Shadow of the Stars Chapter 44 "Snow, ang saya ng ngiti natin ngayon ah. Anong meron?" ang nakangiting usisa sa akin ni Angel nung umagang iyon habang nagpapahinga kami sa training room. I smiled. "Anniversary kasi namin ngayon ng boyfriend ko..." I said. Agad na nanlaki ang mga mata nya nang dahil sa narinig. "OMG!" she exclaimed. "Ang tagal nyo na pala noh?! Congratz!!!" I smiled. "Thank you..." "Well...ang saya siguro talaga magka-boyfriend...hayyysss...sana nga maging boyfriend ko na talaga sya..." ang sabi pa nya habang nakatingin sa itaas. Napatingin naman ako sa kanya. "Sya? Sinong sya?" ang takang tanong ko. She smiled at agad kong nakita ang pamumula ng magkabilang pisngi nya at ang pagkinang ng mga mata nya. "Naalala mo yung idol na sinasabi ko sayo noon na matagal ko

