Terry's POV
Lahat ginawa ko na para lang mapatawad ng binatang ito. Nakakainis naman e! Bakit ba ang hirap-hirap niyang magpatawad?
Kasalanan ko bang hindi ko alam ang ce-cellphone ba yun? Basta! Cellphone ata yun. Sabi niya 'Terry patayin mo!' edi pinatay oh. Oh diba? Sira? Nakakayamot naman e.
"Mama Aida?" Kagigising ko pa lang at naabutan ko si Mommyla sa bakuran kaya lumapit ako sa kanya para humingi ng tulong.
"Yes Terry? Mukhang pagod na pagod ka ah?" puna nito sa 'kin habang nagdidilig.
"Opo e! Si Theo kasi ayaw pa akong patawarin. Lahat naman ginawa ko na para lang manghingi ng tawad pero wala!" nakayuko kong tugon.
Ang hirap naman kasing habulin ang isang yun. Alam kong nagkamali ako pero diba lahat naman natutoto sa kasalanan?
"Alam mo Terry? Mapapatawad ka din niyan. Mahalaga lang talaga ang cellphone niya sa kanya. Guys ang girls can't leave without their phone in this century. Kaya hindi na ako magtataka kung ba't siya galit na galit!" Sa panahon nga namin. Tamang laro lang sa kalsada ang aming libangan. Walang masyadong teknolohiya at masarap pa mamuhay.
"Pano po ba ako makakabawi?" Tumingin sa 'kin si Mama Aida na para bang may naiisip na paraan. Agad siyang pumasok sa silid at parang may kukunin. Kaya hinintay ko nalang siya muna.
"Here Terry! This is my Card, may lamang pera yan. You can spend it to buy a new cellphone for Theo! And after that, you can buy some dress or clothings or even something you wanted to buy..." Card? Inikot-ikot ko ang munting matigas na bagay na iyon pero wala akong nahanap na pera. Pinagloloko ba ako ni Mama Aida?
"You're definitely finding for a money, Right?" Dahan-dahan lang ako tumango.
"I see. C'mon, tatawagan ko nalang si Rex para samahan ka!" Rex? Wag si Rex! Hindi kami ganon kalapit sa isa't isa.
"Mama Aida? S-si Kyle nalang po! Wag na si Rex.... Hindi ho kami malapit e...." Pilit akong ngumiti at tumango naman siya.
"Excuse me. I just have to call him, okay?" Ngumiti lang ako at tumango.
Lumayo siya sa 'kin ng bahagya at nagsimula na siyang makipag-usap gamit ang telepono.
Kakaiba na talaga. Sa aming panahon, tanging telegrama lamang ang aming ginagamit tapos may bayad pa kada letrang isusulat kaya wala kang ibang magawa kundi ang paliitin ang mga salita na gagamitin mo tulad ng 'kmsta n kau dyan?' para lang hindi lumaki ang babayaran mo.
"Sabi ni Kyle, pupunta na siya! Just wait for him, Terry!" Tumango lang ako at nagpasalamat sa kanya. Agad akong nagtungo sa silid upang upang makapagbihis.
Hinintay ko lang siya sa sala at tamang-tama ang pag-gising ni Theo. Hindi ko muna sasabihin na bibili ako ng cellphone.
"Theo!" Daretsahan lang siyang naglakad at hindi lang ako pinansin.
"Ang daya mo talaga!" Sigaw ko dito at hindi na naman pinansin kaya tumigil na ako at hinintay nalang si Kyle, napakatagal din ng lalaking yun.
"Terry? Nandyan na si Sir Kyle sa labas!" Napadako ako ng tingin kay Ate Susan bago ako naglakad palabas.
"San kayo pupunta?" nagulat ako ng magtanong si Theo.
"S-sa labas..." sagot ko
"Malamang! Alangan ka namang sa loob?" Pilosopo nga talaga 'to.
"A-ahm. Aalis kami ni Kyle. Kahit saan, anong tawag sa inyo no'n? D-Date? Oo Tama! Magdidate kami! Sige... Una na ako sayo!" Nirolyo niya lang ang mga mata niya at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Bakit yun yung sinabi ko? Hala! Kahit na sabihin ko naman siguro yun wala naman siyang pakialam diba?
"You're looking gorgeous today, Terry!" Saad nito na may ngiti sa mga labi niya. Nakasandal ito sa kotse na nasa likod niya. Sa kanya ba yan? Ibang klase!
Nakasuot ito ng kulay asul na polo. Bagay ito sa kanya. Ang pogi niya!
"Sa-salamat! Ikaw din, ang gwapo mo!" Nahihiya kong saad.
"So? Tara!?" Tumango lang ako.
Napanganga ako ng buksan niya ang pinto ng sasakyan at pumasok din siya. Siya ang magmamaneho? Ang galing! Samantalang yung Theo'ng yun puro asa sa driver.
"Sa-sayo ba 'to?" Napakalawak itong ngumiti at tumango.
"Regalo sakin ni Papa!" Woaaaaah! Ang galing.
"A-Ah!"
"Yah. Maganda ba?" napatingin ako sa kanya habang siya naman patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Oo naman!"
"Pero mas maganda ka...." Ang gwapo niyang tumawa. Naiilang na ako. Nakakaramdam ako ng kaba sa dibdib.
"A-ay! Sa-salamat, Kyle!" Ngumisi lang ito at kumindat.
Magaling mambola 'to ha? Pero alam ko naman e. Alam kong maganda ako pero depende sa sitwasyon. Depende kung gusto ko.
Ilang minuto lang, nakarating kami sa isang malaking gusali at pumarada siya sa may Parking lot na nakasulat.
"Anong cellphone ba hahanapin natin? At saka bakit mo kasi binasag ang cellphone niya?" I pouted. Here, I forget to explain what happened
"Ayun na nga, gusto ko sanang gumamit ng banyo dahil walang tubig sa banyo namin. Kaso naabutan ko siyang nando'n tapos hinintay ko. Ilang sandali lang biglang tumunog yung cellphone niya saka sabi niya patayin ko daw kaya kumuha ako ng martilyo at pinokpok yun tapos lumabas siya sa banyo na puno na ng usok ang tenga e sinunod ko lang naman siy----anong problema?" Napatigil ako sa kakasalita ng mapansin ko siyang nakangiti lang at nakatingin sa 'kin.
"Ang cute mong tingnan e! Para kang batang inaaway!" Hays. Sa haba ng sinabi ko, yung kagandahan ko lang nakita niya. Haynaku! Bumaba na ako ng sasakyan at tuminghala sa napakataas na gusali.
"Pasok na tayo!" Tumango lang ako at sumunod sa kanya.
"Hi Ma'am! Hi Sir! Hanap niyo ba ang cellphone na matibay at hindi nasisira agad-agad? Eto!" Saad ng isang tindera sabay pakita sa 'min ng cellphone na hawak niya.
"Ale? Ganyan din ho yung Cellphone ng kaibiga--hindi... Ewan ko kung ano kami basta ganyan din cellphone niya tapos pinokpok ko ng martily--aray!" Napatigil ako ng hablutin ako ni Kyle palayo sa tindera.
"Terry! Stop! HAHAHA You don't have to tell it okay?" Napakunot ang noo ko sa tinuran niya. Anong masama don? E sinabi ko lang naman na nagsisinungaling siya!?
"E---"
"Terry? Please?" Nangalumbaba nalang ako at 'di na nagsalita.
"Good!" Saad niya at nagpatuloy aa paglalakad.
Naghanap kami ng pwedeng mabilhan ng cellphone at nakarating kami sa isang tindahan na maraming magagandang cellphone.
"Ale?" Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa aking pagtawag. Magugulatin ba talaga sila?
"Anong ale? Miss, you can call me Samantha, Sam for shorter and S for shorterist..." Shorterist? Ngi?
"Sa-Sam nalang!" Nakangiti itong tumango.
"Ano po bang maipaglilingkod ko sa magjowang nakakulay blue?" Napakamasayahin naman ng babaeng ito. At ngayon ko lang napansin na magkakulay pala ang aming damit.
"Hindi pa kami magjowa! Hindi pa sa ngayon..." Nakakahiya. Anong jowa?
"Jo-Jowa?Ano yun?" Bahagyang natawa si Kyle at ang tindera.
"It's another term of boyfriend andd girlfriend... Or magkasintahan!" Aaahh... Ano ba yan! Ang daming alam.
"Ah-Ahm. Oo Sam! Hindi at bawal!" Nakangiti kong sambit sa kanya. Nakatingin lang sa 'kin si Kyle at parang nadismya.
"Okay po Ma'am! So ano Cellphone po ang gusto niyo? Pero kung gusto niyo ng mura, eto po! Eto ang gamit ng kuya ko dati pero sumabog yun sa kamay niya!" Paliwanag nito na may aksyon pang dala.
"E eto?" Turo ko sa cellphone na medyo malapad.
"Yan Ma'am! Yan ang bagong bili niyang cellphone! Kahit anong gawin mo diyan, Hindi yan masisira! Alam mo ba Ma'am? Trinay niyang ihulog sa tubig at hindi ito nasira!" Nakakamangha!
"E kung pokpokin ng martily--" tinakpan ni Kyle ang bibig ko kaya hindi na ako nakapagsalita.
"Okay Miss! We will buy that!" Umusog lang ang labi ko at nilabas ang card na binigay sa 'kin ni Mama Aida.
Agad din niyang kinuha ang card at cellphone. Ibabalot na daw muna niya. Pagkatapos nito, pupunta kami sa taas para bumili ng mga damit. Naku! Wala pa naman akong alam sa mga ganito. Pero ano namang silbi ni Kyle kung 'di ko siya tatanungin diba?
"Eto na po Ma'am! Thank you and hope to see you again here!" Huling bati ni Sam. Ang ganda niya pero yung bunganga niya parang armalite kung magsalita.
"Next destination, sa taas! Bibili na tayo ng damit!" Hinablot niya agad ako kaya napasunod nalang ako sa kanya. Grabe naman siya makahablot ah? Kita niya naman na tinitingnan ko pa ang binibili ko e hmmm.
"Ba't ba ang hilig mong manghablot?Akala ko ba kaibigan na kita?!" Naurong-nguso kong tanong upang mabasag ang katahimikan habang kami'y naglalakad papuntang taas.
"Kaibigan tayo! Pero bakit bawal maging tayo?" Yun lang ba ang dahilan niya? Bawal nga kasi aalis ako. Hindi pwede kasi masasaktan lang siya.
Bigla siyang humakbang papuntang pinto sa isang hagdan na umaandar.
"HALAAAAA!!!!KYLE PANO TO?" Bakit niya ako iniwan? Sandali lang! Natatakot ako, baka kainin ng paa ko ng hagdan na ito.
"AMP! BAKIT 'DI MO SINABI NA 'DI KA MARUNONG HAHAHAHA!" Aba'y tinatawanan niya pa ako? Bakit niya ako iniwan?
"BAKIT? NAGTANONG KA BA?" naiiyak na ako! Baka iwan niya ako. Hindi ko alam pauwi!
"TSS! HAKBANG NA!" Utos nito. Malapit na siya sa taas. Aaackkk---bakit ba kasi iniwan ako?
"Ale? Ale? Pano po gamitin 'to?" Tanong ko sa mga taong dumadaan pero napapatawa lang sila at di ako pinapansin.
"TERRY!" napalingon ako sa taas. Nakarating na pala siya. Natatakot ako!
"KYLE! TALAGANG INIWAN MO AKO DITO? HINDI KO NGA ALAM KUNG PANO GAMITIN TO! DALI NA KASI BUMABA KA NA DIYA BALIKAN MO AKO!" Naiiyak kong turan. Kung pwede lang Mangagat? Gagawin ko talaga yun sa kanya.
"SABI KO HUMAKBANG KA NALANG! KAYA MO YAN! HAHAHAHAHAH!" Pinaglalaruan niya ba ako? Tsss sinusubukan ko namang ihakbang ang aking mga paa pero parang kapag hinakbang ko ang mga paa ko, baka mahulog lang ako.
Napapikit ako ng mata at sinusubukan kong kumuha ng lakas ng loob mula sa kaloob-looban ko.
"Hays! Go self! Hagdan lang 'to na umaandar. Kaya mo y-AAAAAHHHH!' napatakip ako ng bibig dahil sa pagsigaw ko. Nagulat ako sa aking nakita.
S-Si Theo? A-anong ginagawa niya rito?
"Theo? Ibaba mo ako! Nakakahiya!" saad ko dito at nagpupumiglas para makawala mula sa pagkakabuhat niya.
"Pwede ba? Tumahimik ka nalang? Ang ingay mo! Itapon kita diyan e!" Ang sungit-sungit naman nito! Pero salamat na din sa kanya at makakaakyat na ako sa taas. Malilintikan talaga sa 'kin si Kyle.
"Sabi ko nga! Pero teka... Ano bang ginagawa mo rito?" Nakasalamin pa siya at pinaglalaruan ang ibabang bahagi ng kanyang labi.
"Bakit? Bawal bang pumunta dito? Sayo ba ang Mall na 'to?" Umiling ako at nirolyo ang aking mata.
"Nakita ko yun!" puna niya
"Yung?"
"Anong yung? Yung pagtaray mo sa 'kin!" Bakit? Dapat ba akong magulat doon?
"Edi mabuti! Ibig sabihin may mata ka! Biyaya yun rin yun! Argh!" Napadiin ang kapit ko sa leeg niya ng muntikan niya akong bitawan.
"Just shut up!" Tugon nito bago kami sumalpa sa taas. Kitang-kita sa mata ni Kyle ang pagkairita.
"Bro? What are you doing here?" Walang emosyong makikita sa mukha ni Theo nang tanggalin niya ang salamin na bumalot sa mata niya.
"Before asking that, ako muna. You know Terry is not yet familiar with technologies and new inventions. You know that Terry is not a normal person but why you let her be alone downstairs? Escalator is new on her pero bakit mo hinayaan na maiwan siya do'n?" Ang lalim ng boses niya. Halatang nagalit siya sa ginawa ni Kyle.
"Bro? C'mon, I just forgot it. Hindi na mauulit!" Hindi na talaga mauulit Kyle! Dahil hindi na kita isasama sunod.
"Hindi na talaga! Kasi pwede ka nang umuwi bro! Ako na sasama sa kany--"
"Hey? Ako yung pinasama niya kaya wala kang karapatan na pauwiin ak--"
"But you let her do something na alam mong ikakadiagrasya niya--"
"Nakalimutan ko nga lang diba?! Can't you understan--"
"Understand?! The heck! Kung sakali na hindi ako dumating, maaaring naipit ang kamay o paa niya dahil sa kapabayaan mo!"
"Don't act like a hero! Remember? It's you who force her to buy new phone! Kaya don't blame m--"
"I didn't!"
"Yes you di-"
"TAMA NA!" Biglang napatigil ang bangayan sa pagitan nila ng sumigaw ako.
"Sorry!" Sabay nilang banggit.
"Pwede ba tumigil na kayo? Tapos na e! Wala nang problema... Hindi niyo siguro alam na nasa gitna niyo ako at rinig na rinig ng dalawa kong tenga ang mga english-englishniyo! Pilipino kayo hindi banyaga! Kaya tumigil na kayo. Theo? Kyle? Pwede namang dalawa kayo ang sumama e? At ikaw Kyle? Ayos na sa 'kin ang tawad kaya okay na. Ikaw Theo! Eto na yung cellphone mo. 20,000 yan at sana okay na 'yan. Ngayon, tumigil na kayo!" Saad ko na naiirita na. Pati ang dumi sa tenga ko nagrereklamo na dahil sa bangayan nila.
Ang haba ng buhok ko. Hagdan lang, pinag-awayan! Tanga kasi.
"Okay!" Sabay nilang saad.
"Ano? Sasamahan niyo ba ako o hindi?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Sasama!" Saad nilang dalawa. Tumango lang ako naghanap ng mga damit.
Agad akong nagtungo sa isang dakon na maraming damit ang nakalagay.
"TERRY?" sabay nilang tawag kaya agad akong napalingon sa kanila.
Nagtitigan muna sila. Naghihintay sila kung sino ang mauunang magsalita.
"Sa tingin ko maganda 'to para sayo!" Sabay nilang wika ulit. Nagkaroon ng gitgitan sa kanilang mata kaya kinuha ko nalang ang dalawang damit at nilagay sa basket.
"Dalawa nalang!" Nakangiti kong sambit.
"Akin na! Ako na ang hahawak sa basket!" sabay ulit nilang turan at nag-agawan sa hawak kong basket.
Juskoooo. Ano na bang nangyayari sa kanila?
"Ako na!" sambit ni Theo na nakahawak sa basket.
"Ako na Theo!" sagot naman ni Kyle.
"Edi sayo na!" Sabay bitaw sa basket. Nag-aaway ba talaga sila?
Habang namimili ako, nakatingin lang silang dalawa. Ano sila? Kawal na binabantayan ang prinsesa?
"Maganda ba 'to?" Tumango silang dalawa kaya nilagay ko sa basket na nasa kamay ni Kyle.
"Pero mas maganda ka..." Saad ni Kyle. Tumango lang ako at si Theo naman bahagyang tumatawa.
"May nakakatawa ba?" naiinis na tanong ni Kyle.
"Wala naman! It's just a corny one!" Tiningnan lang ni Kyle ng masama si Theo.
Iniwan ko na sila at nagpatuloy sa paghahanap ng damit. Bahala Silang magbangayan! Nakakasawa makinig.
"Bagay ba?" Sa pagkakataong ito, hindi lumingon si Theo at nagcellphone lang.
"Oo? Lahat naman bagay sayo... Pati ako!" banat ulit ni Kyle. Nauumay na ako sa mga banat niya.
"Ha?" banggit ni Theo.
"Wala!"
"Hatdog!" Hinampas ni Kyle ng hanger si Theo. Naku! Parang mga isip bata.
Bahala kayo diyan.
Ilang oras nga ang nakakalipas, natapos na kaming mamili at kumain na din kami. Yung cellphone, nasa akin parin dahil 'di niya tinanggap kanina kaya mamaya ko nalang ibibigay.
Bumaba na kami at mabuti nalang inalalayan nila akong dalawa. Tss nagmukha akong pilay!
Nang makarating kami sa parking lot, agad na kinuha nila ang mga sasakyan nila.
"Terry? Tara na!" Anyaya ni Kyle sa bintana ng sasakyan niya.
"What? No! Terry, dito ka na!" Anyaya naman ni Theo na nakasandal sa sasakyan niya.
"Theo? Pati ba naman sasakyan ni Terry makikiagaw ka?" Tumingin lang siya kay Kyle.
" Kyle? Remember, si Terry ay nakatira sa bahay ko. So ako nalang para isang hatiran nalang!" Gabi na din nang makalabas kami ng Mall. Medyo matagal din yun dahil kung saan-saan pa kami pumunta. Nilibot namin ang buong Mall.
"Excuse me? It's not a valid reason! Ako ang kumuha kay Terry kaya ako din ang maghahatid!" Singhal nito. Eto na naman ang bangayan! Hindi ba sila napapagod? Kasi ako, nauumay na sa ginagawa nila.
"Whatever!" Agad akong hinablot papasok sasakyan ni Theo. Hindi na ako nakapagpigil, baka hindi na ako makauwi sa bahay nito.
"Kyle? Sa-Salamat sa pagsama! Siguro nga'y umuwi ka nalang! Sa uulitin!" ngumiti ito sa 'kin. At napadako din ang tingin nito kay Theo.
"Take care of her!" Saad nito bago umalis. Nakokonsensya ako. Naaawa ako kay Kyle.
Bakit naman kasi bigla-bigla siyang sumusulpot? Tss.
Bigla nilang pinaandar ang sasakyan m at nagmaneho.
"Bakit ka tahimik?" Mahinahon niyang tanong.
"Wala..." taimtim akong sumagot habang nakatingin lamang sa labas ng bintana. Natatanaw ako ang iba't ibang tao at ang kanilang mga ginagawa.
"Bakit? Galit ka sa 'kin? Kasi hindi mo nakasama si Kyle? Sorry!" Nagpapaawa ba siya? Tumingin ako sa salaming nasa harapan niya at tamang-tama na nakatingin din siya.
"Hindi naman sa ganon. Nagpapasalamat pa nga ako e kasi dumadating ka!" taimtim akong ngumiti upang 'di mahalatang pagod ako at naaawa ako kay Kyle.
"Walang anuman! Pero alam kong naaawa ka kay Kyle. Wag kang mag-alala, magkakaayos din kami! Nainis lang talaga ako sa kanya kanina kasi alam niya naman ang tungkol sayo pero bakit 'di ka niya iniingatan?" Oo. Alam ni Kyle yung lahat tungkol sakin. Kung bakit ako napunta ako dito at pano ako mapunta. Maliban sa sinabi daw si Theo sa kanya, sinabi ko na rin sa kanya kasi alam kong mapagkakatiwalaan siya.
"Hayaan mo na yun!" Nilagay ko sa harapan niya ang cellpone na binili ko. Sana naman napatawad na niya ako.
Theo's POV
Nakatingin lang ako ngayon sa kanya habang pinagmamasdan niya ang tanawin na kanyang nakikita sa labas.
Sinadya ko talagang puntahan sila sa Mall kanina para siguraduhin na aalagaan niya si Terry.
Hindi naman sa wala akong tiwala. You know na hindi siya simpleng babae. Hindi pa niya alam ang lahat tungkol sa panahon namin kaya dapat siyang ingatan.
Bigla siyang humikab at ilang sandali lang nakatulog siya.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating kami sa bahay. Gusto ko siyang gisingin pero parang mahimbing na ang tulog nito.
Hinubad ko ang jacket na suot ko at binalot sa katawan niya bago siya kinarga papasok ng bahay at iutusan ako ni Mommyla na ihiga ko nalang siya sa kwarto niya. Kaya sinunod ko naman.
"Salamat Terry..." Bulong ko ng mailatag ko siya sa kama niya.
"Salamat sa effort. But sana, di mo nalang ginawa kasi ayos lang naman talaga! Gusto lang naman kita na inisin e pero ako yung nainis..." Napapatawa ako bahagya bago inayos ang sarili ko.
"Kyle..." Sambit nito. Bakit ganon? Bakit bigla akong nasaktan? Hindi. Siguro, dala lang to ng gitgitan sa pagitan namin.
Wala 'to. Bawal kong bigyan ng malisya ang galawa niya at nararamdaman ko.
"Thank you ulit!" sambit ko at hinalikan ang noo niya. Bahagya siyang kumilos kaya agad na akong lumabas ng kwarto.
Nagtungo na din ako sa kwarto at ng makapagpahinga na rin ako. Grabe ang araw na 'to, halo-halo ang emosyon na aking naramdaman.