Shadow of The Stars Chapter 47 Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw. Parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko at wala narin akong marinig mula sa paligid. Bigla nalang naging blangko ang lahat ng dahil sa sobrang sakit na bumalot sa dibdib ko. Nababangga narin ako ng mga taong nanduon pero hindi ko parin magawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko habang nakatingin parin sa masakit na eksena na yun. Gusto kong pumikit at hilingin na sana ay isang masamang panaginip lang ang nakikita ko ngayon. Pero… Alam kong hindi ako nananaginip ngayon. At totoo nga ang nakikita ko…na ang lalaking mahal ko. Na ang lalaking mahigit isang buwan ng hindi nagpapakita sa akin… Ay nakaupo ngayon sa isang couch na nanduon habang patuloy na nakikipaghalikan sa ibang

