TBOG 1: THE BEGINNING

1241 Words
"Umalis ka na...." Huling sambit ni Ina sa akin. Kahit ayokong hayaan sila'y wala akong magagawa. "Ina? Tara na po't sumama kayo sa akin! Sabihin niyo si Ama na sumama na lang!" Umiiyak kong sigaw habang pinagmamasdan siyang tumatakbo pabalik ng bahay. "Sige na anak!Ngayon na!" pinindot ko ang isang relo na binigay sa 'kin ni Ama nung Isang araw. Biglang nagliwanag ang aking paligid at tila naglakabay ang aking katawan. "Miss! Miss! Gising!" "Okay lang siya?" "Dalhin niyo sa gilid!" "Buhatin niyo!" "Kawawa naman siya!" "Miss Gising!" Bigla akong may naramdaman na liwanag na siyang pumukaw sa akin. Idinilat ko ang aking mata at natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang gilid at pinalilibutan ng maraming tao. Agad-agad akong umupo at ramdam ko ang sakit ng aking ulo't katawan. Ano ang nangyari? Bakit ako napadpad dito? "Miss?Okay ka lang ba?" Tanong ng isang babaeng matanda. "A-ayos lang po ako tita!" Nagtinginan lang ang mga ito at tumango. "Gusto mo bang hiramin ang cellphone ko?Tawagan mo ang mga magulang mo ng makauwi ka na sa Inyo!" Kumunot ang aking noo pagkat di ko mawari ang tanong. "P-Po?" Anong Mali sa aking tanong? "Gi-Ginang? Maari ho bang magtanong kung anong nakakatawa sa aking tinuran?" Bigla itong tumigil sa pagtawa. "Di mo alam ang cellphone iha?" Tanong ulit ng matandang babae. Umiling ako pagkat 'di ko naman alam kung anong Bagay iyan at saka ngayon ko lang narinig ang bagay na iyon. "Eto!" Nilabas niya ang isang Bagay na malapad at manipis. Umiilaw ito at hugis parihaba. Inabot niya ito sa akin at pinagmasdan kong maigi. Ang ganda naman nito at nakakamangha. Nagulat ako ng biglang lumabas ang mukha ng matandang babae. "Hahaha wag mang matakot iha! Ako iyan!" Ani niya. Tumango lang ako at pinagmasdan ang bagay na iyon. "Ba-bakit po na-narito ang inyong mu-mukha?" Pinagpalit-palit ko ang aking tingin sa kanya at sa mukha Niya sa bagay na aking hawak. "Ang tawagin diyan---Picture! At nung nilagay ko, wallpaper na siya!" Tumango nalang ako kahit 'di ko naman siya maintindihan. "Hindi ko po alam gamitin ang Bagay na iyan tita at wala po akong numero ng aking ama at ina! Tanging liham lamang ang aming ginagamit at was hong ganitong kagamitan" Nakayuko kong tugon. "Nababaliw na yan!" "Halika na nga malalate na ako!" "Grrr aksya lang panahon!" Unti-unti silang nagsialisan maliban Kay tita. "Gusto mo ba na dalhin kita sa Hospital?" Nagulat ako sa kanyang minungkahi pagkat ayokong pumunta doon! Namatay ang aking kapatid nang dahil sa mga doktor na peke at wala naman palang alam sa panggagamot. "Huwag po! A-ayos lang po ako!" Turan ko dito. "Madumi na ang iyong damit iha! Halika at sumama ka sa 'kin!" Tumayo ako at sumunod sa kanya. Wala akong mauuwian dito. Hindi ko alam ang lugar na ito! Ang daming bagay na bago sa aking paningin. Tulad na lamang ng mga parang manipis na lubid na kasaksak sa kanilang mga tenga. "Ti-tita?" Lumingon ang matanda at tumigil sa paglalakad. "A-ano po ang bagay na ito?" Ngumisi ang matanda. "Ito ay isang train!" Train? Napakahaba nito na parang Ahas at may mga taong nakasakay. Nakakamangha naman ang bagay na ito. "Tara na! Pumasok ka at nang makarating tayo sa bahay namin! At nang maipagluto kita ng masarap na pagkain. Sigurado akong wala pa roon ang aking apo!" Ngumiti lang ako at pumasok sa loob. Ilang minuto ang lumipas ay nakababa na kami. Ang daming pagbabago! Ito ay malayo sa aking nakagisnang lugar. Gusto ko nang bumalik sa aking tahanan. Ngunit 'di ko Alam kung pano ako babalik at di ko alam kung saan ako magsisimula. "Iha? May problema ba?" Tuminghala ako sa kanya at umiling. Lumapit ito sa akin at pinatatahan ako. "Alam Kong may problema ka iha. Sige ano iyon?Makikinig ako!" Taimtim akong ngumiti sa kanya. "Ka-kasi po.... Gusto ko na pong bumalik sa aking lugar at tahanan..... Hindi ko mabuhay dito sa inyong lugar... Napakaraming pagkakaiba---Pero, di ko po alam kung saan ko hahanapin at saan ako magsisimula!" Bakas sa aking mata ang pangungulila sa aking sariling tahanan at lugar na sinilangan. Ni hindi ko alam kung anong lugar ang aking ginagalawan. Napakaraming nakakamanghang Bagay ngunit tanaw ko rin kung paano ito nakakasira sa buhay ng tao at kalikasan. "Ah sige. Wag kang mag-alala at tutulungan kita! Sabihin mo lang sa 'kin ang lugar, pangalan ng magulang mo at kung ano pa ang Alam mo! Kaya wag ka nang mag-alala,makakabalik ka din!" Ngumiti lang ako at niyakap siya. "Malapit na tayo iha!" Nasaan ba ako? Bakit ako napadpad sa lugar na ito? Ang kanilang mga saplot ay halos kita na pati ang kanilang kaluluwa. Sa aking bayan, hindi ka makakakita ng ganyan. Ang mga babae'y nakabaro't saya at tahob ang katawan. Sariwa pa ang hangin at wala pang makabagong bagay. Tila nakakapanibago ang mabuhay dito sa kanilang lugar. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating kami sa isang malaking bahay. Pumasok kami sa loob at napakalaki ng upuan at ang daming mga naglalakihang mga bulaklak at mga statwa. Naroon din ang iba't ibang mga litrato nila. "Iha?diyaan ka lang muna ha? Magluluto lang ako!" Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Nakakahiya namang gumalaw sa loob ng tahanang ito. "Ang gwapo naman ng binatang ito...." Mahinahon Kong tugon. Nakita ko kasi ang isang litrato ng lalaking nakatayo sa isang pangmayamang kotse. Mukhang masungit pero gwapo naman siya. "Siya si Ryven! Siya yung apo na sinasabi ko sayo. Nadoon siya ngayon sa America! Doon siya pinag-aral ng kanyang mga magulang. Tuwing summer, umuuwi siya dito at dito siya nananatili! Mabait yang batang yan!" Nagulat ako ng biglang magsalita ang ale sa aking tabi. Ibinalik ko agad ang hawak-hawak Kong litrato. "Okay po tita!" "Stop calling me Tita. Just call me Mama Aida! Ikaw?Anong pangalan mo?" Mama Aida? Nakakagalak naman sa puso na meron akong natatawag na mama sa lugar na ito. "Ako po si Te-Terry Chua! Mula po ako sa Diego st. 243 Avelino, Viza City. 18 taong gulang po!" Tugon ko dito. Kumunot ang noo nito at nilapag ang pagkain na kanyang dala bago umupo. "Iha? Ikaw ay nasa Viza City! At ang address na iyong sinabi ay matagal ng wala. Ang Diego st. 243 Avelino ay nasa kabilang bahagi lamang ng lugar na ito. " Ano? Hindi maaaring wala na ang address na iyon. Doon ako nagmula at doon ako sinilang! "Pero...Tit-- Mama Aida, doon po ang address na aking alam. Iyan po ang aking sinilangan!" Umupo ako sa kanyang tabi at ininom ang isang palamig na kanyang inihanda. "Hayaan mo Anak, hanggat di mo pa nakikita ang hinahanap mo? You can stay here. " Ang bait naman ng aleng ito. Sana ganon din ang kanyang apo. "Maraming-maraming salamat po Mama Aida! Hindi ko po alam kung anong gagawin ko kung wala kayo! Hayaan niyo po, hindi po ako magiging pabigat. Ako nalang ho ang maghuhugas ng mga pinggan,magwawalis o maglalaba! Kaya ko p---" naputol ang aking pagsasalita ng bigla siyang tumawa. Anong nakakatawa sa akong tinuran? "Iha?Nakakatawa ka ha. Dinala kita dito bilang bisita at hindi bilang kasambahay! Ayos lang kahit wala kang gawin!" Hindi naman maari iyon. Sa ayaw at sa gusto niya, Tutulong ako dito sa bahay. Sobrang nakakahiya naman kung kain at tulog lang ang aking gagawin. "Pero Mama Aida.... Hi-hindi ho ba kayo natatakot na baka isa akong manloloko?" Hindi naman sa ayaw ko na siya'y tumulong. Sadyang nangangamba lamang ako na baka sa sobrang bait niya'y makalimutan niyang iba't iba ang uri ng tao. "Bakit? Sa tingin mo ba may manlolokong ayaw isama sa bahay ng biktima?" pinilosopo pa yata ako. "Pero po--" "Shhhh sige na! Mag-ayos ka nalang ng sarili mo at nang makatulog ka ng mahimbing!" saad nito bago umakyat sa kanyang silid. Napakabait ngang tunay, hinding-hindi ko po kayo bibiguin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD