Chapter Three

1442 Words
PABALING-BALING si Mikaela Tricia sa kanyang higaan, hindi siya makatulog dahil paulit-ulit na pumapasok sa isipan niya ang kapangahasan ng lalaking iyon para halikan siya. Infairness, masarap itong humalik at napakalambot ng mapupula nitong mga labi. Gwapo rin ito. Ang kaakit-akit at napakagwapo nitong mukha, ang malalantik nitong mga pilikmata, ang mata nitong kung tumitig ay nakaka-akit ng sinumang babae, ang manipis ngunit mapupulang labi nito na kaysarap humalik. Lahat ng mga iyon ay bumagay sa makalaglag panty na kagwapuhan ng pangahas na lalaking iyon at ang matipuno nitong pangangatawan na animo’y isang model na hinugot sa magazine. Kahit siya ay natuod nang malapitang makita ang mukha nito at may kung anong paghanga siyang naramdaman. “Tris! Tumigil ka nga sa mga pinag-iisip mo! Eh, ano naman ngayon kung gwapo siya? Hindi naman gentleman! Matulog ka na nga lang!” asik niya sa sarili at nang maalala ulit ang ginawa ng lalaki ay bigla na lamang naglaho ang lahat ng paghangang lumukob sa kanya kanina. How dare him?! Kainis ang lalaking iyon! Nawala na ang first kiss niya nang dahil lang sa kapangahasan nito. Sino ba ito sa akala nito?! Duh! Gustong-gusto niyang pagbubugbogin ang walanghiyang iyon pero ni hindi nga siya makagalaw nang maglapat ang mga labi nila. Parang hini-hipnotismo siya nito para hindi siya makatutol at isa pa, mahigpit nitong hawak ang kamay niya kanina pero may paa naman siya para lumaban ngunit parang nanigas ang mga iyon. Ewan ba niya, sa lahat ng lalaking lumalapit, nagtangka at nagtatangkang ligawan siya ay ang lalaking iyon lamang ang nakakuha ng atensiyon niya. Ano ba ang mayro’n sa lalaking iyon? Napapikit siyang nang mariin at napailing-iling na lamang para iwaksi ang imahe ng pangahas na iyon. I hate him! I hate him for stealing my first kiss! Sa gulang niyang bente-otso ay iyon ang unang halik na naranasan niya. She’s proud to say that she’s NBSB or no boyfriend since birth. Pinikit niya ang mga mata at pinilit na matulog, nagtagumpay naman siya dahil ilang sandali pa ang nagdaan ay mahimbing na siyang natutulog. IT’S ALREADY twelve midnight. So, Daniel Niccolo is on his way home from the office when the image of that police woman flashed on his mind. She’s so beautiful, bihira lang siyang makakita ng ganoong kagandang pulis. Maganda ito sa hugis puso nitong mukha na binagayan ng medyo singkit nitong mga mata, medyo matangos nitong ilong, ang mapang-akit nitong mga labi na kaysarap halikan at napakalambot no’n. Parang gusto niya ulit matikman ang matamis nitong mga labi. Bumagay rin dito ang may kaikliang hair cut nito. At mas lalo siyang napahanga sa taglay nitong katapangan at sa tuwid na prinsipyo. Tinanggihan nito ang isang libo niya. And he wants to clap his hands for that. A beautiful, sexy, brave police woman who amaze him. Minsanan lang siyang makapansin ng mga gano’n. Dinescribe niya pa and that’s not him. And the worst he’s having a boner! Oh, c’mon she’s just in your vision but she has the power to turn you on? This is not good for him. “Oh f**k, woman!” he cursed. Ang sakit mo sa puson. Kinabig niya ang manibela saka nagmaneho nang mabilis para makauwi na siya at makapag-shower para pahupain ang init na nararamdaman niya. Tatawagan niya sana ang isa sa mga flings pero wala siya sa mood makipagtalik sa kung sino man sa mga ito. After a minute, nakarating na rin siya sa bahay niya sa isang sikat na subdivision. Pinagbuksan siya ng security guard ng gate. Pumasok na siya sa loob at nilagak ang kotse sa garahe. His house is so big but he’s the only one who’s in and the maids. His parents are not with him. Humiwalay siya sa mga ito at tumirang mag-isa noong mag-aral siya ng kolehiyo. He wants to be independent. Binuksan niya ang pinto ng bahay gamit ang sariling susi kaya hindi na kailangan pang mambulabog ng kasambahay para pagbuksan siya. Agad siyang dumiretso sa second floor at nagtungo sa kanyang silid upang maligo. He's f*****g tired. He also needs to go to work tomorrow early in the morning. Matapos maligo ni Daniel Niccolo ay humiga siya sa kama nang walang saplot at natulog. PABABA sa hagdan ng bahay nila si Mikaela Tricia patungo sa komoder para mag-agahan at nang makapasok na siya sa trabaho. Nadatnan niya ang kanyang mga magulang sa hapag kainan na nauna nang nag-agahan. “Good morning Mom and Dad!” masigla niyang bati sa mga ito. Lumingon ang Mommy at Daddy niya sa kanya. “Good morning too, anak.” “How’s your sleep, baby?” her dad asked. Umupo naman siya sa tapat ng Mommy niya. “Before I answer that Dad, please, don’t call me baby ‘cause I’m not a baby anymore. Okay po ang tulog ko, nakatulog ako ng mahimbing,” nakasimangot niyang reklamo. His father just chuckled. “Okay but remember this, you’re still our baby whatever happens. ‘Di ba, mahal?” Lumingon ito sa kanyang ina. “Yes, kahit na mag-asawa ka pa. Ikaw pa rin ang nag-iisa naming baby. We love you very much, anak,” sang-ayon naman ng Mommy niya. “Oh, I love you too Mom and Dad,” aniya at nakangiting tumayo saka nilapitan ang mga magulang at mahigpit na niyakap pagkatapos ay bumalik din siya sa kina-uupuan para ipagpatuloy ang kinakain. Napaka-sweet ng mga ito sa kanya. Kung sabagay only child lang naman kasi siya kaya solo niya ang pagmamahal ng mga magulang. And she loves her parents too, very much. Tahimik siyang kumakain nang tumikhim ang Daddy niya. Nag-angat si Mikaela Tricia ng tingin nang tawagin siya ng kanyang ama. “Yes, Dad?” Parang nag-aalinlangan pa itong sabihin kung ano man ang nais nitong sabihin. Tumingin muna ito sa Mommy niya bago nagsalita. “Hmmm, huwag ka sanang magagalit, anak. At hindi na ako magpatumpik-tumpik pa.” Nakinig siya ng mabuti kung ano man ang sasabihin ng Daddy niya “We arranged you into a marriage to my friend’s son.” “W-What?! Namali ba ako ng narinig? Is this some kind of joke?” hindi makapaniwala at gulat niyang tanong. “No, hindi anak. We did this—” Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ng kanyang Mommy. Hindi pala marunong magbiro ang mga magulang niya pagdating sa mga ganito. They’re really serious! “No, Mom. I’ll never ever get married to whoever man is that. Ni hindi ko pa nga siya kilala. We are strangers to each other at wala akong balak na kilalanin ang sinumang lalaking ipapakasal niyo sa akin.” Tumayo siya at naglakad palabas ng komoder, hindi pa siya nakakalayo nang magsalitang muli ang Mommy niya. “Mikaela Tricia Dizon, don’t you ever turn your back if we’re still talking to you! Bumalik ka rito!” sigaw ng kanyang Mommy. Galit na ito dahil buong pangalan na niya ang itinawag nito sa kanya. Itinirik ni Mikaela ang mga mata bago lumingon sa mga ito saka naglakad pabalik. Kaya pala umagang-umaga ay naglalambing na ang mga ito sa kanya. Tumingin siya sa kanyang mga magulang. “Mom, late na ako sa trabaho. So, kailangan ko nang umalis.” Padadahilan niya pero sa katunayan ay gusto niyang ilihis ang arranged marriage na sinsabi ng mga ito kanina. Kalokohan! “Anak, please listen to us. Ipaliliwanag ko ang mga nangyayari. You need to agree. Kaya huwag ka munang pumasok sa trabaho. Ipinagpaalam na rin kita sa Ninong Joselito mo,” saad ng Daddy niya. Her father is a retired General at gusto niyang sumunod sa yapak nito Malalim siyang napa-isip. Gusto makaalis muna ni Mikaela sa pagiging traffic enforcer kahit sandali pero mas gusto pa niyang mag-traffic enforcer na lang buong buhay kaysa sa kaalamang ipakakasal siya. “No, papasok po ako sa trabaho. Ayaw ko pong magpakasal,” pinal na sagot niya. “Mikaela Tricia Dizon!” umalingawngaw ang malakas na boses ng kanyang Daddy sa buong kabahayan. “Okay, fine!” Pero labag pa rin sa kalooban niya. “Good. Halika, sumunod ka sa sala. Ipaliliwanag namin sa ‘yo ng Mommy mo.” Naunang naglakad ang mga magulang niya papunta sa sala at laglag ang mga balikat ni Mikaela na sumunod sa mga ito. She swears to God! Hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi niya lubos kilala at higit sa lahat hindi niya mahal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD