Shadow of the Stars Chapter 49 Naging tahimik lang ang limang lalaking iyon na nakaupo sa sala ng apartment nila. Walang nagsasalita at walang nagkikibuan. At halatang pare-pareho lang sila ng iniisip ngayon. Nasa ganuon silang posisyon nang bigla nalang bumukas ang pinto ng apartment nila. Sabay naman silang napalingon sa bagong dating at ang walang imik na si Jungkook ang nakita nila. “Leader!” si Jimin ang unang lumapit sa kanya. “Ano ba talaga ang nangyayari ha?” Tumayo din si J-hope at hinarap ang nakayukong si Jungkook. “Oo nga leader…” si J-hope. “Bakit mo ba ako inutusang sabihin yun kay Snow?” Doon naman nagtaas ng mukha si Jungkook at sabay pang natigilan ang limang lalaking yun nang tuluyan na nilang makita ang mukha nya. Namamaga ang mga mata nya. At walang emosyon

