Kabanata 1
Nagising ako sa malakas na tunog ng aking alarm clock kasalukuyan palang akong nasakalagitnaan ng aking panaginip eh. naman oh haiysst.. storbo naman bulong ko anya sa aking sarili. dahil sayo naputol ang aking masarap na panaginip sa aking Mylove Lean. hay buhay kaylan mo kaya ako mapapasin aking irog.
Si Lean Acosta o mas kilala sa tawag na Master Lee isang sikat na nilalang sa paaralan ng t*t University. kung saan nag aaral ang mga magaganda at gwapong anak ni Adan at Eva.hihi
Akmang ipipikit ko pa ang aking mata ng bigla nalang sumigaw ang aking magandang ina ng animoy may sunog sa lakas ng boses nya. ang galing no bakit pa ako may alarm clock kung boses palang nya abot na sa ibang barangay kung makapang gising sa akin.
Hoy Elena gumising kana riyan kung ayaw mong mahuli nanaman sa paaralan ikaw pa nman tong npakakupad kung kumilos. daig mo pa ang pagong sa kakupadan. aba naman anak kung puro ka ganyan aba pano pa aangat ang buhay natin kung lagi kana lang ganyan kailangan pa kitang bungangaan bago magising .
Nay nman may alarm clock na nga ako tska kanina pa po ako gising. babangon nanga po ako e naunhan nyo lang ako.kahit na alam kong taliwas ito sa katwiran ko..
Sus nangatwiran kapa akala mo siguro hindi ko alam na inuuna mo pa ang pagmumuni muni mo bago ang pagbangon mo hala ayusin mo na ang sarili mo't kumain at maligo kana. mamaya andyan nanaman yang kaibigan mong si Marian hindi kapa nakaligo at nakapag ayos sa sarili mo. aba naman anak mahiya hiya ka naman sa kaibigan mo ikaw nalang lagi ang hinihintay nun ah.
mahabang litanya sa akin ni nanay. pero may kasabihan nga na pasok sa isang tenga labas sa kabilang tainga. sa araw araw na ginawa ng diyos araw araw ding bunga nga ni mama ang aking naririnig lalo na tuwing umaga.
Tao po.Magandang umaga po. Aling Susan si Elena po nakabihis na ho ba? tanong ni Marian mula sa labas ng aming bahay.Aba'y...
Tapos na ako tara na. mabilis kong turan para putulin ang mahaba na namang litanya ni mama mula sa kanyang likuran na hindi man lang niya namalayan ang aking paglabas mula sa pintuan
Alis na po kami ma ani ko sabay halik sa kanyang pisngi. at dali-dali ng hinila ang aking kaibigang magpapaalam pa sana sa aking ina.
ikaw talaga Elena kahit kaylan basta kana lang nanghihila. eh pano ba kasi yan nabungangaan na naman ako ni mama.hindi ka nanaman siguro kasi bumangon ng maaga kahit nman may alarm clock ka kung inuuna mo pang mag daydream aba eh talagang bubunga ngaan ka nanaman ng nanay mo no!. sabay irap sa akin.
Minsan tuloy naiisip ko kung kaibigan ko ba talga tong babaeng to o hindi. pano ba naman kasi mukhang kampi sya sa nanay ko parehong pareho talaga sila. araw araw din akong nakakarinig ng sermon nya. o natahimik kana jan tsk! okay sorry na ikaw naman kasi eh alam mo namang kaibigan kita kaya gusto kong mapabuti ka tsk. patuloy pa nyang litanya. Sabagay diko naman sila masisisi dahil tama naman sila sa lahat ng sinabi nila makupad ako kung kumilos pero hindi sa pag-aaral ko dahil kahit gaano ako kakupad kumilos salungat naman pagdating sa akademiks ko sa paaralan.
dahil ako lang naman si Elaine marie Fajardo matalino maganda at sexy yon nga lang ako at ang nanay at kaibigan ko lng ang nakaka alam.