Shadow of the Stars
Chapter 31
I’m not stupid.
“Taehyung…”I said while looking at him. “…anong ginagawa mo sa loob ng apartment ng girlfriend ko?”
But why do they always treat me like I’m some kind of a fool to them?
Nakita kong natigilan sya sa kinatatayuan nya na para bang nabigla sya na makita ako sa hallway na yun.
After kong umalis kanina galing sa mga hyung ay dumiretso na ako sa apartment ng sarang ko. Pero nabigla ako sa nakita kong lumabas sa apartment na yun.
Si Kim Taehyung.
Baka nakakalimutan na nila kung bakit ako ang naging leader ng grupong ito.
I’am the maknae.
Pero ako ang may pinakamalakas ang pakiramdam at may mataas na pag-iisip sa aming lahat.
For a long moment ay nagtitigan lang kami sa gitna ng hallway na yun.
Walang nagsasalita.
Walang gumagalaw.
I’m trying to read his mind but this hyung always have this blank look na dahilan kaya hindi ko ma-confirm ang mga napapansin ko nitong mga huling araw.
Oo.
Lagi kong pinapalampas ang lahat ng ginagawa nya.
Lagi kong ipinagkikibit-balikat ang mga nakikita ko sa mga mata nya sa tuwing tinitignan nya ang girlfriend ko.
Because afterall…
I trust him.
He’s my friend.
And I trust him that he won’t fall in love with the girl that I love so much.
Pero…
He gave me that smile.
“Ah…nanghingi lang ako ng soy sauce kay Snow, maknae! Naubusan kasi tayo sa apartment eh kaya wala kang dapat na ikabahala!” ^0^ he said saka ipinakita sa akin ang hawak nyang soy sauce.
I almost put on a smirk but I forced myself not to.
Pero bakit ang hirap-hirap ng paniwalaan na wala na talaga syang nararamdaman sa girlfriend ko?
Bakit nahihirapan na akong maniwala sa sinasabi nyang naka-move on na nga sya?
Is it just my instinct that telling me that he’s not completely moved on?
O ang mga napapansin ko at ang mga nakikita ko na ginagawa nya ang nagsasabi na ng bagay na yun?
Itinaas ko ang mukha ko at tinitigan sya.
And like I always do whenever he’s denying everything that I’ve clearly saw, I looked at him and gave him that big grin.
“Talaga hyung? Nanghihingi ka lang pala ng soy sauce sa sarang ko. Aiiisshhh…! Oo nga naman. Wala naman talaga akong dapat na ikabahala…” I said then looked at him directly into his eyes. “…diba hyung?”
Nakita kong natigilan sya.
At hindi ko alam pero may nakita rin akong pagkabigla sa mga mata nya.
But then…
He smiled again.
“Oo naman Leader…wala kang dapat na ikabahala…pero…” he said then looked at me. “…pwede ring meron...”
Natigilan ako sa sinabi nyang iyon.
Oo. Hindi ko na alam kung saan pa ba ang totoo sa mga sinasabi nya…dahil…
He grin.
“JOKE! JOKE! JOKE!” ang biglang sabi nya saka nag-V sign. “Kinabahan ka siguro noh?! WAHAHAHAHAHAHA!”
...lahat ng sinasabi nya ay dinadala nya sa joke.
For a long moment ay tinitigan ko lang sya. But then later on…
I looked at him and smiled. “Aiiiishh…! This hyung! Lagi mo nalang ako jino-joke!”
Pero bakit pakiramdam ko ay may katotohanan sa likod ng mga joke nya?
Bakit pakiramdam ko ay may hidden meaning ang lahat ng sinasabi nya?
He smiled too saka itinaas ang kamay nya.
“O sige, babalik na ako sa apartment at ibibigay ko na ‘tong soy sauce kay Jin hyung para makapagluto na sya. Bye!” yun lang saka sya naglakad paalis at nilampasan ako.
Alam kong hindi si J-hope hyung ang nagpapadala ng mga white roses sa sarang ko.
At nararamdaman ko din sa mga hyung na may itinatago sila sa akin.
Hindi ako bobo.
Hindi ako manhid para hindi mapansin ang lahat ng yun.
Pero...
Samantalang nanatili lang akong nakatayo doon at doon na unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi ko.
Pero paano ko nga ba mapapatunayan ang lahat ng mga iniisip ko?
Gusto kong magtanong.
Gusto kong magsalita.
Pero bakit...
Bakit kahit ganun....
“Taehyung…” I called him without looking at him.
Narinig ko namang napatigil sya sa paglalakad at nilingon ako.
“Yes maknae?”
...ay ayoko paring marinig ang katotohanan na maaring mahal parin ng bestfriend ko ang babaing mahal ko?
At habang nakatalikod and without looking at him, I spoke.
“Nakita kong marami pa tayong soy sauce na natira kanina sa kitchen table. Sinabi ko lang, baka kasi hindi mo alam…” I said in that serious voice. “…hyung”
Hindi ko na hinintay ang sagot nya sa sinabi kong iyon at naglakad na ako paalis.
While he just stayed there, standing and deeply dumbfounded.
Oo. Nananahimik ako ngayon.
Pero darating ang araw na mapapatunayan ko din na tama nga ang mga iniisip ko.
At hindi lahat ng joke ay biro lang. Dahil minsan, may katotohanan ding nagkukubli sa bawat JOKE na sinasabi ng tao. Na sinasabi ng bestfriend ko.
******************
Nakaupo lang ako habang nakatitig sa text message na nakita ko kanina sa cellphone ko.
Jungkook Oppa is mine! JUST DIE!
Oo. Yun ang message na muntik ng mabasa ni Taehyung kanina sa cellphone ko pero buti nalang at nabawi ko kaagad.
At katulad ng dati ay nanginginig parin ako sa takot na nakatitig doon.
Sino ba talaga ang nagti-text sa akin?
At bakit…
Bakit nya ginagawa ‘to?
Napalundag pa ako nang marinig kong may nag-doorbell.
Saka ako napalingon sa may pinto.
Sino na naman kaya ang nagdo-doorbell?
Pero kahit na nagtataka ay tumayo nalang ako at naglakad papunta doon.
Tama.
Baka si Taehyung na naman at may naiwan lang sya kaya sya bumalik.
Binuksan ko ang pinto at nabigla ako sa nabuksan ko.
Si Jungkook.
Pero hindi katulad ng dati kung saan agad syang ngumingiti pag nakikita nya ako ay iba ang ekspresyon ng mukha nya ngayon.
Walang emosyon ang mga mata nya.
And there is coldness in his eyes while looking at me.
Kaya…
Kaya napako lang ako sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Tama.
Baka hanggang ngayon ay iniisip parin nya ang taong nagpapadala sa akin ng white roses.
I gulped saka napayuko.
“P-pasok ka---”
Pero nabigla ako sa sumunod na ginawa nya.
Agad nyang hinila ang braso ko at walang salitang niyakap ako ng mahigpit.
Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi ako makagalaw sa pagkakayakap nya sa akin.
Ano nga kaya ang…iniisip nya ngayon?
Bakit parang…wala sya sa sarili nya?
“Sarang…” he said in that emotionless voice habang nakayakap sa akin.
“B-bakit?” ang naitanong ko naman.
For a long moment ay nakayakap lang sya sa akin at hindi na nagsalita pa kaya mas nagtaka ako.
Pero later on ay nagsalita din sya uli.
“Akin ka lang diba? Akin lang ang sarang ko diba?” ang parang batang tanong nya.
Nabigla naman ako.
Bakit nya…
Bakit ba nya…
Bakit ba nya biglang naitanong yun?
Pero ngumiti ako at niyakap din sya.
“Oo naman…sayo lang ako…” I whispered.
Pero hindi sya sumagot. Imbis ay mas humigpit ang yakap nya sa akin kaya mas nagtaka ako.
Ano ba ang...nangyayari sa kanya?
“Ah…J-jungkook…” ang sabi ko na. “…o-okay ka lang ba?”
Doon naman nya ako binitiwan at tinitigan ako. At kahit na ilang months ko na syang boyfriend ay hindi ko parin mapigilang maasiwa sa titig nyang iyon.
“B-bakit?” ang tanong ko uli.
Pero tinitigan nya lang ako kaya pakiramdam ko ay biglang nag-init ang pisngi ko.
And then I heard him sigh saka yumuko.
Saka sya nagtaas uli ng tingin at this time ay nakangiti na sya.
“Wala sarang. Na-miss ko lang ang sarang ko…” he said saka nya hinawakan ang namumula ko ng pisngi at tinitigan ako uli. “Sobrang ganda kasi ng sarang ko…kaya dumarami ang karibal ko”
Napatingin ako sa kanya nang dahil sa sinabi nyang iyon.
Ano ba ang…ibig sabihin nun?
Pero ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko. “Aiiishh…! Si J-hope hyung pala yung nagpapadala sayo ng white roses sarang! Akala ko naman kung sino! Aiiisshh! That hyung!”
Napakurap ako nang dahil sa sinabi nya.
Si J-hope ang…
Si J-hope ang nagpapadala sa akin ng white roses?
Pati narin ang mga cards na yun?
Pero…
Pero bakit naman gagawin ni J-hope yun?
Saka sya huminga ng malalim at tinitigan ako uli.
“Buti nalang pala at sya ang nagpapadala nun sayo sarang…kasi kung hindi lang si J-hope hyung yun at kung hindi ko lang alam na wala syang gusto sa’yo…”he said then his eyes turned serious. “…ay baka...ay baka…”
Pero isang malalim na hininga lang ang isinunod nya doon at ngumiti nalang sya uli.
Saka nya ini-pat ang buhok ko at nakangiting nagsalita.
“Pasensya ka na sarang ha…at naging ganito ka-protective sayo ang boyfriend mo…” he said that while looking at me. “Ayoko lang kasi magkaroon ng kahati sa sarang ko. Aiiiishh! AYOKO TALAGA!”
At kahit na nabigla din ako sa narinig ko na si J-hope nga ang nagpapadala sa akin ng white roses ay hindi ko mapigilang mapangiti nang dahil sa sinabi nya.
“Wag kang mag-aalala…” I said then looked down dahil nahihiya akong sabihin yun sa kanya. “…s-sayo….s-sayo lang naman talaga ako eh…”
Hindi sya nagsalita.
And for a long moment ay hinihintay ko lang na sumagot sya pero hindi parin sya sumagot.
Kaya nagtataka akong nagtaas ng mukha at nabigla ako sa nakita ko sa mukha nya.
Sobrang lapad ng ngiti nya at doon sya biglang nagsalita.
“AYYYYEEE…! TOTOO YAN SARANG HA? AKIN KA LANG? AYYYEEEE…! ANG SARANG KO! MARUNONG NA TALAGANG MAGING SWEET! AYYYYEEE…!” ^0^ ang kinikilig pa nyang sabi dahilan para mas uminit ang mga pisngi ko.
Saka ako nahihiyang napababa ng tingin.
Doon ko naman biglang naramdaman ang kamay nya sa pisngi ko kaya napataas ako ng tingin.
And then I came face to face with his handsome serious face.
“Pero sarang…” he whispered. “…masaya akong marinig sayo yan. Atleast ngayon…alam kong akin ka lang talaga…”
Napakurap ako.
Ano kaya ang…ibig sabihin nya dun?
Bakit parang…may iniisip sya pero hindi ko lang matukoy kung ano yun…
And then he sigh saka nya ibinulsa ang mga kamay nya sa pocket nya.
“O sya sarang, kailangan ko ng umalis” he said.
Nabigla ako.
Teka…aalis na sya agad?
Pero…akala ko ba…
Mukhang napansin naman nya ang pagkabigla sa mukha ko.
Kaya ngumiti sya sa akin at nagsalita.
“Aiiishh…pasensya ka na sarang ha. Pinapatawag kasi ako ngayon ni manager dahil sa…dahil sa…aiishh…nakakaasar” ang sabi nya saka sya napayuko at napakamot sa batok nya.
Dahil sa ano?
Bakit hindi nya ipinagpatuloy ang sasabihin nya?
Saka sya nagtaas uli ng tingin at tinitigan ako.
“Pasensya ka na sarang ha…wag kang mag-alala, matapos lang ang project namin na ‘to, babawi talaga ako sayo. Sorry sarang…” he said.
Wala naman akong ibang nagawa kundi ang mapayuko at malungkot.
Oo.
Halos wala na syang oras na magpakita sa akin at kung meron naman ay iilang minuto lang yun.
Pero…
Pero ano bang magagawa ko kung ito ang kapalit ng pagiging girlfriend ng isang star na katulad nya?
Ang patiently na maghintay lang sa likuran nya kung kailan sya lilingon sa akin para mapansin nyang…para mapansin nyang nag-i-exist parin ako?
Saka ako napatingin sa hawak kong cellphone kung saan nakalagay parin ang mga threats ng mysterious texter ko.
Ni hindi ko na nga masabi sa kanya…ang mga nangyayari sa akin ngayon…
Dahil…
Sobrang busy na nya.
Pero nagtaas parin ako ng tingin at ngumiti.
“Okay lang. Basta, dapat bumawi ka talaga sa akin sa sunod” ang sabi ko.
He smiled too.
“Oo naman sarang! Babawi talaga ako sa sunod!”
At kahit na hindi ko alam kung kailan ang araw na yun ay hindi ko mapigilang makaramdam ng saya sa iisipin palang na makakasama ko sya ng matagal sa susunod.
“O sige sarang, aalis na siguro ako. Kanina pa kasi ako hinihintay ni manager.” He said then waved at me. “Bye sarang! I’ll call you later, okay?”
I smiled too. “Okay”
Saka sya tumalikod at naglakad paalis. Pero ilang hakbang palang ang nagagawa nya ay lumingon din sya agad sa akin.
At hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag-seryoso ang mukha nya habang nakatingin sa akin ngayon.
“Basta sarang…” he said then stared directly into my eyes. “…promise me, that you’ll only look at me no matter what”
Napakurap ako ng dahil sa sinabi nya.
I’ll only look at him? No matter what?
“Sarang, promise me” he said in a serious tone.
Kaya nabigla ako.
Minsan lang kasi syang mag-seryoso sa akin kaya naninibago ako.
But then…
I smiled then looked at him. “I’ll only look at you. I promise”
At after kong sabihin yun ay doon na sumungaw ang ngiti sa labi nya.
He grin. “Then that’s all I ever wanted to hear from you. Thank you sarang”
to be continued....