Shadow of the Stars Chapter 46 “Cuckoo! Cuckoo!” Yan ang una kong narinig habang nakapikit parin ang mga mata ko… “Cuckoo! Cuckoo!” “J-hope hyung, anong ginagawa mo?” narinig kong si Jimin ang nagtanong. “Ginigising ko si Snow. Cuckoo! Cuckoo!” si J-hope. Ano ba…ang nangyari? Bakit parang….parang hindi ko maigalaw ang katawan ko? “At sa tingin mo magigising sya nyan?” si Jimin. “Malay mo diba at akalain nyang alarm clock ang naririnig nya at bigla syang magising?” ang sagot ni J-hope. “Okay. Hindi na ako magsasalita” si Jimin. Pakiramdam ko ay sobrang sakit ng katawan ko. At parang…ang dry ng lalamunan ko. “Cuckoo! Cuckoo!” si J-hope. “At the second thought, hyung, itigil mo na yan. Nakakahiya ka” si Jimin. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at ang unang sumalubong sa

