The Secret Of Elaine
Prologue
Bes sa tingin mo ba magugustuhan ka ng crush mo. e tignan mo nga yang itsura mo hindi ka man lang marunong mag ayos ng sarili mo. ay nako kung ako sayo tigilan mo na yang pantasya mo na isang araw mapapansin kanya.
yan ang halos araw araw kong naririnig sa kaibigan kong si marian walang araw na hindi nya ako dinadakdakan sa paulit ulit na sermon nya. kabisadong kabisado ko na ang mga ito.
masisisi mo ba ako kung ganito ang itsura ko e sa hindi ako marunong mag-ayos tska ano namang masama sa hitsura ko. palibhasa kasi gandang pang labas lang ang alam mong tignan eh. pagtatanggol ko pa sa sarili ko.
akmang magsasalita pa sana sya ng tumunog na ang bell ng aming paaralan hudyat para sa flag ceremony.. uy bilisan natin baka mahuli pa tayo sa pila. ang sabihin mo baka maunahan ka pa ng karibal mong si Marilou na makatabi si Lee Acosta sa pila ay nako Elaine kilalang kilala na kita kaya wag ako ang lokohin mo.sabay hampas sa braso ko at sabay tawa sabagay nga naman mag iinarte pa ba ako kung alam naman nya ang lahat pero kahit ganun mahal ko ang kaibigan ko.