Chapter 34

2398 Words
Shadow of the Stars Chapter 34 "Saan na naman kaya nagpunta ang alien na yun?" ang takang tanong ni Rapmon nang matapos ang show na yun. At ngayon ay nagpapahinga sila sa backstage habang nakaupo sa sofa na nanduon. "Oo nga..." si Suga. "...at sa totoo lang, nakakahiya ang ginawa nya kanina..." "After nyang gawin yun sa isang international TV show...napaisip ako kung..." si Jimin saka tumingin sa mga kasama. "...is it really too late now to have only 6 members of BTS?" Sinapak naman sya ni Rapmon. "Gago, solid ang grupo natin. Kahit baliw ang alien na yun at lagi nalang nawawala ay hindi mabubuo ang BTS kung wala sya" Napahimas naman ng ulo si Jimin. "Nagbibiro lang naman ako Rapmooniiieeee~~bakit pakiramdam ko ay ako naman ang laging nabubully ngayon?" "Pero..." si J-hope na hindi pinansin ang sinabi ni Jimin. "...saan naman kaya sya nagpunta at talagang iniwan nya ang show para dun?" At after sabihin yun ni J-hope ay sabay-sabay na natigilan ang apat na lalaking yun at pasimpleng nagkatinginan. Si J-hope na nagtanong din ng bagay na yun ay parang naka-realize din na napatingin sa mga kasama. Hindi kaya... Hindi kaya... "O? Bakit kayo natahimik?" ang takang tanong naman ni Jungkook na kanina pa busy sa pagda-dial sa phone nya. Pero napansin nya ang pananahimik ng mga hyung nya kaya napatigil sya sa ginagawa at napatingin sa kanila. Doon naman parang natauhan ang limang lalaking yun at nagkatinginan uli. Pero... "Aiiissh...! S-Syempre napagod din kami kanina sa show kaya n-nanahimik muna kami!" si J-hope. "O-oo nga leader, m-masaya din palang maging tahimik paminsan-minsan" si Jimin. Samantalang mas piniling hindi na magsalita nina Suga, Rapmon, at Jin at nanatiling nag-iisip sa kinauupuan nila. "Ah..." si Jungkook. "It's unusual kasi sa mga hyung na manahimik kaya nagtanong ako. Pero teka...nahanap nyo na ba si V hyung?" Nagkatinginan muna sila at mukhang pare-pareho silang nag-iisip kung ano ang sasabihin kay Jungkook. Pero... "Ah..." si Rapmon. "...s-sa tingin ko...nasa banyo parin sya ngayon" "O-oo nga!" si Jimin saka napatawa ng hilaw. "K-kilala mo naman si Taehyung! B-baka kinakausap nya pa ang mga salamin doon! Diba mga hyung?! Ahahahahaha!"*gulp* "O-oo maknae! K-kaya wag mo ng isipin si Taehyung! Babalik din yun mamaya, I'm sure!" si J-hope. "Ah..." si Jungkook saka ngumiti. "Oo nga. Baka nasa banyo pa sya ngayon at gumagawa na naman ng aegyo sa harapan ng salamin" Yun lang saka sya nag-dial uli sa phone nya. Samantalang palihim na napahinga nalang ng malalim ang limang lalaking yun. "Ah Jungkook..." si Jimin. "Sino yang tinatawagan mo at mukhang kanina ka pa nagda-dial dyan?" "Ang sarang ko..." ang sabi nya habang nasa tenga nya ang cellphone nya. "Kanina ko pa sya tinatawagan pero out of coverage ang laging sabi..." At halatang nag-aalala sya. "Aiiissshh...! This cold girl!" ang asar ng sabi ni Jungkook saka napatingin sa cellphone nya. "Bakit hindi na naman sya makontak?! Aiiisssh...!" At after sabihin ni Jungkook yun ay natigilan sa kinauupuan nila ang limang lalaking yun saka nagkatinginan. Dahil... Na-realize nila na maaaring tama nga ang tumatakbo ngayon sa isipan nila ngayon. Na umalis si Taehyung sa show para puntahan si Snow at maaaring magkasama ang dalawang yun ngayon. ***************** "T-teka, magkano ba ang bili mo nito ha at babayaran nalang kita pag nakuha ko na ang monthly allowance ko sa agency?" ang tanong ko sa kanya nang lumabas kami ng shop na yun. Nabigla kasi ako nang bigla nalang nya ako dinala doon at binilhan ako ng bagong cellphone. "Wag na. Libre ko nalang yan sayo" ang hindi lumilingong sagot nya. Napatigil ako sa paglalakad. Libre? Isang... Isang bago at mamahaling brand ng cellphone ang...ililibre nya sa akin? At bakit sa paraan ng pagkakasabi nya nun ay parang candy lang ang inilibre nya sa akin? Agad akong nagtaas ng mukha at hinabol sya. "H-hindi. Babayaran kita kaya s-sabihin mo na kung magkano 'to" ang sabi ko parin sa kanya. "Hindi na. Regalo ko nalang yan sayo"ang hindi parin nya lumilingong sagot. "P-pero...ayokong---" Naputol ang sasabihin ko nang bigla syang lumingon sa akin at muntik ko pa syang mabangga kung hindi lang ako nakapag-preno sa paglalakad. Nagtaas naman ako ng mukha and I came face to face with his handsome serious face. But what he said next froze me. "If you won't stop on insisting in paying that phone, hahalikan talaga kita" he said that while looking into my eyes. Natigilan ako. At hindi ako makapagsalita. Teka... Did he just said... ...that he's going to kiss me? Pero bago pa man ako maka-react ay... Bigla syang ngumiti at... "JOKE!!!" he exclaimed saka nag-peace sign. Napakurap ako. He grin. "Joke lang yun Snow kaya wag mong seryosohin!" For a long moment ay nakatitig lang ako sa kanya but then... Doon na ako napangiti at napayuko. "Grabe..." saka ko nahawakan ang noo ko. "Lagi mo nalang ako jino-joke. Pero..." Saka ako tumingin sa kanya. "...gusto ko talagang bayaran ang cellphone na 'to..." Napatitig naman sya sa akin saka sya napahinga ng malalim. And then he looked directly into my eyes again. "Aiisssh...ba't ang kulit-kulit mo ha? Yan nalang ang pamalit ko doon sa cellphone mo na sinira ko kanina" ang asar nyang sabi. "Pero---" "Aiisssh!!! This girl!!" ang asar nyang sigaw at nabigla pa ako nang kunin nya ang kamay ko at hinila ako sa daanan na yun. "Kain nalang tayo ng ice cream!" Oo. Nasa public na naman kami ngayon at katulad ng dati ay nakasuot na naman sya ng itim na mask at big glasses. Napatingin naman ako sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko. At hindi ko alam... Pero doon ko unang na-realize kung gaano kainit ang kamay nya na nakahawak ng mahigpit sa kamay ko sa gitna ng malamig na panahon na yun. "Atsaka..." he said while still holding my hand and dragging me along in that cold street. "...masaya na ako na ako ang mas naunang nailagay sa phonebook mo kesa sa kay Jungkook" Nabigla ako sinabi nya. Masaya sya...na sya ang naunang nailagay sa phonebook ko? Ano ba ang ibig sabihin nun? Pero hindi ko na naitanong yun sa kanya dahil nagawi ang tingin ko sa mainit na kamay nya...kung saan pakiramdam ko...ay walang makakapanakit sa akin ngayon. ************* "Pistachio! Pistachio! Pistachio! Ang paboritong pistachio ni Snow!" he sang happily while eating his ice cream. Oo. Matapos kaming bumili ng cellphone ay dinala na naman nya ako sa ice cream parlor na to. At hindi ko mapigilang mapangiti ng dahil sa nakikita kong sobrang saya na nasa mukha nya habang kinakain ang ice cream nya. "Ah Taehyung..." I called him. "Yes???" ang nakangiting tanong nya. "Ah ano...bakit pistachio ang binili mong flavor?" ang takang tanong ko. Oo. Pareho kami ng inorder na flavor ng ice cream kaya nagtataka ako kung bakit yun ang inorder nya. At bakit ba...mukhang ang saya-saya nya ngayon? He looked at me at hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagseryoso ang mukha nya. "Kasi..." he said. "Gusto kong tikman kung ano ba ang lasa ng favorite flavor ng babaing mahal ko..." Nabigla ako sa sinabi nyang iyon. Favorite flavor ng babaing...mahal nya? Pero... Pero diba... Favorite ko ang flavor na 'to? Wag nyang sabihin na... "Aaiiisssh...wag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano!" he exclaimed then spoke defensively. "Bakit? Ikaw lang ba ang nakaka-paborito sa pistachio ha?!" Napakurap ako. Saka ako nagsalita. "Ah eh...wala naman akong sinasabi ah..." Doon naman sya parang natauhan na napaupo ng maayos sa upuan nya. "Oh...tama, tama...wala ka nga palang sinasabi...sige, kumain nalang tayo ng mabuti" yun lang saka sya tumingin sa ice cream nya at doon lang sya nakatingin habang isinusubo yun. Bakit kaya...parang namumula sya...at...hindi sya makatingin sa akin ngayon? Hindi nalang ako nagsalita at sumubo narin ng ice cream pero... Nabigla nalang ako nang biglang tumunog ang bagong biling cellphone na binili namin kanina. Sabay pa kaming napalingon doon ni Taehyung at parehong nagtatakang nagkatinginan. Sino ang... Sino ang magtitext sa bagong number na meron ako eh diba...si Taehyung palang ang meron nun? Pero kahit na nagtataka ay pinulot ko parin yun mula sa mesa at tinignan ang new message na nanduon. At agad akong nanlamig at napatutop ng bibig sa sumunod na nabasa ko. Pistachio ice cream with Taehyung Oppa? You really wanna die don't you? Agad namang napansin ni Taehyung ang reaksyon ko kaya agad nyang hinablot ang cellphone na yun mula sa kamay ko. And instantly, I saw his face hardened when he read the message saka sya agad na nagpalinga-linga sa paligid. Pero kaming dalawa lang ang customer ng ice cream parlor na yun nung oras na yun...maliban kung... Agad na napalingon sa labas si Taehyung. Salamin kasi ang dingding ng parlor na yun kaya kitang-kita kami sa labas. "f**k!" I heard him cussed bago tumakbo palabas ng ice cream parlor na yun. Habang naiwan akong nanginginig sa takot na nagpalinga-linga rin sa paligid. Nakita kong pabalik-balik sa takbo si Taehyung sa labas habang lumilinga din sa paligid. Napayuko nalang ako at pinipilit na pinapakalma ang sarili ko. First time kong maranasan ang ganito kaya hindi ko mapigilang manginig sa takot. Ngayon pang... Ngayon pang pinagbabantaan na nya ako na papatayin nya ako... Pero... Paano nya nakuha ang bagong number ko? At sino ba talaga sya para gawin ang lahat ng ito? Nang dahil lang ba...sa girlfriend ako ni Jungkook at malapit ako sa BTS kaya ginagawa nya sa akin ito? Natigil lang ako sa pag-iisip nang maramdaman kong tumayo sa tabi ko si Taehyung. Dahan-dahan naman akong napataas ng mukha habang ramdam ko parin ang panginginig ko. "T-taehyung..." I whispered. "...she's gonna kill me..." Pero nabigla ako sa sumunod na ginawa nya. Sa loob din ng ice cream parlor na yun ay bigla nyang hinila ang ulo ko sa dibdib nya at niyakap ako ng mahigpit. Sa sobrang pakabigla ko sa ginawa nya ay hindi ako makagalaw at nanlalaki ang mga mata kong napatulala doon. "T-taehyung---" "Sssshh..." he silenced me. "No one's ever going to touch you. No one's going to kill you. Nandito ako Snow. Marahil wala si Jungkook para protektahan ka pero nandito pa ako. And as long as nasa tabi mo ako, walang makakapanakit sayo. I'll protect you. I promise." He said that in a serious tone while holding me into his warm arms. At hindi ko alam... Pero ngayong yakap-yakap nya ako ay unti-unti na akong nakalma. Taehyung always have this magic of letting all my fears go away. At hindi ko maintindihan ang sarili ko... Kung bakit... Kung bakit... Bumibilis ang t***k ng puso ko habang naaamoy ko ang mabango nyang pabango at habang...naririnig ko ang t***k ng puso nya mula sa dibdib nya. He's so warm... Na para bang ayoko ng umalis sa pagkakayakap nya sa akin... But then... "O sya, kailangan na nating umuwi para makapagpahinga ka" saka nya ako binitiwan at nakangiting ginulo ang buhok ko. "...ang daming nangyari ngayong araw na to so you need to take some rest..." Samantalang napatulala naman ako sa nakangiting gwapong mukhang iyon. At hindi ko alam... Pero habang nakatingin ako sa kanya ngayon na nakangiti at ginugulo ang buhok ko...ay pakiramdam ko... Pakiramdam ko... Ay mas lalong lumalakas ang tambol ng dibdib ko...at parang hindi ako makahinga sa lakas nun... Ano ba ang... Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit... Bakit nararamdaman ko 'to kay Taehyung? At ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi ng lahat...na gwapo nga talaga sya... Pero... Bakit napapansin ko na ang itsura nya ngayon? Dati naman ay wala akong ibang makita kundi si Jungkook lang kaya hindi ko na napapansin ang ibang tao sa paligid namin. I've always looked up to him. I've always only look at him. Pero bakit... Bakit... Bakit...nakikita ko narin ngayon si Taehyung? "Snow?" ang pukaw nya sa akin dahil napansin siguro nyang napapatulala ako sa kanya. Napakurap naman ako at doon na ako bumalik sa senses ko. "Bakit napapatutulala ka sa akin?" ang takang tanong nya. Hindi naman ako makasagot dahil maski ako ay hindi rin alam ang sagot sa tanong na yun. Napayuko nalang ako at nag-iwas ng tingin habang nanatili syang nakatayo sa harapan ko at nakatitig sa akin, dahilan para maasiwa ako. "Teka..." he said while looking at me. "Snow...wag mong sabihin na..." Agad akong napataas ng tingin at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan sa kung ano man ang sasabihin nya. And without taking his eyes off me, he grin and spoke. "Wag mong sabihing in-love ka na sa akin?!"^0^ he happily asked saka sya tumawa. At after nyang sabihin yun ay natigilan lang ako sa kinauupuan ko at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Tama. Bakit ba hindi ko masagot ang sinabi nyang iyon? Pwede ko namang sabihing 'hindi' diba? Pero bakit hindi ko maibuka ang bibig ko para sabihin yun? Na hindi ako inlove sa kanya? Napansin naman nya ang pananahimik ko kaya tumigil sya sa pagtawa at ginulo ang buhok ko. "Aiiissh...! Wag mong seryosohin yun! Joke lang yun!" ang sabi nya habang nakatitig sa akin. Hindi parin ako makapagsalita. And in a lower voice, he continued. "Pero...pwede mo ring totohanin kung gusto mo..." he said almost whispering pero kahit na mahina ang pagkakasabi nya nun ay rinig na rinig ko ang sinabi nyang iyon. Kaya agad akong napataas ng mukha at napatitig sa seryoso nyang mukha. Pero... Katulad ng dati... "JOKE!!!" he said while grinning. Kaya napatulala lang ako sa gwapo nyang mukha at hindi ko parin alam kung ano ang sasabihin ko. At nang makitang nananahimik lang ako ay ngumiti lang sya at nagsalita uli. "O sya, tara na at ihahatid na kita sa apartment mo para makapagpahinga ka" he said. Doon naman ako parang natauhan na napayuko. "Ah...s-sige..." I whispered saka kinuha ang sling bag ko at tumayo narin. Pero natigilan ako nang mahuli ko syang nakatitig sa akin. Kaya agad din akong namumulang napababa ng tingin. "B-bakit?" And for a long moment ay tinititigan nya lang ako but then... He smiled and spoke. "Wala lang..." he said then looked directly to my eyes. "...sobrang ganda mo kasi..." Yun lang saka sya nakangiting tumalikod at naunang naglakad paalis. Samantalang naiwan naman akong naninigas sa kinatatayuan ko ng dahil sa sinabi nya. Saka ako napahawak sa dibdib ko na tumatambol ngayon ng malakas. Did he just said...that I'm pretty? At hindi ko alam kung bakit... Kung bakit masaya akong marinig mula sa kanya yun. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD