Chapter Two

1465 Words
INIS NA INIS si Mikaela Tricia sa mga driver na makukulit at matitigas ang mga ulong lumalabag sa batas. Gusto na niyang pagsalitaan ang mga ito ng masama o 'di kaya'y mura-murahin pero hindi niya puwedeng gawin iyon. Sino ba kasi ang hindi maiinis kung ang mga ito ay walang lisensyang ipapakita sa kanya at ang malala pa ay babayaran siya para hindi lamang niya huliin? Hindi siya gano'ng pulis, tapat siya sa kanyang trabaho. Hindi siya tumatanggap ng bayad at higit sa lahat hindi siya nangongotong. Malinis siyang pulis. May prinsipyo at paninindigan. Nandito siya ngayon sa highway habang panay ang kumpas ng mga kamay at pagpipito niya. Ito ang parusa niya sa loob ng tatlong linggo dahil sa kapalpakang ginawa na muntik nang ikapahamak. Isang linggo na rin ang nakalilipas magmula nang mangyari iyon. Ayaw niya ang puwesto ngayon dahil wala namang thrill at puro inis lang ang nararanasan. Hindi sa maikli ang pasensiya niya pero talaga namang nakaka-inis ang mga walang modong asal ng mga ibang driver. Mas gusto pa niya ang sumabak sa labanan, kagaya nang sa bugbogan at barilan basta 'yong may thrill. Doon siya mas nag-e-enjoy. Ngunit mamayang gabi ay hindi siya makikipag-bugbogan at barilan dahil sa lintik na parusa niya. Sayang at hindi siya makakasama sa misyon. Kung sana hindi siya gumawa ng kagagahan ay kasama siya sa operasiyon at hindi napunta sa ganitong sitwasyon. Wala namang problema sa ibinigay na disciplinary action sa kanya pero hindi niya ginustong maging traffic enforcer! Kaimbyerna naman, oh! Pinagpatuloy ni Mikaela ang ginagawa nang mapatigil siya dahil sa isang kulay pulang magarang sasakyan na bigla na lamang nagpatakbo ng mabilis kahit naka-red light pa lang ang stoplight. Mas nadagdagan ang pag-kainis na nararamdaman ni Mikaela Tricia. "s**t!" mura niya saka agad na sumakay sa kanyang motorsiklo at mabilis na pinaandar iyon para habulin ang kotse. Mananagot sa kanya kung sino mang lintik na driver ng latest model na kotseng iyon! Mabilis ang takbo ng sasakyan kaya hirap siyang habulin. "Lintik ka! Kapag naabutan kita, humanda ka sa akin kung sino ka mang walang modong driver ka!" nanggagalaiting sigaw niya. Mas pinabilis niya pa ang pagpapatakbo sa motorsiklo para maabutan ang kotse ngunit sadyang mas mabilis ang takbo no'n kaysa sa kanyang motorsiklo. Ano ba naman 'yan?! Bulok na yata 'tong motosiklo niya! Nakita niyang kumanan ang kotse at sakto namang may isang malaking truck at kotse ang humarang sa kanya kaya hindi siya makasingit, kung ipipilit niya baka matuhog siya. Ayaw niya pang mamatay. "Ay lintik! Arrrgghhhh!" Agad siyang kumaliwa sa kabilang kalsada. Nakita niya ang kotse. Napangisi siya sa naisip. Tinawid niya ang space na bermuda grass lang ang tanim sa gitna na siyang naghahati sa dalawang kalsada para maharang niya ang kotse. And that's it. Medyo malayo pa ang kotse sa kinaroroonan niya pero sigurado siyang bigla na lamang mapapa-preno ang driver kapag nakita siyang nakaharang sa daraanan nito. Siya si Mikaela Tricia Dizon, kaya niyang iparaan ang lahat basta may pwedeng paraan ang magagawa. Hinintay niya ang walang hiyang lulan ng magarang sasakyan. DANIEL NICCOLO woke up when he heared his phone rang. Kinapa niya ang cellphone niya sa bedside table, bahagya niyang iminulat ang mga mata para sagutin ang tawag then he closed his eyes again. "Hello," aniya na inaantok pa. "Where are you, Sir? The boards are waiting for you," anang sa kabilang linya. Oh, f**k! Bigla siyang napamulat ng mga mata at napabangon sa kama. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa sakit, he's having an hangover. Tiningnan niya ang wall clock sa loob ng kwarto niya. Hell! It's already ten in the morning. He's already late. Damn it! "How long are they waiting?" he asked. "For almost one hour, Sir." "What?! Okay I'm on my way. Just tell them to wait for me," sabi niya saka pinatay ang tawag at mabilis na nagtungo sa banyo para maligo. He's on his way to the office when the stop light was in red color. He's in hurry kaya naman kahit naka-red pa lang ang stop light ay mabilis na niyang pinaharurot ang kotse niya. Kailangan niyang makaabot sa meeting, hindi iyon pwedeng i-kansela o i-postponed. Kung hindi ba naman kasi sila nag-inuman kagabi kasama ang mga walang'yang kaibigan niya. Edi sana hindi siya mahuhuli sa meeting. Ang mga lintik na 'yon. Bahala na kung may humabol man sa kanyang pulis. The important is he can arrive in the office as soon as possible. Ngayon lang siya na late sa tanang buhay niya. At hindi na ito mauulit pang muli. Never! He's driving very fast when suddenly a woman wearing a police uniform, riding on her motorcycle appeared in front of his car. Bigla siyang napa-preno. Ito na nga ba ang sinasabi niya e! Nakita niyang bumaba ang babae sa motorsiklo nito at naglakad palapit sa kanyang kotse. Nang tuluyan na itong makalapit ay bigla na lamang nitong kinalampag nang malakas ang hood ng kotse niya. What the hell! Wala pang nakakagawa no'n sa pinakamamahal niyang Ferrari. He opened the window of his car. Nakayuko na ang babae. Bahagya pa siyang natigilan nang makita ito ng malapitan at gayundin ang babae. Pero agad din siyang nakabawi. Parang may iba siyang naramdaman. He can't explain it. "What is your problem, woman? You don't have the right to thump my car." "My problem is you, Mister! Kanina pa kita hinahabol tapos tatanungin mo kung anong problema ko! Aba, matindi! Anong don't have the right na sinasabi mo? Wala ka ring karapatang takbuhan ang kasalanan mo! Asan ang lisensiya mo?" litanya ng babaeng police. Hindi niya napansing may humahabol sa kanya kanina ah. Never mind. Kinapa niya ang lisensiya niya sa may dashboard para matapos na ang kadaldalan ng babaeng pulis na 'to at nang makaalis na rin siya dahil huling-huli na siya sa meeting niya. But his license is no where to find, he closed his eyes when he remembered that he left it. Sa sobrang pagmamadali niya kanina pati lisensiya niya nakalimutan niya. What the f**k, man! Hinarap na lamang niya ang babaeng pulis. Tiningnan niya ang pangalan nito sa may uniporme nito. "Oh, spare me, PO3 Dizon. I'm in hurry, I don't have a time to argue with you. At 'yang kasalanan ko pwede mamaya na? 'Cause I forgot my license," matiim niyang tinitigan ang babae. "Ano?! Ay, hindi pwede 'yan! Sumama ka sa'kin sa presinto. Lalabag ka sa batas wala ka namang lisensiya," nanlalaki ang mga matang bulalas nito. "I'm really in hurry, Miss Police officer Dizon. Kailangan kong maka-abot sa meeting ko. Just accept this." Inabutan niya ito ng isang libo. Malaki na iyon, siguro naman hahayaan na siya nitong maka-alis. Kinuha nito ang pera saka ngumiti. Akala niya ayos na, but he's wrong. Bigla na lamang nitong isinampal sa mukha niya ang pera. Nagulat siya roon. How could this girl do that to him?! Hindi ba siya nito kilala? Impossible! Sumiklab ang inis niya, lumabas siya sa kotse niya. Tuturuan lamang niya ng leksyon ang babaeng ito. Lumapit siya sa police woman at ito naman ay napa-atras. Ngumisi siya. "How dare you to do that to me? Kahit na pulis ka hindi kita sasantuhin," he smirked. "Hindi ako gano'ng klaseng pulis! Hindi ako tumatanggap ng kotong at higit sa lahat hindi ako nango-ngotong! May prinsipyo ako!" gigil na sigaw nito. "Oh, really? Then I'll teach you how to extort and a lesson that you shouldn't slapped the money in my face." Hinila niya ang babaeng pulis palapit sa kanya at ipininid sa kotse niya saka ito hinalikan sa may labi. Hinawakan niya nang mariin ang mga kamay nito para hindi makapalag. Mapagparusa ang halik na ibinigay niya rito na may kaunting pagsuyo. Ilang sandali pang naglapat ang mga labi nila hanggang sa pakawalan niya iyon. "There, hope you've learned your lesson, Officer. And that's also your punishment for thumping my car. I hope you enjoyed it, babe," bulong niya sa may tainga nito at bahagyang sumilay ang ngiti sa labi niya. Lumayo siya rito at agad na sumakay sa kotse niya. He's really late. Pero na enjoy niya ang pagka-late niya. MIKAELA TRICIA left there alone. Parang natuod siya sa kinatatayuan niya. Gusto niyang ngumawa nang iyak. Nawala na ang first kiss niya at sa isang estranghero pa. Paano na? Nagpapadyak-padyak na lamang siya sa inis. Hindi man lang niya nagantihan ang kapangahasan ng lalaking iyon. How dare him?! Ipinapangako niya na kapag nagkita silang muli ng lalaking iyon, bubugbogin niya ito hanggang sa magkapasa-pasa ang balat nito at magkaroon ito ng black eye. Sayang gwapo pa naman pero bastos at walang modo! Sumakay siya sa motorsiklo niya at nagtungo sa head quarters.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD