Chapter One

1100 Words
KASALUKUYANG nasa misyon ang buong team ni Supt. Joselito Vargas, kasama roon si PO3 Mikaela Tricia Dizon para i-raid ang mga drug pushers at users sa isang sikreto at pribadong lugar. Habang nagbibigay ng instraksiyon ang kanilang leader ay palihim siyang humiwalay sa mga ito at mag-isang pumasok sa kuta ng mga sindikato. Makalipas ng ilang minutong pagbibigay panuto ng Supirendente ay saka lamang nito napansin na wala si Mikaela. “Tajeda, Nasaan si Dizon?" tanong nito sa kaibigan ni Mikaela na si Albert. Napahawak si Albert sa kanyang batok. “Hindi ko po alam pero kasama lang po natin siya kanina, Sir.” Natampal na lamang ng kagalang-galang na pulis ang noo, alam na nito kung nasaan si Mikaela. Siguradong sumugod na ang babae na mag-isa. Kabisado na ng supirendente ang bawat galaw ng dalaga dahil matagal na nitong handle ang pasaway na pulis. Padalos-dalos kung kumilos kaya minsan ayaw nilang isama sa mga misyon. Inutusan na nito ang buong team upang sundan si Mikaela sa loob at baka mapahamak pa ang babae. “Okay, men! Move!” sigaw nito at sinenyasan ang bawat grupo. Agad namang kumilos ang mga ito. Nakapasok na nga nang tuluyan si Mikaela Tricia sa kuta ng mga sindikato. Dahan-dahan siyang naglalakad habang nakatutok ang baril para kung sakaling may makakita at barilin siya ay nakahandang lumaban. Patuloy siya sa paglalakad ngunit agad ding napatigil nang makita ang mga bantay kaya naman nagkubli siya sa pader pero kapag minamalas nga naman dahil may nakakita sa kanya at nakatutok na ang baril nito sa may ulo niya. Dahan-dahan siyang lumingon dito. “Ibigay mo sa akin ang baril mo kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo,” matigas ang pagkakasabi ng lalaking maitim at puro tigyawat ang mukha na naka-drugs pa yata base sa itsura nitong namumula pa ang mga mata. Wala siyang nagawa kundi ibigay sa lalaki ang baril dahil ayaw niya pang mamatay ng maaga. Itinaas niya ang dalawang kamay at masamang tiningnan ang drug adik. “Sino ka?! Paano ka nakapasok dito?!” pasigaw na tanong ng lalaking adik ngunit hindi niya ito sinagot. Nagtanong pa ito kung sino siya, hindi ba nito mabasa ang magandang pangalan niyang nakalagay sa kanyang uniporme. “Paano ka nakapasok dito? Sumagot ka!” ulit nito. Hindi na siya nakatiis sa pagsigaw-sigaw nito sa kanya. “’Wag mo akong masigaw-sigawan! Hindi mo ba nakikita na pulis ako?! Bulag ka ba o hindi mo lang alam magbasa ng pangalan ko sa may uniporme ko?!” Tiningnan siya nito nang masama. Inilapit nito ang mukha sa kanya. Bigla siyang natakot nang malapitang makita ang pagmumukha nitong parang nabagsakan ng mabigat na langka at durian. Hiningaan pa siya ng lalaki. Hell! Ang baho ng hininga nito, hihimatayin yata siya sa sobrang baho! Kailan pa ito huling nagsipilyo? Siguro last year pa. “’Wag mo ngang mailapit-lapit ang pagmumukha mo sa akin kasi nakakatakot at ang baho ng hininga mo! Leche flan!” angil niya. “Anong sabi mo?! Aba’t letse kang babae ka! Ang tapang mong sumagot-sagot, ah!” nanlilisik ang mga matang sabi nito. “Gago! Ang sabi ko huwag ka nang magsalita kasi nakakamatay ang amoy ng hininga mo!” Lalong nanlisik ang mga mata nito na para bang handa ng patayin siya. Diniinan nito ang pagkakatutok ng baril sa ulo niya. Biglang sumiklab ang takot na nararamdaman ni Mikaela. Hinila ng lalaking adik ang kanyang buhok patalikod at pababa kahit na masakit ay tiniis niya. Binitawan ng lalaki ang pagkakasabunot sa kanya ngunit pinisil naman nito nang pagkadiin-diin ang panga niya. “Paulit-ulit kang babae ka, ah! Kung talagang mabaho ang hininga ko ay hayaan mong ipatikim ko sa ‘yo kung anong lasa. Titikman na rin kita dahil sayang naman ang ganda mo kung papatayin kita agad. Gusto ko munang pakinabangan ang katawan mo saka kita papatayin. Ang ganda at sexy mo pa naman. Bunos na lang kung birhen ka pa!” nakangising saad ng lalaki at may pagnanasa ring makikita sa mga mata nito, bigla siyang kinilabutan. Nanlaki ang mga mata ni Mikaela sa narinig. Ayaw niyang mamatay ng maaga at sa paraang brutal kaya pinilit na ipakitang hindi siya takot saka tiningnan ito ng masama. “Gago! Hindi ako isang bayarang babae at isa pa kung ikaw lang din ang gagalaw sa akin ay mas gugustuhin ko pang mamatay ng maaga! Over my very gorgeous alive body! Manyak!” matapang na sigaw niya. The nerve! Yucks! Mas lalong nagalit ang lalaki at diniinan pa ang pagkakapisil sa panga niya. Ilalapit na sana ng adik ang mukha nito sa kanya pero sumalubong dito ang laway niya. Dinuraan niya sa mukha ang lalaki kaya hindi nito naituloy ang paghalik sa kanya. Nasagad na yata talaga niya ang galit ng lalaki dahil lumaki ang butas ng ilong at nag-aapoy na sa galit ang mga mata nito. Susuntukin sana siya nito pero naagapan niya iyon sa pamamagitan ng pagtuhod sa p*********i nito. Namilipit ito sa sakit at nabitiwan ang hawak na baril, napahiga na ito sa sahig dahil sa sakit. Nakakuha naman siya ng tyansang tumakas, tumakbo siya palayo sa adik na lalaki. Hinanap niya ang mga kasamahang pulis pero sa kasamaang palad may nakakita na naman sa kanya. Bakit ba minamalas siya ngayon? Nakatutok ang baril ng isa pang sindikatong lalaki sa kanya at handa na siyang barilin. Nanlaki ang mga mata niya, kinapa niya ang baril sa may tagiliran ngunit wala siyang baril na makapa. Napapikit siya ng mariin nang maalalang hindi niya nakuha ang baril sa lalaking adik na manyak na iyon. Bigla siyang nakarinig ng mga putok ng baril, nakita niyang nakahandusay na sa sahig ang lalaki at duguan. Maagap naman siyang tumalon padapa sa hilera ng nakatayong mga tabla sa gilid para makapag-tago at hindi madamay sa barilan. Nakita siya ni Albert at kaagad namang lumapit sa kinaroroonan niya. “Ano ka ba naman?! Padalus-dalos ka na naman sa mga kilos mo!” singhal nito sa kanya. Iningusan lamang ito ng dalaga. “Mamaya mo na ako pagsabihan, nasa misyon tayo. Akin na ‘yang isa mong baril.” Walang nagawa si Albert kundi ibigay ang isa pang baril sa kanya at tiningnan siya na parang nagtatanong kung saan niya inilagay ang kanyang baril. Kapagkuwa’y sinamaan siya nito ng tingin. Nainis na yata ito at gusto siyang batukan. “Itong babaeng talagang ‘to! Ang tigas-tigas ng ulo, hindi mapagsabihan kahit pa yata ikapahamak nito ay walang pakialam?!” rinig niyang palatak nito. Hindi na lamang niya pinansin iyon at sabay silang lumabas sa pinagtataguan nila at naki-pagbarilan sa mga sindikato. Maririnig ang maingay na putok ng mga baril sa loob ng pribadong lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD