TBOG 16: PARTY OVERNIGHT

3645 Words
Terry's POV Ang pagmamahal ay isang mahalagang bagay sa tao. Minsan, ang pagmamahal pa ang nagiging sanhi ng iba't ibang isyu sa mundo. Diba? May mga nangyayaring pagpapatiwakal o ano pa man. Pero bakit sa misyon ko, kailangan kong makasakit at masaktan? "Sabi ko na nga ba dito kita mahahanap...." Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang magsalita si Cassandra. Nakapangtulog pa rin ito pagkat hindi pa ito nakakapagbihis.Nandito ako ngayon sa bakuran at nagdidilig ng mga halaman. "Bakit? Ma'am Cassandra? Ayoko po ng g**o at sapat na sa 'kin ang mga nangyari kahapon. Pinagsisisihan ko na 'yun..." saad ko ng hindi tumitingin sa kanya. Ayokong magkaroon na naman ng away sa pagitan namin. Ayoko ng g**o kahit kanino. "Don't worry Terry! I'm not here to have war! I'm here to ask for apologies okay? Sorry kahapon kung ano man ang mga nagawa ko! Alam mo naman siguro kung ano yung pakiramdam ng inaagawan ng mahal diba? Takot lang ako na mawalan ng pag-asa kay Theo.." Tumigil ako ng saglit at lumingon sa kanya. "Sana alam mo kasi kung hindi mo alam yung pakiramdam, iisa-isahin ko para malaman mo. Alam kong naiwan ko na siya and this time? Gusto kong itama ang lahat..." patuloy nito. "Ma'am Cass? Wala akong balak na agawin si Theo. Hindi ho ako ganong babae, Sana alam mo po! At alam ko rin naman ang pakiramdam kaya hindi niyo na kailangang sabihin." totoo bang nanghihingi siya ng tawad? Mukhang ang kanyang mga mata ay totoong humihingi ng tawad. "Sorry na talaga Terry! I won't do it again. C'mon, mamayang gabi may party kami ng mga kaibigan ko at magoovernight kami. Mommyla prepared this for us and Theo, we missed each other and I'm inviting you to join us! Ipapakilala kita sa kanila..." Hinawakan niya ang aking kamay kaya ngumiti ako ng bahagya. Eto yung tinutukoy ni Kyle, eto yung sinasabi niyang party. Ano namang gagawin ko doon e halos lahat ng nandoon ay mayayaman at ako? Mayaman nga ako pero sa panahon namin hindi dito. Wala akong ano man na yaman maliban sa sarili ko at sa time machine na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan. "Si-sige. Si Kyle kasi, inanyayaan din ako...." saad ko sa kanya. Niyakap niya ako at niyakap ko na lang din siya pabalik. "Sorry na ha? Bati na tayo?" Tumango lang ako. "Sige Terry! Una na muna ako sa loob ha? We're going to prepare!" Ngumiti lang ako sa kanya at bumalik sa pagdidilig ng halaman. Sana naman totoong nakikipagbati na siya. Cassandra's POV OH MY GOOSSSSH!!!!!! ANG HIRAP TALAGAAAA MAGPRETEND THAT YOU LIKE THE PERSOONNN! Matapos akong makaalis kay Terry, I immediately find my alcohol and rubbed it around my body. Baka yung dumi mapasa sa 'kin. Grrr! Kung hindi lang talaga kita kailangan I won't please you Terry. I don't want you to be my friend but grrrr I do really need for me to help Kyle on you. And I want to know because I wanna go deeper with who you are. Ayoko na naiisahan mo ako kay Theo, Sana totoo ang mga sinasabi mong hindi mo talaga siya aagawin sa 'kin kasi eto na ako, bumalik na ako at dapat ako pa rin ang magwagi kay Theo at hindi ikaw o sino pa mang cheap girls out there. "Oh Cassandra? Do you already have your plan? Let's make it special!" I walked closer to Mommyla. She's now preparing for our foods later. Hindi naman siya kasama sa party because it's for our friends only but she's helping. They're welcoming me warmly. I can't wait to make Theo mine again. For sure, sa mga gagawin ko mamaya... Aamin sa 'kin si Theo. Kyle is with me and alam niya na din ang mga plano namin. "Yes Mommyla! And ayos na po yung simple but happy celebration with my friends. We will just be having a simple party outside, at yard and overnight Activities with them..m such as playing!" I answered gladly. I'm too lucky being with this family ever since. Mafefeel mo talaga ang pagwelcome nila sayo. "Are you sure? I won't be prepaing too much as you wish, but always remember that anytime you need assistance of everything--" "MOMMYLA IS ON HER WINGS!" Sabay naming sigaw. Lumapit ako sa kanya at niyakap niya ng mahigpit. "I love you Cassandra!" she whispered. "I love you more Mommyla! And sorry for what I did to Theo..." I apologize. Alam kong nasaktan ko din si Mommyla but because she wanted me to be with Theo again, eto tinatanggap niya ako. "It's okay Cass! Just do everything to bring back Theo again!" I just smiled and hugged her tightly. Theo's POV I saw Cassandra asking for apologies to Terry. I'm glad to saw them in good terms but somehow, still not convinced. Alam kong nagseselos si Cass and I understand her. "Ready this night?" I nodded to Cassandra who's talking with Mommyla. Nakita niya akong bumaba ng hagdan at papalapit sa kanila to get some foods then she asked me. "Ahmm Yeah!" Sagot ko. I wanna be friends with her again since gusto na niya ring makipagbati kay Terry. I'm not bias, I want my side in correct and not with someone who think wrong is correct. "Anyways, I wanna ask apologies of what happened last night. I just got jealous with her... Because I know that I still love you then Te--" "It's fine!" I smiled fakedly. "Thank you! Sorry talaga. Nagsorry na din ako kay Terry, don't worry... Gusto kong maayos ang lahat... Sino ba naman ako para manggulo. I realized my mistake and I did asking for apologies..." I nodded. Umupo ako sa upuan at nagcellphone lang infront of them. "Alam mo ba Cass? Miss ka na ni The---" "MOMMYLA!" I exclaimed. Tss kung ano-ano na naman ang sinasabi niya e. "Bakit? Totoo naman diba?" Nakangiting tumingin sa 'kin si Cass at iniwas ko lang ang tingin ko. "Naku Theo! Ikaw ha HAHAHA!" saad nito sabay kamot sa ulo niya. She's so pretty s**t! Her smiles and laugh are so angelic as hell. "She's just kidding---" s**t! Ang ingay talaga ni Mommyla. "I'm not!" she stated. "Theo? It's okay! I missed you din naman e!" I smiled genuinely. f**k! I wanna hug her. "C-can I hug you?" Cassandra was shocked. Bakit? Gusto ko lang naman mayakap siya e. "S-sure?" Tumakbo siya papalapit sa 'kin and I opened my arms widely. I wanna give chance, I wanna give another chance but my heart is telling different. Ayoko nang masaktan kaya kung pwede lang na wag muna. Naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. "I missed you!" bulong ko dito. She's crying! "Sa wakas napansin mo din ako. Sorry Theo sa mga nagawa ko. Alam ko na nasaktan kita ng sobra dahil umalis ako ng walang paalama pero Theo? Eto na ako, I'm back!" I kissed her forehead at humagulhol siya sa pag-iyak. My heart is melting, finally nayakap ko din siya. "Alam ko. Pero wala namang magagawa ang galit diba? Kaya sige, patatawarin kita!" She smiled with years in her eyes. s**t! Minahal ko 'to ng sobra e at ilang taon na ang nakalilipas pero yung nararamdaman ko? Nabawasan pero hindi nagbago. "T-thank you!" she cried. Alam Kong nasasaktan ko siya spag-iignore ko sa kanya. Alam kong nasasaktan ko siya kaya pati si Terry, nadamay. "Shhhh stop crying! The party is coming!" hinaplos ko lang ang ulo niya't pinahid ang kanyang mga luha. I can't see woman crying. Feeling ko, hindi ako lalaki pag nakapagpaiyak ako. After that, we talked a lot. About her and her family. Ang daldal niya pa rin. At hindi pa rin siya nagbabago sa mga paraan ng pagsasalita at mga expressions niya. I miss her but I don't know what to do. Pano si Terry? Hindi ko alam. Siguro, masaya din naman siya kay Kyle. I will let them be happy. I don't wanna be selfish. Terry's POV Hindi pa rin ako lubos na makapaniwala na nanghingi ng patawad sa akin si Cassandra. Pero sino ba naman ako para tanggihan ang isang taong nanghihingi ng tawad sa 'kin? Diba? Tao lang din siya, nagkakasala. Anong oras na't hindi pa dumadating si Kyle. Kaya natulog muna ako't naghintay na lamang na katukin niya ako sa pinto. Kyle's POV Alas syete ang start ng party sa bahay nila pero pupunta ako don sa kanila mga alas-singko pagkat I have to ready Terry. Ayoko namang magmukha siyang pulubi sa party. Saka, overnight kami doon e. Iba ang room ng babae, iba rin ang lalaki. I have waited for time to come. Hanggang sa pagtingin ko sa relo ko, 5:00 pm na. That's why I immediately called the make up artist at sinundo siya para sabay na kaming magpunta sa village. Nang makarating kami sa village, makikita na sa labas palang ang mga decorations. I think 8 persons lang kami since, magkakaibigan din naman kaming lahat. Si Rex may Nicole, si Cris may Alondra, si Theo may Cass and I have Terry. Hindi na kami masyadong nag-invite, yun kasi ang utos ni Cass. "Kyle? Why too early?" bati sakin ni Cass na kaaalukuyang nag-aayos ng sarili. "Ahm. I have to guide Terry with this... Sige, Una na ako!" she nodded. Her eyes are full of beautiful plans. Tumango lang ako at kumindat naman siya. Nagtungo na ako sa taas at kumatok sa pinto niya. Binuksan niya din naman agad at halatang kagigising niya lang. "Good Morning my Terry! Joke! HAHAHAHAHA! Naku po! Mukhang puyat ata to?" Biro ko sa kanya. Napakamot-ulo lang siya at pinapasok kami sa loob. "Anyways, siya nga pala si Oreo! Siya yung make artist na kinuha ko for you!" She waved her hands to Oreo at gano'n din si Oreo. "Ang ganda niya po Sir! Hindi mahirap ayusan!" puri ni Oreo. "She's really beautiful and simple make ups will do!" Oreo nodded at nilapag na niya ang mga gamit niya sa lapag at nagsimulang pag-aralan ang mukha ni Terry. Nando'n lang ako sa kama, nakahiga a nagcellphone. Dito na rin Ata ako magbibihis. "Ahm---what do you like Ma'am. Nude shade or an elegant shade?" tumingin sa 'kin si Terry at parang 'di niya alam yun. Sumenyas ako ng '1' sa kanya at tumango din siya. "Isa!" Wth! HAHHAHAHAHA I means Una, hindi one amp! Natawa kang si Oreo. "She mean, una! HAHAHAHAA Sorry Oreo, she's not into make ups kaya pasensyahan mo na!" she nodded. Napakamot ulo nalang si Terry sa ginawa niya. Hindi pa naman sila nagsisimula kasi 2 hours pa bago ang party, pero kasalukuyan na silang nagpeprepare ng susuotin at ilalagay na make up para mamaya, isang lagayan nalang at wala ng tanong. Nang mag 6 na, I gave Oreo the time to make her up and dress her ng bongga! Let's see kung aawayin pa nila si Terry dahil sa ganda nito. "Aray!" napasilip ako sa kanila ng sumigaw si Terry. "Dahan-dahan po!" Utos niya dito. Natatawa nalang ako. Isang oras din ang lumipas. Nakapagbihis na 'din ako. And for sure nasa labas na sila naghihintay. Rinig na rinig ko na ang mga speakers na ginamit pampatugtog. Lumabas na ako at hinihintay ko nalang na matapos si Terry sa damit niya. "Kyle?! There you are? I'm trying to call you kanina pa and you're not answering! What are you doing there?" Puna ni ni Nicole na may hawak-hawak na wine. "Oo nga! Cris is finding you kanina pa!" Dagdag ni Alondra, bagong jowa ni Rex. Si Nicole naman, jowa rin ni Cris. "Ah? Kanina pa ako dito, hinihintay ko lang yung date ko for this night!" Nakangiti kong tugon. "Oh?! Sino ba kasi yang date mo?" naiintregang tanong ni Alondra. E kahit I full name ko pa, hindi naman nila kilala. "Basta! Anyways, asan na ba sina Theo at Cassandra?" I seriously asked while touring my eyes around the house. The really prepared for this kahit na walo lang kami. Cassandra is really ready for her plan, ang paselosin si Terry at Theo. "Nagbibihis pa!" I nodded. "You ready?" nakangiti kong tanong habang inaalalayan si Terry palabas ng kwarto. Simpleng damit lang ang sout nito at nakapony tail ang buhok. She's really pretty! Bumababa kami ng hagdan and I saw there reactions. "Woaaaah?" Rex was amazed. "Terry!?" Nakangiting banggit ni Cris sa pangalan ni Terry. Ngumiti lang si Terry at nakipag-apir sa kanilang dalawa. Kanya-kanyang naman hablot ang mga babae sa mga boyfriend nila. Tss! "Who is she?" tanong ni Alondra. "Terry!" Nilahad niya ang kamay niya kay Alondra at mukhang nag-aalangan pa si Alondra na hawakan si Terry. "A-Alondra! Rex's girlfriend!" Terry genuinely smiled at her while Alondra? Shesy faking her smile. "Anyways I'm Nicole! Cris girlfriend! And you are Kyle's--?" nakipagkamay din siya kay Terry. "Friend | Date!" Sabay naming sagot. Nagtinginan lang kami at tumawa. "Date| Friend!" Nagtinginan ulit kami at tumawa. Hindi kami nagkakasundo sa sagot. They just nooded and laughed too. "So? Let's enjoy! Let's dance!" anyaya ni Alondra. Tumango lang kami ni Terry. Umupo kami sa may sofa at doon nag-usap about anything habang hinihintay namin sina Theo and Cass. Theo's POV Katatapos lang namin mag-usap ni Cass kung ano yung mga gagawin namin mamaya kaya nalate kami ng baba. Si Mommyla naman, she decided na mag-overnight nalang daw sila sa hotel ni Manang Susan. I tried to stop her but she didn't. She wants to give us enjoyment and moment daw. Kaya I accepted her gift nalang din for Cass. I know she love Cass kaya ayokong guluhin yun o sirain. Agad kami bumaba ni Cass. Inalalayan ko siya sa hagdan kasi nakaheels siya. She's looking beautiful tonight huh. Agad sumablubong sa 'min sina Alondra and Nicole na nakipagbeso-beso kay Cass. Sina Rex, Cris at Kyle naman, they remained what they are doing. Wait, sino yung babaeng nakatalikod na kausap ni Kyle? Nang makababa kami ng hagdan, lumapit ako kay Kyle at sa kausap niyang nakatalikod "Kyle?!" tawag ko dito na agad din akong napansin. Tumayo ito at nakipag bro-code sa 'kin. But my world stopped when the girl he's talking with turned around. A simple yet beautiful one turned. Biglang bumagal ang oras at tila ba sumabay sa pag-ikot ng kanyang buhok. Ang kanyang mata ay napakasimple ngunit nakakaakit. Ang kanyang labi na kulay rosas na bumabagay sa kanya. She's like a goddess. "Terry?" no'ng humarap ito'y nahiya pa but she also smiled at me. "Theo!" Tawag din nito. "You're--you're looking gorgeous!" She laughed and nodded. "Salamat! Ikaw din, bagay sayo ang polo na yan!" nang mapansin niya ang damit ko ay agad ko itong inayos. Nakakahiya naman kasi kung magusot. "Sino nag-invite sayo?" She looked at Kyle and Kyle is a smiling at me. "I did!" Sabagay, inangyaya ko siya. "Si Cass din! Pinapadalo ako.." saad nito. "Oh well, good! Let's enjoy!" tumango lang siya at umupo ulit sa sofa. Fuck! My heart is yelling. Ang ganda niya but it's not her day kaya si Cassandra muna iisipin ko not her. "Thank you very much for coming! Guys? Alam niyo naman na kayo lang ang mga kaibigan ko na hindi ako iniwanan! To Mommyla who prepared this party,thank you so much! To Theo who helped me with the preparations too! Maraming-maraming salamat!" we all clapped our hands when Cass took the time to say thank you for the party. "You're special Cass, that's why we're here always!" Tugon ni Alondra na matalik niyang kaibigan. "Anyways, I want to introduce someone to all of you... Pero alam kong nagpakilala na siya kanina but still I want to formally introduce her. Terry? Come!" Lumapit si Terry sa kanya at nasa tabi na niya. "Terry Chua! Theo's new friend and also Rex, Kyle and Cris! So I hope na maging kaibigan din natin siya..." they all clapped and make shake hands. "So, thank you sai inyo Alondra and Nicole, Kyle, Rex and Cris for coming tonight! At ngayon, punta na tayo sa dining area and let's eat before starting the activities!" They all nodded at me and they started walking. Nanatili muna kami ni Cass kung saan kami nakatayo. "Thank you, Theo!" I smiled at her at kinuha ang kamay niya. "Always welcome! Tara, kain na tayo?" She just smiled and nodded saka naglakad papuntang dining area. Maraming pagkaing nakahanda sa hapag kainan kaya't hindi magugutom ang mga nandito. Saka yung beds and pillows, nando'n na rin, ready to use na. All are prepared. At hindi ko alam yung saya na nararamdaman ko. Magkatabi kami ni Cass, Rex and Nicole tapos nasa harap naman namin sina Kyle at Terry, Cris at Alondra. "Mula mga bata palang kayo, kayo na talaga no?! Ang strong niyo!" napatingin kaming lahat kay Nicole na biglang nagsalita. "Ay? Hahaha oo! Naalala ko pa nga no'n kung pano kami nagkakilala Hahaha!" Dugtong ni Cass. Nakakahiya kaya yung unang araw ng pagkakakilala namin. Hindi pa namain alam na magbestfriend pala mga lola namin HAHA. "Oo nga! Yung inaaway mo si Rex kasi tinulak ka habang nababike ka HAHAHA!" Saad ko. Galit-galit si Cass dati kay Rex dahil nasugatan siya dahil sa pagtulak niya kay Cass. "Oo nga! Tapos agad-agad naman tong si Theo na kumuha ng band-aid tapos imbis ako yung umiyak, e siya yung hunahagulhol HAHAHA!" Lahat sila nagtawanan. "E pano ba naman kasi, ang laki-laki ng sugat!" Dagdag pa nito. Doon kami unang nagkakilala, tapos one day pinakilala sa 'min ni Mama yung anak ng kaibigan niya tapos yun na si Cass. Sobrang saya ko kasi that time, siya na yung babaeng gusto ko. HAHAHAHAA. "Ang bait-bait ko kaya!" Saad ni Rex habang sinusubo ang pagkain. Binatukan naman siya ni Nicole. "Bait mo mukha mo!" tapos sabay-sabay ulit kaming nagtawanan. Napatigil ako nang mapansin kong walang kibo si Terry. Oo nga pala, hindi siya makarelate sa topic namin. "No'ng pinakilala siya sa 'kin ni Mamala, lagi ko nang gusto na makausap siya, makita siya at makasama!" kinikilig silng lahat maliban kay Terry na ngumingiti lang. "Yieeee Hahaha ang strong talaga! Hanggang ngayon? Mahal pa rin isa't Isa? Ohmygod!" Napakamot lang kami ng ulo ni Cass at natawa HAHA. "Mahal mo pa ba Theo?" I was shocked when Kyle asked. Lahat sila tumahimik at naghihintay sa sa sagot ko. Tumingin ako Kay Terry na iniiwas ang tingin sa 'kin. "O-Oo naman!" Agad silang nangisay sa kilig. Si Cass naman, kinikilig din pero hindi niya pinapahalata. Hanggang tawa lang siya at ngiti. "Naku! Sige na nga! Kumain na tayo.." pagputol ko sa usapan. Sinusubukan kong hulihin ang tingin ni Terry pero umiiwas ito ng tingin sa 'kin. Sorry Terry, I love Cassandra pero mahal din kita. Mas pipiliin ko lang talaga si Cassandra kasi sa tingin ko, hindi na niya ako sasaktan ulit because she's back unlike you, pagminahal kita ng lubusan aalis ka kasi mahahanap ko na ang time Machine and you only have 30 days to find it. Terry's POV "Alam niyo sa tingin ko kayo na talaga ang para sa isa't isa!" Nagkatinginan lang sila ni Theo. Hinawakan ni Cassandra ang kamay ni Theo at napabaling ang mata ni Theo sa 'kin kaya iniiwas ko ang aking mata. "Kyle? Gusto mo ba ng ganito?" tinusok ko ang tinidor sa pagkaing sushi ata 'to basta hindi ko alam. Tumango siya kaya sinubo ko 'yun. Hindi sila natigil sa usapan maliban kay Theo na nakatingin sa 'min. "Masarap ba?!" matamis kong sinusubuan si Kyle. "Masarap pero mas masarap 'to!" agad niyang tinusok ang Tinidor sa isang pagkaing inihanda ni Mommyla kanina. Hindi ko alam ang pangalan pero mukhang masarap din naman. Sinubo niya sa 'kin. Ngumiti lang ako tumango dahil masarap naman talaga. "Alam niyo, Cassandra is the most beautiful woman I met! Kakaiba ang ganda niya and it makes me inlove deeper!" saad nito saka tumingin sa 'kin. "Naku! Nangbobola na naman 'to!" natatawa lang si Cassandra. May pagkakataong bumabaling ang kanyang tingin sa 'kin pero nginingitian ko nalang. " It's true!" Kumindat ni Theo na mas lalong nagpakilig sa mga tao dito. "Kyle?! Gusto mo bang tumabi sa 'kin mamaya sa pagtulog?" bulong ko kay Kyle na tama lang para marinig ni Theo. "What?! Bawal! I m-mean, boys are boys, girls are girls!" Nagtinginan ang lahat sa kanya ng magdabog siya at napatayo sa kinauupuan niya. "Anong problema mo Theo?" tanong ko dito. "Terry? Boys are boys okay?" Tumango lang ako. "Si-Sige! A-alis na muna ako! Magha-handa lang ako ng silid ko!" dahan-dahan akong tumayo. "Sigurado ka?" Tanong ni Cassandra. Tumango lang ako at agad na nagtungo sa kwarto. Napaharap ako sa salamin at kinakausap ang sarili kong mag-isa. "Terry? Wag naman! Pigilan mo yung sarili mo okay? Tama na Terry!" umagos ang mga luha ko sa pagkakataong ito. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Inayos ko na ang tutulogan ko at hindi na sumali sa sayawan na ginagawa nila. Hindi naman ako kasama sa grupo nila kaya hindi ako nababagay doon. Hinayaan ko na lamang na lumipas ang mga oras. Nagtungo nalang ako sa balkonahe at nagmasid sa mga bituing nagniningning. Ang pagmamahal, parang bituin na may buwan. Walang buwan kung walang bituin. Tulad ng tao, wala ang tao Pag walang pagmamahal. Walang pagmamahal, kung walang tao. Minsan, sa buhay natin hindi puro isip ang gamitin, pwede ring puso pero hindi rin sa lahat ng bagay puro puso. Dapat, balanse depende sa sitwasyon. "Ang ganda ng mga bituin... Parang ikaw, ang ganda tingnan parang walang pinagdadaanan..." napalingon ako sa taong nagsalita sa tabi ko. "Naku!" tanging saad ko bago nagbuntong-hininga. "Terry? Mahal kita..." natawa ako at napakamot ng leeg. "Kyle naman--" "Totoo yun!" saad nito. "Alam ko naman e! Pero totoo ba yan? Seryuso ka ba?" Walang emosyon sa aking mukha habang nagtatanong ako. "Seryuso ako! Mahal kita Terry... Ikaw ba? Do you feel the same?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot. Hindi mahirap mahalin si Kyle pero hindi mo madidiktahan ang sarili mo. "Kyle? Wag mong isipin na hindi kita gusto. Kamahal-mahal ka. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na makapag-isip at darating tayo sa puntong kaya ko ng sagutin ang tanong mo..." saad ko dito. Hinawakan niya ang kamay ako at tumingin sa langit. "Alam ko yun Terry. Alam kong nahihirapan ka dahil sa nangyayari sa buhay mo pero Terry? Lagi mong tandaan na ako Kyle, lagi kang tutulungan at lagi kang mamahalin...." Nagbitaw ito ng malalim na hinga. "Salamat Kyle, wag kang mag-alala... Mamahalin din kita!" Pasensya na Kyle kung ikaw nalang ang tanging lalaki na pwede kong mahalin upang magawa ang misyon ko. Alam Kong hindi mo alam ang misyon ko kaya hindi ka gumagaya kay Theo na iniiwasan ako. Alam kong matututunan kitang mahalin pero hindi muna sa araw na ito. "Pano ba yan? Tara na sa baba, mag-enjoy tayo!" tugon nito na may saya sa mga tinig. "Sige ba!" agad kaming bumababa at nakisalo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD