Kabanata 3
Nasa ika apat na baitang palang kami ng high school kung saan ang mga matatalino sa Unang section o ang tinatawag na Section A. ay dapat ng ibuhos ang kani-kanilang talino. pigaan na ng utak ika nga nila. dahil ilang buwan nalang malalaman na kung sino ang tatanghaling valedictorian at salutatorian ng aming paaralan.
ngunit hindi naman lingid sa akin at sa kaalaman ng iba na pawang matatalino nga ang nasa unang section.pero syempre magpapahuli ba naman ako sa kanila e ako yata ang highest ranking sa amin puntos lang ang lamang ko kay Lee. na alam kong hangad din nya ang karangalang valedictorian para sa pagtatapos namin. at ako ang handlang para makamit nya ito. siya kasi ang ginagawa kong inspirasyon araw araw para mas lalo pang pagbutihin ang pag-aaral ko
ayaw ko din kasing biguin si mama at kuya na nagtataguyod sa aking pag-aaral. kaya kahit nahihirapan ako sige parin ako sa pagsusunog ng kilay para kahit papano maging proud sila sa akin.
Maagang namatay kasi si papa dahil dinapuan sya sa sakit sa baga.
kaya mag-isa nalang ni mama na itinaguyod ang pag papaaral sa amin ni kuya.
scholar din si kuya ng munisipyo namin dati. ng nasa highsccol pa sya at ngayong graduate na sya at may maayos ng trabaho. sya na ang katulong ni mama sa pagbabyad ng tuition fee ko sa paaralan.. at sa iba pang gastusin din hindi lang sa paaralan kundi pati sa loob ng bahay.
mahirap lang kasi kami.oo ngat may manga naipundar naman si papa nuon na sakahan at iba pang lupain. pero unti-unti din yong naibenta pang pagamot sa kanyang sakit at bayarin narin sa hospital at sa iba pang pagkakautang sa labas.
pero ganun talaga ang buhay e mahirap kalabanin kahit ayaw mo pang bumitaw kung oras mona. oras mo na talaga masakit man para sa amin ang pagkawala ni papa pero kaylangan naming tanggapin ng maluwag sa dibdib.
Heto nga ako ngayon nasa isang computer shop para magresearch para sa project namin sa Arts.nauna na akong dumating dito at mag research dahil panigurado ako na kapag sabay kaming tatlong magkakaibigang nagpunta dito wala kaming matatapos. dahil puro scroll nalang nanaman ang gagawin ni marian sa sss nya. habang abala ako sa pag-iisip kong ano nga bang
magandang ilagay na caption para sa project ko.ng hindi sinasadyang mapatingin ako sa gawing kanan ko at ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng muntik ng magdikit ang mga labi namin ng lalaking katabi ko. konti nlang kunting konti nalang at ayon na sana ng may marinig kaming tumikhim.
"ehheemm" bes mukhang busy na busy ka ah ayon kay marian na halatang kinilig at may mapanuksong tingin sa aming dalawa. eh pano ba naman kasi sino bang mag aakalang ang lalaking katabi ko pala ay walang iba kundi ang lalaking aking pinakatatanging si Lean. wala man lang akong kamalay malay na kanina pa pala sya sa tabi ko.
sabay pa kaming nag iwas ng tingin habang napapailing naman syang bumalik ulit sa harap ng computer nya ng makabawi kaming pareho sa pagkabigla.
si rustom nasaan?kun waring tanong ko para mapag takpan ang pagka dismaya ko.yon na sana yon e bakit kasi wrong timing ang dating ng babaeng to. piping sabi ko sa isp ko.habang inaayos nya ang upo nya sa gawing kaliwa ko naman. ayun oh! sabay nguso at turo dito. nakabusangot nanaman hindi naman yan ganyan kanina e habang papunta kami dito ngayon lang sya ganyam.
nakakahalata na nga ako e. nakakahalata ng? balik tanong ko naman sa kanya.
na may gusto sayo yang roy na yan kaya ganyan nalang kung magsungit at bumusangot! mahabang paliwanag nya na may kasama pang kindat at irap ng mata.. gwapo din naman si roy hindi man sya tulad ng iba na astig kong pumorma .
hindi naman sya papahuli kung histura ang pag uusapan. dahil bukod sa mahabang pilik at magandang mata nya biniyayaan pa ito ng matangos na ilong at medyo may kakapalang labi.
na bumagay naman sa may pagka bilugang mukha nya.. matikas din ang tindig nito na may medyo kalapadan din ang katawan.
Tsk! imbes na ako ang pag diskitahan mo jan bakit hindi ka nlang gumawa ng project mo. para maaga tayong makauwi. sabi ni troy dito
Eh to na nga e mag uumpisa na . kahit kylan talaga kontrabida ka eh. banat pang wika ni marian dito
pero imbes na sumagot isang malutong na Tsk! nalang ang aming narinig.
Palibhasa kasi hindi ka pinapansin ni elaine e kaya ka ganyan dahil may love of life na sya. bulong pang wika nya. na halata namang hindi bulong dahil dinig parin naman yon hanggang sa kina uupuan ni rustom.
wait! what do you meam by that.?nagtataka namang tanong ni lean kay marian habang nakatuon sa akin ang kanyang mga mata." may bf na ba sya? dagdag tanong nya pa kay marian sabay turo sa akin.
'h-huh! ah eh wala pa! may nagugustuhan lang sya pero hindi pa nya boyfriend. baka sakali palang hehe malay mo naman diba.
magustuhan din sya ng lalaking yon at ligawan sya.
mahaba at may diing paliwanag nya.
"so who is that lucky guy? pwede ba naming malaman kung sino siya? dagdag tanong pa nya.
na sa akin nakatingin.
'Ah eh! hindi pwede kasi ayaw niyang ipagsabi secret love nya kasi yon. tska inspirasyon nya yon sa pag aaral.pero kung sya ang tatanungin mo baka aamin na yan sayo.
Maagap at mahabang paliwanag ni marian sa kanya
walang hiya talaga ang babaeng to wlang preno ang bibig kung maka pambuking akala mo hindi ako kaharap kung ilaglag ako nito sa lalaking to ah. "Huh what? you mean ako! ako ang lalaking nagugustuhan nya? nakangiting sambit nya ngunit hindi maikakaila sa gwapo nyang mukha ang pagkagulat sa pambubuking sa akin ni marian.
habang aligaga naman ang bruhang katabi ko kung anong tatahiin nyang palusot sa sinabi nyang katotohanan kay lean.
kagat labi syang humarap sakin sabay pikit ng mariin alam kasi nyang malalagot sya sa akin mamaya..
kahit kaibigat ko sya hindi ko sya papalagpasin sa ginawa nyang to ngayon.
Tsk! 'pano ka naman nya magugustuhan! hindi ikaw ang tipo ni maria mas dahil mas mahal nya ang lalaki sa panaginip nya kaysa sa'yo kung sakali mang may gusto nga sya sayo.'
madiin at galit na pahayag ni rustom sa kanya.
habang hinihintay ko ang magiging reaksyon nya sa mga katagang sinabi ni rustom. hindi ko maiwasang tumingin sa kanya at ang kanina ko pang pinipigilang paghinga ay unti unti ng kuma wala ng makita kong tumango tango na sya at mukhang naniwala naman sa sinabi ni rustom sa kanya.
"So just in case na magkagusto ka pwede bang sa totoong tao nalang..at hindi sa tao sa panaginip mo. but i hope that i'am the man of your dream so that in the real life ako parin ang gusto mo at mahal mo" sinasabi nya ang mga katagang yan habang may matamis na ngiti sa kanyang labi at nkatitig sa akin. hindi ako makakilos sa pag kabigla sa mga narinig ko mula sa knya.
gulat na gulat at nan lalaki ang aking mga mata habang may awang sa aking labing nkatingin parin hangang ngayon sa lalaking katabi ko dito sa computer shop.
Bespren sorry na! hindi ko nman sinasadyang sabihin yon e. ikaw naman kasi eh ayaw mo pang sabihin ang totoo. eh sya naman talga ang lalaking yon diba? patuloy na pangungulit sa akin ni marian.
Alam nya kasing hindi ko sya papansinin at syempre pa kunwari ding galit ako sa kanya. para mas epektib ang acting ko.
muntik na akong mapahamak ng dahil sa bunganga mo. kung hindi dahil kay rustom malamang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya bukas. mahaba kong sambit dito sabay halukipki.
habang nasa daanan kami at pauwi na sa aming bahay ng bigla nalang nya akong hampasin sabay sabing kunwaring galit kapa eh. alam ko nmang kinikilig kana jan ano!. sabi nya "tska elena ha tama ba ako ng rinig kanina? ha! Anong sinasabi mo jan maang ko pang tanong. kunwaring hindi ko alam ang tinutukoy nya. Ay sus kunwari kapang hindi mo alam. Mukhang matutupad na ang matagal mong hiling pren ang mapalapit sa ultimate love mo. may nalalaman pa syang ''I hope I'am that man in your dream para kahit sa inreality ako parin ang gusto mo at mahal mo" wow ha ikaw na ang maganda.
hindi maawat na salaysay niya. Oh ikaw jan rustom wala kabang masasabi sa maganda nating kaibigan na malapit ng magka jowa.masayang pahayag nya pero imbes na sumagot sa tanong ni marian sa kanya. isang walang emosyong tingin lang ang tugon nya dito.
at mabalis na itong naglakad na parang wala man lang narinig.
kaibigan ba talaga natin ang isang yan elaine!? hindi makapaniwalang tanong sakin ni marian.
"oo nman" sabay tawa kong sagot 'hindi lang nya siguro gusto ang mga kalokohan mo. tsaka ikaw naman kasi ang may kasalanan eh. kaya walang araw na lagi nalang kayong nagtatalo. alam mo kung hindi ko lang alam na crush mo si paolo, iisipin kong may gusto ka jan kay rustom eh.!"
mhaba kong sabi sa kanya. 'ha! ay naku pano mo naman nalamang crush ko si paolo e hindi nman eh. tska hindi kami nun bagay. mas bagay sila ng Trina Angeles na yon." nakasimangot nyang sagot sa akin.
'napag hahalata ka deffensive ka masyado" sbay tawa ko.
Nang may bigla nalang magsalita sa gawing kanan ko.
Tsk! hindi kayo gusto ng mga yon aasa lang kayo sa kanila.
sabay pa kaming napahawak ni marian sa dibdib sa gulat.' akala ko ba nauna kanang nkarating sa bahay nyo. tanong ko sa kanya ng makabawi ako sa aking pagkagulat. "oo nga. sabay turo sa bahay nila "bahay na namin to sa busy nyong dalawa pa kakachismis hindi nyo man lang namalyan na andito na kayo sa harap ng bahay namin." hindi kaba galit sa lagay na yan rustom. sagot naman sa kanya ni marian. " uyy. ano ba kayong dalawa mag aaway na naman ba kau?. o sige na roy salamat sa paghihintay mo dito sa labas ng gate nyo.
pangonsensya ko naman sa kanya. bago pa kami ulit makatalikod ni marian ng tawagin nya ang pangalan ko
"Maria talaga bang gusto mo siya? gaano mo ba sya kagusto para maapektuhan ka ng ganyan!"
Ano bang ibig mong sabihin roy? "alam kong alam mo ang ibig kong sabihin maria. pwede bang sa iba ka nalang mag kagusto pwede bang wag nalang sa kanya. kasi alam kong masasaktan ka lang sa kanya maria. lolokohin ka lang niya at gagamitin tulad ng ginagawa nya sa iba.
alam kong may gusto lang syang makuha sayo. at may gusto lang siyang patunayan sa sarili nya at sa magulang nya . please maria kung liligawan ka man niya one of this days. sana lang wag mo syang sagutin at wag kang magpakatanga sa kanya"
mahaba at dirediretsong pahayag nya. ngunit sa ibang direksyon siya nakatingin.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na yon. ni wala akong maapuhap na salitang akma sa mga sinabi nya.
hindi ko alam kung saan nang galing ang mga salitang yon. kung saan nya hinugot ang lakas nya para sabihin saakin ang mga bagay na yan.
ito ang kauna unahang pagkakataon sa naki usap siya sa akin. at kina usap nya ako tungkol sa bagay na ito. dati kasi wala lang siyang paki alam, sa lahat ng ginagawa ko. hindi ko lang maintindihan dahil ibang rustim ngayon ang kaharap ko.
pagkatapus nyang sabihin ang mga bagay na yon dali dali na syang pumasok sa kanilang bahay.
marami pa akong gustong itanong kung bakit ganun nalang ang pag ka ayaw nya kay Lean. o di nman kaya tama si marian sa hinala niyang may gusto nga sakin si rustom.
pero imposible nman yon dahil simula grade school kami magkakasama na kami.
posible bang madevelope sya sa akin?.
hindi parin makapaniwalang tanong ko sa aking sarili.
para kanang baliw jan. hayaan mo na nga yang si roy minsan talga hindi nanya alam ang sinasabi nya. pang aarok naman sa akin ni marian. pero imbes na sumagot ako tipid nalang akong ngumiti sa kanya.' o sige na. dito na ako kita nlang tayo bukas. basag nya sa katahimikan namin ng balingan ko sya nasa tapat na ng Kami ng bahay nila.
'o sige bye. goodnight". yon nalang ang tanging nasabi ko
malayo pa kasi ang bahay ko tatlong bahay pa ang kaylangan kong daanan bago ako makarating sa tirahan namin.
Ma! andito na po ako sambit ko pagka bukas ko sa aming pintuan pero imbes na si mama ang sumagot.
boses ni kuya ang narinig ko, "Kuya.. masyang bati ko dito sabay yakap bakit nandito ka na. akala ko ba sa sabado pa ang uwi mo napa aga ka yata kuya tska wala ka man lang pasabi na uuwi ka? sunod sunod kong tanong sa kanya. habang napala iling naman syang nakangiti lang sa akin. dati kasi tumatawag muna sya bago umuwi o di nman kaya ay kunwaring magtatanong muna kung anong gusto.
pero ngayon biglang andito sya sa bahay nakapagtataka talga.
'masama na bang umuwi ng mas maaga dito sa bahay. kesa sa nakatakdan araw ng uwi ko? balik tanong nya sa akin. "at tska bakit ikaw ngayon kalang umuwi anong oras na a 6:30 na ng gabi alam mo bang delikado na para sa dalagang katulad mo ang ganyang uwi" dagdag sermon naman nya sa akin." kaylangan ko kasing mag research para sa project ko sa arts kuya e kaya nagabihan ako ng uwi tska kasma ko nman sila marian at rustom eh. hindi lang ako hinatid kasi nagtatampo sa akin." mahaba kong paliwanag sa kuya ko para hindi na sya mag alala pa.
"sige na magpalit kana ng damit mo at ng makakain na tayo kanina ka pa hinihintay ni mama asa kusina na sya naghahanda na bilisan mo at sumunod ka nlang sa don. sabi nya sa akin sabay talikod."teka kuya nagluto ba si mama ng pa borito nating adobong pakpak ng manok?" pahabol ko pang tanong sa kanya.
ngumiti lang sya sa akin sabay tango"Yes! at nagmama dali na akong tumakbo papasok sa aking silid upang makapag bihis na.
" so anak kumosta naman ang trabho mo.? hindi kaba nahihirapan duon." tanong ni mama kay kuya habang nasa hapag kainan pa kami at kasalukuyang kumakain ng gabihan.." ayos lang ma. hindi nman mahirap ang trabaho ko kayang kaya ko nman ho. kaya wag po kayong mag alala sa akin." mahabang sagot ni kuya kay mama bago bumaling sa akin ."ikaw bunso kumsta ang pag aaral mo? 'okay naman po kuya hindi ko nman po pina pabayaan ang pag aaral ko tska nag eexcel po ako sa klase. proud ko nmang sabi sa kanya. "aba dapat lang at sana hanggang sa grumaduate ka highest ranking ka parin para makuha mo ang valedictorian award. for sure madaming university ang magkakagulo sayo at maraming scholarship din ang naghihintay sayo.
masayang tugon nya sa akin." pero bunso tandaan mo wala munang boyfre boyfren ah. aral muna" sabi pa sa akin ni kuya.
Samantalang hindi nman maiwasan ni mama na hindi sumabat sa uspan namin ni kuya.
"nako e balita ko nga marami daw ang gustong manligaw sa kapatid mong yan. pero subukan lang talaga nya ang mag ka nobyo habang nag aaral pa sya at makukurot ko talaga yan sa singit naku. ang batang talaga na yan. abay kelangan pang gisingin sa umaga bago magising" mahabang sumbong ni mama kay kuya.. ewan ko ba bakit parang ako yata ngayon ang laman ng isyu ah.. tsk!tsk!