Chapter 29

3052 Words
Shadow of the Stars Chapter 29 Magkaharap na nakatayo lang ngayon sina J-hope at Rapmon habang nagtititigan sa kusina ng apartment nila. And for a long moment ay yun lang ang ginagawa nila and then... "Wait lang..." si J-hope. "Pwede bang kumurap kahit isang beses lang? Nagsisimula na kasing ma-dry ang mga mata ko sa pagtitig sayo" "At sino ba kasi ang nagsabi sayo na wag kang kumurap ha?" si Rapmon. Kumurap naman si J-hope bago nagsalita uli. "Bakit ba kasi tayo nagtititigan dito ha?" Si J-hope. "Oo nga, bakit ba tayo nagtititigan dito?" Si Rapmon. "Teka, bakit ka ba kasi nakatitig sa akin ha?!" Si J-hope. "Eh ikaw? Bakit nakatitig ka din sa akin?!" Si Rapmon. Napayuko naman si J-hope at napa-pout. "Ewan ko. Bakit ba talaga tayo nagtititigan ngayon ha?" Doon na sumiryoso ang mukha ni Rapmon. "Pero feeling ko..." Si Rapmon saka sumiryoso ang mukha nya. "...may alam ka na alam ko din..." Sumiryoso din ang mukha ni J-hope at tinitigan din si Rapmon and then... "Ah!" He exclaimed. "Katulad ng alam nating pareho na mas masarap ang beef bulgogi pag mainit pa at masarap din ang seaweed soup kapag birthday mo?!" ^0^ "Ugok. Lahat ng tao alam yan" si Rapmon. Napakamot naman ng ulo si J-hope. "Alam pala ng lahat ng tao yun?" Rapmon sigh. "Pero tatanungin kita ngayon kung bakit mag-iisang oras na tayong nagtititigan dito" "Oo nga, at bakit nakikititig din sa atin ngayon si Jimin?" si J-hope naman without taking his eyes off from Rapmon. "Ha? Nandito si Jimin?" Si Rapmon saka inilagay pa ang kamay sa itaas ng mata at kunyari ay naghanap sa paligid. "SAAN?" "Nandito ako Rapmon hyung" si Jimin na nasa bungad na ng pintuan ng kusinang iyon. Napalingon naman sa kanya si Rapmon saka tumawa ng hilaw at napakamot sa batok nya. "Oy! Nandyan ka pala Jimin! Pasensya na ha, hindi kita nakita! Ang liit mo kasi eh! WAHAHAHAHAHA!" si Rapmon. "Kanina, sa sala ako binu-bully ng dalawang hyung at isang dongsaeng. At ngayong nasa kusina na ako ay ibu-bully nyo parin ako?! I DEMAND JUSTICE!" ang ma-drama at teary-eyed pa na sabi ni Jimin habang nakahawak sa dibdib nya. Pero... "Rapmon, ang ganda ng relo mo ah, saan mo binili yan?" Si J-hope. Ngumiti naman si Rapmon. "Talaga? Ah, regalo sa akin to ng isang fan natin nung huling fanmeeting activity natin" At si Jimin. "Bakit pakiramdam ko ay walang nakikinig sa drama ng buhay ko?" "Pero..." Si J-hope saka sumiryoso na ang mukha. "...may sasabihin ako sayo Rapmon at sa tingin ko ay may alam ka din sa bagay na 'to" Nilingon naman ni Rapmon si Jimin. "O sya Jimin, bawal ang bata dito kaya umalis ka na. May pag-uusapan lang kami ni J-hope" Jimin smirked. "At bakit naman ako aalis? Malay nyo diba at baka may alam din ako sa pag-uusapan ninyong dalawa?" Jimin said at biglang nawala ang ngiti nyang nagpatuloy sa pagsasalita. "At mukha ba talaga akong bata sa inyo Rapmon hyung ha? Kahit ganito ang height ko, 19 years old na ako! Twenty years old kung ang Korean system ang susundin natin!" "Wow ha, infairness hindi halata. Mukha kang 10 years old" si Rapmon. "AIIISSSH...! THIS HYUNGS!! AIISSSHH!!" ang pagwawala ni Jimin habang ginugulo ang buhok nya. "O sige na, seryoso na" si Rapmon at doon na sumiryoso uli ang mukha nya. "Jimin at J-hope, tutal kayong dalawa ang kaharap ko ngayon ay sa inyo ko na sasabihin ito" Sumiryoso narin ang mukha nina Jimin at J-hope. "O sige" si J-hope saka nilingon si Jimin. "Bakit mo naman nasabi na baka may alam ka din sa pag-uusapan namin ngayon ni Rapmon ha?" Tinitigan naman sya ni Jimin gamit ang seryosong mga matang iyon. "Dahil nakita ko kanina na parang may sasabihin ka kay Taehyung pero pinigil ka lang ni Rapmon hyung" Mukhang nabigla din ang dalawa sa sinabing iyon ni Jimin. Saka nagkatinginan ang dalawang hyung. "Kung ganun..." Si Rapmon saka nilingon si J-hope. "Iisa lang talaga ang iniisip natin ngayon...at para mas magkalinawagan tayong tatlo ay sabay na nating sabihin kung ano ang mga iniisip natin" "Sige hyung" si Jimin. "Pagbilang ko ng tatlo, ay sabay nating sabihin ang mga iniisip natin" Tumango naman ang dalawa. "Okay, one..." Ang simula ni Jimin sa pagbibilang. "Two..." "Wait lang!" Si J-hope saka itinaas ang kamay. "Sasabihin ba natin before mag-3 o after?" "After" si Rapmon. "Ah...sige" ang sagot naman ni J-hope. "O sige, uulitin ko nalang ang pagbibilang hyung." Si Jimin saka nagsimula uling magbilang. "One...two..." "Wait lang!" Ang pigil naman ni J-hope. "Ano naman ba yun ha?!" Ang mukhang asar ng tanong ni Rapmon. "E-eh kasi...kinakabahan ako. Parang hindi ako makahinga sa kaba" ang sagot naman ni J-hope saka hinimas-himas ang dibdib at huminga ng malalim. "Wag ka nalang kaya sumali? Si Jimin nalang ang kakausapin ko" ang asar na sabi ni Rapmon. "W-wait lang! Okay na ako! Sige, magbilang ka uli Jimin" ang agad namang sagot ni J-hope. Nag-pout naman si Jimin. "Binu-bully na nga ako, inuutusan pa" -3- "May sinasabi ka Jimin?" Si Rapmon. Agad namang tumawa ng hilaw si Jimin. "Ah wala hyung!" ang sagot nya. "Sige! Magbibilang ako uli!" Sumiryoso naman uli ang mga mukha nila at nagbilang uli si Jimin. "One...two..." He counted. "...three!" At doon sila sabay na nagsalita. "Baka si Taehyung ang nagpapadala ng roses kay Snow!" Si Rapmon. "Nakita ko si Taehyung na bumibili ng white roses kanina!" Si J-hope. "Sa tingin ko mahal parin ni Taehyung si Snow!" Si Jimin. Nagkatinginan silang tatlo at natigilan nang ma-realize ang pagkakadugtong ng mga sinabi nila. Tama. Tama nga ang iniisip nilang tatlo. Ngayon ay napagdugtong na nila ang mga pangyayari. "S-si Taehyung..." Ang halos hindi makapagsalitang wika ni J-hope. "K-kung ganun...mahal nya parin talaga si Snow..." Si Rapmon na biglang napayuko at nahawakan ang noo nya. "At si T-taehyung ang..." Si Jimin na nasa state of shock parin. "...si Taehyung nga ang nagpapadala ng mga white roses sa apartment ni Snow..." For a long moment ay nakayuko lang silang tatlo at natahimik sa mga kinatatayuan nila. Pilit parin nilang ina-absorb sa utak nila ang rebelasyong nalaman nila. And then...Rapmon sigh. "Malaking gulo 'to..." Ang nasabi lang ni Rapmon saka napasabunot sa buhok nya. "Oo nga...hindi pwedeng malaman ni leader ito...kundi..." Si J-hope na napahilamos sa mga kamay nya. "...kundi magkakagulo na naman sila ni Taehyung..." Si Jimin naman ay nanatiling nakayuko at mukhang hindi alam ang sasabihin. But then nagtaas sya ng mukha at tinignan ang dalawang hyung nya. "Pero..." He said. "...hindi ba natin sasabihin kina Suga hyung at Jin hyung ang problemang ito? Kailangan din nilang malaman to" Nagkatinginan naman sina Rapmon at J-hope. Tama. Isang problema ito na maaaring maka-apekto sa grupo nila kaya kailangan nilang sabihin ito sa dalawa pang ka-myembro. Pero bago pa sila makapagsalita ay may biglang nagsalita. "Anong kailangan naming malaman?" Ang sulpot ng boses sa likuran nila. Sabay naman silang napalingon at... Nakita nila sa may pinto ang nakatayo at nakasandal na si Suga habang naka-cross arms. At doon naman sumulpot sa likuran nya si Jin na tumingin din sa kanila bago nagsalita. "May dapat ba kaming malaman?" ************* Pipindutin ko. Hindi. Pipindutin ko. Hindi. Pipindutin ko. Hindi. Pipindutin ko—- AAAAAAIIISSSHHH!!! ANO BA 'TONG GINAGAWA KO HA?! Saka ako napasabunot sa buhok ko sa gitna ng walang katao-tao na hallway na yun. Itinatanong nyo siguro kung ano ang ginagawa ko at parang nababaliw na ako dito. Nasa harapan lang naman ako ng apartment nya habang nababaliw na sa pag-iisip kung pipindutin ko ba ang doorbell nya o hindi. Pero hindi. Dapat ay maging matapang ako dahil alam kong natatakot sya ngayon. Tumayo nalang ako uli ng maayos sa harapan ng pintuan nya at tinitigan uli ng masama ang doorbell na yun. Maliit na bagay lang naman ito pero bakit pinagmumukha akong baliw ng doorbell na 'to?! I gulped saka nanginginig ang daliri na pinindot ang lintek na doorbell na yun. Pero after din tumunog yun ay agad kong pinagsisihan kung bakit ko pa ba pinindot yun... Dahil... Ngayon ko lang na-realize... ANO NAMAN ANG SASABIHIN KO SA KANYA NA DAHILAN PARA MAGPAKITA SA ORAS NA 'TO?! AHHHHHH!!! NAKALIMUTAN KONG MAG-ISIP NG SASABIHIN SA KANYA! Aiissh! This girl! Naririnig ko lang na napapa-trouble na naman sya ay wala na akong ibang maisip kundi ang puntahan sya na nakakalimutan ko ng mag-isip ng idadahilan sa kanya! Aiisssshh!! At nasa ganun akong pag-iisip nang bigla nalang bumukas ang pintuan na yun and instantly, I saw that beautiful face of her. "T-taehyung?" Ang mukhang nabigla din nyang sambit nang makita ako. "A-anong...anong ginagawa mo dito?" Oh f**k. Mag-isip ka Taehyung. MAG-ISIP KA NG IRARASON MO!!! Napangiti naman ako ng hilaw saka napakamot sa batok ko. "A-ah...eh..." I said then I cleared my throat. "...pwede bang...pwede bang..." Saka ako napatingin sa itaas at nag-isip ng isusunod ko sa sinabi kong iyon. Oo Taehyung. Pwede bang ano? PWEDE BANG ANO?! MAG-ISIP KA!!!! Saka ako napatingin sa kanya. "P-pwede bang makihingi ng soy sauce? Naubos kasi ang soy sauce sa apartment namin habang nagluluto ako kaya naisip kong manghingi muna sayo" ang dire-diretso at walang gatol kong sabi sa kanya. Shit. Soy sauce? SOY SAUCE?! SA LAHAT NG PWEDE MONG MAISIP NA SASABIHIN AY ANG MANGHIHINGI KA PA NG SOY SAUCE?! At teka lang Taehyung... KAILAN KA PA NAGLUTO SA APARTMENT HA?! KAILAN PA?! Napakurap naman sya sa sinabi ko at mukhang nabigla din sya sa hinihingi ko. Samantalang nanatili akong nakangiti sa kanya gamit ang alanganin na ngiti na yun. And then... She smiled. "Sige, pasok ka" she said saka binuksan ang pinto. "Kukunin ko lang para sayo" I smiled. Whoo! Nakalusot din! "A-ah sige...salamat. Sorry din sa abala" ang sabi ko naman saka pumasok sa loob. Ngumiti lang sya sa akin at doon ko lang nakita ng mas maayos ang mukha nya. Oo. Ngumingiti sya. Pero bakit... Bakit parang malungkot ang mga mata nya? Pero bago pa man ako makapagtanong ay nagsalita sya uli. "Sige, maupo ka muna. Kukunin ko lang yung soy sauce sa kusina" she said saka tumalikod at naglakad paalis. Kaya naiwan akong mag-isang nakatayo sa harapan ng pinto nya. Saka ako nagpalinga-linga sa paligid. At nakita ko... Ang mga white roses na yun na nasa isang trash bin na kasama ang basag na vase na yun. Oo. Ang mga white roses na yun... "Ah Taehyung, nandito na ang soy sauce o" ang biglang sulpot naman ng boses nya at nakita kong nakatayo na sya sa harapan ko. Pero napalingon nalang sya sa tinitignan ko at tinignan nya rin ang mga roses na yun. "A-ah...eh..." She said. "...yan yung...yan yung mga ipinapadala sa akin araw-araw ng isang taong hindi nagpapakita sa akin sa harapan ng apartment ko sa tuwing umaga...akala ko nga kay Jungkook galing...hindi pala. At nang malaman nya na may nagpapadala sa akin ay nagalit sya at sinipa ang vase na yan...pero...nasaan na kaya sya?" Oo. Ako ang nandito pero ibang lalaki ang hinahanap nya. Ako ang laging nandito pag may nangyayari sa kanya pero ibang lalaki ang hinihintay nyang dumating. At sa iisipin palang na yun ay humahapdi na ang dibdib ko. Pero... I sigh and spoke. "Snow..." I called her without looking at her. "Kapag sinabi ko ba sayo na sa akin galing ang white roses na yan...matutuwa ka ba?" Agad kong napansin na natigilan sya sa tanong ko na yun. At hindi sya makasagot sa tanong na yun. Psh. Oo nga naman. Ano pa bang ini-expect ko? Sino ba ako sa kanya para matuwa sya sa pagbibigay ko ng white roses? "Snow..." I called her again without looking again. "...ang totoo nyan...ako ang nagpapadala ng mga white roses na yan" Saka ko sya nilingon. And instantly, I saw her eyes widened in shock. At natututulalang napatitig sa akin. At sa tuwing ganun na ang nagiging reaksyon sa mukha nya... Na para bang hindi nya matanggap na totoo ang sinasabi ko... Na para bang mas mabuting kasinungalingan nalang ang sinasabi ko... Ay... Agad akong ngumiti at nag-V sign. At sinabi na naman ang linya na yun na alam kong magpapagaan sa loob nya. "JOKE! JOKE! JOKE!"^0^ ang masiglang sigaw ko habang nakangiti but deep inside... My heart is starting to cry again in pain. At katulad ng dati ay after kong sabihin ang kasinungalingan na yun ay mapapangiti sya sa akin at magsasalita. "Grabe, pinagti-tripan mo na naman ako. Nagjo-joke ka na naman sa akin" she said. Hindi. Hindi joke yun Snow. Ako talaga ang nagpapadala ng mga white roses na yun. Kahit na hindi ko gawaing gumising ng maaga sa umaga ay ginagawa ko yun para maibigay sayo secretly ang white roses na yun. Kahit na ilang ulit akong nasugatan sa pagtatanggal ng mga tinik ng roses na yun ay ginagawa ko parin dahil ayokong masugatan ang daliri mo sa paghawak nun. Dahil alam ko kung gaano kaimportante sayo ang mga daliri mo at pag nasugatan yan ay hindi ka makakatugtog ng mabuti ng violin mo. At kaya... At kaya hindi ko maiwasang masaktan sa iisipin na all this time ay iniisip mo na si Jungkook ang nagpapadala sayo dahil alam kong sya lang naman talaga ang laman ng isipan mo. I only want to make you happy by giving those white roses. Sa tuwing umaga ay binabantayan ko ang pagpulot mo ng mga white roses na yun at nakukumpleto na ng mga ngiti mo ang araw ko. Pero... All this time pala...ay ngumingiti ka dahil...dahil sya ang naiisip mo. Ang dami ko ng sinabi sa isipan ko pero katulad ng dati...all I could say is... "Oo naman" i said. "Joke lang yun Snow kaya wag mong seryosohin” She smiled too that broke my heart in silence. Oo. Ngumingiti sya dahil joke lang yun. And I wonder... Ngingiti parin kaya sya sa oras na sinabi kong...hindi joke ang lahat ng sinasabi kong joke sa kanya? "Ikaw talaga Taehyung. Lagi mo nalang ako binibiro." She said saka nya inilahad sa akin ang soy sauce na hawak nya. "Oh, itong soy sauce na hinihingi mo” I smiled too saka kinuha yun sa kamay nya. "Salamat" I said saka ako tumalikod. "Ah sige, aalis na ako" Oo. Ang kinuha ko lang naman talaga doon ay i-check lang kung okay lang ba sya. At mukhang okay din naman sya kaya hindi na ako mag-aalala. "Sige..." Ang sabi nya lang. I just smiled and waved at her saka ako naglakad papunta sa pinto nya. But before I could forget, tama... Mas mabuting gawin ko nalang to para naman mas mapanatag ang loob ko. "Ah..." I said saka nilingon sya. "Pwede bang mahiram ang cellphone mo?" Napakurap sya ng dahil sa sinabi kong yun at mukhang nagtaka rin sya. Pero kahit ganun ay kinuha nalang nya yun mula sa bulsa nya at ibinigay sa akin. Nakangiti ko namang tinanggap yun at napatingin doon. Pero... "Snow..." I said. "...may nagtext sayo na isang unregistered number..." ************** "Snow...may nagtext sayo na isang unregistered number..." Ang sabi ko habang nakatingin sa screen ng cellphone nya. At hindi ko alam pero... After kong sabihin yun ay nanlalaki ang mga mata nyang agad na binawi yun sa akin at mabilis na pinindot-pindot yun. At hindi ko alam... Hindi ko alam kung bakit... Kung bakit may nakikita akong takot at pagkataranta sa kanya ngayon habang nakatingin sa phone nya. My brows met. "Snow...are you okay?" I asked. Agad naman syang nagtaas ng mukha at parang shock parin na napatingin sa akin. At mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng titigan nya ako na para bang may gusto syang sabihin pero nagdadalawang isip sya kung sasabihin nya o hindi. But then... "A-ah...ano..." She said saka yumuko. "N-nagtext lang...nagtext lang si Jungkook..." Nagtext si Jungkook? Pero bakit ganun ang reaksyon sa mukha nya? Bakit parang...namumutla sya? But before I could ask ay ngumiti sya uli at inilahad uli sa akin ang phone na yun. "A-ah diba...hihiramin mo phone ko?" She asked. Tinitigan ko naman sya at pinipilit na binabasa ang iniisip nya. But she just smiled at me at nawala na ang pamumutla nya. I sigh saka kinuha uli ang phone sa kamay nya at sinimulang pindutin yun. At nang matapos yun ay ibinalik ko sa kanya. Nagtataka naman syang napatingin doon at agad kong nakita ang pagkabigla sa mukha nya nang makita ang pangalan ko sa phonebook nya. But I just smiled at her. "Inilagay ko na ang number ko sa cellphone mo para matawagan mo ako kapag kailangan mo ako" I said that widened her eyes in shock. "P-pero—-" "AIISSHH..." I cut her off. "Ano bang klaseng phone yan ha? Bakit si Jungkook lang ang nasa phonebook mo?" Hindi naman sya makapagsalita sa sinabi kong yun kaya napayuko nalang sya. But then I smiled and touch her head. Napataas naman sya ng mukha kaya nagsalita ako. "Okay lang sa akin kahit na maging second option mo lang ako" ang sabi ko dahilan para matigilan sya. "Kapag tinawagan mo si Jungkook at hindi nya nasagot ang tawag mo, ako nalang ang tawagan mo. And I promise na darating ako. Arasso? " For a long moment ay tinitigan nya lang ako. But then later on, she smiled. "O-Okay... " she whispered. Ngumiti din ako saka ko ginulo ang buhok nya. "O sige, aalis na siguro ako" ang sabi ko saka tumalikod sa kanya. "Just call me if you need something okay? " Ang sabi ko habang naglalakad papunta sa pinto nya. "Okay... " ang sagot nya. Nilingon ko nalang sya bago buksan ang pinto at ngumiti. "Bye! " She smiled too. "B-bye..." Yun lang saka ako nakangiting lumabas ng apartment nya at parang nanalo sa lotto na masayang napatitig sa nakasarang pinto nya. Hays...ganito talaga ang laging nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko sya... Saka ako nangingiting lumingon nalang sa hallway para umalis. Pero... Bigla akong napako sa kinatatayuan ko at unti-unti ring nawala ang ngiti sa labi ko... Because in the middle of that hallway ay nakatayo sa harapan ko si Jungkook habang nakatitig sa akin ang malalamig na mga matang iyon. Walang emosyon ang mukha nya at ginagamit nya lang ang ekspresyon na yun kapag nagagalit sya. And before I could talk, in a cold voice he spoke. "Taehyung..." he said. "Anong ginagawa mo sa loob ng apartment ng girlfriend ko?" To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD