Chapter 33

1966 Words
Shadow of the Stars Chapter 33 Umuwi na ako ng apartment after kong umalis sa show na yun. Tatawagan ko nalang mamaya si Jungkook at magdadahilan nalang kung bakit umalis ako sa show na yun. Hindi ko rin alam kung bakit nararamdaman ko ang lahat ng ito. Kung bakit...naiisip ko ang mga ito. I sigh. Saka ibinaba sa table ko sa sala ang sling bag ko. Pero... Bigla nalang tumunog ang doorbell ko. Eh? Sino naman ang bibisita sa akin sa oras na 'to? Eh diba...nasa show pa ang BTS? Maliban sa kanila...ay sino pa ba ang magdo-doorbell sa pinto ko? Nagtataka naman akong naglakad papunta sa pinto at binuksan yun. At ang agad na tumambad sa akin ay isang malaking gift box na may pink na wrapper at pink ribbon. Eh? Sino ang naglagay nito dito? Nagpalinga-linga muna ako sa walang katao-taong hallway na yun saka ko nagtatakang pinulot ang gift box na yun at pumasok na uli ng apartment. At nang makapasok ako ay agad kong hinila ang pink ribbon para mabuksan yun. Saka ko binuksan ang takip. Pero... Agad kong nabitawan ang box na yun at nanginginig sa takot na napatakip ng bibig ko at napaatras sa kinatatayuan ko. Dahil ang laman lang naman ng malaking gift box na yun ay isang duguan na pugot na ulo ng isang pusa. At sa malalaking letters na dugo din ang ginamit na pangsulat ay nakasulat sa isang papel na katabi din nun ang salitang... If you won't stay away from Jungkook Oppa you'll gonna die just like this cat. Sa sobrang takot ko ay bigla akong napaiyak sa kinatatayuan ko at nanginginig na napatutop ng bibig. Saka ko nanginginig at takot na takot parin na kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Ni hindi ko mapindot ng maayos ang key letters ng dahil sa panginginig ko. And then...I dialled his name. Pero... Ring lang ng ring ang cellphone nya at hindi nya ito sinasagot. Umiiyak ko parin na inulit-ulit ang pag-dial ng number nya pero hindi parin nya sinasagot. Kaya nanghihina nalang akong napatingin sa cellphone ko at napaiyak nalang sa kinatatayuan ko. And then... Sa baba ng pangalan nya ay nakita kong nakalagay ang pangalan na yun. Kim Taehyung. **************** Hays...ang boring talaga ng mga show na katulad nito... Nakaupo lang ako sa upuan na yun habang nakangiti parin sa mga camera at sa mga fans na nanduon. Every now and then ay tinatawag nila ang pangalan ko kahit na nasa kalagitnaan kami ng show dahilan para mas mairita ako. "Taehyung oppa!" "V...! Look here!" "Kkyyyyyaaaah...! Taehyung!" Opo. Yan ang naririnig ko mula pa kanina. But still, lumilingon parin ako sa kanila at ngumingiti kahit na parang gusto ko ng sumabog sa kinauupuan ko ng dahil sa boredom. Aaaaaiiisssshh!!! KAILAN BA MATATAPOS ANG SHOW NA 'TO HA???! And then... Teka, ano yun? Bakit parang... Bakit parang may nanginginig sa bulsa ko? Nagtataka ko namang pasimpleng sinilip yun. Buti nalang at sa likod ako ni Rapmon hyung nakaupo kaya hindi ako masyadong napapansin sa likod. And then... Oh f**k. Nakalimutan kong iwan ang cellphone ko kay manager. Before kasi mag-start ang every show na pinupuntahn namin ay iniiwan muna namin ang cellphones namin kay manager. Pero nanigas ako sa kinauupuan ko nang masilip ko ang last number ng unregistered number na tumatawag sa akin. Oo. Ang last 3 digit number nya lang ang alam ko dahil narinig ko yun nung once na binanggit ni leader yun habang nasa tabi nya ako. At after din nun ay hindi ko na nakalimutan yun. Maybe because matagal ko ng gustong makuha ang number nya pero hindi ko lang mahingi. At...hindi ko alam kung bakit ang saya-saya kong makita ang number nya sa cellphone ko. SA WAKAS!!! NAKATANGGAP DIN AKO NG TAWAG SA KANYA! WOOOOHHHOO!!! Sa sobrang tuwa ko ay parang gusto kong magtatalon sa kinauupuan ko. Pero hindi ko naman pwedeng gawin yun. Tama. Kailangan kong masagot ang tawag nya. I mean, ITO ANG FIRST TIME NA TUMAWAG SYA SA AKIN KAYA HINDI KO DAPAT PALAMPASIN ANG MOMENT NA 'TO!!! Kaya... Bigla akong nagtaas ng kamay habang nagsasalita ang host ng show na yun dahilan para matigil sya sa pagsasalita. And instantly, agad na napunta sa akin ang lahat ng atensyon. Napakurap muna ang host at halatang nabigla sa ginawa ko saka sya napangiti ng hilaw na nagtanong sa akin. "A-ah...yes Mr. V?" ang tanong ng host. I gulped. Bahala na. Gagawin ko 'to para sa babaing mahal ko. So I smiled and spoke. "Ah excuse me, but...may I go out?" ang tanong ko. "K-kailangan ko lang...k-kailangan ko lang...kailangan ko lang magbanyo ng saglit..." Agad na natahimik ang buong show na yun at napanganga ang lahat ng dahil sa sinabi kong yun. Pati ang anim na ka-myembro ko ay hindi ring makapaniwalang napatitig sa akin. Oo nga naman. Did I... Did I... DID I JUST SAID THAT ON AN INTERNATIONAL TV SHOW?!!! Pero... "HAHAHAHAHAHAHA!!!" they burst into laughter. "OH MY GOD!! AS EXPECTED FROM ALIEN V! HE'S SO HOOKED UP ON HIS OWN WORLD!! HAHAHAHA!" ang tumatawa pang sabi ng host. Samantalang doon na napatawa ng hilaw ang ibang ka-myembro ko at halatang...SOBRANG IKINAKAHIYA NILA AKO NGAYON. Napangiti din ako ng hilaw at napatingin sa audience na ngayon ay tumatawa din. Saka ako nilingon ng host. "Okay, go on Mr. V, you can go out at baka hindi na makapaghintay ang CR sa inyo. HAHAHAHA!!!" Shit. Pero hindi. Para kay Snow ito. Alam kong importante ang dahilan nya kaya sya tumatawag dahil nakailang ring narin ang phone ko. Kaya kahit na nakakahiya... Kahit na alam kong magiging laughing stock na naman ako internationally... Ay agad akong tumayo sa kinauupuan ko at yumuko sa harapan ng lahat. "THANK YOU!!!" I said saka ako tumalikod at dali-daling lumabas ng show na yun papunta sa backstage. At after din nun ay napahinga muna ako ng malalim bago ini-press ang answer key. At sa masiglang boses ay nagsalita. "Oy Snow! Pasensya---" "T-taehyung..." Agad akong natigilan nang marinig ko ang boses nya. Nanginginig yun at halatang takot na takot sya. At hindi ko alam kung bakit...bigla nalang akong kinabahan mula sa kinatatayuan ko. "S-snow...bakit?" I asked. Pero hindi sya sumagot. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang hikbi nya mula sa kabilang linya kaya mas kinabahan ako. "Snow..talk to me please. Anong nangyayari? Nasaan ka ngayon? Please..." I almost beg. Hindi ko ata kakayanin na naririnig syang umiiyak ngayon pero hindi nya sinasabi kung bakit sya umiiyak. But what she said next widened my eyes in shock and froze me from where I stood. "T-taehyung..." she said then sob. "...p-please s-save me..." ***************** Ilang minuto rin after ko syang tawagan ay bigla nalang bumukas ang pinto ng apartment ko at ang hinihingal na si Taehyung ang biglang bumungad doon. Napatingin nalang ako sa kanya mula sa kinauupuan kong sahig habang yakap-yakap ang binti ko. He just looked at me and without saying anything, he rushed into me saka nya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at sinipat-sipat ako. "Snow? May masakit ba sayo? Ano? Sabihin mo sa akin kung anong nangyari..." ang nag-aalalang tanong nya. Napatitig naman ako sa kanya saka ako napalingon sa kahon na yun na hindi ko parin ginagalaw mula sa sahig. Ni hindi ko na kasi kayang makita pa ang nakalagay doon... Napalingon din sya sa tinitignan ko saka sya nagtatakang tumayo mula sa harapan ko at naglakad papunta doon. At nakita ko nalang ang paninigas nya nang makita ang laman ng kahon na yun. Kaya nagsalita ako... "I-ilang araw narin akong nakakatanggap ng death treaths at mga text messages sa isang hindi nagpapakilalang texter...at ngayon...at ngayon..." i said at pinigil ko ang sarili ko sa pag-iyak dahil parang naiiyak na naman ako ngayong naaalala ko ang lahat ng yun. "...at ngayon, someone sent me that gift box this morning..." Hindi sya nagsalita. Basta't nanatili lang syang nakatitig doon habang blangko parin ang mukha nya. Saka sya napalingon sa akin at naglakad papunta sa kinauupuan ko. And without saying anything ay bigla nyang kinuha ang cellphone ko. "T-taehyung---" pero agad na nyang nakuha yun mula sa kamay ko. Hindi narin ako nakapag-protesta dahil bigla akong natigilan sa nakita kong panlalamig ng mga mata nya. Saka nya binuksan yun at nakita kong pinindot-pindot nya yun. And for a long moment ay nakatitig lang sya dun na para bang may binabasa sya. Siguro...binabasa nya ang mga text messages na yun... And then... Nabigla nalang ako nang makita ko ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon ng mukha nya. And for the first time since I've known him, I saw his eyes filled with anger and then... "f**k!!!" saka nya galit na galit na inihagis sa pader ang cellphone ko dahilan para magkapira-piraso yun. At nabigla pa ako nang bigla syang lumingon sa akin at galit na nagsalita. "THAT b***h HAS BEEN TEXTING YOU FOR WEEKS BUT YOU'RE ONLY TELLING THIS NOW?!" ang galit nyang sigaw. " Bakit ngayon mo lang sinabi Snow?! Bakit nananahimik ka habang tinatakot ka ng sasaeng na yun?!" Napatulala ako sa galit na galit na gwapong mukhang iyon. Saka ako napayuko mula sa kinauupuan ko. "K-kasi...kasi..." I gulped. "...k-kasi ayokong maging pabigat sa inyo..." "At paano ka naman magiging pabigat sa amin ha?! Kung sinabi mo na 'to dati pa ay baka naipakulong na namin ang kung sino man ang gumagawa nito sa'yo! AHHHHH!! f**k!!! HUMANDA SYA KUNG SINO MAN SYA!!! AT ANG LAKAS DIN NG LOOB NYANG GAWIN ITO SAYO!! Aaaaarrrgh!!" ang sigaw nya saka pinagsisipa ang sofa na nanduon. Samantalang nanatili lang akong nakayuko sa kinauupuan ko at hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Nagtaas ako ng mukha at nakita kong napahawak sya sa ulo nya saka napayuko at mukhang kinakalma nya ang sarili nya. And for a long moment ay nasa ganun lang syang posisyon until I heard him took a deep breath at lumingon sa akin. And in a calmer voice, he spoke again. "Alam na ba 'to ni leader ha?" he asked. Napayuko nalang ako at dahan-dahan na umiling. Oo. Si Jungkook ang huling taong gusto kong makaalam ng nangyayari sa akin ngayon. Ayoko ng sumali sa mga iniisip nya kaya itinatago ko 'to sa kanya. I heard him sigh again. "Aiiissssh...! This girl! Kailangan malaman 'to ni Jungkook---" "No" I cut him off saka desperadang napatingin sa kanya. "Please don't tell him or anyone in BTS. Ayokong malaman nila ang nangyayaring ito...akala ko makakaya kong itago 'to sa inyo pero...sobrang natakot lang ako kanina kaya natawagan kita...I'm sorry. Ayokong nag-aalala kayo sa akin..." Saka ako napayuko kaya hindi ko na nakita ang reaksyon nya sa sinabi kong iyon. Pero... Naramdaman kong naglakad sya papalapit sa akin saka sya naupo sa harapan ko para magka-level ang mga mukha namin at walang salitang ginulo ang buhok ko. Napataas naman ako ng mukha at napatulala nalang ako sa nakangiting mukha nya. "Kahit anong gawin mo ay mag-aalala at mag-aalala parin ako sa'yo..." he whispered while looking at my face. At hindi ko alam kung bakit bigla akong natigilan sa sinabi nyang iyon kaya hindi ako makapagsalita. "...pero masaya ako na sa akin mo unang sinabi ang bagay na 'to..." he continued then smiled. "...dahil pakiramdam ko...nagtitiwala ka na rin sa akin" Napakurap ako. Nagtitiwala...narin ako sa kanya? Pero doon na sya tumayo at doon narin sumiryoso ang mukha nya. "I will make this sasaeng pay for everything she have done to you..." Hindi ako makapagsalita habang nakatitig sa seryosong gwapong mukhang iyon. And then he smiled. "...pero sa ngayon ay kailangan muna natin tanggalin ang takot na nasa dibdib mo..." he said. Napakurap ako. Tanggalin ang takot...na nasa dibdib ko? But before I could talk, he spoke again. "Tara! Ikain nalang natin 'to ng ice cream! My treat!" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD