Shadow of the Stars Chapter 43 Hindi ko alam pero... "So sarang, saan mo ba gustong pumunta ngayon ha?" ang nakangiting lingon nya sa akin habang nagmamaneho sya sa tabi ko. ...ngayong nakasama ko na sya uli matapos ang isang mahabang panahon ay parang... Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. "K-kahit saan..." ang nasambit ko nalang. ...ay parang naninibago na ako sa kanya. "Ah..." ang sabi naman nya at nag-isip habang nakatutok sya sa daanan. "Tama! Gusto mo bang kumain tayo ng ice cream ngayon sarang ha? Matagal-tagal narin kasi simula nung nakakain ako ng ice cream at ngayong kasama kita ay yun ang gustong kainin kasama ka..." Hindi ko alam kung bakit ako natigilan sa sinabi nyang iyon. At hindi ko rin alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko habang kasama sya. Bakit...

