Theo's POV
It's already 10:00 pm. Natapos na ang sayawan kaya nagpunta na sa kwarto nila yung mga babae samantalang kami namang mga lalaki, nanatili sa sala. Maglalaro daw kasi kami ng truth or dare ngayon. And for the sake of the party, lahat sasali.
"Bro? Pano na yan, dalawa na sila!" napatigil ako sa pagcecellphone ko't tumingin kay Rex.
"What do you mean?" I coldly asked.
"It means, dalawa na ang babae sa buhay mo..." dugtong ni Cris. Si Kyle naman, nakatingin lang sa 'min.
"Dude? Cassandra is the only girl I have!" Tugon ko at nagcellphone ulit.
"Pano si Terr---"
"Terry is mine!" giit ni Kyle. Nagulat lang ang dalawa sa sinabi niya. "Actually, kagabi... Sinabi niya na gusto niya din ako?" Bigla akong napaubo at pinalo-palo ang dibdib ko.
Nagtawanan naman sina Rex at Cris. Anong nakakatawa sa pagkasamid?
"HAHAHAHA! For the first time, hindi natorpe si Kyle!" Saad ni Cris at agad din siyang tinadyakan ng bahagya ni Kyle.
"Pero seryuso! Terry is not my problem. It's Cassandra, hindi ko alam kung ano yung dapat na maramdaman ko!" I answered. Hindi ko alam kung ano yung dapat na gawin. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko si Terry, nawawala ang interes ko kay Cassandra tapos nagseselos ako sa kanila ni Kyle. Lalo na ngayon na umamin na siyang gusto ni si Kyle.
"Mahal mo pa?" tanong ni Kyle. I sighed before answering.
"Siguro... Oo? Ewan!" nauutal kong sagot kasi nga kahit sarili ko hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.
"Edi balikan mo! Theo? Mahirap pigilan ang puso na hindi magmahal kaya if I were you? Babalikan ko si Cassandra!" Saad nito. Tumango-tango lang sina Rex at Cris habang umiinom ng wine.
"Hindi ko alam. Natatakot ako na masaktan ulit...." I sighed. Puno na ng takot ang puso ko na baka maulit ang lahat.
Cassandra's POV
"Ghuuuuurl! May chika ako!" pagsisigaw ni Nicole at tumalon sa kama. Muntik ko nang maduklat ang mata dahil pati ako tumalbog sa pagtalon niya.
"Yes? What is it?" Wala dito si Terry ngayon. Hindi siya dito natulog sa tabi namin since may kwarto din naman siya and I don't want to sleep with someone like her. Ewwww!
"Cass? Alam mo bang may babae si Kyle no'ng umalis ka. Tapos yung babaeng yun, jowa daw ng isa sa mga kaibigan niya. It's either Theo, Cris or Rex. Sinubukan ko ngang tanungin about diyan si Cris and Rex but they're not telling it..." nanlaki ang mata ni Alondra dahil sa narinig niya.
Fuck! Sino naman kaya ang nagsabi kay Nicole ? Private relationship ang meron kami ni Kyle so impossible na may makaalam. Chismosa talaga 'tong isa.
"Reallllyyyyy? f**k her! Ang landi niya HAHAHAHA!" nakisabay lang ako sa tawa nila.
"Yes! And balita ko pa, si Girl daw ang nanglalandi sa kaibigan ng jowa niya!" dagdag pa ni Nicole. Excuse me? Hindi ako malandi. Hindi ko siya nilandi, we both did it.
"Yes super! Ang landi talaga no? Sino kaya yun?" Nagtatakang tanong ni Alondra. I know they're confused but do they really need to know about us?
"Ang ahas s**t! Right Cassandra? Hindi ko lang talaga alam kung sino kaya yan lang ang update!" Nicole said with disappointment in her voice.
"Hindi naman siguro... Malay mo, mahal niya lang talaga!" Depensa ko. Grrrr
"We? How did you say so?" tanong ni Alondra.
"Ewan... Just don't judge the book by it's cover!" saad ko pabalik.
Napakajudgemental naman nila. Grrr Buti nalang mga kaibigan ko sila, ayokong malaman din nila ang tungkol sa 'min.
"Ah basta! Ang dapat sa mga malalandi, pinupugatan ng ulo!" she added.
"E kung ikaw kaya pugutan ko?" Napatigil si Nicole sa pagsasalita ng iharap ko sa kanya ang suklay na hawak ko.
"Ba't ka ba galit?!"
"A-ah e--- wala naman! Practice lang..." iniwas ko agad ang tingin sa kanila. JUSKO Cass, pls calm down. Wag Kang mag-alala, hindi na to aabot sa iba.
Someone knocked at our door kaya agad din itong binuksan ni Alondra na malapit sa pinto.
"Ready? It's late na!" Anyaya sa 'min ni Rex. We all nodded at bumamaba na.
Medyo naiilang na ako. I can't understand the mood I'm having right now.
Agad na tumambad sa 'min sina Kyle, Rex, Theo, Cris at Terry. Magkatabi si Terry at Kyle kaya kanya-kanyang tabihan na din kami. Ako, tumabi ako kay Theo.
"So pano ba yan? Let's start the game?" Masigla kong tanong sa kanilang lahat. Nagstreching pa sila bago magsimula.
"Ganito, truth or dare! Ang hindi gumawa o hindi sumagot kailangang uminom ng alcohol 2 bottles. Okay?" halata sa mukha nila ang excitement. Let's see kung hanggang saan ang tapang ni Terry.
"Okay! Let's start!" sigaw ni Cris at pinaikot ang bottle na nasa gitna.
"Alam ba ni Terry ang gagawin?" I asked. They nodded. Mabuti naman!
"Ohhhhhh Cris!!!!" Sigawan nilang lahat.
"Well, wala akong magagawa! HAHAHAHAHA it's a dare!" nagsigawan kaming lahat pagkat Dare. It means, he can't say no to our dare HAHAHAHA.
"Kiss Nicole for 10 seconds!" Walang ano-ano'y hinalikan niya sa labi si Nicole. And it's seems they're enjoying both.
"Paikotin na ang bottle!" utos ni Alondra na naeexcite na. Napadako ako ng tingin kay Theo na nakatingin kay Terry at Kyle na nag-uusap lang habang hinhintay ang 10 seconds.
"Uy Theo! Ikaw na----well, truth or dare?" nilibot ni Theo ang tingin niya at yumuko lang ako habang hinihintay niya ang sagot niya.
"Dare?" walang emosyong sagot niya.
Isn't he enjoying?
"Okay! Madali kaming kausap! Kiss Cassndra for 10 seconds too!" napatingin siya sa 'kin at tumango. Lumapit ito sa 'kin. Hawak-hawak ko ang dalawang baso ng alcohol para sa mga hindi makakasagot o hindi makakagawa ng dare.
Medyo naiilang pa siya sa 'kin at hindi muna tumingin sa mata ko. Nakatingin ang lahat sa 'min. Hahalikan niya kaya ako?
"Cass...." tawag nito sa pangalan ko. Napakagat labi ako ng unti-unting lumalapit ang mukha niya.
"Theo..." I whispered.
"......akin na 'to!" Napatigil ang lahat ng kunin ni Theo ang dalawang basong alcohol sa kamay ko.
Ba-bakit? Bakit hindi niya tinuloy?
"Woaaaaah----" pagkagulat ang tanging reaksyon nila. Nakakahiya! Parang bumababa ang sarili ko ng dahil sa ginawa niya.
"Okay! So much for that, sunod!" inikot ko ang bote sa harap ko.
Ang sakit sa dibdib! Ano bang ibig-sabihin nito? Hindi na niya ba talaga ako mahal?
Theo's POV
Sinubukan kong halikan si Cass. Sinubukan ko pero hindi magawa. Salungat ito sa aking nararamdaman.
Naiisip ko pa rin ang halikan namin ni Terry. Ang labi ni Terry ang gusto kong halikan at hindi ang kanya.
Kanina, habang lumalapit ang mukha ko kay Cass... Napapansin kong nag-iiwas tingin sa 'min.
Simula no'ng dumating sa buhay ko si Terry, hindi ko na alam ang mga nararamdaman ko. ARGH! NAGUGULUHAN NA AAAAAKO!
"Terry!!!!" sabay nilang sigawan. Tumingin sa 'kin si Cass at alam kong may ibig sabihin yun.
"T-Truth..." nauutal nitong sagot. I saw Cassandra's smile. Alam kong nasaktan siya kanina kaya alam ko ding may binabalak to ngayon.
"Terry!? Kung papipiliin ka kay Kyle or Theo, sino ang mahal mo?" Dahan-dahang napatingin si Terry kay Cassandra na kasalukuyang pinaglalaruan ang bote.
Napalunok ng laway si Terry at tumingin sa 'min ni Kyle.
Ang tahimik ng paligid. Hinihintay namin ang sagot niya.
"K-Kyle!" nagsitilian silang lahat maliban samin ni Cassandra. Tumango lang si Cass at ngumiti.
"Mabuti naman..." bulong ni Cass.
"Naku! kyryyyy!!!" sigawan nilang lahat. Hindi ko na kaya! Nasasaktan ako.
Agad akong tumayo kaya natigilan ang lahat sa kasiyahan.
"Theo? Where are you going?" tanong ni Cass. Halata sa mukha nila ang gulat kung bakit ako tumayo.
"Wala. Ahm, tapos na naman ako e. Kaya kayo nalang! Gusto kong mapag-isa!" Nagtinginan silang lahat bago ako umalis.
Theo? Ano ka ba?! Sino ba talaga? Si Cass o Terry? Diba?! Nangako ka na pipigilan mo ang sarili mo? Kaya ka nga nakikipagbati kay Cass e para maayos yung sa inyo.... Pero pano ko siya mapipigilan kung nasasaktan ka?
"Bakit ka umalis?" I Chuckled when I heard Cassandra's voice at my back.
"Diba sabi ko gusto kong mapag-isa? Can't you understand?" I coldly stated.
"Theo? It's you that I can't understand. Sagutin mo nga ako, mahal mo si Ter---"
"TERRY NA NAMAN! ANO TO CASSANDRA? LAGI NALANG SI TERRY ANG SISISIHIN MO? WALA SIYANG KINALAMAN DITO!" Saad ko sabay inom ng wine na kinuha ko sa ref.
Gusto kong mag-isip. Gusto kong linawin ang lahat. Kasi, no'ng wala pa si Cass alam kong mahal ko na si Terry pero ngayon, nalilito ako sa kanila. Eto pa, nasasaktan ako sa Kyle at Terry na yan. Hindi ko alam pero pinangako ko naman sa sarili ko na hahayaan ko na silang maging masaya kasi alam kong darating ang araw na matatapos din ang kanila pero hindi! Hinahanap-hanap ko pa rin si Terry.
"Theo..... Sagutin mo lang naman yung tanong ko! Kasi kung oo? Aalis ako! Hahayaan ko kayo!" She started crying. No, ayokong mawala si Cass kasi matutulungan niya akong kalimutan si Terry pero pano kung--pano kung di ko kaya?
"Cass? Hindi ko siya maha--"
"Hindi mo siya mahal? Pero Theo! Alam mo bang nasasaktan din ako pag nakikita ko yang mga tingin mo kay Terry? Alam mo bang nahihirapan ako na ipagsiksikan ang sarili ko sayo? Sabihin mo lang kasi aalis ko kung ayaw mo magulo ko kayo!" humihikbi nitong tugon.
"Cass? Sorry... Pero diba, dapat ako ang mga nagtatanong ng mga bakit!" lumingon ako sa kanya ng saglit at ibinalik din ang tingin ko sa kawalan.
"Yung bakit mo ko iniwan... Bakit mo ako pinabayaan... Bakit mo ko sinaktan... Bakit ka nagsawa... Bakit ka pa nagbalik.... Bakit mo pa ginugulo buhay ko.... Pero Cass? Pinatawad kita pero hindi ibig sabihin na wala na yung sakit. Kaya wag na wag kang aasta na parang may babalikan ka pa kasi ako? Sawa na ako pero sinusubukan kong mahalin ka ulit pero ang hirap kasi mas pinapakita mo sa 'kin kung bakit hindi na na dapat..." tugon ko dito.
Ano na bang sinasabi ko? Ang dami kong hinanakit sa kanya. Sa kanya ko nalang ibubuhos lahat ng galit at pagkainis ko.
"Theo! Pinag-usapan na natin 'to Diba?"
"Oo! Pero hindi pa rin ako naliliwanagan! Naguguluhan pa din ako sa mga bagay-bagay! Kaya pwede ba? Pwede ba iwan mo muna akong mag-isa?" tumango lang ito.
"Theo let's talk!"
"TALK? I DON'T NEED TALK FOR MNOW! I SAID GO! LEAVE ME ALONE!" I shouted.
"Theo ang daya ko naman e..."
"I SAID LEAVE. ME. ALONE!" dahan-dahan na siyang tumalikod.
"I will but please, wag mo namang ibalik sa 'kin ang sakit..." huling saad nito.
Napasabunot nalang ako sa sarili ko, hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam saan na 'to patungo.
"Kung naguguluhan ka dahil sa 'kin... Theo, isipin mong wala ako. Kalimutan mo nalang ako...." Nanlumo ako sa narinig ko. Ang luha ko'y pumapatak.
"Bakit ka ba kasi dumating sa buhay ko? Bakit kailangang maguluhan ako bakit kailangang ganito, Terry!" napasabunot ulit ako sa ulo ko at napasandal sa upuan.
"Theo patawarin mo ako... Patawarin mo ako kung nahihirapan ka dahil sa 'kin...." umiiyak nitong saad.
"No..."
"Hindi ko gusto na saktan ka kaya kung pwede lang! Pigilan mo ang sarili mo kasi..." tumingin ako sa kanya nang mapatigil ito sa pagsasalita.
"Kasi?"
"Kasi hindi kita mahal..." Mas masakit to. Tumango lang ako at iniwas ang tingin sa kanya. Ang luha ko'y pumapatak.
"Kasi mahal mo si Kyle?!" she remained silent.
"Terry, sorry for being weak.... Sorry!"
"Theo, wag ako ha?" tumango lang ako kahit gustong-gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko pero anong magagawa ko? Mahal na niya si Kyle.
"Terry? Hindi... Nagkakamali ka sa iniisip mo... Hindi kita---hindi kita mahal....Naawa lang ako sayo dahil sa ginagawa ni Cass..." Saad ko.
"Edi wag kang maawa.... Theo, kaya ko sarili ko!" at umalis ito. Kanina pa pala siya nakikinig sa 'min ni Cass.
TERRRRYYYYY! PANO KO BA 'TO GAGAWAN NG PARAAAAAN.
Paano?
Patuloy ko bang mamahalin si Cass o magmamahal ulit ako pero sa ibang tao na kahit alam kong mas doble ang sakit na mararamdaman ko?