CHAPTER 2: Letter

1930 Words
"Seryoso ka na ba dito?" Tumango lang ako sa tanong ni mitch. Nandito kasi kami sa labas ng swimming area kung saan nag pa practice si Andy. Plano ko sanang mag confess sa kanya. Wushoo kinakabahan ako. "Girl andiyan na sya act normal act normal" impit na napasigaw ako nang dumaan si Andy sa harap namin ang bango niya sheet. Pero ang pagko confess ko hindi yung personal. Sa letter ko idadaan. Nakarating kami sa comfort room ng boys kung saan nandoon din ang locker nila. 1A- Cedrick Alcenar 1A- Jakes Mandomiya By team naman yung locker kaya kahit medyo madami dami nahanap namin agad ang kay andy ang alam ko kasi team A sya. 1A- Andy Yue Hinulog ko na ang letter ko sa locker niya. Wala din naman kasi ang mga tao ngayon nasa cafeteria na sila lahat. Lakad takbo kami ni mitch makaalis lang sa swimming area. Nang nasa labas na kami di ko inaasahan na makakasalubong namin si Andy. May dala siyang chuckie at sandwich with mayonnaise sa kamay niya. Hindi naman sa tinitigan ko siya ha observant lang talaga ako. "Ah? Ano palang ginagawa niyo dito" nakangiti niyang sabi. Yung ngiti niya parang sa model ng toothpaste eh. Nakakasilaw, nakakainlab korni. Siniko siko ako ni mitch dahil siya mismo hindi ang alam ang sasabihin. Kaya imbis na sumagot sa tanong ni Andy hinila ko nalang si mitch at nagtatakbo kami. "Shuta akala ko mamatay na ako sa kaba doon eh ikaw naman kasi eh! Nasa harap mo na sana kinausap mo timang ka talaga!!!" Nanlalaking matang sambit ni mitch kahit malaki naman talaga mata niya lol. "Eh kasi kinakabahan ako eh" kamot kamot kong sagot sa kanya. "Kaya nga eh halata naman girl kulang nalang mawalan ka ng malay kanina habang kausap mo siya" tumpak. "Tapos yang mata mo pa parang luluwa na haler!! Ngumiti lang yung tao para ka ng nakakita ng topless andy" another tumpak "Kaya nga diba hinila nalang kita kasi kahit ako di ko alam sasabihin ko huhu" pandadrama ko sa kanya with matching yugyog pa yan ha. "O siya! Ayos na yan sana naman makita ni andy mo yung love letter mo sa kanya" sana nga. "Pero what if madami ding gusto mag confess sa kanya o kaya itapon lang niya" hindi maitago ang lungkot sa boses ko nang sabihin ko iyon. "Hindi naman siguro ganun si Andy mabait yun eh" siguradong sigurado ang mga tono ni mitch kaya nabuhayan naman ako ng loob. "Kaya paborito kitang bespren eh! Napaka supportive!!" Sinapok sapok ko siya ganun talaga mag paramdam ng pagmamahal. "Gaga ka! Ako lang naman bespren mo" gumanti din siya ng sapok kaya nag sapokan kami sa dito sa table sa cafeteria. "Ahm excuse me?" Napalingon ako nang makita ko si sophie yung SSG secretary at reigning Miss U (University) "Ah bakit sophie?" Nakangiti kong sagot. Ang rude ko naman kung magmamaldita ako kasi na distorbo Yung sapokan namin ni mitch haha lmao. "Gusto ko lang sana Kita i remind na may meeting mamayang 4" ang lapad talaga niya ngumiti ang friendly ng aura niya. Dati nga gustong gusto ko siya maging kaibigan kaso langit siya lupa ako masyado na din siyang madaming kaibigan at s Mayaman pa. Pero kahit ganun kontento na naman ako kay mitch. "Sige sophie pupunta ako" ssg grade 12 representative kasi ako kaya palagi din kaming nagkikita ni andy tuwing may meeting. Umalis na si sophie dala ang inorder niyang pagkain na puro gulay at tubig. Anak ng mayor si sophie kaya lahat din ng gusto niya nabibigyan kami minsan nga nung galing silang hong kong nagkataon naman na meeting namin at kakauwi lang nila dinalhan niya kami ng chocolates at iba pa. "Ang ganda talaga ni sophie no" bulong ni mitch. "Natotomboy ka na ba Mitch?" Tinaasan ko siya ng kilay. Baka naman may lihim na pagtingin eto kay sophie eh. "Gaga! Di pa pwedeng nagagandahan lang echusera ka ha" Iniligpit na namin ang pinagkainan namin ni mitch dahil malapit na mag bell mababait kasi kaming bata eh kaya matik na maglilinis kami. Kaibigan din naman si aleng dolor yung cook at taga linis ng cafeteria. Natapos na kami sa pag liligpit at nauna na umalis si mitch dahil maaga ng five minutes ang klase nila strict din kasi yung teacher nila. Stem-B si mitch pangarap niya kasi maging doctor paulit ulit niyang sinasabi saakin yun. Kahit naman maingay at makulit si mitch mataas naman ang pangarap niya mahirap lang din kasi sila katulad ko last year nga nagkaroon kami ng field trip pareho kaming di nakasama kasi wala kaming pang bayad. Okay lang naman din saakin kasi nakasama naman ako noong nasa junior high school pa. Lima silang magkakapatid ni Mitch sya ang pangalawa yung ate niya sana naka tungtong ng college pero napatigil dahil nabuntis. Naglalabada din ang nanay ni mitch ang tatay niya naman ume extra sa talyer yung mga nakababatang kapatid niya naman na tatlo pare parehong nasa elementary kung minsan nga pinapasok si mitch na walang baon. Hindi nga din sana makakapag senior high si mitch buti nalang talaga nagkaroon ng programa ang bagong mayor na scholar ng bayan. Yung daddy ni sophie bagong mayor yun last year pa naka upo sa pwesto dating abogado iyon sa maynila. One of the most highest paid lawyer. Kung minsan nga habang nag ki kwento si sophie sa buhay niya di ko maiwasang mainggit. Buti pa siya may tatay. Ako ewan ko pag nagtatanong ako kung sinong tatay ko magagalit si nanay. Ang isasagot lang niya 'nalunod na iyon sa sabaw' kaya Hindi nalang ako nagtatanong pa. Ang alam ko lang magkaiba kami ng tatay ni kuya. Hindi talaga pala kwento si nanay kaya hinayaan ko nalang. Ang kinalakahan kong tatay ay si tatay JoJo tatay ni kuya joseph Hindi naman ako tinuring na iba ni tatay JoJo eh. Nag-ring na ang bell kaya dali dali akoang pumasok sa room. English yung topic namin kaya pinapabasa lang kami ng tula pagkatapos naman ay ang filipino ni remind lang ng teacher namin na may debate na gaganapin next month buwan ng wika. Medyo matagal tagal pa kaya madami pa kaming oras para maghanda. "So guys sino ang gusto niyong maging representative ng humss-A" nasa harapan na ngayon si Andy at nagtatanong ng mga opinion namin. Kaya gustong gusto ko siya eh. Sinubsob ko nalang ang ulo ko sa lamesa. Wala din naman akong interest diyan hindi na naman ako pwedeng maging representative dahil naging representative na ako last year naipanalo ko naman yun. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nagising ako ng 3:30 tinignan ko ang phone ko at nakita kong nag message si mitch. From: MITCHLAKINOO Una na ako sumibat girl! Nag ka emergency lang inatake si tatay 2:30 Okay na si tatay wag ka na mag alala diyan 2:50 Napainom ko na siya ng gamot 3:00 Sorry ulit ha bawi nalang ako bukas libre kita kwek kwek o di kaya lugaw ni aleng teresa. 3:10 Goodluck sa meeting mo 3:20 Akala siguro niya magagalit ako kaya tinadtad ako ng message To: MITCHLAKINOO -Sige. Pakisabi nalang kay tito wag na siyang magpapagod at uminom lagi ng tubig sorry late response nakatulog ako eh sent. 3:32 Itinago ko na sa bulsa ng uniform ko ang phone may meeting pala kami. Paglabas ko ng classroom laking gulat ko ng makita ko si Andy. "Sabay na tayo" Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakbo pero di ko magalaw yung mga paa ko. Bakit ganito sya ngayon? Nabasa ba niya yung letter ko? "Kung okay lang sayo na sumabay ako" kinamot kamot niya ang batok niya siguro nahihiya na sya or na o-awkward Kasi di ako nagsasalita. "S-si-sige" yun lang nasabi ko ewan ko ba sa tuwing nakikita ko siya parang nagkakanda buhol buhol yung dila ko. Walang nagsasalita samin habang naglalakad papuntang meeting room. "A-a-ah m-may nakita ka bang letter sa locker mo?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko matapos ko siyang tanongin ng ganun. "Wala naman" nakangiti niyang sabi. Teka Kung wala siyang nakitang letter- eh tandang tanda ko pa kahapon nilagay ko yun sa locker niya. "Ga-ganun b-ba" tumango tango nalang ako kahit grabe na yung kaba ko parang di na nga ako humihinga dahil sa kaba eh. pagkatapos nun wala ng nag salita saaming dalawa hanggang sa makarating nalang kami ng meeting room. "Nandito na sila magsimula na tayo" pag-a-announce ni april ang SSG vice president namin. Matalik na kaibigan ni sophie maganda din naman si April kutis mayaman. Grade 11 pa ito pero madami ng alam sa mga bagay bagay. Naupo na ako sa likurang bahagi ng meeting room, bukod kasi sa wala akong la close na ssg officers ay dito rin ang pwesto ng mga representatives every grade level. Ang meeting palang ito ay tungkol sa gaganapin na nutrition month next week. "Anong gusto niyong gawin sa nutrition month" tanong ni Andy. Kanya kanya namang suggest ang mga officers sa mga gagawing activity sa program. Battle of the bands Slogan making contest Painting contest -context (patungkol sa mga gulay) Madami pa kaming napag usapan inilista ko nalang ang iba pang gagawing activities. Bandang 6:00 na kami natapos mag meeting wala na ring mga estudyante kami nalang yung natitira. "Ronian sabay na tayo" kumapit si sophie sa braso ko, naks feeling close. Just kidding xD. Tumango lang ako kasi sa totoo lang di ko alam kung paano siya kausapin. Ang weird nga din kung bakit bigla bigla nalang siyang kumakapit sakin ngayon. "Alam mo ronian kinakabahan ako sa darating na program next week" nilingon ko siya. Nakita ko naman yung lungkot sa mukha niya. "Bakit naman?" "Darating kasi si Daddy kaya gusto kong galingan gusto kong maging proud sya saakin" kahit nakangiti siya naramdaman ko namang nalulungkot siya. Buti pa nga siya may tatay. Ilang beses ko na ba nasabi to. "Alam mo sophie sure naman akong proud ang daddy mo sayo." Tinapik ko ang balikat niya. Hindi ako magaling mag comfort ng tao eh. "Saka kung gusto mo maging masaya Ang daddy mo dapat maging proud ka sa gawa mo pinaghirapan naman natin to eh kaya sure talaga ako masisiyahan siya!" Pinasigla ko na ang boses ko para naman sa ganung paraan gumaan ang pakiramdam niya. "Hayyy salamat naman may matino na din akong kausap. Hala gabi na Ronian hatid nalang kita" aayaw sana ako kaso mapilit si Sophie kaya inihatid niya ako sa bahay. Nasa labas na kami ng gate ng school nakita ko ang isang magarang kotse at may driver naman ito na sobrang laki ng katawan. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinapasok kami ni Sophie sa loob. Buong byahe nag kwentohan langnaman kami ni sophie Malapit lang nman yung bahay namin pero magkaiba kasi kami ng daan kaya siguro nakakaabalanaman ako sa kanya. "Salamat ulit sophie ha" nahihiya na ako sa kanya ang layo pa naman ng bahay nila. "No worries, sige ronian una na ko" kinawayan ko na lang siya hanggang makaalis na ang sasakyan nila. Pumasok ako sa bahay mag si-six thirty na din wala pa din sila nanay siguro doon ma siya matutulog kina aleng marites ang suki ni nanay sa labada na siya ring dahilan kung ba't ako nakakuha ng scholarship. Nagsaing na ako at sakto namang nag text si nanay. From: nanay globe Nak kina marites na kami matutulog natagalan kaC mdami lbahan mglu2 ka nlang jan, my ulam sa ref kumain na den kmi, ni kuya mo. Seen. 6:35 To: nanay globe. -Nagsaing na din ho ako nay, matulog kayo maaga ni kuya jan. Sent. 6:35 Binuksan ko din ang message ni mitch pero mukhang nabusy ito dahil hindi na naka reply sa huling message ko. Habang kumakain naalala ko na naman yung nangyari kanina. What if nakita talaga ni Andy yung letter tapos nagpanggap lang siyang hindi kaya bigla bigla niya nalang akong pinansin kanina. Pinilig ko ang ulo ko at umiling iling 'hindi wag kang assuming ronian masasaktan ka lang' Siguro kung may makakakita saakin ngayon aakalain nilang nababaliw na ako dahil pabigla bigla nalang akong umiling at tumatango. Iniligpit ko na ang pinagkainan ko at naghanda para matulog. Hinalikan ko muna ang litrato namin. Miss na kita taty JoJo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD