Chapter 35

2491 Words
Shadow of the Stars Chapter 35 "WHAT IS THE MEANING OF THIS KIM TAEHYUNG?!" ang galit na galit na sigaw ni Mr. Han saka inihagis sa kaharap nyang mesa ang dyaryong iyon. Nagtaka sila nung umagang iyon dahil bigla nalang silang pinatawag lahat ni Mr. Han sa meeting room at ngayon ay nagpupuyos sya sa galit na nakatingin ngayon kay Taehyung. Lumapit naman si Taehyung sa table saka pinulot ang dyaryong iyon at tinignan ang nasa front page nun. At agad syang nanigas sa kinatatayuan nya sa sumunod na nakita... Dahil nasa front page lang naman ng dyaryong iyon ang pictures nya kasama ang isang babae na kumakain sa isang ice cream parlor at naglalakad sa daan habang naka-holding hands. Pero naka-blind item ang babae kaya hindi ito makilala. At ang nakalagay na caption doon ay... TAEHYUNG'S NON-IDOL GIRLFRIEND Agad namang lumapit sa kanya ang anim pa na ka-myembro at nakiusisa narin sa dyaryong iyon. At sabay ding nanigas sa kinatatayuan nila ang limang lalaking yun nang makita ang picture samantalang napakurap lang si Jungkook. "V hyung..." Jungkook said. "...may idini-date ka na rin pala ngayon?" Pero doon na galit na galit na sumigaw ang manager nila. "ALAM MO BANG KALAT NA KALAT NARIN ALL OVER THE INTERNET ANG PICTURES NA YAN?!" Mr. Han yelled. "AT SOBRANG LAKI NG ISSUE NA 'TO DAHIL SA DAMI NG FANS NA NAG-REACT SA PICTURE NA YAN! BAKIT KA NAGPABAYA?! ALAM MONG NAKATINGIN SAYO ANG LAHAT PERO BAKIT NAGPABAYA KA PARIN?! HINDI PA NGA NATATAPOS ANG ISSUE NG PAG-ALIS MO SA ISANG SHOW NUNG ISANG ARAW PERO MAY DARATING NA NAMANG BAGO?! TELL ME KIM TAEHYUNG! WHAT ARE YOU REALLY PLANNING TO DO WITH YOUR CAREER?!" Pero hindi sya makasagot. Nanatili lang syang nakatitig sa pictures na nanduon. Samantalang napako naman ang limang lalaking yun sa kinatatayuan nila saka palihim na nagkatinginan. Nabigla pa sya nang may biglang umagaw ng newspaper sa kamay nya. Agad naman syang napalingon doon at nakitang si Jungkook yun. Nakatingin lang si Jungkook sa pictures na nasa dyaryong iyon saka ito nakangiting lumingon sa kanya. "Aiiissh...hyung! May idini-date ka na pala ngayon pero hindi mo lang sinasabi!" ^0^ ang sobrang sayang sabi nito na para bang walang pakialam sa galit na galit na manager nila. Nagkatinginan ang limang kasama nila samantalang napakurap naman si Taehyung. Bakit... Bakit parang ang saya-saya ni Jungkook sa balitang iyon? Pero nasagot yun nang nakangiting lumingon sa kanya ang sobrang saya paring si Jungkook at nagsalita. "Hindi ko alam pero na-relieve ako na malamang may idini-date ka na ngayon hyung. Akala ko kasi talaga hindi ka parin nakaka-move on sa sarang ko. Pero ngayon alam kong naka-move on ka na talaga!"^___^ At after sabihin ni Jungkook yun ay pare-parehong nanigas sa kinatatayuan nila ang anim na lalaking iyon. Napayuko lang si Taehyung at halatang hindi alam ang isasagot sa sinabing iyon ni Jungkook. Samantalang napahawak nalang sa noo sina Suga at Jin. At napatulala naman sina Jimin, Rapmon, at J-hope. Dahil alam nilang anim... Na mali ang iniisip ng leader nila pero hindi nila pwedeng sabihin yun... "I know, I became so ridiculous" ang nakangiti pang dugtong ni Jungkook. "Grabe, hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko pero akala ko pa nga si Taehyung talaga ang nagpapadala ng white roses sa sarang ko. Buti nalang pala hindi!" ^0^ Nabigla sila sa sinabing iyon ni Jungkook. Pero wala paring makapagsalita sa kanila. Nanatili lang silang nakayuko at hindi makagalaw sa kinatatayuan nila. At doon naman nagsalita si Mr. Han. "I'm so dissapointed with you Mr. V. Aayusin ko tong eskandalong ginawa mo pero aasahan ko na ito na ang huling beses na mailalagay ka sa dyaryo na kagaya nito. Arasso?!" Napayuko naman si Taehyung. "Neh..." he whispered. Yun lang saka walang paalam na nagpupuyos parin sa galit na lumabas ng kwartong iyon si Mr. Han. At naiwan silang pito doon. Pero... "Sige mga hyung!" si Jungkook na halatang masaya parin. "Pupuntahan ko pa ang sarang ko! Bye!" Yun lang saka sya tumalikod at naglakad palabas din ng kwartong iyon. Samantalang naiwan namang nakatayo parin at hindi makagalaw sa kinatatayuan nila ang anim na lalaking iyon. Kaya... "Sige mga hyung..." si Taehyung saka napahawak sa batok nya. "Magpapahangin lang ako" Yun lang saka sya tumalikod at hahakbang na sana paalis pero... "Taehyung" J-hope called him in that serious voice. Kaya natigilan sya at napalingon dito. Minsan lang kasi magseryoso ang hyung na yun kaya nabaguhan sya. Pero nabigla sya dahil lahat sila ay nakatingin na ngayon ng seryoso sa kanya. And in a serious tone again, J-hope spoke. "Mag-usap tayo" **************** Mag-isang nakatayo lang ngayon si Taehyung. Habang nasa harapan naman nya ang mga hyung na yun na nakayuko at hindi nagsasalita na nakaupo sa mahabang sofa na nasa loob ng meeting place. Walang nagsasalita sa kanila. Samantalang nanatili lang syang nakatayo at nakalagay sa likod nya ang mga kamay nya habang blangko ang mukha na nakatingin sa kawalan. And then... "Jimin..." si Suga na nakayuko parin habang naka-cross arms. "...labas ka muna. Kakausapin muna namin si Taehyung at bawal ang bata dito." Agad namang lumingon sa kanila si Jimin at galit na inihagis ang suot na sumbrero. "BAKIT?! HYUNG DIN NAMAN AKO SA KANYA AH! HYUNG DIN AKO SA KANYA NG TWO MONTHS KAYA MAY KARAPATAN AKONG MAKISALI SA USAPANG ITO!" ang sigaw nya. Pero nilingon sya ni Jin. "At kailan ka pa natutong maghagis ng sumbrero sa harapan ng mga hyung mo ha? PARK JIMIN?" Agad naman syang napa-gulp at nanginginig na pinulot ang itinapon na sumbrero. "A-ahahahaha! I-ikaw naman hyung! Y-you totally misunderstand this! N-nahulog lang mula sa kamay ko ang sumbrero ko at hindi ko hinagis 'to. O-oo! M-maniwala kayo sa akin!"*gulp* "Ano ba ang sasabihin nyo ha?" ang putol na ni Taehyung sa nagsisimula na namang kulitan ng mga hyung nya. Doon naman sumiryoso uli ang mukha ng mga hyung na nasa harapan nya at sabay pang napatingin sa kanya ang mga ito. "Taehyung..." si Rapmon ang unang nagsalita. "May itatanong lang kami ngayon sa'yo..." Hindi naman sumagot si Taehyung at nanatili lang na blangko ang mukha nya. "Gusto lang namin marinig mula sayo ang sagot sa tanong na ito..." ang patuloy ni Rapmon saka tumingin ng diretso sa kanya. "...at gusto naming mga hyung mo na sagutin mo to ng totoo" Taehyung didn't answered. "Taehyung..." si Rapmon saka napahugot ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "...ikaw ba ang...nagpapadala ng white roses sa harapan ng apartment ni Snow?" Natigilan si Taehyung sa itinanong na yun ni Rapmon. Samantalang nanatili lang na nakatitig sa kanya ang ibang hyung na nanduon. But then... In a brave voice, he answered. "Yes" ang sagot nya habang nakatingin parin sa kawalan. "Oo, ako ang nagpapadala sa kanya ng mga white roses" At after nyang sabihin yun at sabay pang napayuko at napahawak sa noo ang mga hyung na nasa harapan nya. Samatalang napahinga uli ng malalim si Rapmon at nagpatuloy sa pagsasalita. "At ngayon Taehyung..." he continued. "...tatanungin pa kita at gusto ko na sagutin mo uli ito ng totoo..." He didn't answered. "Taehyung..." Rapmon started then took a deep breath again and spoke. "...mahal mo parin ba si Snow?" For a long moment ay nanahimik lang sya at hindi sinagot ang tanong na yun. Samantalang napayuko nalang ang ibang hyung sa harapan nya at naghintay ng isasagot nya. At dahil ilang minuto din syang hindi sumagot ay nagsalita uli si Rapmon. "Taehyung---" "Yes" he said that froze all of them. "I'm still inlove with Snow" And instantly, after nyang sabihin yun biglang napatayo ang kanina pang nananahimik na si Suga at galit na nagsalita. "KIM TAEHYUNG!!!" he roared at akmang susugurin si Taehyung pero agad na tumayo si Jimin at inawat ang galit na si Suga. "ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAGAWA MO HA?!" ang galit na sigaw ni Suga. "KILALA MO BA KUNG SINO SI SNOW HA?! SYA ANG GIRLFRIEND NG LEADER NATIN! GIRLFRIEND!!! PERO HETO KA NGAYON AT SASABIHIN SA AMIN NA IKAW ANG NAGPAPADALA NG WHITE ROSES SA APARTMENT NYA AT SASABIHING MAHAL MO SYA?!" "Suga hyung!" si Jimin na umaawat parin sa kanya. "H-hindi alam ni Taehyung ang sinasabi nya! Baka nai-stress lang sya kaya nasasabi nya ang lahat ng ito kaya---" "Ano bang alam nyo ha?" Taehyung cut them off dahilan para matigilan silang lahat. Then his emotionless eyes looked at them. "Ano ba ang alam ninyo sa nararamdaman ko?" he continued. "Nagagalit kayo ngayon dahil mahal ko ang girlfriend ng bestfriend ko pero maliban doon ay ano pa ba ang alam ninyo?" After nyang sabihin yun ay galit na tumayo si Jin at nagsalita. "Taehyung! Makinig ka sa aming mga hyung mo! Kapag nalaman 'to ni Jungkook---" "Ang feelings lang ba ni Jungkook ang issue dito?" he cut the eldest member off then looked at him. "Paano ang feelings ko? Itatapon ko nalang ba 'to para maging masaya sya?" Natigilan silang lahat ng dahil sa sinabi nya. Pero nagsalita parin si Jin. "Young man, listen to me--" "Jin hyung!" ang sigaw na nya dahilan para manigas ang ibang hyung na nanduon. "ANO BA ANG ALAM NINYO SA NARARAMDAMAN KO PARA TRATUHIN NYO AKO NG GANITO?!" Walang makapagsalita nang dahil sa sinabing iyon ni Taehyung. At isa pa ay yun ang unang beses na nagtaas ng boses sa kanila si Taehyung kaya walang makagalaw sa kanila. Parehong nanigas sa kinatatayuan nila sina Jimin, Suga, at Jin samantalang nakayuko lang na nakaupo sina Rapmon at J-hope. At ngayon nya lang naramdaman ang pag-iinit ng sulok ng mga mata nya saka sya nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang araw-araw na makita ang babaing mahal mo pero hindi mo sya pwedeng lapitan dahil pagmamay-ari sya ng bestfriend mo! Ang araw-araw na makitang niyayakap, hinahalikan, at inaalagaan ng bestfriend mo ang babaing mahal mo pero wala kang ibang magawa kundi ang manuod nalang! Minsan gusto kong pumikit para hindi na makita pa yun pero kahit sa pagpikit ko ay nakikita ko parin silang masaya habang tahimik lang akong umiiyak! ALAM NYO BA KUNG GAANO KASAKIT YUN HA?! MAY IDEYA BA TALAGA KAYO KUNG GAANO KASAKIT SA DIBDIB YUN?!" yun lang saka sya napatalikod at pinagsusuntok ang dibdib para pigilan din ang sarili nya sa pag-iyak sa harapan ng mga natahimik na hyung nya. And for a long moment ay walang makapagsalita sa kanila. Natahimik din sina Suga at Jin na kanina ay nagpupuyos sa galit samantalang nakatulala lang sina Jimin, J-hope at Rapmon at halatang hindi rin alam ang sasabihin kay Taehyung. And then... Napahinga nalang ng malalim ang kanina pang tahimik na si J-hope saka tinignan ang nakatalikod at nakayuko paring si Taehyung. "Taehyung...alam kong nasasaktan ka pero..." he said then sigh. "...kahit saang anggulo mo tignan, girlfriend parin ni Jungkook si Snow...kaya...kaya...kahit na mahirap at alam naming masakit para sayo...we would like to ask you as your hyung na sana, i-let go mo na si Snow para kay Jungkook..." Pero nabigla sila sa isinagot ni Taehyung. He smirk saka sya lumingon sa kanila. "Let go?" he said. "Ayoko na. This time, I've decided...aagawin ko si Snow. This time, hindi na ako magpaparaya para sa bestfriend ko" Agad na nanlaki ang mga mata ng kanina ay nakalma ng si Suga saka galit na nagsalita. "ANO BA ANG PROBLEMA MO HA?!" ang sigaw nya at agad na syang inawat ni Jimin. "...TAEHYUNG! ANG DAMING BABAE SA MUNDO! PERO BAKIT SI SNOW PA? BAKIT ANG GIRLFRIEND PA NG BESTFRIEND MO?! PWEDE KANG MAMILI NG IDI-DATE MO! KAHIT SINO PA YAN AY HINDI KA NAMIN PAKIKIALAMAN! KAHIT IDOL SYA OR NON-IDOL! O KAHIT ISA PA SA MGA FANS NATIN WAG LANG SI SNOW!" Doon naman sya nilingon ni Jimin na nakaawat parin kay Suga. "Oo Taehyung! Kahit sino pa ang piliin mong maging girlfriend mo ay wala kang maririnig sa amin! Wag lang si Snow! Atsaka isa pa..." he said then paused. "...hindi pwedeng malaman ni leader ito kundi---" "Ano ang hindi ko pwedeng malaman?" Agad silang natigilan nang marinig ang bagong dating na boses na yun. Saka sila napalingon sa pinto ng kwartong iyon at nanigas sila nang makita ang lalaking iyon na nakatayo sa bungad ng pinto. Si Jungkook. *************** "Ano ang hindi ko pwedeng malaman?" ang tanong ni Jungkook sa kanila habang nanatili silang naninigas sa kinatatayuan nila. And for a long moment ay walang makapagsalita sa kanila. Lalo na't hindi nila alam kung ano ang isasagot sa tanong na yun ng leader nila. Pero... Doon sya nilingon ni Taehyung at sa blangkong mukha ay nagsalita. "Jungkook..." he called his name. Samantalang nanatili lang na nakatitig sa kanya ang walang emosyong mga mata ni Jungkook. "Ano yun Taehyung?" Jungkook asked in an emotionless voice. Doon naman biglang naglakad si Jimin papunta sa kinatatayuan ni Jungkook at nakangiting nagsalita. "O-oy leader! B-bumalik ka! M-may nakalimutan ka ba--" "Jimin..." Jungkook cut him off while not taking his eyes off from Taehyung dahilan para matigilan si Jimin sa kinatatayuan nya. "...alam kong may itinatago kayo sa akin. Kaya kung ako sa inyo ay sasabihin ko na yun bago pa man tayo magkagulo dito" He said that in a deadly serious tone dahilan para manigas ang ibang members. Samantalang nanatili lang silang nagtititigan ni Taehyung. Parehong malamig ang mga mata. At parehong naghihintayan. And then... "Jungkook..." Taehyung spoke. "...may dapat kang malaman---" "Taehyung" ang biglang sulpot ni Rapmon sa likod nya saka sya hinawakan sa balikat. And in a serious voice, Rapmon spoke. "Don't" Rapmon said. Pero hindi sya pinakinggan ni Taehyung at nagpatuloy sa pagsasalita habang nakatitig parin sa walang emosyon na mukha ni Jungkook. "May sasabihin ako sa'yo---" "Kim Taehyung" si Suga na tumabi rin sa kanya at inawat sya sa balikat. "Kung may natitira ka pang malasakit sa grupong ito, hindi mo itutuloy ang sasabihin mo" "Mga hyung" ang sabi na ni Jungkook sa malamig na boses na yun habang hindi parin tinatanggal ang mga mata kay Taehyung. "Wag kayong makialam dito. Alam kong may importanteng sasabihin sa akin ngayon si Taehyung so please shut up" Natahimik naman ang ibang members lalo na't unti-unti na nilang nararamdaman ang paglamig ng atmosphere sa pagitan ng dalawang ka-myembro. Nabigla pa sila nang biglang tumayo ang kanina pang nananahimik na si J-hope at nagsalita. "I'm sorry pero..." saka nya itinaas ang dalawang kamay sa level ng ulo nya. "...hindi ko talaga kayang panuorin 'to" Yun lang saka sya naglakad palabas ng kwartong iyon. Samantalang naiwang natatahimik at hindi parin makapagsalita ang mga ka-myembro na nanduon. And then... With a blank face and in a serious tone, Taehyung spoke. "Jungkook...ang totoo nyan..." he said while looking directly into Jungkook's cold eyes. Samantalang nanatili paring nakatitig sa kanya si Jungkook at naghihintay lang ng sasabihin nya. But what he said next froze Jungkook from where he stood. "...ako ang nagpapadala ng white roses sa apartment ni Snow..." Taehyung said without taking his eyes off him. "...at si Snow ang babaing kasama ko sa pictures na nasa newspaper." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD