TBOG 2: NASAAN ANG RELO?

1579 Words
Mama Aida's POV Medyo nakakapanibago ang ganito. Yung may makikilala Kang isang batang babae na parang nagmula sa makalumang panahon. Gustong maniwala na parang may sakit siya sa pag-iisip pero nakakausap ko naman siya ng maayos. "Terry? Ihahatid na kita sa guest room para makapagpahinga ka na anak!" Ngumiti ito at tumango. Nakakahanga naman ang kanyang ginagawa. May mga kabataan pa rin pala ngayon na marunong gumalang?Ngunit ang isang ito'y tila kakaiba. Umakyat ako para ipakita sa kanya ang magiging kwarto niya. "Salamat po Mama Aida! Matutulog na po ako!" Tumango ako at sinara ang pinto. Viza City ang kanyang hinahanap. This place is Viza City. At yung lugar na hinahanap Niya? Sa pagkakaalam ko'y matagal ng wala iyon. Binuksan ko ang internet ko at nagsurf sa google. Niresearch ko ang lugar na iyon at lahat ng lumalabas ay halos magkakapareho. "Diego st. 243 Avelino, Viza City" bulong ko. "Isa ito sa mga lugar na nabombahan sa pagdating ng mga kastila. Sa kadahilanang pagtatangkang tumakas ng mga kasapi ng lugar na ito. Kasalukuyan itong nakapwesto sa Obrero,Diego de Avelino,Viza City--- Sa pagsabog na iyon ay may pinaghahanap na isang dalagang nagngangalang Terryyinnee Chua. Isang dalagang tagapagmana ng kalupain ng mga Chua, Isang pamilyang mayaman at negosyante sa buong Viza noon!" Nagulat ako sa aking nabasa... Totoo ngang siya si Terry Chua... at nagmula siya sa sinaunang Panahon?Paano nangyari iyon? "Mama Aida?" Pinatay ko ang cellphone ko ng bigla siyang magsalita. "Yes Nak?" Sagot ko. Tila may hinahanap ito. "Na-nakita mo po ba ang re-relo ko kanina?" May nakita akong relo na nakalagay sa kamay Niya kanina nong natagpuan ko siyang walang malay ngunit, di ko alam kung saan ito naroon ngayon. "Wala e? Bakit? Bukas nalang natin hanapin, Matulog ka nalang muna!" Mukha itong balisa at patuloy na hinahanap ang relo niya. "Bakit?Mahalaga ba ang relong iyon? Marami akong relo, pwede kitang bigyan!" I offered. "Hindi po Mama Aida.... Napakahalaga po ng relong iyon! Iyun lamang ang aking nabitbit simula ng ako'y napadpad dito! Hindi iyun maaring mawala pagkat iyon ang ti----" bigla nitong tinakpan ang bibig Niya. Ti----? "Sus! Sige sige tutulugan kita ha?Pero matulog muna tayo!" Itinayo ko siya mula sa pagkakadapa Niya. Anong meron sa relong iyon? Madami akong relo at kaya ko siyang bilhan ng bago! "Si--sige po..." Tugon nito at bumalik sa kwarto niya. Pano ko kaya sasabihin sa kanya na nasa 21st century na siya? Na mula siya sa sinaunang tao? Hindi ko alam kung anong nangyayari. Terry's POV Nawawala ang aking relo. Hindi maari iyun!!!! Napakahalaga ng relong iyon! Pumasok naako sa kwarto dahil nahihiya ako Kay mama Aida. Dito sa loob ng kwarto'y sinusubukan ko pa ring hanapin baka iyon ay nailagay ko lamang sa Isa sa mga lapag dito. "Relo....Asan ka na?Wag ka namang mawala! Alam mong ikaw nalang ang pag-asa ko.." aligaga kong bulong sa aking sarili. Ako'y desperadang mahanap iyon. "Kailangan kita...." Naiiyak ko nang tugon. Hindi talaga maaring mawala iyon. "Nagmamakaawa ako sayo relo, ika'y magpakita na sa akin!" Napaupo nalang ako sa gilid ng kama dahil sa pagod sa kakadapa at paghahanap. Ilang oras na akong naghahanap ay hindi ko siya nahanap. Ngunit hindi ibigsabihin na titigil na ako sa paghahanap ng relong iyon. Iyun nalang ang pag-asa ko! Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sa sobrang pagod sa paghahanap. Kinabukasan, Alas dos pa lamang ay Gising na ako. Lumabas ako ng kwarto at nag-igib ng tubig. Pinuno ko ang mga lalagyan upang may makukuha na tubig kapag kinakailan, Ito ang aming nakagawian. Ang pag-iimbak ng tubig kahit na hindi pa gagamitin. Pagkatapos kong naimbakan ng tubig ang mga lalagya'y  nagtungo ako sa balkunahe upang labhan ang kanilang mga labahan. Maliit lamang ito kaya sigurado akong pagsapit ng araw ay maibibilad ko na ito. Habang naghihintay sa tubig ay nagtungo naman ako sa sala upang maglinis. Medyo madumi dito kaya kinakailangan ng malinis upang paggising ni Mama Aida ay manilinis na ang bahay. Matapos Kong malinis ay nagtungo ako sa lababo, Hinugasan ang mga pinggan at tinapon ang basura. Ang gawaing bahay ang isa sa aming libangan, doon sa aking bayan. Madaling araw pa lamang ay nagsisigalaw na ang mga tao at nag-uunat na ng buto. Alas 4 ng madaling araw ay nagluto ako ng mga pagkain upang sa pag-gising ni Mama Aida ay nakahanda na ang pagkain sa hapagkainan. Sa ganitong paraan, masusuklian ko siya sa kanyang pagtanggap sa akin dito sa kaniyang tahanan. At dahil Kalahating Oras pa ang hihintayin ay bumalik muna ako sa aking silid upang humiga at 'di ko namalayan na nakaidlip ulit ako. "SUSAN?" Bigla akong napatayo dahil sa sigaw ni Mama Aida sa kanyang kasambahay. Natakot ako baka may nagawang kasalan ang kasambahay. Kawawa naman siya! "Yes Po Ma'am?" Pagmamadali ng kasambahay. Kagigising pa lamang nito at may muta pa sa mata. Naunahan pa siya ni Mama Aida sa paggising. "Ang Aga mo naman yatang naghanda? Ang aking labahan ay iyong nilabhan?Naglinis ka ng bahay? Nagluto? Aba?" Biglang nanlaki ang mata ng kasambahay. Hindi naman siya ang Naglinis hahaha nakakatuwa ang reaksyon niya. "Ma'am...Hindi po ako ang gumawa niyan..." Paghindi nito. Kumunot ang noo ni Mama Aida dahil sa sinabi ng kasambahay,SI ate susan. "Ha?What do you mean? Don't tell me na si...." Agad-agad akong lumabas ng silid at humarap kay mama Aida. "Sorry Po Mama Aida..." Paumanhin ko. Nawala ang kaba ko nong ngumiti siya at niyakap ako. "Ikaw talaga .... Diba Sabi ko sayo no need to pay back? Pero ang galing mo pala sa gawaing bahay ah..." Sanay na sanay kaya ito. Kahit na ang aking pamilya'y Isa sa mga mayayaman sa lungsod ng Viza ay hindi kami pinalaki ng aming magulang na nakadepende sa Ibang tao. Tinuruan nila kami kung pano ang mabuhay. "Gawain ko po yan Mama! Gigising ng 2 am at gagawa ng gawaing bahay!" Pagpapaliwanag ko. "Mabuti naman.... Sa panahon kasi ngayon, bihira nalang ang ganyan! Lahat biglang nagbago!" Turan nito na my halong lungkot sa kaniyang labi. "Bakit ho nagbago?" Kahit ako ma'y nakikita ko ang pagkakaiba ng aking bayan at ang kanila. 'Di ko alam kung anong nangyayari sa kanila, Sanay hindi iyun mangyari sa aking bayan. "Dahil sa tao....Tayo ang may Kasalanan ng lahat....Marahil ay hindi mo pa nalalaman.... Ngunit ngayon, iyo nang nakikita.... " Tumango lang ako kahit 'di ko maintindihan. "Anyways, Tara na. Kainin na natin yung breakfast na inihanda m---wow! Eto ang mga lutong bahay noon! Eto ang laging hinahanda ng aking inang namayapa!" Nakakagalak naman na pagmasdang pinagluluto mo ang isang babaeng bago mo lang nakilala. Magaan ang loob ko sa kanya at komportable ako. Sabi ng mama ko na huwag daw sasama kahit kanino , ngunit ngayon? Wala akong magawa, sumama ako kasi wala akong matitirahan. "Sarap naman nito!" Nakangiti akong nakatitig sa kanya Habang siya'y kumain at sarap na sarap sa aking luto. "Ate susan?Kain ka na po!" Anyaya ko sa kanyang kasambahay. "Sige lang po ma'am!" Tugon nito. Mukhang nahihiya siya kaya tumingin ako Kay mama aida at tumango lang ito. "Sige na ate susan! Upo ka na po!" Tinuro ko ang upuan sa akin tabi. "Sige na Susan! Ng matikman mo ang luto ni Terryyinnee!" Te-terryyinnee? Pa-pano Niya nalaman ang totoo kung pangalan? Baka nagkamali lang ako ng dinig. Kailangan ko na atang maglinis ng Tenga. Terryinne ay binigkas ng Tereyinah para sa mga hindi nakakaalam. "Mauna na muna ako sa Inyo ha?At ako'y may trabaho pa! Susan?Ikaw na bahala dito kay Terry!" Pahabilin nito at saka umalis ng bahay. Napakabait niya talaga. "Ma'am Terry? May ipapagawa ka Po?" Umiling lang ako. Bagamat Sanay ako na tinawag na 'Ma'am' ay hindi ako kumportable na tinatawag ako ng isang taong bago ko lang nakilala. Binibini ang tawag sa amin. "Ate susan? Maari niyo nalang po akong tawaging Terry na lamang! Hindi ho ako Sanay sa iyong tawag!" Ngumisi ako at napakamot sa aking ulo. Medyo nakakahiya pa rin ang pumarito sa kanilang tahanan. "Si--sige Terry!" Tugon nito. Kinuha nito dustpan at walis upang maglinis. "Ate?Pwede ba kitang tulungan?" Nais ko lamang makatulong sa paglilinis upang mas mapadali. Hindi ako Sanay na nakatunganga lamang sa buong maghapon. At nagbabakasali rin ako na mahahanap ko ang relo ko. Kasi mahalaga iyon sa akin. Napakahalaga! "Sure! Dito tayo sa kwarto ni Sir Ryven!" Dadating na kaya siya? Nag-aalala ako baka ako'y paalisin niya. Baka masungit at laging nagtataray ang apo ni Mama Aida. "Ba-bakit po?Da-dating ba siya ngayon?" Tanong ko dito. Tumingin siya sa akin ng nakakaloko at kinurot ang gilid ko. "Ikaw ha? Bakit? Excited ka nang makita siya?Hahaha" biro nito. Bakit nga ba? Ngunit masama bang makilala ko ang isang Ginoo na apo ng isang ale na tumulong sa akin? Gusto ko siya maging kaibigan. " Hindi naman po sa ganon! Ako'y nangangamba lamang na baka siya ay masungit at hindi kami magkasundo!" Paliwanag ko. Totoo ang aking mga tinuran. Wala akong ibang pakay sa kanya. Hindi iyon maari. "Sus! 'Wag Kang mag-alala at hindi iyon masungit. Napakabait na bata at napakagalang! Kaya wag Kang mag-alala. Magkakasundo din kayo!" Tila nabunutan ng tinik ang aking puso at nakaluwag ng maayos sa kanyang sinabi. Sana'y maging maayos ang aming pagsasama hanggat hindi pa ako nakakaalis sa bahay na ito. Ako'y maghahanap nalang din ng trabaho upang makahanap ng bahay na mauupahan. "Sa-salamat po!" "Sige na Terry! Tapusin mo na yan at nang makapagayos ka na ng iyong sarili. Nasa cabinet na ang damit mo! Bumili si Ma'am Aida para sayo!" Ani nito at saka lumabas ng kwarto. Nilibot ko ang tingin sa kanyang kwarto at puno ito ng mga medalya, obra at mga larawan niya. Ang nakaakit sa aking atensyon ay ang larawan ng isang lalaking may hawak na bata. Ito kaya si Ryven at may anak na siya? "Terry!" Tawag sa kin ni ate susan kaya't dali-dali akong lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD