Terry's POV
Nagtungo muna ako sa isang ilog dito sa Viza na makikita ang paglubog ng araw. Sariwa ang hangin dito at napakalamig ng simoy. Napakaganda din sa tenga ng ilog na humahampas sa mga bato. Bumabalik ang ala-ala ko dahil sa mga ito.
"Binibini, Ano ho ang ginagawa niyo rito?" nakatingin ako sa langit ng dumating si Carlo , isa sa mga matalik kong kaibigan.
"Ako'y nagpapahinga lamang dito Ginoo. Nais ko lamang takasan saglit ang mundo!" Sagot ko dito. Napabuntong hininga ito habang umuupo sa tabi ko.
"Alam mo bang, Ang mundo ay napakaganda...Walang makakapantay sa ganda.." tumango lang ako at di tumingin sa kanya.
"Pero Tila nagbago ang aking paniniwala simula nong makilala kita!" Bigla akong napatingin sa kanya at kumunot ang noo.
"Kasi... Akala ko wala nang mas igaganda ang mundo, nagkamali ako kasi mas maganda ka dito!" Napatawa lang ako sa kanyang tinuran. Tunay ngang napakapalabiro ng ginoong ito.
"Tara na nga! Napakapalabiro mo talaga hahaha" sabay naming tawa. Si Carlo ay isa sa mga katiwala ng aking ama at ina. Malaki ang tiwala namin sa kanilang pamilya.
"Totoo naman kasi yun!" Tumawa nalang ako at naglakad pagkat takip-silim na.
Nabalik ako sa aking katinuan ng biglang may lumapit na bata sa akin.
"Ate?Ate? Eto po panyo!" Inabot niya sa akin ang isang kulay asul na panyo. Napakabait naman ng batang ito.
"Maraming salamat bata...San ito galing?" Tanong ko habang kinukuha ang panyo. Hindi ko namalayan na ang aking mga luha pala'y lumabas na sa aking mata. Ako'y mangungulila na sa kanila. Ang aking ama?ina?Nakaligtas kaya sila?
"Sa kanya---" may tinuro siya ngunit wala namang tao doon. Kung sino man ang nagpapabigay nito, maraming salamat sa kanyang mabuting puso.
"Pakisabi nalang salamat..." Tugon ko at pinahid ang aking luha.
Ako'y nasasabik na sa aking pamilya. Sana'y hanggat maari'y matagpuan ko na ang relong iyun. Iyon nalamang ang aking pag-asa upang makabalik sa aking lugar.
Nalaman ko kasing Isa itong time machine na gawa ng aking ama.
Buong buhay ng aking ama'y ginugol niya sa paggawa ng time machine na iyon. Bata pa lamang ako'y lagi na akong pinapaalalahanan ng aking magulang na kung ano man ang mangyari ay maari kong gamitin iyon. Maglalakbay ako tungo sa ibang panahon.
Hanggang nga dumating na ang pananakop ng mga kastila sa aming lugar. Lahat ng tao'y kinulong at pinapahirapan. Ginawang alila at tagasunod. Ang aking mga magulang ay isa sa mga mayayaman sa aming bayan kaya't pinagkainterisan nila ang aming pamilya, sinubukan nilang bombahin ang aming tahanan. Alas dose ng gabi'y dapat daw ay napindot ko na ang relong iyon. At dumating ang oras ng Alas dose at Oras ng pagsabog. Nang sumabog ay kasabay din ng aking pagpindot, biglang lumiwanag ang buo Kong paligid at biglang dumilim hanggang sa napadpad na ako sa kanilang panahon. Ngunit hanggang ngayon, 'di ko pa rin alam kung nasaan ako.
Patuloy ang pag-agas ng aking luha dahil sa mga ala-ala sa aking isipan.
"Ate?Okay ka lang ba?" Tanong ulit ng bata.
"Ang isang paslit ay wala pang kaalam-alam sa mundo, kung isasalaysay ko man sa iyo'y tiyak na hindi mo maiintindihan munting bata. Pero ayos lamang ako Iho!" Saad ko dito na may ngiti sa aking labi.
"Okay Po ate! Ngunit, gusto ko pong sabihin sa iyo na ikaw ay Isang Magandang dilag at 'di bagay yung umiiyak!" Bahagya lamang akong natawa at kinurot ang ilong niya.
"Marami salamat Iho! Nawa'y lumaki ka na may tapang at paniniwala sa iyong sarili!" Huling sambit ko bago siya tuluyang tumakbo pabalik sa kanyang magulang.
"I'm on my way mommyla---yes! Don't worry. I'll be home later! Okay okay!" Napalingon ako sa aking tabi ng biglang may isang binatang nakasuot ng jacket at maayos ang porma. May kausap ito sa kanyang telepono. Napatingin ito sa 'kin kaya iniwas ko nalang din ang tingin ko, medyo nakakahiya.
"Hello? Nandito na ako sa seaside. Ano?Dadating pa ba kayo o hindi na? I'm tired! You know that I'm from my flight and I wanna spend my night with sleeping tonight!" Sigaw nito sa kausap niya sa telepono.
Ang gwapo naman ng binatang ito. Parang anghel sa langit ang kanyang kutis at napakaamo ng mukha.
"Miss? May problema ka? Why are you looking at me?" Napayuko nalang ako at hindi siya sinagot. Kala mo naman hindi rin siya tumitingin sa akin.
"Miss tinatanong po kita!" Tugon nito.
"Wa-wala po Ginoo!" Nahihiya kong sagot. Nakayuko pa rin ako at nakatingin sa baba.
"Ginoo? What the hell! Di na yan uso ngayon Miss! master! Dapat tawag mo master!" Tugon nito habang inaayos ang jacket Niya.
"Pasensya na ho pero iyun ang nakasanayan ko..." Paliwanag ko. Master? Bakit ganon? Master ba talaga siya?
" Mahilig ka palang manood ng sunset?" tumingin itong daretsahan sa aking mata. Bigla akong nailang sa aking kinalalagyan. Hindi ko pa ito nararanasan simula pa dati, tila bang may kakaibang namamagitan sa amin. Bumibilis ang pintig ng puso ko at biglang naglalabas ng tubig ang aking buong kamay at malamig ang mga ito.
"O-opo!" naiilang kong sagot. Sino ba siya at bakit siya nakikipag-usap sa hindi niya kakilala?
"Pwede bang umupo sa tabi mo?" pagpapaalam nito. Tumango lang ako at umurong. Agad itong umakyat at umupo sa tabi ko. Malapit na ang paglubog na tuluyan ng araw, napakaganda nito.
"Ba-bakit ho Ginoo? Ano hong problema?" puna ko ng mapansin kong kanina pa siya nakatingin sa 'kin. Marahil ay may dumi ako sa mukha na hindi ko napansin.
"Wala naman...Hindi naman ako madalas na naninirahan dito sa Viza, pero alam ko at kilala ko ang mga taong naninirahan dito kahit na saang sulok pa man sila ng Viza! Huhulaan ko, you're not from here! Am I right?" Halata sa kanyang pananalita na siya'y isang bihasa sa larangan ng engles. Ang kanyang tono'y tila ba musika na naglalaro sa iyong tenga.
"Bago lang ako dito....." tugon ko. Habang pinaglalaruan ang aking kuko.
"Taga saan ka?" seryuso nitong tanong.
"Vi..Vi-Vicitacion!" Sigurado akong kapag sinabi ko na mula ako sa makalumang panahon at taga rito ako'y hindi niya ako paniniwalaan.
Kaya't siguro mas mainam na magpanggap na lamang ako na hindi tagarito upang maayos kaming mag-usap. Ayokong magmukhang baliw sa harapan ng mga tao, kahit na ako'y naninindigan kung ano ang katotohanan.
"Vicitacion? Where the hell is that?" Nag-aalangan akong tumingin sa kanya kaya't minatiling kong nakatingin sa langit ang aking mata.
"Sa malayong lugar..." bulong ko. Kahit naman sabihin kong dito rin ako nagmula ngunit sa ibang panahon ay hindi ka maniniwala ginoo.
"O-okay! You're so weird ha? But anyways, its nice meeting you Miss---" kumunot ang noo nito at mukhang tinatanong niya ang aking pangalan.
"Te---Thea!" Hindi ko alam kung tama ba ang aking ginagawa na ako'y nagsisinungaling sa kanya? Hindi niya na naman ako makikilala e, at wala na akong magagawa.
"I'm Theo Anyways!" Nilahad niya ang kanyang kamay kaya nakipagkamay rin ako sa kanya.
"Miss?Are you okay?" tanong nito sa 'kin at sinusubukan akong saluhin.
"Miss? Are you okay?" napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay niya at napatukod ang aking kamay.
"Pa-patawad Ginoo...." paumanhin ko. Nakakahiya naman ang aking ginagawa, baka anong sabihin niya sa akin.
"Are you fine?Is there anything wrong with you?" tanong ulit nito.
" Wala po ginoo...." sagot ko habang nakahawak pa rin sa aking ulo.
"Okay... Then if nothing is wrong, lemme leave you for now okay? Kailangan ko na kasing umuwi e!" pagpapaalam nito. Tumango lang ako at ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko.
"... sa susunod na magkita tayo? Huwag mo na akong tawaging a
Ginoo...Masyadong napakaluma niyan e!" sabay kindat at ngisi. Anong masama sa pagtawag ng Ginoo sa isang lalaki? Ito'y isang paggalang sa mga nakakasalamuha mong kapwa. Siguro nga'y hindi na ito laganap sa kasalukuyang panahon, siguro nga'y kinain na sila ng sistema!
"Sagot!" sigaw nito. Tumingin lang ako sa kanya at taimtim na ngumiti.
"Ba't ka nakangiti?" tanong nito at itinaas ang kilay niya.
"Masama ba?" Bigla itong tumalikod at naglakad ulit.
"Ikaw bahala, madali pa naman akong mafall lalo na kung cute ang ngiti!" paalala nito. Ang daming alam ng isang ginoong ito. Akala mo naman talaga siya ang gusto ko!
Ibinaling ko nalang ulit ang aking tingin sa langit na ngayo'y tuluyan nang lumubog ang araw.
Theo's POV
"Ginoo.." pauliit-ulit kong naririnig ang salitang yan. Fvck that girl na tinawag akong Ginoo. Napakaluma na non e! Grrr I just hate it, nagmumukha akong matanda. Ang weird niya, napakahinhin kung magsalita at para bang napakainosente ng kanyang mukha.
Kakaiba siya sa mga dalagang aking nakikita, na ang iba'y halos idikit na ang mukha sa 'kin kapag nakikipag-usap sila, samantalang siya? Medyo naiilang pa. Para siyang Maria Clara sa aking mga mata, Okay! I knows it's too old.
So ayun nga, Naglakad nalang ako pauwi sa 'min since malapit naman na ang bahay dito. I'm from my travel, flight or whatever how you call it. I'm tired kanina but when I saw that girl named Thea, nabawasan kahit papano. I feel comfortable naman kahit kanino ako makipag-usap but talking to her is like a different feeling. Para akong nakikipag-usap sa isang makalumang tao HAHAHHHAAHAHA She's fvcking weird.
Napatigil ako ng makaramdam ako na parang may sumusunod sa 'kin. I turn around and look kung sino sumusunod sa kin but no one is with me. Kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, palingon-lingon pa rin ako kasi para talagang may sumusunod sa 'kin. Hindi kaya sinusundan ako ng babaeng yun? No way! Hindi naman siya siguro ganon.
I continued walking until I reached our house. 'Dito ako magi-stay for almost 5 months since sa August pa naman ang pasukan namin. I always came here to have my vacation and to skip reality for a while.
I wanna suprise everyone that I'm home kaya dumaretso na ako sa kwarto ko without minding them. All I want for now is to take a rest and tomorrow will be another day again.