remember now."-Sabi ni Quartz. ".. be careful next time, if the baby is Zircon's, you should take care of it, I don't want my nephew/niece to be harmed."-Sabi nito. Tumango naman ako.
"Anyway. I just want to tell you that you will be leaving this house."-Sabi ni Quartz. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Kuya! Why? She's preggy eh! then nag-bleeding pa sya, tapos you wil make her palayas here."-Sabi ni Emerald. Grabe, di ko akalain na pwede pala magalit na mabait way?
"W- wala na akong mapupuntahang iba."-Sabi ko at tumungo. Actually meron naman akong mapupuntahan, peroa ayaw ko, ayaw kong mag-stay kela Mommy, ayaw kong lumaki ang anak ko sa lugar na iyon.
"Hindi kita pinapalayas. It's just that, Papa would be home and we still don't want him to know about it."-Sabi nito.
"OMG!! Really? As in Papa?"-Gulat na tanong ni Emerald. Mabait version.
"Yes, Emerald. And for you Ms. Lopez, We agreed that you will stay at Zircon's pad."-Sabi nito.
"P-Pad? You mean condo unit?"-tanong ko dito. Tumango ito sa akin.
"Srsly? Pumayag si Kuya Zircon?"-Tanong ni Emerald.
"He don't have a choice."-Sabi ni Quartz. Napapangita ko na ang mukha ni Zircon habang pinagtatalunan nila ang pagtira ko sa unit nito. HAHAHAHAHA.
"Then, if it's okay with you, you can pack your things now."-Sabi nito at bumaling kay Emerald kita ko na lumambot and ekspresyon ng mukha nito "...Emerald, can you help her packing?"-Tanong niya sa kapatid.
"Sure Kuya!"-Masaya nitong sabi.
**************************************
"Kanya kanya tayo ng buhay doon."-Napalingon naman ako sa katabi ko na seryoso ang mukha na nakatigin sa kalsada.
"Walang pakialaman ng buhay, wag na wag ka din makikialam ng mga gamit ko."-Sabi nito. Sinimangutan ko naman siya.
"Eh bakit ka pa kasi pumayag na tumira ako doon kung labag naman pala sa loob mo."-Sabi ko dito.
"Wala akong choice, kung meron lang sa kalsada ka titira."-Sabi nito.
"Alam mo napaka sama talaga ng ugali mo."-Sabi ko dito.
"Wala akong pake."-Sabi nito sa akin. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaking building. Agad na bumaba si Zircon at sinalubong siya ng ballet ng lugar. Pinagbuksan naman ako ng lalaki.
"Hoy, ano? Tatanga ka na lang dyan?"-Inis na tanong sa akin ni Zircon. Bumaba naman ako ng kotse. Naglakad si Zircon papasok sa building.
"Teka! Yung mga gamit ko."-Sabi ko dito.
"Edi bitbitin mo, engot."-Sabi nito.
"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?"-tanong ko dito., dalawang travelling bag kasi ang dala ko ngayon.
"Kanya-kanya tayo dito di ba?"-Sabi nito na nakangisi. Padabog akong bumalik sa kotse at kinuha ang dalawa kong bag.
"Buysit!! Mabaog ka sana! Gagu!"-Sigaw ko sa kanya.
"Ma'am, tulungan ko na po kayo."-Lumingon ako sa lalaking nasa gilid ko. Ngumiti naman ako at binigay yung bag ko.
"Salamat ha, buti ka pa gentleman, di tulad ng lalaking utot na yun."-Sabi ko, ngumiti lang ang lalaki at sinundan na namin si Zircon. Tumingin ito sa akin.
"Oh ano? Di lahat ng lalaki tulad mong puro balls lang malaki!"-Sabi ko dito, di ako nito pinansin at pumasok na sa elevator. Tahimik lang kami. Napapaisip naman ako kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon? Tinulungan ko lang naman yung lalaking baluga na to, tapos ayan, buntis na ako. Galing e. Talagang di na ako makiki-alam sa sa business ng ibang tao.
"We're here."-Natigil ang mga iniisip ko sa salita ni Zircon. Naglakad siya palabas ng elevator at sinundan naman namin siya. Tumigil siya sa isang pinto at pinindot ang key code nya. Pagkabukas ng pinto ay diretso siyang pumasok, pumasok din ako pero nagsalita siya.
"I don't entertain any strangers in my pad."-Sabi nito. Tinignan ko naman siya.
"Pwede bang pakiiwan na lang ang gamit ng babaeng yan? Ayokong may ibang napasok dito sa lugar ko."-Sabi niya pa. Tumigil naman ang attendant na lalaki at binaba ang bags ko sa bandang pinto.
"P-pasensya na po."-Sabi nito at umalis na.
"Ang sama talaga ng ugali mo."-Sabi ko dito.
"Given na yon Ms. Lopez."-Sabi niya. "...your room is that side,"-Turo niya sa kwarto sa may kanan.
"The other room is mine, bawal kang pumasok sa loob, understood?"-Sabi niya sa akin.
"Paano sa ibang area?"-Tanong ko sa kanya.
"You use it, pero ayoko ng makalat. Everything here is in right place, ayaw ko na may mamiss-place."-Sabi nito.
"Eh sa pagkain, we both know na wala akong trabaho."-Sabi ko.
"We have stock in the kitchen. Hindi yan nawawalan, the maids always make sure na refill yan."-Sabi nito.
"Eh paano mga needs ko."-Sabi ko.
"Wala na akong pakialam doon. Maghanap ka ng trabaho, hindi kita sagutin hangga't hindi napapatunayan na anak ko yan."-Sabi nito. Sinimangutan ko siya, may sasabihin pa sana ako pero hindi iyon natuloy dahil biglang nag ring ang cellphone niya.
"Remember, don't you dare enter my room, miss place my things, and make my place a mess."-Sabi nito at tumalikod at sinagot ang cellphone niya.
Kinuha ko ang mga bags ko at dinala iyon sa kwartong tinuro ni Zircon. Pagbukas ko ng kwarto ay nanlaki ang mga mata ko.
"Buysit ka talagang ulupong ka!!"-Sigaw ko. Paano ba naman, stock room pala yung kwarto, puno ng alikabok at gamit na ewan ko kung nagagamit pa.
"May araw ka din sakin ulupong ka!"-Sabi ko. Huminga ako ng malalim at nilapag ang bag ko. Kelangan ko na magumpisang linisin to kung ayaw ko walang matulugan mamaya.