bc

Treat You Better

book_age16+
62
FOLLOW
1K
READ
badboy
confident
bxg
loser
cheating
childhood crush
feminism
football
turning gay
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

Ronian is a simple teem age girl who was inlove with the school hearthrob, cliche?—not until this specific boy messed up her life.

Clyden wanted to drag his enemy down gusto niyang siya ang nabibigyan ng atensyon pero yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit niya pinipiliy na pabagsakin ang dati niyang kaibigan? Subaybayan natin...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Hopeless Romantic
"Too bad he's fictional" ibinaba ko ang binabasa kong libro. tungkol iyon sa lalaking binuwis ang kanyang buhay para sa babaeng minamahal niya. napailing na lamang ako. Sa libro ka na nga lang siguro makakahanap ng lalaking perpekto. Alam ko walang perpekto. what i mean is yung mga lalaking responsible, mabait,at kayang ipagtanggol ang babaeng minamahal niya lahat lahat na. Oo na ako na ang hopeless romantic. "HOY GAGA KA ANO NA NAMANG KA DRAMAHAN TO?" napaigtad ako dahil na sakit ng pwet ko. "Ang saket nun mitchy ah!" Kinamot kamot ko ang ibabang parte ng pwet ko na bigla niya na lang kinurot. "Eh! Ikaw kasi gaga ka hindi mo man lang sinabi na pupunta ka dito sa library para magbasa iniwan mo ko sa room tas nag da drama ka na dito porque binasted ka nalang ng crush mo na si--" hindi niya na naipag patuloy ang sinabi niya dahil tinakpan ko na ang bunganga ni mitch na parang manok kung tumalak. "Gaga ka!baka marinig niya tayo humanda ka talaga sakin nasa kabilang table lang sya no" nginuso ko ang kinaroroonan ni Andy my one and only crushie. "At hindi niya ako binasted di pa nga kami naguusap eh" inikot ko ang mga mata para ipakita ko sa kanya na naiirita ako kahit di naman. Nahihiya lang kasi ako Grade 7 pa lang ako may crush na ako sa kanya. Siya ang kauna unahang lalaking hinangaan ko bukod sa kuya ko syempre. Binalik ko ang atensyon ko kay mitch na ngiting aso na ngayon. "Ikaw haaaaaaa. Di mo man lang sinabi! Kaya pala nagmamadali kang pumunta ng library naandyan pala si one and only mo ayieee" itinaas baba ng bruhilda ang kilay niya. Lalo tuloy akoang namula dahil sa pang aasar niya buti nalang talaga nasa pinaka likurang bahagi kami ng library kaya walang nakakarinig saamin. "At naku! Namumula pa ang gaga" ewan ko ba naging callsign na ata naming dalawa ang salitang "gaga" haha. Hindi kami yung magkaibigan na sobrang sweet ewan ko nga din bat naging magkaibigan kami. "Anong oras na mitchy?" Titignan pa lang sana niya ang kanyang orasan nang bigla na lang tumunog ang bell. Sign na tapos na ang recess time. Naku naman paktay tayo niyan. Math time na huhu. Kanya kanyang sitakbuhan ang mga schoolmates ko sa kani-kanilang classrooms ang iba naman tumatambay pa din sa quadrangle. Hindi kasi masyadong mainit ngayon kaya madami ang tumatambay doon. Mayroon ding tumatambay sa field matagal pa ang intramurals kaya hindi pa gaano nalilinisan ang field matataas na rin ang mga d**o. Kakasimula pa lang kasi ng first grading kaya chill chill muna ang iba. Pero kami na mag ga graduate na this year kailangan hindi kami pa chill lang. Sa bandang reading avenue naman kung saan ako dumadaan ngayon dahil kagagaling ko nga lang sa library. Madaming nag haharutang mag jowa. Hays mga kabataan nga naman oo.! Malapit lang naman ang building namin sa library kaya Hindi ako na late sa math class namin. Simpleng estudyante lang naman ako dito. Napapasama sa with honors pero hindi napapasali sa top. Average looking lang din. Yun sabi nila. Hindi naman daw ako pangit hindi din maganda. Pero duda ako diyan kada dadaan kasi ako sa may construction site malapit lang sa school namin. Sinasabihan ako nga taga construction ng "hi miss ganda" Pati din naman mga kumare ni mama kung bibisita sa bahay namin sinasabihan ako ng "hala malaki na si ronian magandang dalaga talaga Ito" Napailing na lamang ako sa naiisip ko siguro nga plastik lang talaga yung mga yun. Hindi na ako nagulat nang makalipas ang limang minuto di pa din dumadating yung math teacher namin palagi kasi yung late o di kaya nagpapaiwan lang ng activity. Palibhasa kasi ang tagal magkilay umaabot pa ng isang oras. Sinulyapan ko si andy na masayang nakikipag kwentohan sa mga kaibigan niya. Wala sa sariling napangiti ako dahil nalulunod ako sa mga tawa niya ang suave lang. Si Andy Ang president namin sa room bukod doon SSG President din sya bawal daw maging officer ng room kapag naging member daw ng ssg pero wala na kaming choice dahil sa andy lang naman yung kayang kaya mag lead. Transferred student lang naman ako last year. First year of being a senior highschool. Nung junior high ako sa public school ako nag aaral pero nakakuha ako ng scholarship dahil yung pinaglalabadahan ni nanay ay kaibigan yung mayor kaya madali ako nakakuha ng slot para maging scholar. Si mitchy naman ay scholar ng bayan din kaya doon kami nagkakilala. Last year nakita ko na din ng personal si Andy. Noon sa mga public page ng school ko lang sya nakikita o di kaya sa mga chismis sa dati kong pinapasokang school. Hindi nga din ako makapaniwala na naging magkaklase kami ngayong taon. Ang gwapo niya kasi kaya andaming mga babae ang naghahabol sa kanya. May girlfriend na kaya sya? Sabi nila wala daw kasi priority ni Andy ang pag aaral at wala daw syang oras para sa mga ganoong mga bagay At kung magkaka girlfriend man sya ang swerte niya naman. Marunong si Andy sa lahat ng bagay lalo na sa swimming last year naipanalo niya Yung school namin sa swimming competition. Nag papabible study din sila sa mga bata sa elementary tuwing Friday. Sya ang nag volunteer kumanta. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanya. Our eyes met for the first time. I felt my cheeks on fire kaya ako nalang ang unang nag iwas ng tingin. JusQ nasa ulap ba ko? Hindi ko na naririnig ang ingay ng mga kaklase ko dahil sa lakas na kalabog ng aking kokoro (heart). Lumipas ang kalahating minuto. Saka lang dumating ang teacher namin sa math kaya hindi na sya naka pag discuss Nagpabigay lang sya ng assignment. By group iyon gagawin at sa kaswertehan half kamalasang palad mag ka group kami ni Andy. Boong discussion namin nakayuko lang ako at nakikinig sa kanila. Pakiramdam ko ang pula pula ko na ngayon magkatabi kasi kami ng upuan ni andy. Hindi makalma ang mga bulate sa tiyang ko. Natapos na ang discussion namin at ipinag pa review lang kami ni andy magkikita pa kami next week para sa next and final discussion namin para project. Oo! First week palang nag pa project na ang aming magaling na guro sa math na si miss betty na menopausal na. Nagmadali kong linisin ang mga gamit ko dahil hiyang hiya na ako. Muntikan na akong madapa dahil hindi ko pala na isintas yung sapatos ko buti nalang may nakasalo sa akin "Okay ka lang ba?" Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. Nagmumukhang kamatis na ako ngayon. "Ah o-o-oo s-s-sorry" hindi ko na din maintindihan ang pinagsasabi ko pakiramdam ko nga nagkakanda buhol buhol na yung dila ko. Shocks??!?! Hinawakan niya ako. Hindi ko huhugasan ang kamay ko forever. "HOY!!!!" Napatalon ako sa gulat dahil bigla na lang sumulpot si mitch sa harap ko "SERYOSO MITCH PAPATAYI MO AKO?" mangiyak ngiyak na ako habang hinahawakan ang puso na kunwareng mawawalan na ng hininga. "Eto Naman Ang OA ha- GORL!! bat nakanngiti ka kanina habang naglalakad seryoso? Adik ka na ba?" She acted as if she was shocke her hands are on her mouth. "Gaga!" This time ako naman ang nambatok sa kanya "Ang OA mo ha" Nang makabawi na sya sa pagka hunghang niya- seryoso? Sya ata kailangan ipa drug test eh. "Pero seryosong chika na! Ano ba talaga nangyari" namula naman ako nung maalala ko na naman. SHOCKS???! Hinawakan niya ako "Kasi ano" kinuha ko yung hawak niyang libro para itago sa mukha ko. "Ano?! Hoy!! Ano " alam kong naiinip na si mitch pero kinikilig talaga ako ih. "Kasi ano nga magka group kami ni 'alam mo na who' tapos ayon nung patakbo na ako nakalimutan kong itali yung sintas ko tas nahawakan niya yung kamay ko" tinaas ko ang kamay na nahawakan ni andy "Ayon hihihi" "Ayon naman pala! Saka tigilan mo nga yang tawa mo para kang paniki" kinuha nya Ang kamay ko na para bang sinusuri. "Aherm? So dito niya hinawakan?" Tumango tango naman ako. Nanlaki ang mga mata niya siguro alam niya na ang susunod kong gagawin. "Hoy! Timang alam kong hindi mo to huhugasan jusQ ka girl ha nakaka hurt ka sa hair" inirapan niya ako at sinayaw sayaw ang buhok niyang maiksi sa hangin. Saming dalawa ni mitch mas matangkad siya 5'5 kasi sya ako naman 5'1. Oo na ako na maliit. Maiksi lang ang buhok ni mitch may hair clip din syang malaki na nakapatong sa ulo niya. Magkasundo kami ni Mitch sa mga bagay bagay lalo na sa kaharutan pero loyal ko sa isa no si mitch kasi kada buwan pa bago bago ng crush. Nakarating na kami sa kanto at paiba na ang daan namin ni mitch. "Babye na gaga see you tomorrow wag mong kalimutan na magkaibigan tayo ha" tumakbo na sya sa dindaanan niya may malaki kasing kawayan doon na takot sya kaya sa tuwing dadaan kami tumatakbo talaga. "Nakauwi na ho ako" iniwan ko ang sapatos ko sa may shoe rock sinirado ko na din ang gate. Nakatira lang kami nila nanay sa maliit na apartment. Kaming tatlo lang din nila kuya at nanay ang nakatira dito yung tatay ko? Ewan ko baka nalunod na yun sa sabaw. "Nandito ka na pala Ronian kamusta ang school?" Lumabas si nanay galing kusina hula ko nag luluto na naman sya ng meryenda namin naamoy ko kasi yung niluluto niyang champorado siguro wala syang labada ngayon. "Okay lang naman ho si kuya ho ba nay nakauwi na?" Alas kwatro na ngayon kaya siguro nakauwi na si kuya maaga kasi kami nag uwian dahil first week palang naman yung iba naming teachers busy sa chikahan. "Oo nandoon sya sa sala nanonood ng TV" Umakyat nalang ako sa kwarto at nagbihis. Sinabit ko muna yung bag ko sa may pintoan. Maliit lang din ang kwarto ko pero tama lang naman saakin. May study table malapit sa bintana may kama din saka lagayan ng mga libro wala akong sariling CR nasa baba yung CR namin kaya paminsan Minsan kung naiihi ako sa gabi pinipigilan ko nalang dahil takot ako huhu. Nang matapos ako sa pagbibihis bumaba na ako para mag meryenda. ABA! Kahit wala kami gaano ginawa ngayong araw napapagod din no at nakakagutom. Nasa sala ako nakita ko si kuya joseph na nanonood ng TV sa animal planet yun. "Joseph ba't kaya wala ka sa animal planet no?" Natatawang sabi ko sa kanya alam ko na ang kasunod neto. "Sa sarili mo itanong yan total mukha ka namang ipis." "NANAAAYYYYY OHHHHHHHH!!!" narinig ko pa ang pagtawa ni joseph nakakainis talaga ang mukha ng lalaking to napaka alaskador. "Ano na namang kaingayan yan" lumabas si mama galing kusina dala ang niluto niyang champorado. "Oh heto mag meryenda muna kayo" Nag unahan kami ni kuya sa lamesa at syempre ako ang nauna tinulak ko kasi sya. Malaking tao si kuya mag si second year college na sana sya ngayong taon kaso tumigil sya kasi hindi nakayanan ni nanay ang tuition hindi din naman kasi nakahabol si kuya sa scholar ng bayan kaya nag construction muna sya para may maipon. Maliit nga lang ang bahay namin at wala akong tatay pero kontento naman ako kay nanay at kuya joseph.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Worth The Wait

read
202.0K
bc

Unwanted

read
532.2K
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook