Terry's POV
Ang sakit ng katawan ko pagkagising ko. Para bang nagbuhat ako kahapon ng mga bato't napakasakit talaga. Hindi ko na namalayan ang lahat matapos akong makatulog. Nagising nalang ako ngayon na heto na ako sa kama ko. Si Theo kaya ang nagdala sa 'kin dito? Kung siya man, salamat.
Ang saya ng puso ko. 'Di ko alam kung bakit.
Napansin ko ang isang jacket na naging kumot ko. Ang bango nito at amo'y maharlika talaga. Nang tingnan ko ang jacket na 'to, alam kong kay Theo 'to. May pagkamabait naman pala siyang ugali e. Bakit ang sungit niya sa 'kin?
"Breakfast is ready!" nagulat ako ng biglang lumitaw si Theo mula sa pintuan. Tumango lang ako at tumayo. Humikab muna ako at nag-unat ng buto.
"Ay butiki!" gulat-gulat kong sambit nang makita ko siyang nando'n parin sa pinto.
"Bakit?" Natatawa nitong tanong.
"Wa-Wala naman! Nagulat lang ako. Syanga pala, eto yung Jacket mo!" dali-dali kong inabot ang jacket niya.
Bago niya kunin at napahawak ito sa kamay ko.
"Sa-Salamat diyan!" Naiilang kong inalis ang kamay ko at lumabas na ng pinto. Naiwan siyang nakasandal, bago pa man siya lumingon ay dali-dali na akong bumaba.
"Uy Terry! Buti naman gising ka na! Magandaaaaang Umagaaa!" Masiglang pagbati ni Mama Aida na nakaupo na sa hapag-kainan.
"Magandang Umaga din po Mama Aida!" Bati ko sa kanya.
"Well, kamusta naman ang lakad mo kahapon?" Ngumiti muna ako bago sumagot. Hindi ko alam pano sisimulan.
"Mabuti naman po! Ahm. Nakabili po ako ng bagong cellphone at mga damit! Salamat po Mama Aida!" Nakangiti kong pasalamat sa kanya. Kung hindi ko siya nakilala, tiyak na hindi ko alam kung pano ako mabubuhay sa panahong ito.
Theo's POV
Wala manlang kiss na binigay ang hinayupak? Tss.
Pagkababa niya kanina'y sumunod na din ako. Umupo ako sa harap ni Mommyla at nasa gilid naman si Terry. Pinag-uusapan nila ang nangyari kahapon.
"Halata nga e! Hahaha pagod ka!" Saad ni Mommyla. She's really enjoying talking with Terry. I don't know but parang may kakaiba sa pagitan nila. Mommyla is a person who don't trust easily with anyone pero pagdating kay Terry? Naku. Ang bilis.
But so far, sa pananatili dito ni Terry I saw her good, jolly and seductive attitude. Parang sa isang linggo palang niyang paninirahan, I got her. Nalaman ko agad ang isang Terryyinne. Kung ang pagbasa mo ay 'teren' or 'tereni' it's not correct. She always want me to say is 'Teriniyah' kasi it's how it being pronounced.
Tsss ang layo naman sa spelling.
So ayun, after eating our breakfast. Pumasok ako sa loob at nagheadset. As always, Ben and Ben music.
Narinig ko din kanina si Terry na nagpapaalam kay Mama Aida kung pwede daw ba bumisita dito si Kyle and Mommyla said yes to that girl.
Gusto na ba niya si Kyle? Hmm. No way. I can't be jealous.
Ilang oras dina ng lumipas and I feel boredom kaya lumabas ako ng kwarto. Wala doon si Mommyla and si Terry naman, nandoon sa loob ng silid niya.
*Dingdong* *Dingdong*
I got curious. Sino kaya yun? Ang pagkakarinig ko, mamaya pang hapon si Kyle pupunta.
Hindi ko na tinawag si Manang to open the gate. Since boring ako, ako nalang ang magbubukas at magsasara.
"Yes?" bungad ko sa isang messenger.
"This is Princess the messenger and this is a letter for Ms. T-Terry--" nauutal siya sa pagbasa.
" Terryyinne Chua!" Tumango lang ito. But wait, mula naman kanino 'to?
"San 'to galing?" Seryuso kong tanong sa babaeng messenger.
"Sir? I'm a messenger not a map--Kaya hindi ko po alam! Bakit 'di po si Dora ang hanapin at pagtanungan niyo sir?" What the heck! Napakapilosopo naman ng messenger na 'to.
"Sabi ko nga! Sige! Umalis ka na... Baka masapak pa kita!" Service is service. When someone is asking, you should answer it seriously. Yes! Kasi kung sakin lang ang sulat na 'to? Kanina pa nabasa dahil ipapasok ko talaga sa bibig niya.
"K. Bye!" Wow? Siya pa talaga ang may ganang maging attitude ha?
Binasa ko ang nakasulat sa sa loob ng envelope. Alam kong mali pero malay mo? Masama pala ang binabalak niya. Pero feeling ko hindi naman.
"Binibining Terryyinne,
Mayroon ka na lamang limangpung araw para maharap ang nawawalang time machine. Kailangan mong maibalik iyon at upang maibalik iyon, may isang misyon kang kailangang gawin. Alam kong hindi ka ganong tao pero ang relo ay makikita mo sa taong mamahalin mo at mamahalin ka. Misyong maaaring makasakit pero kailan mong gawin. Iyon ang itinakda, pagkat kapag hindi ka nakabalik sa ting panaho'y masisira ang lahat. Mawawala sa ayos ang lahat. Binibini, hangga't maaari'y gawin mo ang mksyon upang mabigyang bisa ang time machine. Hindi mo na kailangang gumawa ng paraan, maging totoo ka lang sa sarili mo at kusang lalabas ang pagmamahal.
Kawal. " Karamdam ako ng pagkadurog sa puso ko.
Theo, you want Terry to be out of your life but why? Why you're feeling something? Is that happiness? Or you became sad when you read the letter? Argh! Fvck! No way. This can't be.
50 Days? 1 month and 20 days? Ilang araw nalang, mawawala na siya. Parang 'di ko na kaya na mawala siya.
"Sir?" agad kong binalik ang sulat na aking binabasa ng tinawag ako ni Manang Susan.
"Yes Manang?" I answered. Sana hindi niya nakita na binasa ko ang liham. For sure, sasabihin niya kay Terry.
"Sorry sir kung ikaw yung nagbukas ng gate! Nasa likod po kasi ako e!"
"It's okay Manang! It was just a vendor. Don't worry!" Saad ko bago ako pumasok sa loob.
I still can't stop thing. 50 days? Bakit 50 Days? Buti nalang.
"Well, Algae are not only found in the seas but in lakes, ponds and canals as well. Some alage also thrive on moist or wet grounds!" Napabaling ang aking tingin sa bakuran namin. Bakit pinag-uusapan nila ang algae?
Dumungaw ako doon at nakita kong pinag-uusapan nila ang mga tanim ni Mommyla.
Terry's POV
"Napakaraming uri ng algae, merong caulerpa racemosa, padina crassa, turbinaria ornata, halymenia durvillaei, nostoc, anabaena at marami pang iba..." Saad ni kyle habang hinahawakan ang hawak niyang parang halaman. Algae daw yun! Ang galing niya. Saan naman kaya siya natuto?
"Ang galing!" Ngumiti lang ito at tumango.
"Eto, this is a plant. And chlorophyll is a pigment which enables plants to make their own foods!" Napakagaling niya talaga pagdating sa bagay na to.
"Gusto mo ba yung mga tungkol sa tanim?" Bahagya itong natawa at ginulo ang buhok ko.
"Major ko ang Biology kaya alam ko sila!" Woah! Nakakamangha.
"Flowering plants have seeds which are enclosed in a vase-like structures like this--Rose!" Napalingon kami sa kinaroroonan ni Theo na unti-unti ding lumapit sa 'min. Nandito na naman siya. Ano na namang ginagawa niya rito. Bakit ba siya sumusulpot agad-agad?
"Ferns have spores, not seeds" saad ni Kyle. Anong ginagawa nila?
"Flowering plants, conifers, ferns, clubmosses and horsetails all belong to the big group Tracheophyta which is characterized by the presence of conducting tubes" sagot ni Theo. Anong mga pinagsasabi nila? Ba't nagbabatuhan sila ng mga salita. Hindi ko nga maintindihan e.
"Algae also lack conducting tubes. They are distinguished from each other by the pigments they contain aside from chlorophyll. Some are one-celled, microscopic organisms while others extend to several meters long!" Ano bang long long yan? Ang tanging alam ko lang chlorophyll. Yun lang period.
"Agar, which is uses as a medium for microbial growth and gulaman or gelatin, are extracted from some red algae!" Sagot ulit ni Theo.
Nahihilo na ako. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo dahil 'di ko sila maintindihan.
"The individua---"
"Pwede ba tama na?" Napatigil sa pagsasalita si Kyle ng patigilin ko sila.
"Alam niyo.. baka nakakalimutan niyong magkaibigan kayo? Hindi kayo magkaaway! Kaya tama na sa mga algae-algae na yan kasi unang-una sa lahat wala akong maintindihan. Pangalawa, wala akong pakialam. Kaya pwede ba? Tama na?" naiinis ang mga mukha nila habang nagtitinginan.
Ano bang problema ng mga 'to? Bakit ba simula kahapon, naging ganito na sila?
"Ikaw Theo? Bakit ka nandito? Nananahimik lang naman kami ah?" galit na galit na tanong ni Kyle.
"Well, I have here a letter for Terry! Don't worry. Ibibigay ko lang 'to and I will leave you both!" agad na sinampal sa noo ni kyle ang liham na natanggap niya bago umalis. Sinubukan pang gumanti ni Kyle pero pinigilan ko siya.
Liham? Para saan naman 'to?
Kinuha ko ang liham at binasa 'yun.
Limangpung araw? At saka anong misyon? Bakit kailan kong magmahal at mahalin? Ha? Edi parehas kaming masasaktan? Nakakabaliw naman ang misyong 'to. Sino naman ang mamahalin ko? Sino naman ang magmamahal sa 'kin?
Napabuntong-hinga nalang ako matapos basahin ang liham na 'yon.
"May problema ba?" Umiling lang ako kay Kyle.
"Sure ka?" pangungulit. Pano ko 'to sasabihin sa kanya? Kailangan ko bang sabihin? O mas mabuting akin nalang muna?
"Ka-kasi limampung araw lang ang araw na meron ako para mahanap ang relo...." Saad ko sabay bitaw ng isang malakas na hinga na mula sa aking dibdib. Parang ngayon palang, nawawalan na ako ng pag-asa. Pano ko naman magagawang magmahal sa loob lang ng limampung araw? At sinong magmamahal sa 'kin? Hays.
"50 Days?!" Gulat na gulat niyang tanong. Kahit ako man, gulat na gulat. Pano ko mahahanap yun? Pano?!
"Oo..."
"Sure na ba talaga yan? Pano ako? Iiwan mo na ako?" Nakausog-nguso niyang tanong.
Naging parte na din si Kyle ng paglalakbay ko. Siya kaya yung lalaking tinutukoy na kailangan kong mahalin at mahalin din ako pabalik? Sana siya nalang. Pero ayoko namang makasakit. Ayokong may maiwan sa pag-alis ko.
"Kyle, pinag-usapan na natin 'to diba? Kapag umalis ako, aalis talaga ako. Wala nang balikan..." sumimangot siya sa tinuran ko.
"Oo na... At masakit yun..." Saad nito.
Kung pwede ko nga lang isama sila, gagawin ko. Pero bawal!
"Kyle? Pwede ba na bukas nalang ulit tayo mag-usap? Napapagod na ako e. At saka, gusto ko ring matulog!" pagpapaalam ko dito. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko lubos maisip kong pano ko sisimulan ang misyon ko. Pero kailangan ko lang magpakatotoo sa sarili ko,wala na akong ibang dapat na gawin--yun ang nakasaad.
"Sige Terry! Pasensya na ulit sa mga nagawa namin ni Theo!" Kumaway lang siya at naglakad palabas ng gate.
"Sige. Wala yun!" Tugon ko.
Nang makaalis si Kyle. Nagbitaw ulit ako ng buntong-hiningabago tuluyang pumasok sa aking silid.
Pano? Ano? Saan? Kailan? Sino?
Ang dami kong tanong. Naguguluhan na ako. Ano bang nangyayari sa buhay ko! Bakit kailangan kong manakit at masaktan para makabalik sa panahon ko? Hindi ba pwedeng hindi nalang ako bumalik? Pwede bang dito nalang ako? Kung sakali man na magmahal ako at mahalin ako? Ayokong makasakit at masaktan.
Gustuhin ko man na manatili. Kahit anong rason pa man ang meron ako, Bawal. Alang-alang sa mga buhay ng tao na nakapalibot sakin. Magbabago ang takbo ng mga buhay nila kapag hindi ako bumalik. Walang Aida, walang Theo, walang Kyle o kahit sino pa man. Kasi, iba ang magiging takbo ng panahon. Madadamay lahat, kaya bawal. Bawal na bawal ang manatili sa panahon nila.
Ilang oras din akong nanatili sa loob ng silid. Pinilit kong ipikit ang aking mga mata pero hindi ko kaya. Patuloy pa ring pumapasok sa isip ko ang mga tanong. Dahil 'di ako makatulog, nagpunta ako sa balkonahe at nang makarating ako, nadoon si Theo. Parang malalim ang iniisip.
Sasamahan ko ba siya? O hahayaan ko nalang muna siyang mag-isa?
"Join me..." Napansin niya siguro na nandoon ako. Dahan-dahan akong sumandal sa balkonahe, malapit sa kinaroroonan ni Theo.
"Terry? Bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal?" Anong klaseng tanong yun? At bakit niya naman naitanong? Dahil yun rin ang tanong na gusto kong sagutin.
"Marahil upang matuto?" Simpleng sagot ko. Ganon naman yun e. Kapag nasaktan ka, matutoto ka sa susunod kapag magmamahal ka ulit.
"Kailangan bang paulit-ulit yung sakit?" tanong nito na nakatanaw pa rin sa langit at hindi tumitingin sa 'kin. Napabuntong-hinga ako bago sumagot. Ako dapat ang nagtatanong nito e.
"Buti ka nga Theo e. Yung sakit na nararamdaman mo, pwede mo pang makita yung tao na naging sanhi non. At yung sakit na yun, mawawala rin kasi maa magandang rason. Kesa naman sa wala diba? Gigising ka sa umaga na may mga katanungan sa isip mo... Tapos matutulog ka na naman, nando'n pa rin yung katanungan!" Tumango lang siya at pinunas ang luha niya. Sino na naman kaya nananakit sa kanya?
"Alam mo Terry. I once fell in love. My first love who broke my heart for no reason and you're right! Every seconds, minutes, days, months and years? You will still ask yourself what's wrong and why it happened. Alam mo bang natakot na akong magmahal? Because of that person. Iniwan niya ako ng walang rason. She left me hanging with different questions. Minahal ko siya't lahat-lahat and here I am, begging for her to comeback silently! Kaya sinabi ko sa sarili ko, I won't hurt myself again. Sa susunod na mamahalin ko, ipinalangin ko na sana hindi na ganon na kasakit pero mukhang mas doble ang sakit na mararamdaman ko..." saad nito sabay tingin sa 'kin na may mga matang nangungusap. Kawawa naman pala siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Anong ibig niyang sabihin sa mukhang mas masakit pa ata?
"Wala. Ang sabi ko, sana 'di nalang ako magmahal. Para walang sakit! Kasi paulit-ulit nalang haha!" Peke ang mga tawa nito. Alam kong sobrang bigat ng dinadala niya.
Bakit naman kaya siya iniwan? E gwapo naman si Theo, mukhang mabait naman sa iba, mayaman at mukhang tapat magmahal. Pero nagawa pa ding Iwan. E ako? Sino namang magmamahal sa 'kin? Hays. Wala na ba talagang ibang paraan? Bakit eto pa?
"Ikaw ba Terry? Have you ever fell in love?" Nagulat ako sa tanong niya. Kailan pa siya nagkaroon ng interis sa ganyan?
"Hi-Hindi pa..." May nagugustuhan ako pero pagmamahal? Hindi pa. Hindi ko alam kung ano yung pagmamahal. Sabi nila, masarap daw. Pero parang hindi ko pa siya nararamdaman simula pa nong una.
"But you want?" Oo naman! Sinongtao ba ang aayaw?
"Oo. Yung tipong, totoong pagmamahal. Yung walang sakit kaso walang ganon. Pagnagmahal ka, hindi lang saya ang mararamdaman mo kundi pati lungkot at luha!" Tumango siya na nakatingin pa rin sa malayo. May dumi ba sa mukha ko? Bakit 'di siya makatingin?
"Ahh I see!" Saad nito.
"Syanga pala Theo, limampung araw nalang mawawala na ako. Aalis na ako! Magiging maginhawa na ang buhay mo hahahahà!" Saad ko dito habang bahagyang natatawa.
"Sure ka?!" Napakalamig nitong tanong.
"Oo... Limangpung araw. 50 Days!" Saad ko habang nakangiti. Siguro ngayon, nagsasayawan na ang mga lamang-loob niya dahil sa saya. Na sa wakas, mawawala na ang babaeng makulit.
"Mabuti naman..." Aray! Tss. Alam ko namang wala siyang pakealam sa kin. Buti pa si Kyle, ayaw akong umalis.
"........"
"Pano ba yan? Tulog na ako!" Bigla kaming nagsabay sa pagkilos at pagsasalita. Ano ba naman yan!
"Sige!"sabay ulit naming sagot. Biglang kumakalabog dibdib ko. Parang may kung anong nasa loob na nagwawala. Bakit ako kinakabahan?
Ilang minuto din kaming nagkatinginan. Para bang ang mundo ko'y tumigil ng ang kanyang mga daliri ay bigla akong naramdan sa aking pisngi. Inaalis ang mga buhok na gumugulo. Nagsimula siyang padaanin ang kanyang daliri mula sa aking noo hanggang bumababa sa gilid ng aking mukha.
Ang kanyang mga mata'y may sinasabi pero hindi ko maintindihan. Ano 'tong nararamdaman ko?
Unti-unting naglapit ang aming mga mukha at nararamdaman ko na ang mainit nitong hinga. Bakit 'di ko mapigil ang sarili ko? Napapikit nalang ako at hinintay ang pangyayari.
Naramdaman kong napatigil siya kaya dinilat ko ang aking mata. At naroon nga siya, nakayuko at nakakagat sa kanyang labi.
"S-sorry Terry..." Hindi ako makapagsalita sa nangyayari.
"Sorry...." Tumango lang ako sa kanya.
"Goodnight!" Tugon nito bago umalis at pumasok sa loob.
Hindi pa rin ako makapagsalitabat makagalaw. Ano yung nangyari? Biglaan ata yun?
Bigla akong napahawak sa dibdib ko.
"Puso? Huwag mong sabihin na si Theo? Hindi... Wag siya! Nasaktan na siya no'ng una, ayokong masaktan siya ulit!" kumakalabog pa rin ang puso ko. Muntikan na niya akong halikan. May ibig sabihin kaya yun?
Mariin akong napapikit at napabuntong-hinga. Bawal! Bawal si Theo. Masasaktan siya ulit kung siya man! Wag Terry! Wag.