Chapter 30

1892 Words
Shadow of the Stars Chapter 30 "Malaking gulo nga 'to..." ang nasabi lang ni Suga habang nakasandal sa pinto. Samantalang natahimik naman at hindi makapagsalita ang limang lalaking kasama nya rin sa kusina na yun. Napahinga ng malalim si Jin bago nagsalita. "Hindi pwedeng malaman ni Jungkook ito..." "Oo hyung" si J-hope. "Alam na nating lahat kung ano ang mangyayari pag nalaman nya ito" "Pero..." si Jimin. "Pwede naman siguro natin pakiusapan si Taehyung na itigil na ang ginagawa nya---" "At sa tingin mo makikinig sya?" Suga cut him off habang nanatiling nakayuko parin. "Alam nating lahat kung gaano katigas ang ulo nya. Gagawin nya ang gusto nyang gawin at hindi sya marunong makinig kahit kanino" "Pero baka naman makinig sya sa atin as hyung nya" si Rapmon na nakayuko din at halatang nag-iisip din ng malalim. Suga smirk. "I really doubt that" "Pero..." si Jimin. "Anong gagawin natin sa problema na'to?" "Oo nga..." si J-hope. "...hindi naman nating pwedeng sabihin kay Jungkook na si Taehyung ang nagpapadala ng white roses sa girlfriend nya" Natahimik silang lahat after ng sinabing iyon ni J-hope saka sila tahimik na nag-isip kung paano ba maso-solusyonan ang problemang kinakaharap ng grupo nila. And then... Suga gave a deep sigh. "No choice" he said. "Kailangan nating itago ito kay leader" Agad namang napataas ng mukha si Jimin. "Ano?" he said. "Magtatago tayo kay leader?!" Pero tinapik lang sya ni Rapmon sa balikat. "Tama sya Jimin. Mas mabuting itago muna natin ang issue na 'to kay leader para maiwasan muna ang gulo" Napatitig naman sa kanya si Jimin saka ito napayuko at... "AISSSSH! KIM TAEHYUNG!!! ANO BA KASI 'TONG GINAWA MO?! AAAIISSSH!!!" ang sigaw ni Jimin habang asar na ginugulo ang buhok nya. "Anong ginawa ni V hyung?"ang biglang sulpot ng boses na yun mula sa likuran nila dahilan para sabay na manlaki ang mga mata nila at sabay na napalingon sa pinagmulan ng boses. At agad silang nanigas sa kinatatayuan nila nang makita si Jungkook na nakatayo sa likuran ni Suga sa may bungad ng kusinang iyon. Nagtaka naman si Jungkook sa reaksyon na nakita nya sa mukha ng mga hyung nya. He blink. "Bakit ganyan kayo makatingin sa akin at ano ba ang ginawa ni V hyung?" Doon naman biglang natauhan ang limang lalaki na nasa harapan nya. Saka biglang napatawa ng hilaw si Rapmon. "Ah wala, wala maknae..." he said. "Pinag-uusapan lang namin kung nasaan na ba si V ngayon. Ahahahahaha! Diba? DIBA?!" Saka nya nilingon ang mga kasama. "O-oo nga!" si J-hope na tumawa din. "S-saan n-na naman kaya nagpunta ang alien na yun?! Suga hyung! Alam mo ba kung nasaan sya ha?!" Saka nya nilingon si Suga na agad na pinanlakihan ng mga matang napatingin defensively kay J-hope. Pero agad din syang tumawa ng alanganin at napakamot sa batok nya. "Ahahahaha! P-paano ko naman malalaman J-hope?! Tama, s-saan ba gumala-gala ang batang iyon ha? AHAHAHAHA!" *gulp* Pero mas lalong kumunot ang noo ni Jungkook matapos ang mga sinabi ng mga hyung nya. "Bakit parang pakiramdam ko ay may itinatago kayo sa akin..." he said in that cold voice. "...mga hyung?" Sabay pang napa-gulp ang limang lalaking iyon nang dahil sa sinabi ni Jungkook. Pero agad ding napatawa ng hilaw si Jimin at nagsalita. "A-at b-bakit...a-at bakit naman kami magtatago sayo Leader ha? K-kami? Magtatago sayo? Psh! NEVER! DIBA MGA HYUNG?!" He said saka nilingon ang mga hyung nya. Agad namang tumawa din ng hilaw ang apat na hyung na yun. "T-tama! T-tama!" si J-hope saka tumawa din. "W-wag ka ngang mag-isip ng ganyan leader! W-wala talaga kaming itinatago sayo! Wala talaga! AS IN WALANG-WALA!" *gulp* For a long moment ay tinitigan lang sila ni Jungkook na para bang binabasa nito ang mga iniisip nila. Samantalang nanatili naman silang nakatayo doon at tahimik na ipinapanalangin na maniwala ang leader nila sa kasinungalingan na ginagawa nila para lang mapagtakpan ang isang ka-myembro nila. And then... Jungkook gave them a brig grin. "Talaga mga hyung?" he said with that grin on his face. "Mabuti naman kung ganun!" Sabay pang napahinga ng malalim ang limang lalaking iyon pero agad din silang nanigas sa sumunod na sinabi ni Jungkook. "...dahil kapag nalaman ko na may itinatago talaga kayo sa akin ay malalagot kayong lima sa akin" he said in that deadly serious tone dahilan para manigas at hindi makapagsalitang mapatingin sa kanya ang limang lalaking iyon. But then he smiled again. "Pero alam ko naman talaga na hindi nyo magagawang magtago sa akin mga hyung..." Jungkook said. "...magkakaibigan tayo sa BTS diba? At hindi uso ang trayduran sa atin. Diba mga hyung?" At hindi nila alam pero after sabihin yun ni Jungkook ay pare-parehong pinaghalong guilt at pagtataka ang naramdaman nila. Saka sila napatitig sa nakangiting mukha ni Jungkook. Bakit... Bakit nasabi yun ng leader nila? Hindi kaya... Hindi kaya... But before anyone of them could react, nagsalita uli si Jungkook. "Sya nga pala mga hyung..." Jungkook said while smiling. "Nagpunta lang ako dito para magpaalam sa inyo na dadaan ako ngayon sa security room para tignan sa CCTV kung sino ba ang araw-araw na nagpapadala ng roses sa sarang ko. Sige, aalis na siguro ako. Bye!" Yun lang saka sya tumalikod at naglakad paalis. Samantalang naiwan paring natitigilan sa kinatatayuan nila ang limang lalaking iyon pero nang marealise nila kung ano ang sinabi ni Jungkook ay agad silang nagkatinginan at nanlalaki ang mga mata nilang napatingin sa papalabas na ng apartment na yun na si Jungkook. At sabay pa silang napasigaw. "LEADER!!!" **************** "Mga hyung! Bitiwan nyo nga ako!" ang reklamo ni Jungkook habang pinipilit paring humakbang habang nakakapit sa kanya ang tatlong hyung na yun. "M-mamaya ka na pumunta doon maknae! Kain muna tayo!" si J-hope na nakayakap sa kanya. "Oo nga!" si Rapmon habang nakagapos naman sa balikat nya. "Maglakad-lakad muna tayo sa cherry blossoms park at magsimulang mag-compose ng bagong kanta para sa next album natin!" "Oo maknae!" si Jimin na nakagapos naman sa binti nya at literal na nagpapaguyod sa kanya sa sahig habang humahakbang parin sya. "MAS MASAYANG KUMAIN NG BEEF BULGOGI KESA SA MAGPUNTA SA SECURITY ROOM! Manuod nalang tayo ng sailormoon kesa ang CCTV ang panuorin mo!" "Jungkook! Makinig ka sa mga hyung mo!" si Jin na nakigapos narin sa balikat ni Jungkook na pinipilit paring humahakbang papuntang security room. Habang nasa likuran naman nila si Suga na humihingi ng pasensya sa lahat ng taong nakakakita sa eksenang ginagawa nila sa hallway na yun. "Pasensya na po kayo" si Suga habang yumuyuko pa sa mga nadadaanan nila na napapanganga sa eksenang napapanuod nila. "...nagpa-practice lang po kami sa bagong movie na ginagawa namin. Hindi po kami weird people kaya wag kayong matakot sa amin. Mianhe~~" Doon naman asar na asar na lumingon sa kanila si Jungkook. "ANO BANG PROBLEMA NYO MGA HYUNG?! TITIGNAN KO LANG NAMAN ANG CCTV AH!" ang sigaw nya at doon na sya naging suspiscious. "O baka naman may itinatago talaga kayo sa akin kaya nagiging ganyan kayo ngayon" Agad namang natigilan ang limang lalaking iyon at nabitawan narin sya ng tatlong yun. "Aiiissh...! Ba't ba ang weird-weird nyo ngayon ha?" ang nasabi lang ni Jungkook saka sya tumalikod at nagsimulang maglakad uli paalis. Samantalang naiwan paring natitigilan ang limang lalaking iyon sa kinatatayuan nila at halatang hindi na nila alam kung paano pa ba mapipigilan si Jungkook sa pagpunta sa security room. And then... "Bahala na" J-hope suddenly said saka tumakbo at hinabol ang hindi pa nakakalayong si Jungkook. Napatigil naman sa paglalakad si Jungkook nang harangin sya ni J-hope at hinarap sya nito gamit ang seryosong mukhang iyon na minsan nya lang makita sa hyung na yun. "Aiissh..! Hyung---" "Jungkook" he cut him off in a serious voice. Natigilan naman si Jungkook sa kinatatayuan nya at napatitig sa seryosong mukha ng hyung nya. But what J-hope said next froze all of them. "Ako ang nagpapadala ng white roses kay Snow" *************** "Ako ang nagpapadala ng white roses kay Snow" J-hope said. Walang makagalaw sa sinabing iyon ni J-hope. Wala ding makapagsalita. Samantalang napatulala naman sa kanya si Jungkook at hindi makapaniwala sa narinig nya sa hyung nya. "P-pero..." Jungkook whispered in shock. "...b-bakit...bakit mo naman ginagawa yun hyung?" For a long moment ay tinitigan lang sya ni J-hope. Pero agad din itong ngumiti sa kanya at napakamot sa batok. "Ayyyy!!! Don't misunderstand this leader!! Wala akong gusto kay Snow para gawin yun!!" ang nakangiting sabi nya. "Araw-araw kasi akong binibigyan ng ahjumma sa isang kanto ng white roses at dahil nahihiya akong tanggihan yun ay tinatanggap ko nalang at ibinibigay kay Snow sa tuwing umaga!" Napatitig naman sa kanya si Jungkook pero parang hindi parin ito kumbinsido sa sinabi ng hyung nya. "Pero hyung..." Jungkook said while looking at him. "Bakit pasikreto mong ibinibigay yun sa sarang ko?" Mukhang natigalgal naman si J-hope sa tanong na yun ni Jungkook. "A-ah...e-eh...yun ba? Ah ano...kasi..." he said pero agad din syang ngumiti. "Aiiisshh!! This kid!! S-syempre t-tulog pa si Snow sa umaga kaya hindi ko na sya ginigising para ibigay yun! Iniiwan ko nalang sa pinto nya d-dahil...dahil maaga rin tayong umaalis papunta sa shooting! At nahiya lang akong aminin sa iyo yun nung una kasi baka ma-misunderstand mo! Alam nga ni Suga hyung ang ginagawa kong yun eh! Diba Suga hyung?!" Saka nya nilingon si Suga na halatang nabigla sa sinabi ni J-hope at napakurap sa kinatatayuan nya. Agad naman syang nilingon ni Jungkook. "Totoo ba yun Suga hyung?" ang seryosong tanong ni Jungkook. For a long moment ay tinitigan lang sya ni Suga saka sya napa-gulp at nakangiti ng alanganin na nagsalita. "A-ah...oo! Oo maknae! Alam ko yun! M-minsan nga ay sabay pa naming ibinibigay yun kay Snow sa umaga bago tayo pupunta sa shooting site! Aiiishh! Tama na nga 'tong issue na 'to! Atleast inamin na ni J-hope na sya talaga ang nagpapadala ng roses kay Snow!" ang nakangiti namang sabi ni Suga. Tinitigan naman sya ni Jungkook at pinipilit na basahin sa mukha ng hyung nya kung totoo ba ang mga sinabi nito. But then... He sigh and smiled. "Aiiissh...so yun pala yun..." Jungkook said then grin to his hyungs. "Sorry sa trouble na nagawa ko sa inyo mga hyung! Atleast ngayon alam kong wala talagang may balak na mang-agaw ng sarang ko sa akin!" Nagkatinginan naman nun ang limang lalaking yun saka sila sabay na ngumiti sa maknae nila. "Aiisshh! Okay lang yun leader!" si Rapmon. "Oo nga! Normal lang naman yung naging reaksyon mo leader! Kahit sino naman, yun din ang gagawin kapag nalaman nilang may nagpapadala ng roses sa girlfriend nya! Diba Jin hyung?!" si Jimin. Ngumiti din si Jin. "Oo naman. Okay lang yun. Atleast ngayon, na-solve na ang problemang ito" Ngumiti nalang din sina Suga at J-hope at nagkatinginan. Jungkook sigh and then smiled. "Atleast ngayon alam kong mali ang unang hinala ko..." Natigilan sila sa sinabi ni Jungkook. Hinala? Anong ibig sabihin nun? Pero ngumiti lang sa kanila si Jungkook at nagsalita. "Sige mga hyung, pupuntahan ko muna ang sarang ko ngayon! Bye!" yun lang saka sya tumalikod at naglakad paalis. Habang naiwang natitigilan ang limang lalaking yun sa kinatatayuan nila saka sila sabay na nagkatinginan. Pero hindi nila alam... Kung bakit bumibigat ang dibdib nila sa iisipin...na nagawa nilang magsinungaling at magtago sa leader nila para maiwasan ang problemang kinakaharap ng grupo nila. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD