Shadow of the Stars Chapter 50 Isang malakas na huni ng doorbell ang narinig ko. Napabukas ako ng mga mata mula sa pagkakatulog sa malambot na sofa ng apartment na yun. Oo. Matapos akong sapilitang ipasok ni Taehyung sa apartment na ‘to ay wala akong ibang nagawa kundi ang magbihis ng pambahay at hindi ko narin namalayan na nakatulog na ako sa sofa sa may sala. Mukhang hindi muna ako makakauwi ngayon sa Pilipinas dahil kinuha nya ang passport ko at ngayon ay stranded ako sa bansang ito hangga’t sa hindi nya ibinabalik yun. Napabangon ako at kinusot ko ang mga mata ko. Saka ako napatingin sa paligid. Gabi na pala. Pero… Sino naman kaya ang bibisita sa akin sa oras na ito? Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan yun. Pero… Agad ko ding isinara yun nang makita ang gwapo nyang

