Shadow of the Stars
Chapter 28
Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang nakatulala sa pinto kung saan lumabas kanina si Jungkook.
After kasi nyang sabihin na hindi sya ang nagpapadala nun ay nabigla nalang ako nang bigla nyang sipain ang vase na yun at napamura pa bago lumabas ng apartment ko.
Napayuko nalang ako at isa-isang dinampot ang mga nagkalat na basag na vase at mga white roses na yun.
Pero kung hindi si Jungkook ang nagpapadala...eh di sino? Sino ang nagpapadala sa akin ng mga roses na to? At bakit nya ipinapadala sa akin ito?
Yun ang mga bagay na naitatanong ko sa sarili ko.
Pero bigla akong napatigil sa pagpulot ng mga yun nang tumunog na naman ang cellphone ko.
Tinignan ko yun at nanlamig ako sa sumunod kong nabasa.
YOU'LL GONNA DIE SOON.
Sa takot ko ay nanginginig kong agad na ini-dial ang number na yun...pero...out of coverage ang sagot ng phone.
Nanghihina nalang akong napaupo sa sahig at nanlalamig na nayakap ang mga binti ko. Saka ako napayuko habang hawak parin ang cellphone ko.
Bakit ba nila...
Bakit ba nila ginagawa sa akin to?
***********
Isang tahimik na apartment ang nadatnan ni J-hope nang tumuloy sya sa apartment nila.
Nagtext kasi sa kanya si Suga na hindi na natuloy ang shooting nila sa umagang iyon dahil nagka-problema.
At pagbukas palang nya ng apartment na yun ay ang limang lalaking yun na nakatulala habang nakaupo sa sala nila ang nadatnan nya. At...bakit wala ang leader nila?
Pero kahit na galing sya sa isang masakit na break-up at nananadyang tadhana, ay agad parin syang ngumiti at masiglang tinapik sa balikat si Taehyung na noon ay nakaupo malapit sa kanya.
"Hoy Taehyung! Nakita kita kanina sa---"
"J-hope" Suga cut him off in that serious voice while not looking at him. "Pwede bang wag muna ngayon? Nakikita mo na ngang may problema diba?"
Napakurap naman sya at natigilan sa sinabi ni Suga.
"Problema?" Ang ulit nya. "Ano naman ang problema natin?"
"Si Snow..." Si Jin ang sumagot na noon ay nakaupo habang nakahawak sa noo nya. "...may nagpapadala sa kanya na white roses at nang malaman ni leader yun ay sinugod nya ang agency. At...mukhang hindi palalampasin ni leader kung sino man ang taong nagpapadala sa girlfriend nya ng mga white roses na yun. Lumabas nga sya ngayon para imbistigahan kung ano ng nangyayari"
Hindi nya alam kung bakit bigla syang nanigas sa kinatatayuan nya matapos marinig yun.
White roses?
Eh diba....
Saka sya napatingin kay Taehyung na ngayon ay blangko lang ang mukha na nakaupo sa sofa.
Eh diba...nakita nya kanina si Taehyung na bumibili ng isang kumpol ng white roses sa isang flower shop just a few hours ago?
Agad syang napataas ng mukha at hindi makapagsalita nang marealize nya ang bagay na yun.
Hindi kaya...
Hindi kaya...
Hindi kaya si Taehyung ang...
Napalunok sya.
Pero hindi. Maaaring hindi naman si Taehyung yun. Baka naman bibili lang sya ng bulaklak dahil may pupuntahan syang burol o di kaya, may pag-aalayan syang Diyos sa isa sa mga monuments doon, o di kaya ibibigay nya yun sa CEO ng agency nila.
Anything from that.
Dahil hindi nya matanggap ang iisipin na binibigyan ni Taehyung secretly ng white roses ang girlfriend ng bestfriend nya.
Like, paano nagagawa yun ni Taehyung kay Jungkook? They are friends and friends don't do that to each other.
Tama. May tiwala sya kay Taehyung. May tiwala sya sa friendship na mayroon silang pito. Kaya...itatanong nya yun ngayon kay Taehyung.
He gulped.
And in an uncertain voice, he spoke.
"Ah T-taehyung---"
"J-hope" ang biglang sulpot ni Rapmon sa tabi nya saka sya nito inakbayan. "Pwede bang ikaw na ang maghanda ngayon ng lunch? I'm sure wala ngayon sa mood na magluto si Jin hyung matapos ang mga nangyari"
At hindi nya alam...
Kung bakit...tinititigan sya ngayon ni Rapmon gamit ang makahulugan na tingin na yun.
Hindi kaya...
May alam din si Rapmon sa mga nangyayari?
Napakurap nalang sya at napatawa ng hilaw. Saka nilingon ang mga kasama.
"A-ah...oo,oo, ako na ang magluluto n-ngayon ng lunch. Jin hyung, magpahinga ka muna" ang sabi nya.
Ngumiti naman si Jin gamit ang payak na ngiting iyon. "Salamat J-hope. Totoo ang sinabi ni Rapmon. Wala talaga ako sa mood ngayon matapos ang ginawa ng batang iyon kanina sa agency. Aiissh...that kid. Nahirapan pa akong makiusap sa director na wag muna ituloy ang shooting ngayon. Aiissh..."
Ngumiti nalang ng hilaw si J-hope.
"A-ah sige hyung...magluluto na ako." Saka nya nilingon gamit ang makahulugan na tingin na yun si Rapmon. "Rapmon, pwede mo ba akong tulungan sa kusina?"
Tinignan din sya ni Rapmon gamit ang makahulugan na tingin na yun.
"Oo naman. Ako na ang maghihiwa ng mga karne" si Rapmon.
Yun lang saka sila sabay na umalis sa harapan ng mga kasama papunta sa kusina.
Nagkatinginan naman noon ang ibang members na naiwan doon.
"Anong nakain ng dalawang yun at bigla nalang sila sinipag sa pagluluto?" Si Suga.
Pero nanatili lang na nakayuko sina Jin, Jimin, at Taehyung sa tabi nya.
"Pero..." Si Jin. "Okay lang kaya si Snow? Knowing na hindi ang boyfriend nya ang nagpapadala sa kanya ng roses will be a little shocking to her."
"Oo nga..." Si Suga. "...sa pagkakakilala ko kay Snow, sigurado akong natatakot sya ngayon..."
At after marinig yun ay bigla nalang tumayo si Taehyung.
Pero agad syang hinila sa braso ni Jimin.
"Taehyung, saan ka pupunta?" Si Jimin.
Pero nilingon lang sila ni Taehyung at parang nag-iisip pa na nagsalita.
"A-ah...may bibilhin lang ako..." Taehyung said at tatanggalin na sana ang kamay ni Jimin pero mas humigpit pa ang hawak sa kanya ni Jimin.
Mukhang napansin din ng dalawang hyung nila ang nangyaring iyon. At ngayon ay natutulala ding napatitig si Taehyung kay Jimin na halatang walang balak na tanggalin ang pagkakahawak sa kanya.
"Oy Jimin, may bibilhin lang daw si Taehyung kaya pakawalan mo sya" si Suga.
"Oo nga. Sa labas lang naman sya pupunta kaya hayaan mo na sya" si Jin.
Parang natauhan namang napababa ng tingin si Jimin. Pero hindi parin nya binibitiwan ang braso ni Taehyung.
"Jimin, let me go" Taehyung said in a firm voice.
Nagtaas naman ng mukha si Jimin at tinitigan sa mga mata si Taehyung gamit ang walang emosyon na mga matang iyon.
Samantalang nagkatinginan naman sina Suga at Jin na mukhang naghihintay lang sa susunod na mangyayari.
But then...
Bigla nalang nag-pout at teary-eyed pang tumingin si Jimin kay Taehyung at nagsalita.
"Pero mami-miss kita Taehyunggiiiie~~" ang sabi nya habang naka-pout. "Wag mo akong iwan kasama ang mga palaaway na mga hyung na ito. Taehyung, don't leave me, don't leave me~~"
Ang madrama nya pang sabi.
At doon sya sinapak ni Taehyung.
"Aray! Ba't mo sinapak ang beautiful and brainy head ko?!" Ang reklamo naman ni Jimin.
"Dahil nakakadiri ka. Binitiwan mo nga ako!" Si Taehyung saka iwinaksi ang kamay nito.
"Jin hyung" si Suga. "Matagal pa ba gaganapin ang psychological test sa atin? Mukhang kailangan ng mauna ni Jimin"
"Oo nga..."si Jin. "...or better yet tumawag nalang tayo ng ambulansya ngayon. Baka may pag-asa pang maisalba ang kahit konting natitirang katinuan sa ulo nya"
Nilingon naman sila ni Jimin at kumindat. "Atleast...gwapo at macho!"
Doon na tumayo si Suga.
"Saan ka pupunta?" Si Jin.
Nilingon naman sila ni Suga. "Tatawag na ng ambulansya"
Yun lang saka sya umalis.
Tumayo rin si Jin.
"Jin hyung saan ka pupunta?" Si Jimin.
Nilingon naman sya ni Jin. "Ihahanda ko na ang mga lubid na itatali sayo mamaya bago ka dalhin sa mental hospital"
Yun lang saka ito umalis.
"Aiiissh...!" Si Jimin saka nilingon si Taehyung. "TOTOO NAMANG GWAPO AT MACHO AKO DIBA? DIBA?!"
Pero tinignan lang sya ni Taehyung gamit ang blangkong mga matang iyon bago sumigaw.
"SUGA HYUNG! MATAGAL PA BA ANG AMBULANSYA?!" Ang sigaw nya.
"Wait lang!" Si Suga na sumagot mula sa kwarto nya. "Hinahanap ko pa ang number nila!"
Napanganga naman si Jimin. "T-teka...seryoso kayo?! Dadalhin nyo talaga ako sa mental?!"
Pero tumalikod na si Taehyung at doon na nagsimulang maglakad paalis.
"Sya, aalis na ako. May bibilhin pa ako sa tindahan" ang sabi pa nya habang naglalakad paalis.
Pero...
"Taehyung..." Jimin called him.
Napatigil naman sya sa paglalakad at nilingon ito.
And in a serious tone, Jimin spoke.
"Wag kang magnanakaw sa tindahan. Mahirap na pag nahuli ka" Jimin said na nagpalaki sa mga mata nya.
Saka ito tumayo at naglakad paalis.
"O sya, tutulungan ko nalang si Jin hyung sa paghahanap ng tali na itatali nya sa akin mamaya. Ingat sa pagbili mo sa tindahan" ang hindi lumilingong sabi lang nito paalis.
Samantalang napako naman sya sa kinatatayuan nya.
Bakit nasabi yun ni Jimin?
At bakit naman sya magnanakaw sa tindahan? Para namang hindi nya kayang bumili noh?
Pero...
Nagkibit balikat nalang sya at hindi na inisip pa yun.
Saka sya lumabas sa apartment na yun.
To be continued...