Chapter 32

1645 Words
Shadow of the Stars Chapter 32 "Sarang!" ang masayang bati nya sa akin nang pumasok ako sa backstage ng show na yun. May isang TV show kasi silang a-attenan ngayon. At dahil wala kaming training ngayon ay nagtext sya sa akin na puntahan ko sya doon. I smiled at him. Lumapit naman sya sa akin at iniwan ang mga kasamang busy sa pagpi-prepare para sa show na yun. "Aiiishh...pasensya ka na sarang ha at pinapunta kita dito imbis ako ang pumunta sayo. Miss na miss na kasi kita at gusto kitang makita pero hindi kita pwedeng puntahan dahil sa schedule ko." ang naka-pout pa na sabi nya. I smiled at him. "Okay lang yun...g-gusto din naman kitang makita..." ang nakayuko kong sabi dahil nahihiya ako sa sinabi kong yun. Doon naman sya biglang ngumiti at kinikilig pa na nagsalita. "Ayyyeeee...! Talaga sarang?! Gusto mo din akong makita?! AYEEEE...! Nami-miss talaga ako ng sarang ko noh? Ayeee...!" saka nya ginulo ang buhok ko dahilan para mamula ako. Saka sya tumigil sa pag-gulo sa buhok ko at ngumiti sa akin. "Sarang..." he whispered. Nagtaas naman ako ng mukha at tinignan ang gwapo nyang mukha. Saka sya biglang nag-pout. "Bakit hindi mo suot ang necklace na bigay ko sayo noon?" Napakurap naman ako. Tama. Hindi ko isinusuot yun dahil... Dahil nahihiya akong makita ng ibang taong nasa agency ang nakasulat doon. Ang awkward naman na mababasa nila doon ang Jungkook's Sarang diba? "Ah ano..." ang sambit ko saka kinuha yun sa loob ng bag ko at ipinakita sa kanya yun. "...nandito o..." He pout. "Aiiisssh...dapat lagi mong suot yan sarang! Essssh..! Nagtatampo na ako!" Napayuko nalang ako dahil nagi-guilty rin ako na hindi ko isinusuot yun. "Hi Snow!" ang sulpot naman ng bagong dating na boses na yun. At nakita ko sa likod ni Jungkook si Taehyung na ngayon ay nakangiti sa akin. I smiled too. "H-hello..." Saka nya nilingon si Jungkook na noon ay hindi ko alam kung bakit hindi lumilingon pabalik sa kaibigan nya. "Leader, kailangan na nating pumunta sa stage. Malapit na kasi mag-start ang show" ang sabi nya lang kay Jungkook na noon ay nanatiling nakatitig sa akin. "Ah sige hyung, may sasabihin lang ako sa sarang ko" Jungkook said without looking at him. At hindi ko alam kung bakit bigla nalang lumamig ang mga mata nya. Pero agad din syang ngumiti sa akin at nabigla pa ako nang kunin nya ang necklace na hawak-hawak ko. Saka sya nakangiting naglakad papunta sa likod ko at isinuot sa akin ang necklace na yun. "Ayan...dapat lagi mong suot 'to sarang..." he said habang isinusuot yun sa akin. Napatingin naman sa necklace na yun si Taehyung then I saw him smirk. "Tsk, Jungkook's Sarang? Ang corny" Taehyung said bitterly. "Ano yan? Nilalagyan mo ng name tag si Snow?" Nabigla ako sa sinabi nyang iyon. Bakit nya... Bakit nya nasabi yun kay Jungkook? Pero ngumiti lang sa kanya si Jungkook at sumagot. "Mas maganda ng malagyan sya ng name tag hyung..." he said then his smile slowly faded away. "...minsan kasi nakakalimutan na ng ibang tao kung kanino ba talaga ang sarang ko. So just to remind them, mas mabuting isuot nya ang necklace na yan" At hindi ko alam...kung bakit... Kung bakit bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi nya nun... Pati narin ang paraan ng pagtititigan nila ngayon ni Taehyung... Bakit kaya... Ganun sila mag-usap ngayon? Nag-away kaya sila? Pero... Bigla nalang ngumiti si Taehyung at napahawak sa noo nya. "Aiiisshh...! This kid! Tara na nga! Baka magalit na naman si manager!" Doon naman ngumiti din si Jungkook. "Sige hyung. Just give me a minute. Susunod lang ako" Saka lumingon sa akin si Jungkook at nakangiting nagsalita. "Wag kang aalis sarang ha. Dapat mapanuod mo kung gaano kagwapo ang boyfriend mo" Napakurap ako. Kung gaano kagwapo... Kung gaano kagwapo ang boyfriend ko? Hindi ko alam kung bakit bigla akong namula sa sinabi nyang iyon. Pero ngumiti parin ako at tumango. "Hm" I said. He smiled too saka nya ginulo ang buhok ko. "Aiissh...sige sarang, pupunta na kami sa stage. Baka magalit na naman kasi ang manager namin. Bye sarang..." he said then looked at me directly into my eyes. "...and always remember na kahit busy ako, mahal na mahal kita..." Bigla akong namula sa sinabi nyang iyon. Mahal na mahal nya ako? Paano nya...paano nya nasasabi yun kahit na alam nyang nakikinig sa amin ngayon si Taehyung? Pero natigilan ako sa sumunod na sinabi nya. "...at kahit anong mangyari..." his eyes turned serious. "...hindi kita ibibigay kahit kanino..." Nabigla ako sinabi nyang iyon. Bakit nya...nasabi yun? But then he smiled. "Sige sarang, aalis na kami ni V hyung. Bye!" Saka nya nilingon si Taehyung na nanatiling nakatayo sa likuran nya. "Tara hyung?" ang yaya nya. Nagtaas naman ng mukha si Taehyung at hindi ko alam kung bakit ganun ang ekspresyon ng mukha nya. His face is emotionless habang nakatitig kay Jungkook. But then... He smiled. "Ah, oo, tara na" Then he turned to me. "Bye Snow!" I smiled. "B-bye..." Lumingon din sa akin si Jungkook at ngumiti. "Bye sarang! I love you!" he said then wink. Namula ako. "B-bye..." I whispered. Yun lang saka sila sabay na tumalikod at naglakad paalis. Pero... Biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako dun. At nanlamig ako sa sumunod kong nabasang text. JUST DIE!!! Sa sobrang takot ko ay agad akong napataas ng mukha at nanginginig na napatingin sa hindi pa nakakalayong sina Jungkook at Taehyung. "A-ah J-jungkook..." I called him. Sabay naman silang napatigil sa paglalakad ni Taehyung at sabay na napalingon sa akin. Pero...katulad ng dati ay parang...ay parang hindi ko maibuka ang bibig ko. Nagtataka namang napatitig sa akin si Jungkook. "Yes sarang ko?" he asked. Napalunok ako. Tama. Mas mabuting sabihin ko na sa kanya ang bagay na 'to. "A-ah ano...kasi---" "Mr. Jeon and Mr. Kim" ang biglang sulpot ng isang lalaki mula sa stage kaya napalingon kaming lahat sa kanya. "...mag-i-start na po ang show. Kailangan na po kayo ngayon sa stage" "Ah sige, pupunta na kami" si Jungkook saka nilingon ako. "May sasabihin ka sarang?" For a moment ay nakatitig lang ako sa gwapo nyang mukha. At nagdadalawang isip kung sasabihin ko sa kanya o hindi. Pero... All I could do is... Smile at him and... "Ah wala..." I said saka napayuko. "G-gusto ko lang sabihin na...galingan nyo sa show..." Napatitig naman sya sa akin pero agad din syang ngumiti. "Okay sarang! Gagalingan ko para sarang ko!" he said then grin. "Bye sarang! Aakyat na kami sa stage!" Yun lang saka sya tumalikod at naunang naglakad paalis. Napataas naman ako ng mukha at napatingin sa likod nya. Afterall... Hindi ko parin masabi sa kanya... "Snow" ang pukaw sa akin ng boses na yun. Napalingon naman ako at nabigla pa ako nang makita si Taehyung na nakatayo parin doon. He looked intently to me pero hindi ako makapagsalita. "Okay ka lang ba?" Nabigla ako sa tanong nya na yun. Napansin nya kaya? Napansin nya kaya ang panginginig ko ngayon sa takot? Pero... Ngumiti ako. "O-oo naman...bakit mo naman naitanong yan?" And I'm really trying hard now to sound real. For a moment ay tinitigan nya lang ako. But then he sigh and smiled. "Okay, I'll be going then. Panuorin mo rin ako ha. Wag puro si Jungkook lang ang tignan mo mamaya sa show. Bye!" Yun lang saka sya tumalikod at naglakad paalis. Napakurap ako. Wag lang...puro si Jungkook ang...tignan ko? Ano bang...ibig sabihin nya dun? Pero napahinga nalang ako ng malalim mula sa kinatatayuan ko. Saka napatingin uli sa text message na yun. Kailan nga ba matitigil ang mysterious texter na yun? At... Paano ko nga ba... Paano ko nga ba sasabihin ang lahat ng ito kay Jungkook? **************** Hindi ko alam kung kailan ko ba nasimulang maramdaman 'to... Lumabas ako mula sa backstage at nagpunta sa gilid ng audience kung saan mas mapapanuod ko ng mabuti ang performance nila. And from there, I saw those seven gorgeous guys danced and sing in front of the stage. At katulad ng dati ay nangunguna sa kanila ang gwapong lalaking iyon. Pero...sa tuwing nakikita ko sya sa stage ay hindi ko maiwasang... Ngayon ko lang napansin kung gaano sya kagaling sa pagsasayaw at pagkanta. ...ay hindi ko maiwasang makaramdam na parang ang layo-layo na nya sa akin. I was struck in awe as how bright he is. Of how beautiful and gorgeous he is from that stage while singing their song. At hindi ko alam pero ngayong nakatayo ako mula sa audience habang nakatingala sa kanya sa stage...ay doon ko lang na-realize... Hindi ko alam kung bakit nananakit ngayon ang dibdib ko. ...kung gaano kalaki ang agwat namin sa isa't-isa... Hindi ko alam kung bakit nananakit ang lalamunan ko ngayon at humahapdi ang sulok ng mga mata ko. Yes. He's always standing next to me. He's my boyfriend. At ilang ulit na nyang sinabi sa akin na mahal na mahal nya ako. But after all of this... After all of those things... It is clear that he's still an idol. He is a star. He sang and danced from that stage. While I'm always looking at him from the audience. At ngayon ko lang naintindihan... Ngayon ko lang naintindihan... Tumalikod na ako dahil ayoko ng makita ang katotohanan na yun. Naglakad na ako paalis para makalayo sa katotohanan na sumampal sa akin. Pero alam ko na kahit anong pilit kong pumikit at tumakbo mula sa katotohanan na yun. Ay alam kong hindi parin magbabago ang katotohanan na...ang isang idol na katulad nya ay hindi nababagay sa isang babaing katulad ko . ...na ang isang star na katulad nya ay masyadong maliwanag para makasama ang isang katulad ko. Yes. He is a star. While I'am a nobody. Just imagine the big difference between us. Just imagine of how far he is from me. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD